Share

CHAPTER 18

Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya.

Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica.

Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica.

"Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito.

"Veron, gising…" pukaw ulit niya.

Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica.

"Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata.

"Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya."

Pagkarinig ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status