Share

Chapter 5

THIRD PERSON'S POV

Nang magbreak time ay nakaabang na sila CJ kasama ang kanyang mga kaibigang sina Laurence at Gene sa labas ng classroom nila Kenneth. Gusto ulit makaganti ni CJ dahil sa hindi pa rin nito pag-iwas kay Allison. Sobrang laki ng galit niya kay Kenneth marahil na rin sa inggit at selos sa puso niya dahil alam niyang may gusto si Allison dito.

Wala nang katao-tao sa loob ng classroom nila Kenneth at siya nalang ang natitirang estudyante doon dahilan para lumawak pa lalo ang ngisi ni CJ. Wala kasing ibang makakakita sa gagawin nila sa binata. Pagkalabas ni Kenneth sa classroom nila ay kaagad lumapit sina Laurence at Gene sa kanya at ibinuhos ng dalawa ang hawak nilang timba na may lamang tubig sa ulunan ni Kenneth. Nagulat si Kenneth sa ginawa nila at ngayon ay basang-basa na ang buong katawan niya.

Tinawanan naman siya ni CJ saka ito lumapit sa kanya at kwinelyuhan siya.

"Nakaligo kana rin sa wakas panget na nerd. Anong feeling na kahit papaano ay naramdaman mo ang tubig diyan sa katawan mo? Hindi ka naman naliligo, 'di ba? Kaya umaalingasaw ang baho mo, e!" Pang iinsulto pa ni CJ.

Wala namang magawa si Kenneth kundi yumuko nalang at tanggapin ang paulit-ulit na panlalait at pang-iinsulto sa kanya ni CJ. Wala namang nagbago dahil simula noong bata palang siya ay nasanay na siyang maliitin ng lahat maging pati na rin ang mga magulang niya at kapatid niyang si Kendrick. Ikinakahiya siya ng mga ito dahil sa pamilya nila ay siya lang itong pangit at nerd sa kanila. Hindi kasi siya palaayos at mapormang tao hindi katulad ng kapatid niyang si Kendrick na gwapo at habulin pa ng mga babae. Ang mahalaga lang kasi sa kanya ay ang makatapos siya ng pag-aaral para kahit papaano ay ipagmalaki siya ng mga magulang niya.

"Ganyan ka ba talaga kaduwag at ni ayaw mong magsalita o depensahan ang sarili mo sa akin? Alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa, 'di ba? Ang sa akin lang ay layuan mo na si Allison pero hindi mo pa magawa dahil kinakalaban mo ako!" Nakatitig ng masama na sabi ni CJ sa kanya.

Ang layuan si Allison? Tama si CJ, hindi niya iyon magagawa dahil si Allison lang ang kaisa-isang tao na tumanggap ng pagkatao niya o sa kung anuman siya. Maisip palang niya na layuan ito ay parang madudurog na ang puso niya sa kalungkutan. Hindi man niya maamin kay Allison pero mahal na niya ang dalaga. Tinatago lang niya ang kanyang nararamdaman dahil baka mas lalo pang magalit at magwala si CJ dahil do'n. Ayaw lang niyang mag-away sina Allison at CJ nang dahil sa kanya.

Umiling lang si Kenneth dahil sa sinabi ni CJ. "H-hindi ko 'yon magagawa. Kaibigan ko si Allison at hindi ko siya kayang layuan." Mahinang sabi niya.

Tila nagpantig naman ang tenga ni CJ sa sinabi ni Kenneth at naging madilim na ang ekspresyon ng mukha nito. Kaagad niyang sinuntok si Kenneth sa mukha at itinulak dahilan para mapaupo ang binata sa sahig.

"Anong sabi mo? Hindi mo kayang layuan si Allison? Hindi ba't sinabi ko na sa'yong sa akin lang siya? Fiance ko siya at wala kang karapatang kausapin o lapitan pa siya!" Sigaw ni CJ habang dinuduro si Kenneth.

Sa unang pagkakataon ay kitang-kita nila CJ maging pati na rin ng mga kaibigan nitong sina Laurence at Gene ang pagngisi ni Kenneth na tila para bang natutuwa pa sa sinabi niya. Simula noong mga first year college palang sila sa St. Claire ay palagi na nilang binubully si Kenneth at hindi ito nagpapakita nang kahit anong ekspresyon para matakot o magalit sa kanila pero ngayon ay iba na. Para bang handa na nitong depensahan ang sarili laban sa kanila.

"Bakit CJ, hindi ka ba makapaniwala na sa lahat ng lalakeng lalapitan o kakausapin ni Allison ay sa akin pa na nerd at lampa na palagi niyong pinagtitripan at binubully? Hindi mo ba matanggap na kahit gwapo ka pa o sikat sa school na 'to ay sa akin pa rin siya lapit ng lapit? Natapakan ba niya ang pinakaiingatan mong pride?" Nakangising sabi ni Kenneth habang pinupunasan nito ang labi niyang nagdurugo dahil sa pagsuntok sa kanya ni CJ.

Gulat na gulat at nakaawang na halos ang mga bibig nina Laurence at Gene dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sagutin ni Kenneth si CJ ng ganon. Hindi sila makapaniwala na ngayon ay dinepensahan na ni Kenneth ang sarili niya.

Dahil sa galit ni CJ sa sinabi ni Kenneth ay muli niyang kwinelyuhan ito at tinitigan ng masama. "Aba, lumalaban kana ngayon sa akin, ha? Bakit, ang akala mo ba ay makukuha mo si Allison sa akin ng basta-basta? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo nerd! Napakapangit at baduy mo para maging kayo!" Tumatawang sabi ni CJ na ikinatawa rin nina Laurence at Gene.

Mas lumawak naman ang ngisi ni Kenneth. "Si Allison ang pinag-uusapan natin ngayon dito, CJ. Wala siyang pakialam sa itsura o estado ng isang tao kaya nga nakita mo namang palagi niya akong nilalapitan at kinakausap. Nakakatuwa lang na ako ang kinatatakutan mo na baka maagaw ko pa sa'yo si Allison."

Hindi rin makapaniwala si Kenneth na ngayon ay kaya na niyang labanan at sagutin si CJ. Parang nagiging katulad niya na rin ang panganay niyang kapatid na si Kendrick na katulad rin ni CJ ay bully ito at mahilig manakit ng isang tao. Sobrang nalimitahan na ang pasensya niya at napagtanto niyang magkatulad lang talaga sila ng kapatid niya.

Alam ni Kenneth sa sarili niya na hindi siya basta-basta. Sadyang mahaba lang ang pasensya at pang-unawa niya pero ngayon ay sobrang nasagad na siya at hindi na niya kaya pang maliitin o insultuhin siya ni CJ lalong-lalo na sabihin nitong layuan na niya ang nag-iisang kaibigan niyang si Allison.

"You're competing with me right now, huh?" Hindi na nakapagpigil pa si CJ at muli niyang sinuntok sa mukha si Kenneth. Hindi lumaban si Kenneth ngunit hindi pa rin mawawala ang ngisi sa labi nito.

"Valderrama!"

Nang makita nila CJ kung sino ang tumawag ng apelyido niya ay nakita niya ang terror Prof niyang si Mr. Gonzales na papalapit na sa kinaroroonan nila. Kaagad namang lumayo sila CJ kay Kenneth at mabilis na tumakbo papaalis habang nakasunod sa kanya sina Laurence at Gene.

Napailing nalang si Mr. Gonzales nang makalapit na siya sa pwesto ni Kenneth. "Defend yourself, Mr. Natividad. Hindi habang buhay ay kailangan kana lang palaging maliitin o insultuhin ng ibang tao."

Ayon lang ang sinabi nito at pagkatapos ay naglakad na ito papaalis. Napaisip naman si Kenneth sa sinabi ni Prof Gonzales. Tama ito, simula ngayon ay kailangan na niyang ipagtanggol ang sarili niya laban sa mga taong sinasaktan at inaapi siya. Hindi habang buhay ay kakayan-kayanin lang siyang maliitin o insultihin ng ibang tao lalong-lalo na nila CJ.

Habang inaayos ni Kenneth ang suot niyang salamin at nabasa niyang damit ay nakita niyang naglalakad papalapit sa kanya si Allison.

ALLISON'S POV

Dahil break time ngayon ay napagpasyahan kong puntahan si Kenneth mula sa classroom nila. Umuwi na si Hannah ng maaga dahil naglabor daw ang mama nito mula sa panganganak at walang ibang magbabantay dito kundi siya lang habang si Paula naman ay kadate ngayon 'yung boyfriend niya sa kabilang department. Alam kong walang kasama si Kenneth ngayon at palagi naman 'yung nag-iisa kaya napagpasyahan kong yayain siyang kumain sa Cafeteria kasama ako.

Nang makarating na ako sa classroom nila ay nagulat nalang ako nang maabutan ko si Kenneth na nakaupo sa sahig at basang-basa ng tubig ang buong katawan nito. Napailing nalang ako dahil mukhang alam ko na kung sino ang gumawa nun sa kanya.

It's none other than CJ and his friends.

Lumapit naman ako sa kanya.

"A-Allison?" Gulat na gulat na banggit ni Kenneth habang nakatingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at iniabot ang kamay ko.  Kinuha ni Kenneth ang kamay ko at pagkatapos na makatayo siya ay napayuko ito.

"S-Salamat." Nahihiya niyang sabi.

Napailing nalang ako at humalukipkip. "Papayag ka bang api-apihin nalang palagi ng grupo nila CJ? Kapag hindi pa talaga siya tumigil sa pambubully sa'yo ay malilintikan na talaga siya sa akin." May diin kong sabi.

Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Napahinto naman ako dahil tila nasilaw ako sa mga ngiti niya. Siguro hindi napapansin ng iba na gwapo si Kenneth dahil natatakpan ng makakapal na salamin ang mga mata niya at mahahaba rin ang damit na suot nito pero maputi ito, matangos ang ilong, may makakapal na kilay at matangkad rin. Ako lang talaga siguro ang nakaka appreciate ng itsura niya dahil may crush ako sa kanya.

"Hayaan mo na. Sanay na akong palaging binubully nila CJ. Salamat dahil palagi mo akong pinagtatanggol sa kanya, Allison. Utang na loob ko sa'yo 'to." Nakatitig niyang sabi sa akin.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay medyo nailang ako sa kanya at tila para bang ayaw kong titigan ang mga mata niyang may kung anong emosyon ang nandoon. Tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Wala 'yon. A-ayaw ko lang na may naaapi sa school na 'to." Sabi ko nalang.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla siyang yumakap sa akin at may ibinulong.

"Simula ngayon, hinding-hindi na ako magpapaapi sa kanila at hindi ko na rin hahayaang mawala ang nag-iisang taong nagmamalasakit sa akin."

Hindi ko maintindihan pero bigla nalang nangilabot ang buong katawan ko sa sinabi niya pero hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin bagkus ay ngumiti nalang ako ng pilit at hinarap siya.

"W-Walang anuman. Basang-basa ka na. Tara at tutulungan kitang makapagpalit ng damit." Sabi ko at kumalas na mula sa pagkakayakap niya.

Tinitigan naman niya ako at ngumiti pagkatapos.

Bakit parang may kakaiba dito ngayon kay Kenneth o paranoid lang talaga ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status