Share

I

Cariña’s Point of View

Pagkatapos ng flight namin ng dalawang mga kasama kong nurse na mapupunta din sa Moscow, idineretso na agad kami sa isa sa pinakakilalang Hospital sa Russia kung saan naghihintay ang mga pamilya ng aalagaan namin. Hindi kasi ako nakatapos sa pag-aaral ng buong nursing kaya nag-apply nalang ako ng pagiging caregiver para may maipon naman ako sa aking pag-aaral. Pero sa katunayan, may kaya ang aking pamilya. Ngunit dahil mismong pride ko bilang tao ay inapakan nila,ako na rin mismo ang nagkusang-loob na lumayo. Para naman hindi nakakahiya sa kanilang mga matataas na lawyers at doctors. Baka madumihan ko lang ang makinang nilang bahay kapag nandoon ako. Pero para saakin, okay lang naman ang ganitong buhay ko, at least free at nagagawa ko ang gusto ko. Kaya siguro nga tama si ma’am Saida, baka magkakaroon pa ako ng mas magandang buhay dito kaysa sa Pilipinas. 

“Grabe naman ang lamig!” Biglang sigaw ni Khaira sabay dikit saakin. 

“Mas malamig pa sa loob ng refrigerator namin!” Dagdag naman ni Raya sabay hila saakin na akala mo naman ay nakapasok na sa loob ng refrigerator nila. 

Pero dahil sobra talagang napakalamig,wala akong masabi kundi tumango ng paulit-ulit habang pinipigilan ang aking paa na mag-give up. Para na kasi akong nagyeyelo! Buti nalang at expert ang mga nag-guide saamin kaya binigyan kami ng nanapakadaming suotin na sa dami ay halos nalito-lito pa ako kanina kung saan susuotin. 

“Nga pala Cariña, matanda din ba aalagaan mo?” 

Napatangin ako ng bahagya kay Khaira sa tanong niya, tapos ng maisip kung wala akong ni-kaunting idea kung anong uri ng tao ang aalagaan ko, napawingi nalang ako.”Hindi eh, bakit kayo, alam niyo na?”

Halos natigilan silang dalawa sa sagot ko. “Ibig mong sabihin,hindi mo alam kung tao yung aalagaan mo o hayop?!” 

“Ha?! Pwede ba ‘yun?! Ipapa-alaga nila saakin ay aso?!” napasigaw ko namang tanong.

Biglang napahalak-hak ang dalawa sa pagkabigla ko. Napatignin tuloy saamin ng nagtataka ang napakagandang babae na sinusundan namin. 

“Any problem?” Tanong niya sa napakagandang boses niya. 

‘Ahhhh ba’t ang pe-perfect nila dito.?!’ 

“Oh, no- nothing ma’am. Sorry.” Agad naming sinagot nang mapansing medyo naiirita na siya. 

“Kayo kasi eh.” Pabulong kong pagsisi sa dalawa kong kasama nang makatalikod na ang babae.

Napahalikhik sila ng marahan. “Eh ikaw naman kasi,sinabi mo agad na aso ang ipapa-alaga sayo eh wala naman kaming sinabi na as-“

“So here we are. “ Biglang pag-announce ng babae kahit napakalayo pa namin kaya agad kaming napatakbo sa kanya. 

“Mrs. Khaira Blake, please enter the first room. Second is for miss Raya De Gusman and the third is for miss Cariña Historina. You can find me at my office if you need anything else.” Pagkasabi nito ay nagmamadali siyang umalis kahit hindi pa namin natatanong kung saan ang office niya. Eh hindi naman kami sa office niya pumunta kanina dahil  sa entrance niya kami sinundo. 

“Akala mo naman parasite tayo.” Nairitang bulong ni Raya sabay kindat saakin. 

Sasang-ayon sana ako pero napakunot nalang dahil sa hindi ko maintindihang kindat niya. Pinahapyawan ko ng tigngin si Khaira ngunit umiling lang siya sabay pasok na din sa loob. Ako nalang natira sa labas kaya pinagtititigan ako ng mga dumadaan sa corridor na iyun kaya hindi pa ako nakapaghahanda ay agad na akong pumasok sa loob. 

‘Sana nga lang hindi as-‘ 

“Miss Cariña Historina, nice to meet you.” 

………..

“Miss Cariña right?”

“Ah, yes! I’m sorry about that sir. It’s just, I didn’t expect I’m in jackpot. Ha!” 

“Jackpot?” 

“Why, yes! You look so-“ Bago pa madulas ang dila ko ay napakalaki ng pagpapasalamat ko sa kamay kong alerto sa pagtatakip sa aking labi. “Hm! I mean you lo-look so kind sir.” Agad kong pagwawasto sabay yumuko ng bahagya. 

‘Para naman hindi masira agad ang impression niya saakin. Sayang, kahit aso niya ang ipapa-alaga niya ay wala na akong paki- teka, hindi ba’t may sinabi si ma’am Saida tungkol sa nag-i-inquire ng Pilipinang caregiver?’

“I see. Well thank you if that is your first impression of me. I’m Sergeibev Galitsky. Again, it is nice to meet you.“ 

Hindi ko alam pero napatingin ako ng ilang segundo sa ini-offer niyang kamay. Para kasing nagalit na siya. 

“I’m Cariña Historina. Nice to meet you as well sir.” Banayad kong sagot saka tinanggap ang kanyang kamay. 

“As you already know,my son has Huntington’s disease an-“

“Huh!?” 

………………

Agad naghari ang katahimikan sa bigla kong pagsigaw. Napayuko nalang ako na napatakip ng bibig.  ‘Iyan kasi Cariña! Hindi ka nagbabasa ng mga ibinibigay sayo!Pano na ‘to?!’

“Wasn't that already informed to you?”  

“Ah,….yes sir. I’m sorry, it’s just I forgot because of the tiring flight and very cold temperature. I- I didn’t expect Russia is this cold.” 

Akala ko ay papa-alisin na niya ako dahil sapagtahimik niya pero nang tumango siya ay nakuha ko na ulit ang paghinga ko. 

“I understand. Then shall we go so I can discuss the things you need to know as we ride back home?” 

“Ye-yes sir,thank you.” Pagpapasalamat ko. Hindi dahil sa pag-o-offer niya na i-uulit ang mga impormasyong mga kailangan kong malaman pero dahil sa pagkaksabi niya ng ‘home’ ay naramdaman kong itinuring na niya ako bilang isang kapamilya. Kahit hindi niya kapantay ngunit at least, I’m accepted and included. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status