JUDE'S POV
"Dude, you're drinking like its the end of the world." Naiiling kong sabi habang pinagmamasdan si Karl na umiinom na halos parang wala nang bukas.Nandito kami ngayon sa bar at nagbibilliard kasama sina Karl at Jace. Wala si Rowan dahil busy ito ngayon sa career niya bilang co-founder sa company ng parents niya. Pagkatapos ng duty ko sa ospital ng parents ko as a nurse ay kaagad kaming niyaya ni Karl na magpunta sa bar at mukhang alam na namin ang dahilan ng matinding paglalasing niya.Nalaman namin mula sa bibig mismo ni Allison nung malasing siya na may gusto siya sa nerd na si Kenneth Natividad. Kilalang-kilala namin iyon dahil kapatid siya ng dati naming kaibigan na si Kendrick na trinaydor rin kami sa huli. Karl really likes Allison katulad rin namin nila Jace at Rowan pero siya ang pinaka naapektuhan sa pag-amin ni Allison dahil mas nauna siyang nagkagusto dito. Karl is a type of guy na hindi kaagad makontrol ang sarili kapag nagagalit o naiinis unlike us na kaya pa namin magpasensya at manahimik muna."Brokenhearted bro, he's a brokenhearted like us!" Natatawa namang sabi ni Jace habang naglalaro kami ng billiard. Nasa isang sulok naman si Karl at walang humpay pa rin ang pag-inom nito."Paano niya kaya nagustuhan ang lalakeng 'yon? We are handsome and better than that guy!" Lasing na lasing na sabi ni Karl at tumawa pagkatapos.Sandali ko namang itinigil ang paglalaro namin ni Jace ng billiard saka ako lumapit sa pwesto ni Karl at umupo sa tabi niya."You know Allison, kaya nga natin siya nagustuhan dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao. Siguro may nakita siyang maganda sa Kenneth na 'yon kaya niya 'yon nagustuhan." Sabi ko naman.He glared at me. "Bakit? Hindi ba tayo naging isang mabuting kaibigan kay Allison? Bakit kailangan pa niyang magkagusto sa ibang lalake kung nandito naman tayo? I know we all like her since we we're kids at papayag kana lang ba na mapunta siya sa pangit na nerdy na 'yon?" Inis niyang sabi at tinungga ang hawak niyang beer.Natahimik ako sa sinabi niya and thinking that Allison will be that Kenneth's wife in the future and having a lot of kids ay parang tumaas ang dugo ko nang dahil do'n. Katulad ni Karl ay ayoko rin na mapunta si Allison sa ibang lalake. Tiniis namin ang ilang taon na hindi pag-amin nang nararamdaman para sa kanya at sa isang iglap lang ay makukuha na siya sa amin ng Kenneth na iyon? Hindi naman kami nag-aalangan kay CJ dahil wala namang gusto si Allison sa kanya but Kenneth is different.He's our biggest threat to Allison's heart because Allison likes him.Ilang sandali pa ay lumapit na rin sa amin si Jace at itinigil na ang ginagawa niya saka ito umupo sa tabi namin at uminom ng beer na hindi pa nabubuksan ni Karl."Kung ako sa inyo, hinding-hindi talaga ako papayag na mapunta si Allison kay nerd. Nakakainsulto kaya na ipagpalit niya tayo sa baduy at walang sense of fashion na lalake kaya kung ako sa inyo ay bakuran na natin si Allison lalo na sa siraulong si CJ." Kibit-balikat niyang sabi.He's right. Ngayon na alam na namin na may ibang lalake nang nagugustuhan si Allison ay hindi kami makakapayag na makuha siya ng iba sa amin lalong-lalo na sa Kenneth at CJ na iyon.Allison is ours.CJ's POV"Alis!" Sigaw ko sa mga estudyanteng paharang-harang sa dinadaanan ko.Kaagad naman silang natakot pagkakita sa akin kasama sina Laurence at Gene sa likod ko at unti-unting hinawi ang daan para sa amin. Sa sobrang inis ko sa ginawa ni Allison kanina ay napagbuntunan ko na naman ng galit ang estudyanteng lalakeng lampa na nakita ko lang kanina. Binantaan ko ito na huwag magsusumbong sa ginawa namin sa kanya kundi patatahimikin ko siya ng wala sa oras. Ang duwag naman ay natakot at alam kong hindi na iyon magsusumbong pa.Walang bumabangga sa isang CJ Valderrama dahil alam lahat ng estudyante ng St. Claire ang mga kaya kong gawin 'wag lang nila akong lamangan at higitan sa lahat. Ako ang pinakagwapo at pinakasikat sa school na ito at alam rin ng lahat na ang grupo namin nina Laurence at Gene ang pinaka delikado sa buong bayan namin.Sinagad na naman ni Allison ang pasensya ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pakikipag-usap at paglapit sa mahina at lampang nerd na Kenneth na iyon at ang gago naman hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwasan si Allison kahit ilang beses na namin siyang ipinahiya at pinagtripan sa school nina Laurence at Gene.Alam kong nasa loob lang rin ang kulo ng Kenneth na iyon. Nakikita ko na sinasadya niyang ipahiya at pagtripan ko siya palagi para magpaawa kay Allison. Kung anuman ang mga lihim niya ay madidiskubre ko rin iyon."I can't believe it bro. Sa lahat ng magugustuhan niyang future wife mo ay si Kenneth pa talaga ang natipuhan niya? That's a big insult to you!" Sabi ni Gene at nakipag-apir pa kay Laurence.Hindi na kami pumasok sa unang klase namin at nagcutting classes nalang. Wala na rin ako sa mood na mag-aral pa pero nang dahil kay Allison at para mabantayan ko rin siya sa mga lalakeng magtatangkang umaligid sa kanya ay pumapasok pa rin ako. Sa katunayan nga ay kayang-kaya ko namang makagraduate kaagad ng college dahil matalino naman ako pero gusto kong maabutan si Allison kaya hanggang ngayon ay 4th year college pa rin ako. Isa na rin sa dahilan ay ang paulit-ulit kong pakikipag-away sa mga mapagtitripan naming i-bully ng mga kaibigan ko.Sinamaan ko naman sila ng tingin na ikinatahimik nila."Mga bugok! Malamang ginayuma ng Kenneth na 'yon si Allison kaya may gusto sa kanya 'yung girlfriend ko." Sabi ko naman saka hinithit ang hawak kong sigarilyo. Nasa school grounds kami ngayon tumatambay at nagpapalipas ng inis at galit ko."Girlfriend? Hindi pa naman kayo ni Allison, right? Kaya bakit mo sinasabing girlfriend mo na siya? Manliligaw ka pa lang niya, CJ." Tumatawa namang sabi ni Laurence.Uminit naman kaagad ang ulo ko dahil sa sinabi niya. "What did you just say?"Akmang sasapakin ko na sana ito nang napigilan naman ako ni Gene."Bro, relax. Kumalma ka nga. Kaya ka iniiwasan ni Allison dahil dyan sa sobrang ikli niyang pasensya mo, e. Ikontrol mo nga 'yang pagiging hot headed mo at baka tuluyan na siyang maturn off sa'yo." Sabi naman ni Gene habang hinahagod-hagod nito ang likuran ko upang kumalma ako.Huminga naman ako ng malalim at sinamaan ng tingin si Laurence na napailing nalang."Yeah, hindi ko pa siya magiging girlfriend pero doon na rin naman ang punta nun. Ipinagkakanulo na nga siya sa akin ni Robin at ng Mom niya kaya wala na siyang choice kundi ang tanggapin ako sa buhay niya." Mariin kong sabi pagkatapos ay tinapakan na sa sahig ang hawak kong sigarilyo."Ipagpalagay na nga nating ipapakasal ka sa kanya pero papayag ka bang pakasalan ka lang ni Allison dahil lang sa gusto ng kapatid at mama niya at hindi dahil sa mahal ka niya?" Tanong ni Laurence na ikinatahimik ko.Mga bata palang kami ay may gusto na ako kay Allison. Siya at si Robin lang ang nag-iisa kong kaibigan noon at naalala ko pa 'yung mga oras na palagi kaming magkasamang naglalaro at namamasyal sa kung saan-saan. Nabago lang ang lahat ng iyon nang mamatay ang lola ko dahil na rin sa sobrang katandaan nito. Ang lola ko lang ang tumayong totoo kong magulang at nagmahal sa akin dahil sobrang busy sa trabaho at halos hindi na rin ako maasikaso nina Mom at Dad. Doon na ako nag-umpisa maging rebelde at maging selfish pagdating kay Allison dahil siya lang noon ang kaisa-isang taong nagmalasakit at nagmahal para sa akin. Sa pagbabago ko ay tuluyan na niya akong nilayuan at hindi ko na maibalik pa ang kung ano man ang mayroon kami noon.I know that she doesn't really love me at parang isang kapatid lang ang turing niya sa akin noon but I don't care. As long na sa akin siya at hindi na makukuha pa ng ibang lalake ay sisiguraduhin kong sa akin lang ang bagsak niya."Wala akong pakialam kung hindi niya ako mahal. Ang mahalaga ay sa akin lang siya." Sabi ko habang nakatitig ng mariin sa upos ng sigarilyong tinapakan ko.Humalukipkip naman si Laurence. "Pero tandaan mo, marami kang karibal kay Allison. Hindi lang si Kenneth maging pati na rin 'yung apat niyang bestfriends." at tinaasan ako nito ng kilay.Napayukom ang mga kamao ko dahil do'n. Hindi ako tanga para hindi malaman na may gusto rin sila Jude, Jace, Karl at Rowan kay Allison. Nakipagbugbugan na nga ako noon kay Karl dahil inamin niya sa aking mahal niya si Allison pero wala silang magagawa dahil ako lang ang karapat-dapat para kay Allison.Umiling nalang ako at tumayo ng tuwid mula sa pagkakasandal ko sa puno."Wala silang magagawa dahil sa akin lang si Allison. She's mine and mine alone."THIRD PERSON'S POVNang magbreak time ay nakaabang na sila CJ kasama ang kanyang mga kaibigang sina Laurence at Gene sa labas ng classroom nila Kenneth. Gusto ulit makaganti ni CJ dahil sa hindi pa rin nito pag-iwas kay Allison. Sobrang laki ng galit niya kay Kenneth marahil na rin sa inggit at selos sa puso niya dahil alam niyang may gusto si Allison dito.Wala nang katao-tao sa loob ng classroom nila Kenneth at siya nalang ang natitirang estudyante doon dahilan para lumawak pa lalo ang ngisi ni CJ. Wala kasing ibang makakakita sa gagawin nila sa binata. Pagkalabas ni Kenneth sa classroom nila ay kaagad lumapit sina Laurence at Gene sa kanya at ibinuhos ng dalawa ang hawak nilang timba na may lamang tubig sa ulunan ni Kenneth. Nagulat si Kenneth sa ginawa nila at ngayon ay basang-basa na ang buong katawan niya.Tinawanan naman siya ni CJ saka ito lumapit sa kanya at kwinelyuhan siya."Nakaligo kana rin sa wakas panget na nerd. Anong feeling na kahit papaano ay naramdaman mo ang tubig
ALLISON'S POVDahil walang pamalit ng damit si Kenneth sa nabasa niyang damit na kagagawan nila CJ ay kailangan niyang umuwi sa kanila. Hindi ko naman siya maiwan-iwan dahil makokonsensya ako kapag ginawa ko iyon. Isa pa, ako ang dahilan kung bakit palaging binubully nila CJ at ng mga kaibigan niya si Kenneth kaya may pananagutan ako sa kanya."Uuwi nalang muna siguro ako, Allison. Hindi na muna ako aattend sa huling klase ko dahil sa ganitong kalagayan ko. Medyo natuyo na nga ako pero basa pa rin ang ilang parte ng damit ko." Sabi ni Kenneth at bumuntong-hininga siya."Sasama nalang ako sa'yo pauwi ng bahay niyo." Nakangiti ko namang sabi.Tila nagulat siya sa sinabi ko."S-sasama ka sa akin pauwi ng bahay? M-may huling klase ka pa, hindi ba? Kaya ko naman ang sarili ko at sanay na ako sa ganitong sitwasyon." Sabi naman niya.I shrugged. "Dahil sa akin kaya ginawa 'yan nila CJ sa'yo. Hindi kita kayang iwan na ganyan ang sitwasyon mo kaya kung okay lang sa'yo ay sasamahan na kitang um
KENNETH'S POV"Allison, mahal kita. Please, let me court you,"Sa sinabi kong iyon ay napahinto si Allison at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang pag-amin ko pero sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para malaman niyang mahal ko siya. Matagal ko rin itinago itong nararamdaman ko at ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para umamin na sa kanya."Kenneth..." Tanging nasabi niya at para pa rin itong naguguluhan dahil sa sinabi ko."Alam kong nabigla ka dahil sa pag-amin ko ng nararamadan ko para sa'yo pero kasi, hindi ko na kaya pang itago 'to lalo na kung palagi tayong magkasama at nagkakausap. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako kaagad e, ang sa akin lang gusto kong patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal." May determinasyon kong sabi at hinawakan ko ang isang kamay niya.Nakita ko naman ang unti-unti niyang pagluha na ikinaalarma at ikinagulat ko."Hey, why are you crying?" Natataranta kong tanong at pinunasan ang m
ALLISON'S POVAbot langit ang ngiti ko pagkahatid sa akin ni Kenneth mula sa labas ng subdivision ng bahay namin. Gusto pa nga sana niya akong ihatid hanggang sa tapat ng bahay namin pero tumanggi ako dahil baka makita pa siya ni Kuya Robin at mapagbuntunan ng galit. Hindi ko akalain na may gusto rin pala siya sa akin at ngayon nga ay nililigawan na niya ako. I can't hide my happiness right now, Kenneth loves me.Hindi ko maintindihan kung bakit galit sa kanya at hindi sila magkasundo ng kapatid niyang si Kendrick. Mabait si Kenneth pero kabaligtaran naman nun si Kendrick. Kanina ay nakita ko kung paano magalit si Kenneth nang may ibinulong sa kanya si Kendrick na hindi ko alam kung para saan iyon. Naalala ko lang ang sinabi nitong "Don't you ever lay your hands to her! Kahit kapatid pa kita ay malalagot ka sa akin kapag ginawa mo 'yon!" Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila pero may ideya na akong ako iyon.Kahit kailan ay hindi ko nakitang magalit si Kenneth sa kahit na sinu
ALLISON'S POVDumating na rin ang Saturday at ngayon ang first date namin ni Kenneth. Napag-isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ate Miracle at tama nga siya, I need to fight my rights against from my mother and older brother. Hindi pwedeng habangbuhay nalang nila akong diktahan at kontrolin and I hope na sa desisyon kong ito ay balang araw na matanggap rin nila iyon. Kung kinakailangan na ay hindi na ako mag-aatubiling umalis mula sa poder nila para na rin sa sarili ko.Mga 1pm nang umalis ako ng bahay. Mabuti at wala si Kuya Robin dahil nasa trabaho pa ito at ganoon rin si Mama. Ang usapan namin ni Kenneth ay magkita nalang sa Ayala mall. Nagtaxi nalang rin ako papunta doon at hindi na nagpahatid pa sa driver namin dahil delikado at baka malaman pa ni Kuya Robin na makikipagkita ako ngayon kay Kenneth. Gusto nga sana ni Kenneth na sunduin ako mula sa bahay namin pero hindi ako pumayag.Nang makarating na ako sa mall ay kaagad akong nagpunta sa 2nd floor kung saan tinext sa akin ni Ke
KARL'S POVTinext kami ni Allison at sinabing may ipapakilala raw siya sa amin. May ideya na kaming baka 'yung mga kaibigan niyang sina Hannah at Paula iyon dahil sinabi niya noon na gusto raw kaming makita at makilala ng mga kaibigan niya sa school. Napangiti naman ako dahil saktong aaminin ko na rin kay Allison ang nararamdaman ko para sa kanya. I'm waiting for this right moment at hinding-hindi ko na ito sasayangin pa.Sobra akong nasaktan nung inamin niya sa amin nung malasing siya na may iba na siyang lalakeng nagugustuhan pero hindi ako papayag do'n. Hindi ko hahayaang may ibang lalakeng magmamahal at magpapasaya kay Allison bukod sa akin.I love her very much and I won't let her go.Nagsama-sama ulit kami nila Jude at Rowan sa condo ni Jace. I know that they also like Allison too pero hindi ko alam kung hanggang kailan nila balak itago ang nararamdaman nila para dito pero alam kong hindi rin sila madaling kalaban.Allison texted us na parating na daw sila ng kasama niya. Napaay
ALLISON'S POVMukha yatang hindi maganda na ipinakilala ko ngayon si Kenneth sa mga bestfriends ko dahil nag-away at nagkasagutan pa sila. Maging pati sina Jace at Karl ay nagalit na rin sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan kung tama ba itong naging desisyon ko o talagang hindi lang maintindihan ng mga bestfriends ko na may boyfriend na ako at hindi na nila kailangang maging overprotective pa sa akin?Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Kenneth pauwi ng bahay namin. Nakita ko kung paano niya kausapin ang mga kaibigan ko at aaminin kong medyo nayabangan ako sa ginawa niyang iyon. Hindi ko naman siya makausap tungkol doon dahil baka maoffend lang siya sa sasabihin ko. Normal lang naman siguro na nagiging ganito si Kenneth dahil girlfriend na niya ako at nagseselos lang siya kila Jude, Jace, Karl at Rowan dahil malapit ako sa kanila.Tama naman ako, hindi ba?"Sigurado ka bang bestfriends mo lang 'yung mga 'yon? It looks like na may gusto silang lahat sa'yo lalo na 'yung Jace at Karl
ROWAN'S POVWeekdays was such a hectic schedule for me. As a co-founder of my parents business company ay nagiging busy na rin ako at nawawalan ng time sa ibang bagay. Idagdag pa ang mga nangyari kahapon sa pagitan namin nila Allison at ng boyfriend niyang si Kenneth. I'm sure that Jace and Karl still can't accept na may bago nang lalakeng magpapasaya at magmamahal kay Allison and I can't blame them dahil katulad nila ay nasaktan rin ako sa balitang iyon.I still love Allison but right now, I can't do something about that.Kasama ko ngayon magwork out sa gym si Jude na kanina pa tahimik at parang malalim ang iniisip. I guess its Allison and like me, he also loves her."Are you okay, Jude?" Tanong ko at inabutan siya nang mineral water after I used threadmill.Kinuha naman niya ang inabot kong mineral water at kaagad ininom iyon ng isang lagukan lang. "I'm still thinking about what happened yesterday. That guy is just like Kendrick but in a worse way." Naiiling niyang sabi at tinanggal