Share

Chapter 3

ALLISON'S POV

Dahil alam kong anytime ay susunduin ako ni CJ ay napagpasyahan ko na maagang umalis mula sa bahay patungong St. Claire University. Medyo may hangover pa rin ako dahil sa kalasingan ko kagabi. Nakatulog na pala ako sa condo ni Jace at halos hindi ko na maalala 'yung mga ginawa ko noong gabi na 'yon. Sa sobrang sama ng loob ko kay Kuya Robin at sa muntik na akong gahasain ni CJ ay napainom tuloy ako ng marami.

I'm currently a 4th year college student at graduating na rin sa kurso kong BS Administration. Hindi 'yon ang gusto kong kurso dahil pangarap ko talagang maging isang journalist pero wala akong magawa dahil iyon rin ang kursong kinuha ni CJ at anytime ay magagamit namin iyon sa paghahandle ng business ng pamilya namin. Kahit labag sa loob ko ay sumang-ayon nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa pa. Dapat ay graduated na rin si CJ ng college katulad ng mga bestfriends ko dahil 22 years old na siya pero dalawang beses na siyang bumagsak mula sa pagiging 4th year college student nito dahil sa dami ng absences niya at cutting classes. Idagdag pa na marami siyang violations sa school katulad nalang ng pakikipag-away at pambubully niya at ng mga kagrupo nito sa mga inosenteng estudyante kabilang na doon si Kenneth kaya hindi siya kaagad maka graduate at naabutan ko na siya.

Kaagad akong nagpahatid sa driver namin at nang marating ko na ang St. Claire ay kaagad bumungad sa akin si Manong Guard habang nakangiti na isa sa mga close friends ko na rin sa school.

"Aba, ganda! Ang aga mo yata ngayon, ah? May isang oras pa bago mag-umpisa ang klase niyo." Nakangiting sabi nito habang chinecheck ang mga dala kong gamit.

Nagkibit-balikat nalang ako at mukhang alam na niya ang dahilan ng maaga kong pagpasok. "Ah. Dahil na naman ba ito doon sa gwapo nga pero mayabang mong manliligaw? Dapat lang na hindi ka pumayag na maging boypren mo iyon dahil nakikita ko sa batang iyon na hindi maganda ang magiging future mo sa kanya kung sakaling mapangasawa mo siya." Naiiling niyang sabi.

Tumango naman ako. "Kaya nga po hindi ko siya magustuhan, e. Aanhin ko naman ang gwapo at mayamang lalake kung may masamang ugali, 'di ba, Manong Guard?" Tumawa naman siya sa sinabi ko at tumango.

"Tama ka, ganda. Mabuti at hindi ka katulad ng ibang mga kababaihan dyan na sa panlabas na kaanyuhan lang ng isang tao bumabase. Napakaganda mo na nga at napakabait pa. Maswerte ang lalakeng mamahalin mo."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. That's why I really like Kenneth dahil napakabuti niyang tao at napakatatag pa. 

Nang matapos nang i-check ni Manong Guard ang mga gamit ko ay kaagad na akong pumasok sa loob ng school at halos pumula naman ang buong mukha ko nang makita ko si Kenneth na naglalakad at mukhang papunta ito sa library.

"Kenneth!" Tawag ko at napalingon naman siya sa akin.

HIndi ko alam pero sobrang napakagwapo niya talaga sa paningin ko. Kahit sobrang kapal ng suot niyang salamin at palagi siyang nakasuot ng polo na longsleeves at weird naman ang hairstyle niya ay hindi ko na iyon napansin pa dahil sa sobrang pagkacrush ko sa kanya. Siguro kapag naayusan itong si Kenneth ay lilitaw talaga ang kagwapuhan niya. Maputi rin kasi ito at matangkad at alam kong may kaya rin sa buhay ang pamilya niyang ikinakahiya daw siya dahil sa itsura niya.

"A-Allison, i-ikaw pala." Nauutal niyang sabi habang papalapit ito sa akin at bitbit ang mga gamit niya na may makakapal na libro.

I smiled. "Bakit ang aga mo yata, ngayon?" Tanong ko.

Napakamot naman siya sa batok. "Inagahan ko dahil magrereview pa sana ako para sa exam namin mamaya. Ikaw, bakit maaga ka ngayon?" Nahihiya niyang tanong.

Humalukipkip naman ako. "Ano pa nga ba, iniiwasan ko ulit si CJ." Tumango naman siya sa sinabi ko.

"P-pero bakit ayaw mo sa kanya? Gwapo naman siya at alam kong gustong-gusto ka niya. Pinagseselosan niya nga ako dahil palagi kang lumalapit sa akin. Ang ganda-ganda mo kasi tapos nakikipagkaibigan ka pa sa akin. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao sa'yo?" Malungkot niyang sabi.

Napairap naman ako sa sinabi niya at nagpameywang. "Bakit ba natatakot ka dyan kay CJ? Hindi siya hari para katakutan mo. Hindi ko rin siya gusto dahil ayoko sa masamang ugali niya at isa pa, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung nilalapitan man kita. Gusto kitang maging kaibigan eh bakit, ayaw mo ba?" Nagtatampo kong sabi.

Kaagad naman siyang umiling ng paulit-ulit. "S-Syempre gusto ko, ikaw nga lang ang kaibigan ko dito, e. Salamat at itinuturing mo akong kaibigan kahit pangit at nerd ako, Allison." Nakangiti niyang sabi.

Unti-unti namang tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya.

In love na ba ako kay Kenneth?

"W-Walang anuman." Sabi ko nalang at pilit iniiwasan ang mga tingin niya.

Ayoko lang makita niya na nagbablush ako dahil sa kanya!

"Sige, pupunta na ako sa library. Paalam, Allison." Sabi niya at akmang aalis na nang hinawakan ko ang braso niya.

"Pwede bang samahan na kita sa library? Tutal, wala pa naman sina Hannah at Paula kaya wala akong ibang makakausap dito. Okay lang ba sa'yo?" Tanong ko.

Napayuko naman siya sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "Sige."

Napangiti nalang ako at hinawakan ang isang braso niya na ikinagulat niya.

"Tara na sa library." Masaya kong sabi habang kinuha ko pa ang iba pa niyang dalang makakapal na libro.

Nakita ko naman ang unti-unting pagngiti niya at nagpatangay nalang rin sa akin.

Sa library nga kami nagpalipas ng oras ni Kenneth at habang abala ito sa pagrereview niya ay napapatitig nalang ako sa kanya. Dumadami na rin ang mga estudyante dito sa St. Claire at ang iba sa kanila ay napapatingin sa amin at tila'y nagbubulungan at pinag-uusapan kami. Dahil sanay na kami ni Kenneth sa ganon ay hindi nalang namin sila pinapansin.

"Girl!"

Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko sina Hannah at Paula na papalapit sa akin. May mga nakakaloko silang ngiti dahil alam nilang may gusto ako kay Kenneth.

"Kayo pala," Nakangiting sabi ko nang makalapit na sila.

Napalingon naman si Kenneth sa kanila at napayuko ito.

"Ikaw ha, kaya pala ang aga-aga mo dito sa school dahil-" Hindi na natapos pa ni Hannah ang sasabihin niya nang kaagad akong tumayo at tinakpan ang bibig niya saka siya pinanlakihan ng mata.

Napatawa naman si Paula sa ginawa ko.

"Speaking of CJ, bago pa niya mapag-initan si Kenneth ay umalis na tayo dito. Nandoon siya ngayon sa hallway at mukhang galit na galit dahil nabalitaan niyang kasama mo pala si Kenneth. Tara na bago pa siya bumuga ng apoy!" Natatakot namang sabi ni Paula na ikinatigil ko.

Kaagad naman akong bumaling kay Kenneth at nagpaalam na. "Sige Kenneth, aalis na ako, ha? Salamat sa time mo." Nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya sa sinabi ko at napangiti rin. "Thank you rin dahil sinamahan mo ako dito, mag-iingat ka, Allison." Sabi niya.

Tumango nalang ako hanggang sa hinila na ako nina Hannah at Paula papaalis ng library. Habang naglalakad kami papunta sa unang klase namin ay sinermunan na naman ako ng dalawa kong kaibigan

"Allison, alam naming may gusto ka kay Kenneth pero kilala mo naman 'yang si CJ. Kapag nakita ka nga lang niyang may ibang kausap na lalake ay magwawala na iyon sa sobrang galit. We all know na obsessed na sa'yo ang manliligaw mong 'yon. Baka lang kasi palaging madamay si Kenneth dahil sa matinding pagseselos niya." Concern na sabi ni Paula na sinang-ayunan naman ni Hannah.

I sighed. "Anong magagawa ko? Hindi ko kayang iwasan si Kenneth lalo na't alam kong ako lang ang nag-iisang kaibigan niya saka hindi naman ako papayag na apihin ulit ni CJ si Kenneth dahil ako ang makakalaban niya sa oras na gawin niya ulit 'yon." Mariin kong sabi.

Napailing nalang sila sa sinabi ko. "Bahala ka, Allison basta't binalaan kana namin, ha?" Sabi naman ni Hannah.

Ngumiti nalang ako at inakbayan sila pero kaagad rin napawi ang ngiti ko nang makita ko si CJ na sobrang sama ng tingin sa akin habang papalapit ito sa pwesto namin kasama sina Laurence at Gene na nakangisi naman.

"Oh ow, this is war, again." Mahinang bulong ni Hannah.

"So, kaya pala maaga kang umalis sa inyo dahil gusto mong solohin 'yung pangit, baduy at weirdong nerd na 'yon dito sa school?" Galit na galit na sabi ni CJ nang makalapit na ito.

Tumawa naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya pero sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Maganda ka nga, Allison pero sobrang pangit naman yata ng taste mo sa isang lalake. Si CJ lang naman ang bagay sa'yo pero naghahanap ka pa ng pangit na basura." Mayabang naman na sabi ni Laurence habang nakangisi pa rin.

"Hoy! Grabe ka mang-insulto nang-" Sasagutin pa sana ni Hannah ang sinabi ni Laurence nang bigla akong magsalita.

"Wala kang pakialam kung sinuman ang gusto kong samahan, CJ. Hindi kita boyfriend kaya 'wag kang umasta na parang girlfriend mo na ako." Madiin kong sabi.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang braso ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. Aawatin na sana siya nina Hannah at Paula nang bigla naman silang pinigilan nila Laurence at Gene.

"Hindi mo pa nga ako boyfriend pero ako ang magiging fiance mo kaya wala kang karapatang makipaglandian sa ibang lalake dahil sa akin ka lang!" Sigaw niya na ikinatakot ko.

Nakakatakot ngayon si CJ at sobrang nag-aapoy ang mga mata niya sa galit.

Lumunok naman ako at pilit nilalabanan ang takot ko sa kanya. We've been this for almost a years kaya sanay na sanay na ako sa pagseselos at galit niya.

Pilit kong binawi ang braso ko at salamat naman dahil binitawan na niya ako.

"Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko, CJ? Hindi kita gusto at hinding-hindi ako magiging sa'yo. Kung anuman ang pinaplano niyo ni Kuya Robin o ni Mama ay sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagumpay. I will never be yours! Tandaan mo 'yan." Sabi ko at kaagad nang hinila sina Hannah at Paula na binitawan na nina Laurence at Gene.

Naglakad na kami papaalis at habang patuloy pa rin kami sa paglalakad ay rinig na rinig pa namin ang malalakas na mura at pagsigaw ni CJ mula sa pwesto namin kanina. Naparoll eyes nalang ako habang tinatawanan naman siya nina Hannah at Paula sa tabi ko.

"Grabe talaga 'yang si CJ. Ang akala kasi niya ay makukuha niya lahat ng gusto niya kaya natapakan mo na ang ego at pride niya." Sabi ni Paula nang makarating na kami sa classroom namin at umupo na sa mga seats namin.

"Ano pa bang aasahan mo sa mga rich spoiled kids, Paula?" Natatawang sabi naman ni Hannah at nagsimula na itong magretouch ng make-up niya.

Napatahimik nalang ako at nag-isip. Noong mga bata palang kami ay hindi naman ganoon si CJ pero simula nung mamatay ang lola niya noong 10 years old palang siya ay tuluyan na siyang nagbago. Nag-umpisa na siyang magrebelde at pilit na akong inaangkin dahil ako lang ang nag-iisang kaibigan niya noon na palagi niyang nakakasama kasama si Kuya Robin. Napabuntong-hininga nalang ako hanggang sa dumating na ang Prof namin at nag-umpisa na ang klase.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status