Share

Their Obsession (Book 1 and 2)
Their Obsession (Book 1 and 2)
Author: Ajai_Kim

THEIR OBSESSION BOOK 1:

"A-Allison?" Gulat na gulat na banggit ni Kenneth habang nakatingin sa akin.

Kahit nerd siya at medyo weird ang pananamit ay hindi iyon naging dahilan para hindi ako magka crush sa kanya. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa itsura niya kundi nagustuhan ko siya dahil isa siyang mabuting tao at siya rin ang nagligtas sa akin noong muntik na akong mabangga ng bisikleta sa daan noong bata palang ako.

Ngumiti naman ako sa kanya at iniabot ang kamay ko. Napagtripan na naman kasi siyang i-bully ng hambog at mayabang na manliligaw kong si CJ kaya tinutulungan ko siyang makatayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig.

Kinuha ni Kenneth ang kamay ko at pagkatapos na makatayo siya ay napayuko ito.

"S-Salamat." Nahihiya niyang sabi.

Napailing nalang ako at humalukipkip. "Papayag ka bang api-apihin nalang palagi ng grupo nila CJ? Kapag hindi pa talaga siya tumigil sa pambubully sa'yo ay malilintikan na talaga siya sa akin." May diin kong sabi.

Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Napahinto naman ako dahil tila nasilaw ako sa mga ngiti niya. Siguro hindi napapansin ng iba na gwapo si Kenneth dahil natatakpan ng makakapal na salamin ang mga mata niya at mahahaba rin ang damit na suot nito pero maputi ito, matangos ang ilong, may makakapal na kilay at matangkad rin. Ako lang talaga siguro ang nakaka appreciate ng itsura niya dahil may crush ako sa kanya.

"Hayaan mo na. Sanay na akong palaging binubully nila CJ. Salamat dahil palagi mo akong pinagtatanggol sa kanya, Allison. Utang na loob ko sa'yo 'to." Nakatitig niyang sabi sa akin.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay medyo nailang ako sa kanya at tila para bang ayaw kong titigan ang mga mata niyang may kung anong emosyon ang nandoon. Tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Wala 'yon. A-ayaw ko lang na may naaapi sa school na 'to." Sabi ko nalang.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla siyang yumakap sa akin at may ibinulong.

"Simula ngayon, hinding-hindi na ako magpapaapi sa kanila at hindi ko na rin hahayaang mawala ang nag-iisang taong nagmamalasakit sa akin."

His voice shivers down to my spine.

---

WARNING: Some chapters of this story are rated SPG, which is not suitable for those who are closed-minded, sensitive, or disgusted by sexual content. This is a New Adult/Dark Romance story with a Reverse-harem twist.

2ND WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I'm not a professional writer so please bear with me. This is unedited so expect the errors. I'll edit this if I have time.

Please like my F******k page:

"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © by Ajai_Kim

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
eysel
hi kenneth 🫣...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status