Jaden's POV
Lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding handsTrinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una
"A-Allison?" Gulat na gulat na banggit ni Kenneth habang nakatingin sa akin.Kahit nerd siya at medyo weird ang pananamit ay hindi iyon naging dahilan para hindi ako magka crush sa kanya. Nagustuhan ko siya hindi dahil sa itsura niya kundi nagustuhan ko siya dahil isa siyang mabuting tao at siya rin ang nagligtas sa akin noong muntik na akong mabangga ng bisikleta sa daan noong bata palang ako.Ngumiti naman ako sa kanya at iniabot ang kamay ko. Napagtripan na naman kasi siyang i-bully ng hambog at mayabang na manliligaw kong si CJ kaya tinutulungan ko siyang makatayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig.Kinuha ni Kenneth ang kamay ko at pagkatapos na makatayo siya ay napayuko ito."S-Salamat." Nahihiya niyang sabi.Napailing nalang ako at humalukipkip. "Papayag ka bang api-apihin nalang palagi ng grupo nila CJ? Kapag hindi pa talaga siya tumigil sa pambubully sa'yo ay malilintikan na talaga siya sa akin." May diin kong sabi.Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Napahinto naman ako dahi
ALLISON'S POV"Allison, gumising ka na nga! Nandiyan si CJ sa baba. Kapag sinungitan mo na naman at pinaalis si CJ dito sa bahay natin ay malalagot ka talaga sa amin ni Mama." Niyugyog ako sa balikat ng nakatatandang kapatid ko na si Kuya Robin para magising ako mula sa pagkakatulog ko.Inis naman akong bumangon at napaupo sa kama ko saka siya hinarap."Pwede ba, kuya? Hindi ko nga gusto si CJ. Napakasama ng ugali niyan at higit sa lahat ay ayoko sa lalakeng bully at arogante. Hindi ibig sabihin na bestfriend mo siya at gustong-gusto siya ni Mama para sa akin ay kailangan ko na siyang maging boyfriend. I don't like him!" Sabi ko.Oo, bestfriend lang naman ng kuya ko si Caleb John Valderrama. Ang lalakeng sinalo na ang lahat ng kayabangan at kaarogantehan sa mundo. Idagdag pa na mayaman ang pamilya nila kaya mas lalo lang iyong nagpadagdag sa mapride at ma ego niyang ugali. Maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya dahil aaminin kong gwapo ito at may magandang pangangatawan pero ekis ta
ALLISON'S POVNandito ako ngayon sa condo ni Jace kasama sila Jude, Karl at Rowan. Pilit nila akong pinapatahan dahil sa patuloy na pag-iyak ko. Sa tuwing may problema ako kina Mama at Kuya Robin ay sila ang natatakbuhan ko sa oras ng problema ko. Mga kababata ko rin sila at kahit mas matanda sila sa akin ng dalawang taon ay hindi ko sila tinatawag na kuya dahil ayaw nila iyon at para daw sobra na nilang tanda kung tawagin ko sila nang ganon."Alam mo babe, bakit ba hindi kana lang umalis sa bahay ng Mama at kuya mo? Pwede ka namang dito sa condo ko tumira tutal kilala ka naman ni Mom at ako lang ang nandito." Sabi ni Jace habang hinagod-hagod nito ang likuran ko."Gago ka ba? Ang dating nun ay parang nagli-live in na kayo. Ayoko ngang iwanan sa'yo ang babe ko. Isa pa, napakababaero mo at baka dinadala mo pa dito ang mga babae mo!" Inis namang sabi ni Karl."Hoy, wala akong dinadalang babae dito sa condo ko saka suggestion lang naman 'yon e," Nakapout pang sabi ni Jace."Dude, that's
ALLISON'S POVDahil alam kong anytime ay susunduin ako ni CJ ay napagpasyahan ko na maagang umalis mula sa bahay patungong St. Claire University. Medyo may hangover pa rin ako dahil sa kalasingan ko kagabi. Nakatulog na pala ako sa condo ni Jace at halos hindi ko na maalala 'yung mga ginawa ko noong gabi na 'yon. Sa sobrang sama ng loob ko kay Kuya Robin at sa muntik na akong gahasain ni CJ ay napainom tuloy ako ng marami.I'm currently a 4th year college student at graduating na rin sa kurso kong BS Administration. Hindi 'yon ang gusto kong kurso dahil pangarap ko talagang maging isang journalist pero wala akong magawa dahil iyon rin ang kursong kinuha ni CJ at anytime ay magagamit namin iyon sa paghahandle ng business ng pamilya namin. Kahit labag sa loob ko ay sumang-ayon nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa pa. Dapat ay graduated na rin si CJ ng college katulad ng mga bestfriends ko dahil 22 years old na siya pero dalawang beses na siyang bumagsak mula sa pagiging 4th ye
JUDE'S POV"Dude, you're drinking like its the end of the world." Naiiling kong sabi habang pinagmamasdan si Karl na umiinom na halos parang wala nang bukas.Nandito kami ngayon sa bar at nagbibilliard kasama sina Karl at Jace. Wala si Rowan dahil busy ito ngayon sa career niya bilang co-founder sa company ng parents niya. Pagkatapos ng duty ko sa ospital ng parents ko as a nurse ay kaagad kaming niyaya ni Karl na magpunta sa bar at mukhang alam na namin ang dahilan ng matinding paglalasing niya.Nalaman namin mula sa bibig mismo ni Allison nung malasing siya na may gusto siya sa nerd na si Kenneth Natividad. Kilalang-kilala namin iyon dahil kapatid siya ng dati naming kaibigan na si Kendrick na trinaydor rin kami sa huli. Karl really likes Allison katulad rin namin nila Jace at Rowan pero siya ang pinaka naapektuhan sa pag-amin ni Allison dahil mas nauna siyang nagkagusto dito. Karl is a type of guy na hindi kaagad makontrol ang sarili kapag nagagalit o naiinis unlike us na kaya pa n
THIRD PERSON'S POVNang magbreak time ay nakaabang na sila CJ kasama ang kanyang mga kaibigang sina Laurence at Gene sa labas ng classroom nila Kenneth. Gusto ulit makaganti ni CJ dahil sa hindi pa rin nito pag-iwas kay Allison. Sobrang laki ng galit niya kay Kenneth marahil na rin sa inggit at selos sa puso niya dahil alam niyang may gusto si Allison dito.Wala nang katao-tao sa loob ng classroom nila Kenneth at siya nalang ang natitirang estudyante doon dahilan para lumawak pa lalo ang ngisi ni CJ. Wala kasing ibang makakakita sa gagawin nila sa binata. Pagkalabas ni Kenneth sa classroom nila ay kaagad lumapit sina Laurence at Gene sa kanya at ibinuhos ng dalawa ang hawak nilang timba na may lamang tubig sa ulunan ni Kenneth. Nagulat si Kenneth sa ginawa nila at ngayon ay basang-basa na ang buong katawan niya.Tinawanan naman siya ni CJ saka ito lumapit sa kanya at kwinelyuhan siya."Nakaligo kana rin sa wakas panget na nerd. Anong feeling na kahit papaano ay naramdaman mo ang tubig
ALLISON'S POVDahil walang pamalit ng damit si Kenneth sa nabasa niyang damit na kagagawan nila CJ ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Hindi ko naman siya maiwan-iwan dahil makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit palaging binubully nila CJ at ng mga kaibigan niya si Kenneth kaya may pananagutan ako sa kanya."Uuwi nalang muna siguro ako, Allison. Hindi na muna ako aattend sa huling klase ko dahil sa ganitong kalagayan ko. Medyo natuyo na nga ako pero basa pa rin ang ilang parte ng damit ko." Sabi ni Kenneth at bumuntong-hininga siya."Sasama nalang ako sa'yo pauwi ng bahay niyo." Nakangiti ko namang sabi.Tila nagulat siya sa sinabi ko."S-sasama ka sa akin pauwi ng bahay? M-may huling klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko at sanay na ako sa ganitong sitwasyon." Sabi naman niya.I shrugged. "Dahil sa akin kaya ginawa 'yan nila CJ sa'yo. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang sitwasyon mo kaya kung okay lang sa'yo ay sasamahan na kitang um