Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica. Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica. "Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito. "Veron, gising…" pukaw ulit niya. Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica. "Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata. "Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya." Pagkarinig ni
"V-Veronica…" "V-Vince!" Sigaw ni Veronica ng makita ang dugo sa dibdib ni Vince na tinagusan ng bala mula sa likod nito. Nanginginig ang mga kamay niya na kinapa ang naghugis tatlong bilog na dugo at unti-unting kumalat iyon sa damit niya. Animo bumagal ang takbo ng oras niya dahil sa nakikita. Lumakas rin ang tibok ng puso niya na halos ikabingi na niya ang lakas niyon. "N-no, no…" Napapaiyak na si Veronica dahil sa nakikita niya. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Vince sa kan'ya. Nanatili pa ring nakatayo si Vince sa harap niya, nagsilabasan na rin ang dugo nito sa bibig. Itinaas ni Vince ang kan'yang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Veronica. "K-kahit anong gawin mong kasalanan, Mahal pa rin kita," anang Vince. "Vince," napakagat labi si Veronica dahil sa narinig niya kaya niyakap niya si Vince, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Vince. Napaupo na siya habang yakap pa rin ang duguang lalaki. "No!" Sigaw niya. "Itaas mo a
Pagdating nila sa kuwartomg kinalalagyan ni Vince ay agad sumalubong sa kanila ang malamig na paligid. Tanaw ni Veronica ang nag-iisang bangkay roon na natatabunan ng puting kumot. Dahan-dahang humakbang si Veronica at bawat hakbang niya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya na halos hindi na niya kaya pang humakbang. Nanghihina ang bawat ugat niya sa katawan, nanginginig ang mga kamay niya ng dalhin niya iyon sa labi niya. Dahan-dahang binaba ni Veronica ang kumot nito at nakita niya ang namumutlang mukha ni Vince. Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang walang buhay na si Vince. Buti na lang at naalalayan siya ni Rosita na nakasunod lang pala sa kaniya. "Mommy, s-si Vince." "Alam mo, Anak alam ko," anang Rosita habang hinihimas ang likod ng anak. Nanginginig ang kamay ni Veronica ng haplusin niya ang malamig na mukha ni Vince. "Vince," tawag niya rito saka tinapik ang pisngi nito. "Gumising ka, kailangan kita Vince. Kailangan ko pang pagbayaran ang kasalana
7 months Later Nakatingin lang si Veronica sa mga punong kahoy sa harap ng veranda ng mansion ng Saadvedra. Habang hinihimas ang maumbok na tiyan niya, ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Nagbunga ang matamis na pag-iibigan na pinagsaluhan nila ni Vince. Isang buwan simula ng ilibing si Vince ay nalaman niyang nagdadalang tao siya. Kaya naisip niyang ipagpatuloy ang buhay at magpatawad. Naisip niyang tama si Rosita na hindi maitatama ang isang kamalian sa isa pang pang kamalian. At hindi sagot ang paghihigante para pagbayarin ang may kasalanan, dahil hindi natutulog ang diyos. Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti, bagkos ay nagpapalala lang ito ng sitwasyon at nag-uudyok sa 'yo para mahulog ka sa isang kasalanan. "Anak," tawag ni Rosita kay Veronica kaya naman napalingon si Veronica. "Oh, umiiyak ka na naman masama iyan sa baby mo, ikaw talaga." Ngumiti si Veronica ."May naalala lang ako, Mommy," she said. "Oh, siya halikana at naghihi
Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Veronica, nanginginig ang mga labi niya habang nakatunghay sa nanay niyang halos gapangin na ang papasok sa pintuan nila. Gusto niyang daluhan ang ina, pero sadyang namimigat ang mga paa niya dahil hindi siya makagalaw.Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang nanay niya ay halos nakapikit na dahil sa pamamaga ng mga mata nitong may pasa. Halos madurog ang puso niya sa nakikitang paghihirap ng ina.“A-anak...” hirap na sabi ni Aling Magda. Noon lang rin nagawang igalaw ni Veronica ang mga paa niya, paluhod na dinaluhan niya ang inang nakaluhod sa sahig.“‘N-nay, a-ano 'to? A-anong nangyari?” Hindi na mapigilan ang pag-agos ng luha ni Veronica.Dumudugo ang ilong ng nanay Magda niya, maraming pasa ang mga balikat nito. Dumudugo na rin ang pumutok nitong labi.Dahan-dahan niyang inilapit ang nanginginig niyang kamay at hinaplos ang mukha at ang braso ng nanay niya. Nagdadalawang isip pa siya nang haplusin niya ang braso nito dahil baka masaktan
"Yes, Mom. Ok sige, see yahh," matapos sabihin ang mga katagang iyon ay binaba na ni Veronica ang cellphone na hawak niya, saka ibinalik sa handbag niya. Hinawakan na rin niya ang handle ng trolley bag niya saka hinila iyon. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa airport. Ang tumawag rin sa kanya kanina ay ang ina-inahan niya na si Rosita. Habang humahakbang si Veronica ay sumasabay ang indayog ng balakang niya. Kapansin-pansin rin ang mapuputi nitong mga binti na lantad dahil sa soot niyang red bodycon dress na hanggang kalahating hita lang ang haba. Hapit na hapit ang suot nito sa kanyang balingkitang katawan. Nasa kanya na rin ang attention ng lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na nasa paligid at mga kasabay niyang pasahero. Hindi maipagkakaila ang takaw attention na kagandahan ni Veronica. Hindi lang katawan nito ang maganda kun'di pati na rin ang mukha niya at bumagay ang mahaba at animo telephone wire na kulot na buhok nito. Minsan pa siyang nataw
"Veron, a-attend ka ba ng party?" tanong ni Rosita ng hapong iyon. Kasalukuyang nagkakape si Veronica sa veranda ng mansion ng maabutan ng mommy niya. Nilingon niya ito, saka tumitig ng mataman. Bumuntonghininga si Rosita dahil sa titig ni Veronica. "I'm sorry, I understand kung hindi ka sasama sa akin…" "No," putol ni Veronica sa iba pa sanang sasabihin ni Rosita. "Sasama ako, Mommy." Ngumiti siya rito. "Sigurado ka ba, iha?" tanong ni Rosita sa nag-aalalang boses. Nilagay ni Veronica ang tasa na may lamang kape sa maliit at pabilog na mesita roon. Saka hinawakan ang dalawang kamay ng ina-inahan nito, at ngumiti sabay tango. "Of course, Mommy. Kaya lets go, mag prepare na tayo at baka ma late tayo. It's already 3pm," aniya sa masiglang boses. Ayaw niyang ipakita rito ang sakit na bumalatay sa puso niya sa tuwing naiisip ang pangalan ni Rafael Madrigal. Ayaw niyang ipahalata sa ina-inahan na may binabalak siya. Ayaw niyang mag-alala ito, at mas lalong ayaw niy
Napahinto si Veronica ng makalabas siya sa mansion ng mga Madrigal. Nakatingin siya ng mariin kay Rafael Madrigal na masayang nagkukuwentuhan sa mga kasamahan nito sa mesa. May babae ring panay himas sa balikat nito. Nagsimulang lumakad si Veronica pabalik sa mesa nila, habang hindi pa rin naaalis ang titig kay don Rafael Madrigal. Ipinagdarasal niya na sana lumingin ito sa kanya. Kaya naman sumungaw ang matamis na ngiti niya sa labi ng animo na hypnotized niya ang birthday celebrant, dahil habang nakikipag tawanan ito sa mga kausap ay unti-unting lumingon sa gawi niya ang 'di masyadong katandaang mukha ng lalaki. Nasa singkuwenta'y otso anyos na ito pero hindi halata sa mukha. Well, gano'n talaga 'pag mayaman, they can hide their oldness through medication. Malakas rin ang sex appeal ng matanda, kitang kita pa rin ang ka guwapuhan nito pero nasusuka pa rin si Veronica sa tuwing naaalala niya ito sa Comfort room dati, at mas lalo lang siyang namuhi dito dahil sa ginawa nit