Share

The nurse
The nurse
Author: Lavaigne Mardoliz

Prologue

Moscow,Russia

“Kuda ty idesh’?”(Where are you going?) Medyo iritadong tanong ni Arkady nang makitang naka-full suit ang amang si Sergeibev.

“ bol’nitsa” (hospital) Agad na sagot ni Sergeibev habang inaayos ang kanyang shuba coat. Decemder na kasi kaya napakalamig sa labas.

“Pochemu?”(why) Naguluhan namang tinanong ni Arkady. 

“Vot uvidish’”(You’ll see) Sumbat ni Sergeibev at tinapik niya ang braso ni Arkady saka deretsong lumabas. 

Hindi na napaimik si Arkady. Sanay na siyang hindi napagsasabihan kung saan pupunta ang kanyang ama, dahil wala din naman siyang pake sapagkat agad niya itong nakakalimutan. Pero naiirita padin siya dahil sa hindi niya malamang dahilan. Siguro dahil hindi siya makasama o siguro dahil wala na naman siyang kasama sa kanilang napakalaking bahay kundi ang matandang sluzhanka nila. (maid)

Napairap nalang siya nang makita itong papalapit sa kanya. 

“Vy khotite yest’,ser?”(Do you want to eat,sir?) Banayad na tinanong ng matanda sabay yumuko ng bahagya. 

“Net”(no) Iritadong sumbat ni Arkady sabay pinindot ang kakaibang wheelchair na agad namang lumayo sa sluzhanka na nakayuko padin.

Ngunit nang mahalatang umalis na ang amo ay napabuntong-hininga nalang siya sabay bumulong. “Nadeyus’,u sera Sergeyeva vse poluchitsya.”(I hope sir Sergeibev gets successful.) 

Manila,Philippines

“Ibig niyo po bang sabihin, sa Russia ako pupunta?” Nanginig na tinanong ni Cariña sa abalang-abala na CNO nila. Hindi niya ito lubusang inaakala, na sa Russia pala siya mapupunta eh hindi nga niya ginalingan sa pag-aalaga ng mga pasyente niya,bakit sa Russia pa siya piniling ipa-employ?Ano na kung magreklamo ang pasyente niyang hindi siya magaling na caregiver?  Mamaya papasabugin ang buong angkan ng Pilipinas nito eh.

‘Sa dinami-daming ng mga kasamahan kong may gusto ng Russia at Russians, bakit ako pa? Akala ko ba sa Italy ako nakuha? Anong nangyari sa pinirmahan ko six months ago?!’

“Oo Cariña, sa Russia ka pupunta. Bakit, may problema ba?”  Kalmado namang sagot ng CNO na bahagyang binalingan ng titig si Cariña. “Magaling ka sa medisina, pati narin sa ingles. Iyon ang kauna-unahang ni-require ng isang kilalang businessman sa Russia na nag-i-inquire ng Pilipinang caregiver para sa anak niyang may sakit. Kaya kita agad pinili dahil alam kong nalampasan mo ang mga requirements na mga iyon. “ Dagdag niya. 

Napanganga naman si Cariña. “Pero po kasi, diba sa Italy na ako nakuha?” 

Huminto ang CNO saka ibinigay kay Cariña ang isang malinis na folder. “Pasenya na, may nangyari kasi saakin sa araw na iyon kaya nagkamali ako.” Bigkas niya na parang hindi naman nagsisisi. “Anyways,that is the basic information you need to know about your patient. Ihanda mo na yang mga gamit mo. Pupunta na kayo sa airport mamayang eight.” 

“Pero ma-”

“Cariña please, Russia is a beautiful country. I'm certain you will enjoy your life there better than here. ” Pagkasabi nito ay agad umalis ang NCO sa sarili niyang office. Iniwan si Cariña na litong-lito sa pagbaliktad ng sitwasyon niya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status