Share

VLV 4

Masigabong palakpakan ang maririnig mula sa conference room ng Saavedra's food corporation building, dahil sa announcement na inilahad ni Roseta Saavedra. Kung saan ay ganap na na isang CEO si Veronica Saavedra sa kumpanyang ito.

   Naroon lahat ng shareholders and board members.

   "We're looking forward to work with you, Young Saavedra," anang isang matandang binata na isa sa mga shareholder, na isang half Filipino-chinese.

   "Thank you Mr. Lee, I am so grateful to be a part of this company from now on." 

  "I will give all my trust to you, Anak," sabat naman ni Rosita na nakaupo sa pinakadulo ng mahabang conference table.

  "Thank you for this, Mom. I didn't expect to be honest. I was really thought that, as a president lang ang posisyon na ibibigay mo sa akin. I can't imagine na CEO pala," masiglang sabi ni Veronica.

 "I need to take a break, you know."

 Napag-usapan nga nilang mag-ina na gusto muna ni Roseta magliwaliw. Dahil anito, she's not getting any younger, noong bata kasi ito ay sa minanang kompanya ng namayapang magulang lang nakatuon lahat ng attention niya. Wala na siyang halos time sa sarili dahil naka-focus siya on how to handle the company successfully. 

  At ngayon raw na may mapagkakatiwalaan na siya, ay kailangan muna niyang bigyan naman ng panahon ang sarili. Na sinang-ayunan naman agad ni Veronica. 

  "My secretary is yours now, dear," segunda nito.

  Tumango lang si Veronica bilang sagot na may malapad na ngiti sa mga labi. At ngayong araw ring ito ang umpisa niya sa company.  

Na agad may nakatambak na na paper works sa kaniyang executive office.

   At matapos nga ang meeting ay agad nang sinimulan ni Veronica na permahan at e-review ang mga documents kasama ang kaniyang secretary, hindi pa nga niya nagawang magpakilala sa mga office stop nila. Aniya may panahon para d'yan, sa ngayon ang aaseksuhin na muna niya ang tambak na gawain. Kailangan niya ring e-familiarize ang mga do's and don't s sa kompanya.

  "Ah, Ma'am, I just want to remind you po na may meeting po pala kayo mamaya at exactly two in the afternoon po," balita sa kan'ya ng secretary niya na si Leah.

    Halos magka-edad lang sila ni Leah, maganda ito pero nakatago nga lang sa malaking salamin nito sa mata.  At sa makapal na kilay at kulot na buhok. Pero kahit na gano'n ay magandang magtrabaho si Leah, at matalino ito, ito ang nagtuturo sa kaniya sa mga gagawin niya at siyempre tumutulong na rin sa kaniya.

   Napataas ng mukha si Veronica ng marinig ang sinabi ng secretary.

"Saan?" tanong nito sa sekretarya.

 "Sa MGC po." 

  She raised her one brow as she heard her secretary. "MGC?" 

  Hindi niya alam ang MGC na tinutukoy ng secretary. 

 "Madrigal Group of Company po. Isa po ang mommy niyo sa investor ng company na iyon, at bilang kayo na po ang pumalit sa kaniya, you're also responsible for the meetings or gathering na involve po ang mother ninyo," pahayag  nito. 

   Mas lalo lang lumalim ang gitla sa noo ni Veronica ng marinig niya ang apelyidong Madrigal.

   "Pag-aari 'yan ni Rafael Madrigal, right?" 

   "Exactly, Maam." 

  Napangisi si Veronica sa narinig, talagang umaayon sa paghihiganteng hangad niya ang tadhana.

  Tumango lang siya bilang sagot sa kaniyang secretary, at binalik na ang tingin niya sa mga papel.

  Pagsapit ng alas dos ay naroon na sa mismong building ng MCG sina Veronica at ang sekretarya niyang si Leah.

    Pumasok na sila sa elevator upang tunguhin ang conference room ng MCG. Papasara na ang elevator ng may isang kamay na pumigil rito, kaya napatitig si Veronica sa kamay na iyon saka hinintay ang taong papasok. 

    Nang lumuwang ang bukas ng elevator ay namukhaan niya agad ang nakangiting mukha ng lalaki. Pinagmasdan niya itong pumasok ng tuluyan. As usual, kahit anong suotin nito ay guwapo pa rin ito, lalo na sa suot nito ngayong kulay royal blue na long sleeve polo na pinaresan ng strip black and blue na necktie at naka-tuck-in iyon sa suot niyang gray na trouser. 

  Nakataas ang manggas ng polo nito hanggang siko, at may bitbit itong coat na kulay gray.

    Nakangiti pa ito habang nakatingin si kaniya, saka tumabi kay Veronica.

 Amoy na amoy pa niya ang pabango nitong nanunuot sa kaniyang ilong.

  "Miss Veronica, right?" anito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

  Tumango naman si Veronica saka ngumiti na rin.

  "Mr. Young Madrigal, happy to see you again," bati niya rito. "I'm glad you still remember me."

 Nagsimula ng umandar paitaas ang elevator. 

   "Sino namang tao ang makakalimot sa ganda mong napaka-rare," he said with a smile.

    "May point ka naman," she said while shrugging her shoulders.

    Nagkatawanan silang dalawa and after those conversations nobody said a word, until bumukas na ang elevator sa floor na pareho nilang destination.

   

     Pareho rin silang papunta sa conference room. 

   Pagdating niya ay hindi niya naiwasan ang mga matang mapagtanong sa room na iyon ng buksan niya ito. Sa tingin niya sila na lang ang hinihintay dahil halos mapuno na ang upuan ng conference room. Hindi na nga niya alam kung saan siya uupo.

  "Come sit beside me," yaya sa kaniya ni Vince.

   May nakalaang upuan na para kay Vince sa tabi ng ama nito sa dulo ng mahaba at hugis letter U na mesa. Sakto namang may bakanteng upuan sa tabi nito 

  Tumango naman  siya bilang pagsang-ayon. Umupo na sila roon habang ang secretary niya ay nasa likuran lang niya at nakaupo sa plastic na upuan.

    Hindi makatakas sa kaniyang pandama ang mga nanunusok na titig ni Rafael.

   "Miss Veronica, it's good to see you here." Masiglang saad ni Rafael kaya napatingin siya rito.

  "I was surprised rin, Pa nang makita ko siya sa elevator," anang Vince naman.

  "Mom, didn't tell you?" 

  Umiling ang mag-ama.

  "Si Maam Veronica na  po ang bagong CEO ng SFC." Ang secretary na niya ang sumagot.

 Tumango naman si Veronica, para makumpirma ng naroon na tama ang sinasabi nito.

  "That's great." Napapalakpak pa si Rafael ng sabihin iyon.

  "Congratulations," bati ni Vince. 

  "Ikaw ba iyong 'ampon' ni Roseta, iha?" tanong ng isang babae na nasa harap niya. Napataas ng kilay si Veronica ng padiin nitong sabihin ang salitang 'ampon'. 

 Tinitigan niya ito, sophisticated itong tingnan. Mukha pa lang mata pobre na. Napa-smirk siya, mukhang may kalaban na siya sa first day niya sa trabaho.

 "Yes, I am." Taas noo niyang sagot rito.

 Nakita niya ang nakaka-insultong ngiti ng babae na sa tantiya niya ay nasa kuwarenta anyos na ito, pero mariin lang niya itong tinitigan. Hindi niya gusto ang paraan ng pagngisi nito, nakakainsulto. Mga tingin pa lang nito animo tinatapakan na ang pagkatao niya.

 "May ampon pala si Roseta?" 

 "Maganda siya huh?" 

 "Sana maganda rin ang utak, sayang ang pinaghirapan ni Roseta kung mahina."

Narinig niyang bulungan ng mga naroon. Pero hindi niya ito pinansin at pinili na manahimik pero nakatitig lang siya sa babae na kaharap niya. 

    Kulot ang hanggang balikat na buhok nito, makapal ang make up, mukhang pati masamang ugali naitago ng make up. Pero sa mga mata nito litaw ang kaitiman ng budhi. May mga suot rin itong gold accessories. 

   Biglang dumukwang ang secretary niya at may binulong rito.

  "Pinsan po siya ng mommy niyo. May alitan ang dalawang iyan. Inggit ang dahilan." 

 "Sinong inggit?" pabulong rin niyang tanong.

 

  "Si Mrs. Chaves." Referring to the woman in front of her.

    Napataas siya ng isang kilay at napa-smirk, habang nakikipagtagisan ng titig kay Mrs. Chaves, na hindi naman inurungan ng ginang.

   Hindi na niya papatulan ang babaeng iyon. Ang inggitera hindi pinapatulan, bagkos mas lalong iniinggit. Hanggang sa mamatay sa inggit.

  "We're not here to talk about the personal life of one of our biggest investors, we're here to report to all of you our monthly income, and new engagement." 

Putol ni Rafael sa mga bulong-bulungan sa paligid. 

   Sa gilid naman ng mga mata ni Veronica ay nakita niya ang patango-tango na si Vince. 

  Napatingin naman siya kay Rafael na may makahulugang ngiti. Ginantihan niya ito ng matamis at nakakatunaw na ngiti, mukhang tumalab naman iyon sa matanda dahil mas lalong lumapad ang ngiti nito.

    Nagsimula na ang pinunta niya roon, si Vince ang nag-report. Habang nagsasalita ito ay hindi siya nakafucos sa mga sinasabi nito kun'di sa kabuuan nito. 

 Minsan pang kung tumingin ito sa kaniya at nginingitian niya kaya napapangiti rin ito. 

Mukhang madali lang makuha ang isang ito. Sa isipan ni Veronica. 

  Matapos ang meeting ay nauna nang lumabas si Veronica dahil siya naman ang nasa malapit sa pinto

    "Hindi na ba kaya ni Roseta na pamahalaan ang kompanya niya? At pinaubaya na niya ito sa kaniyang 'ampon' na hindi ko alam kung makakapagkatiwalaan. Hindi na talaga nag-iisip ng maayos si Roseta. Basura rin naman kasi mag-isip ang isang iyon…" 

 Napahinto si Veronica sa paglalakad ng marinig niya ang nagsalita 'di kalayuan sa likuran niya. Si Mrs Chaves na naman.

 Kakalabas lang niya ng pintuan kaya hindi pa siya nakalalayo.

 Humarap siya rito at hinayaan munang makalabas ang iba pang tao para sagutin si Mrs. Chaves.

Hanggang sa wala na nga siyang nakitang lumabas. Nangako siyang hahayaan niya ito, pero masyado ng pakialamera ang isang ito, kaya hindi na siya makapagtimpi.

At isa pa, ayos lang kung siya ang tapakan at laitin nito, pero kung pati ang itinuturing niyang tunay na ina at nag-iisang pamilya ang mariringgan niya ng kung anong salita ay hindi na niya magagawa pang manahimik na lang.

   May kasama itong dalawa pang babae, pinagitnaan siya ng mga ito. Mga matatandang kontrabida! 

    "Anong pinuputok ng buchi mo na kanina pa Mrs Chaves?" Hindi na niya mapigilan ang kanina pa pinipigilan na inis.

Lalo na ng idiin ulit nito ang pagkakasabi ng ampon kanina. Madilim ang mga titig niya na ipinukol sa mga ito.

   "Wala naman nagtataka lang ako," sagot nito.

   Napa-smirk sa Veronica saka bumuga ng hangin.

   "What a totally 'jerk'!" aniya na diniinan rin ang huling sinabi. 

  "What did you say?" Mukhang napikon niya ang babae, dahil lumaki na ang butas ng matangos na ilong nito.

 Lumapit si Veronica rito.

"I know you heard me clearly. I don't like repeating myself. Don't miss up with me, Mrs. Chaves." Mariin niyang sabi na kinasinghap ng ginang, saka tumalikod para sana umalis na. Pero napatigil siya ng muli itong nagsalita.

  "Hindi na pala ako dapat magtaka kung bakit ganiyan kabastos ang ugali mo dahil masama talaga ang amoy ng galing sa basura."

 Gigil na muling hinarap ni Veronica ang babae, saka tinignan niya ang ginang mula ulo hanggang paa.

 Nang bumalik ang tingin niya sa mukha nito ay nakita niya ang gumuhit na inis sa mukha ng ginang. Mukhang na insulto ito sa ginawa ni Veronica.

   "Anong tawag mo sa ugali mo Mrs. Chaves? Your messing up with someone, na wala namang ginagawa sa'yo. Talaga bang nilamon ka na ng inggit mo?" Pasimpleng saad ni Veronica pero may kahulugan bawat katagang binibitawan niya. "Hindi ka nga galing sa basura pero masangsang pa ang amoy mo sa maputik na kanal!" Mahabol pa niya na kinaalburuto ni Mrs Chaves.

   Isang malakas at malutong na sampal ang natanggap ni Veronica mula kay Mrs Chaves na kinabaling ng mukha niya sa kabilang bahagi, mukhang nasagi niya ang ego ng bruha.

 "M-maam Veronica," bulalas ng sekretarya ng masaksihan ang ginawa ng ginang sa kaniyang bagong amo.

   Napa-smirk pa siya dahil sa lakas ng sampal ng babae sa kan'ya na kinainit ng mukha niya. Alam niyang namumula na ito sa mga sandaling iyon.

  Mariin niyang ibinalik ang tingin kay Mrs. Chaves, nanggigil na siya sa babaeng ito.

Gustong-gusto na niya itong sabunutan pero hindi naman siya gano'n ka skandalusa at kaya pa naman niyang pigilan ang mga kamay na nangangati nang sabunutan ito.

  Nakikita niya ang alanganing tingin ni Mrs Chaves na animo natakot sa mga titig niya.

  "Masyadong magaspang ang kamay mo Mrs Chaves kasing gaspang ng ugali mo." 

 "Aba't…" nanlalaki ang mga mata ni Mrs Chaves dahil sa narinig at akma na nitong itataas ang kamay para muling sampalin si Veronica.

 Pero bago pa man ito dumapo sa mukha ni Veronica ay may isang kamay ang humawak sa braso ng ginang na ginasinghap nito dahil sa gulat.

 "Enough, Mrs. Chaves, don't make a scene here. Kun'di may kalalagyan ka." Narinig nilang sabi ni Rafael. 

  Pero si Vince ang humawak sa braso ni Mrs Chaves.

 Kitang-kita naman sa mukha ni Mrs. Chaves ang takot nito kay Rafael kaya kusa na rin niyang binaba ang kamay kahit na hawak pa rin ito ni Vince, nang makababa ito ay saka lang nilayo ni Vince ang kamay niya mula rito.

 

  Napatitig si Veronica sa mag-ama saka nginitian niya ang mga ito.

 "Are you okay Miss Veronica?" tanong ni Mr. Old Madrigal? 

   Nakangiti namang tumango si Veronica rito, kahit ang totoo ay ramdam na ramdam na niya ang pamamanhid ng kabilang pisngi niyang sinampal ni Mrs Chaves. 

 "Yes I am, excuse as Mr. Rafael and Mr. Vince, we have a  lot of things to do." Mula sa mag-amang Madrigal ay bumaling ang tingin niya kay Mrs Chaves. "My time is precious to be wasted by this unimportant person," aniya na si Mrs Chaves ang pinupukol.

   "We're so sorry about her behavior, you may go," anang Rafael. 

  Bago tumalikod ay binigyan niya muna ng isang makahulugang ngiti si Rafael na kinalunok ng matanda saka tumango

  "Pasensya ka na sa tiyahin mo Maam, gano'n talaga iyon kahit sa Kay Miss Roseta, ganiyan din siya. Hindi nga lang pinapatulan ni Maam," anang kaniyang secretary habang tinutungo ang elevator. 

 Napahawal si Veronica sa namamagang pisngi niya.

  "I think nagkamali siya ng binangga. I want her to pay for what she has done to my face." 

Huminto sila sa harap ng elevator. Matapos pindutin ni Leah ang open button ay nanatili pa rin silang nakatayo habang hinihintay ang pag bukas niyon.

   Napatingin naman si Leah kay Veronica, natutop pa niya ang bibig ng makita ang mapulang pisngi ng dalaga.

   "Ma'am, naghugis kamay nga po ang pamumula ng pisngi  niyo, mukhang malakas nga ang pagkakasampal sa inyo ng bruhang iyon." 

  Napatingin si Veronica sa secretary ng marinig ang sinabi nito.

 "Really? I…" 

Napatigil sa pagsasalita so Veronica ng bumukas ang elevator at naagaw ang attention niya ng babaeng lulan ng elevator. 

   Nakataas ang isang kilay ng babae ng makilala siya. She know this lady.

 

  

TO BE CONTINUED…

 

   

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status