Carina’s Point Of View
Nang makarating na kami sa kanilang bahay ay halos makalimutan ko lahat ng mga impormasyong pinaghirapan ni sir Sergeibev na i-explain saakin. Doon ko lang napansing kakaiba talaga ang accent nila. Hindi ko alam kung matatakot,mai-intimidate, or mapapahanga ba ako. Pero sa kalaki-laki at kaganda-ganda kasi ng bahay nila na para nang tinalo na ang palasyo ng Disney eh sino ba kasi ang hindi mapapatanga at makakalimot sa sirili nila, diba?
“Good afternoon sir, and ma’am. Welcome back.” Pag-greet ng matandang babaeng napakakinis padin ang kutis. Siguro pag hindi niya tinawag na sir si sir Sergeibev ay mapagkakamalan ko siyang asawa niya.
Tumango naman si sir. “Good afternoon Tatyana. This is her, miss Carina Historina. Please tour her around for a moment so I can inform this to Arkady.”
“Yes sir. This way please, ma’am Carina.”
“O-okay po-I mean,okay ma’am.” Nagkakaba kong sagot sabay sumunod sa kanya sa kung hindi ako nagkakamali ay kusina.
At nang makarating nga kami ay lahat ng makikitang laman ay pinatunayan lang saakin na tama ang hinala kong kusina ang pupuntahan namin. Kaso lang, ang kanina ko pa napapansin ay kung bakit halos maitim ang theme ng disenyo ng bahay na ito.
‘Siguro mahilig silang pamilya sa maitim.’
“This is the kitchen, this one here is the fridge. You can just tap this if you are to get something inside. Then, this is the ove-“
“ Chto znachit, ty nashla mne sidelku?! I ona na samom dele iz Azii?! Konkretno Filippiny?! Chto, chert voz’mi,ty dumayesh’ obo mne?!” (What do you mean you got me a caregiver?! And she’s actually from Asia?! Specifically Philippines?! What the hell do you think of me?!)
Halos napatalon kaming dalawa ni ma’am Tatyana dahil sa biglang sigaw na parang kidlat ang pag-alingaw-ngaw. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko namalayang napahawak sa braso ni ma’am Tatyana. Na sa kabutihang palad ay nginitian niya ako bilang pang-aliw. Kaya pinilit ko ding ngumiti kahit ang ngiti niya ay halatang may halong pagka-awa. Hindi ko lang alam kung sa akin ba o sa dalawang amo namin.
“That’s just some father and son moment miss Carina. Please don’t worry.”
“I see,father and son moment here is quite loud then. “ Komento ko sabay tingin kung saan nanggagaling ang tumaginting na boses na magpapa-akala talaga sayong may isang diyos na nagalit at biglang bumaba sa lupa sabay bigkas ng mga salitang pang sinauna.
“Sometimes.” Pagsang-ayon ni ma’am Tatyana, na may kahalo ulit na hindi maintindihang paagka-awa at pag-aalala sa kanyang mukha. “Do you want to visit your patient’s room?”
Nabigla ako sa ini-alok niya. “Is it alrig-“
“Ne nado,Arkadiy, eto dlya vashego zhe blaga. Dumayesh’,ya stal by khodit’ I prosit’ luchshikh v mire gruzchikov,yesli by ne schital tebya svoim synom?!”(Don’t Arkady, this is for your own welfare. Do you think I would go around and ask for the best caregivers in the world if I don’t think of you as my son?)
Napahinto ako sa paglalakad dahil narinig kong boses iyun ni sir Sergeibev. “Ma’am Tatyana, are you sure they are just bonding? It seems like they are cursing each other. Pardon me but,it is what my instinct says.”
Kakaiba kasi ang tono ng boses ni sir Sergeibev kaya hindi ko mai-magine na ayos lang sila. Ah teka,baka bingi ang anak niya kaya…..
Ngumiti ng marahan saakin si ma’am Tatyana. “You want to see your patient’s bedroom right?”
Nagtaka ako kung bakit gusto niyang tignan ko ang kwarto ng magiging pasyente ko kaya tumango nalang ako, ngunit nang pumunta na kami ay parang naintindihan ko kung bakit. Para siguro ilayo niya ako sa pagdinig sa boses ng mag-amang hindi mo masasabi kung talaga bang nag-bobonding o nag-aaway na. Dahil halos sa forth floor naman ang kwarto ng pasyente ko!
“I’ll be going down to cook for food. Please feel free to explore miss Carina.”
“What?”
“I’ll come back later.”
…………………
Naiwan nalang akong nanginginig sa harap ng napakalaking pinto dahil sa pag-iwan saakin ni ma’am Tatyana. Nagtataka tuloy ako kung napakarami ba ng ginagawa niya na halos iwanan na niya ako dito na parang turistang inihatid sa kanyang hotel room. Pero dahil wala akong pwedeng gawin kundi ang pumasok,dahan-dahan ko itong binuksan.
‘Pwede ba talaga akong pumasok kahit walang permiso ang aking pasyente?’
Napakadilim ng buong kwarto kaya hinanap ko ang switch ng light ngunit nangayayat na ang mata ko sa kahahanap sa dilim ay wala akong nahanap na anong puti kaya ang flashlight nalang ng phone ko ang ginamit ko. Clear na glass ang wall niya ngunit hindi yata pumapasok ang ilaw sa labas dahil wala talagang liwanag. Pero napakaganda pala ng bakuran nila. Lalo na at dito ako sa taas tumitingin. Parang aerial view ng magical garden. Dahil meron ding maze!
‘Iba talaga pag nasa-maganda at advance na bansa ka-‘ “Ahhhhhh!!!!”
Kagyat akong napalukso sa pinakamalayong gilid nang may mailawan akong parang ahas na tumitingin saakin.
‘Ano yun?! Bakit para talagang ahas?!’
…………………………….
Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ilang minuto ngunit wala akong naramdamang kong anong gumagalaw kaya nakaluwag ang aking paghinga.
‘Siguro ay ilusyon ko lang iyun dahil sa sobrang kadiliman ng kwartong ito’.
Iyun ang paniniwala ko.Pero nang may maapakan akong parang switch na sa flooring nakakabit,biglang bumunyag saakin ang halos kakaibang mundo. At sa mga nakikita ko ngayon ay hindi ko alam kung normal pa ba ang aking pasyente o baliw na. Siguro ay ito ang gusting ipakita ni ma’am Tatyana para magkaroon ako ng idea kung ano ba talaga ang magiging pasyente ko. At para na rin siguro makapag-decide ako kung talaga bang mananatili ako dito hindi.
‘Pero ano naman ang ginagawa ng napakaraming pictures ng tao dito na may x ang bawat ulo-“huh!” Oh my gosh! Serial killer ata ang magiging pasyente ko! Akala ko ba Huntinghon’s disease ang meron siya?!’
Dahil sa pagkatakot ay agad akong tumakbo sa pinto ngunit nahinto pa ako sa naapakan kong parang underwear.
‘At ano naman ang ginagawa nito dit-‘
“Ne!” (Don’t!)
“AHHHHHHH!”
……………………….
Dahil sa pagkabigla,hindi ko namamalayang nakasigaw na pala ako. Ngayon ay tinititigan ako na parang kinuha ko ang pinaka-favorite niyang laruan ng lalaking sa tingin ko ay aking pasyente.
‘Iba talaga ang kagwapuhan ng mga lalaki dito. Halos lahat na ata ay nakaka-‘
“Who.told.you.to.enter?”
Nangangalatay ang aking mga pang automatikong humahakbang patalikod dahil sa hindi maipaliwanag niyang pagbigkas ng mga salita. Lalo na’t napakatigas ng accent nito,para talagang nakarinig ako ng isang sinaunang diyos na galit na galit. Idagdag pa hindi maipintang kompleksyon nito habang napakalaki ng mga hakbang nito patungo saakin.
‘Ngayun ko lang nakitang nakakatakot pala ang itsura ng mga gwapo kapag naga-‘
“I ask who told you to enter?!”pag-uulit niya sabay pinadoble ang lakas ng boses.
Dahilan kung bakit ako natapilok ng wala sa oras. Buti nalang at napaupo ako sa malambot na higaan.Ngunit hindi padin talaga ako mapakali. Nararamdaman kong nakabuka ang aking bibig pero ‘yun lang. Hindi ko padin mahila ang boses ko dahil ata sa sobrang pagkamaga ng aking bunganga sa pagkakatunganga. Kaya kung ang pagiging estatwa ang magsasalba saakin sa sitwasyong ito, magagalakan talaga akong titigan ng deretso sa mata si Medusa.
‘Ahhhhh! Bakit ba ako tinititigan ng ganito!? Para naman akong magnanakaw ng ilang beses bumalik pero ngayun lang nahuli!’
Nanginginig ang mga binti ko ngayong nakaupo sa hindi ko maintindihang kulay itim na upuan, sapagkat may disenyo itong parang mga bungo sa magkabilang gilid, habang nakaharap sa gwapong lalaki na ginawang napakalaking big deal ang pagpasok ko sa kwarto niya. Mukhang umatake na nga ang kanyang sakit dahil napansin ko itong humigpit ang kapit niya sa kanyang mala-ahas na cane, tapos pinili padin niyang ilaban ang kanyang pride at hindi nalang tinapos ang tension naming dalawa sa pagpapaalis nalang sana niya saakin. Kung ang pinuproblema niya ay ang mga nakita kong kababalaghang kalat at disenyo ng kanyang kwarto, alam ko naman ang salitang sikreto. Palibhasa ay napakadami naman kasi niyang posters ng mga malalaman at makikisig na katawan ng mga nagkakagwapuhang lalaki sa halos lahat ng sulok ng wall niya, maliban nalang sa wall,kaya siguro puno na ito ng hiya ngayun. Kapapansin ko lang ito kanina dahil saw akas ay sinidian na niya ang ilaw ng kwarto niya. Akala ko talaga ay wala nang n
“Aren’t you, Asian caregivers are said to be the MOST caring and capable caregiver all over the world? Then show me.” Puno ng paghahamon ang boses niya habang ibinibigkas ang bawat salita niya.‘Aba eh pilyo pala ang lalaking to eh! Siya na nga pinuntahan dito para tulungan tapos ganito pa siya?!’ Pero imbes na magpatalo ako, ngumisi naman ako. Ngayon ko lang kasi nalamang kilala pala kaming mga Asiana na mapagkakatiwalaan sa larangan ng pag-aalaga. “Yes, and what do you want me to do?” Buong tapang kong paghahamon. ‘Hmp! Akala siguro ng pinalayas na anghel na to na matatakot ako.’ Hindi niya alam, mas mahirap at nakakalason pa ang pinaranas ng sarili kong pamilya na pinakisamahan ko ng ilang dekada.“I want to see five snowmans standing there.” Itinuro niya ang malawak na area ng hardeng walang laman kundi semento ng snow. “And I want them now.”Napanganga lang ako sa sinabi niya. ‘Nababaliw na ba siya?! Sa lahat talaga ng ipapagawa niya,iyun pa ang tinarget niya? Walang maidudulot
“What do you think are you doing?” Inirapan ko siya sa nangungutya niyang tanong. Kasalukuyang nakayuko kasi ako sa harapan niya dahil sa saktong pagsipa ko ulit ay binuksan niya kaya muntik na akong matumba. Pagkatapos kung kunin ang composure ko ay siniyasat ko ang buong katawan niya. “Are you alright?” Pag-uulit ko sabay tingin sa nanginginig niyang kamay na nakahawak sa kanyang cane. Nawala na ang galit ko dahil sa katawan niyang parang nanginginig kahit napakalma ng ekspresyon niya. ‘Iba rin eh no, may napakalalang sakit na nga, nagpapanggap pa. Gaano ba kataas ang pride neto?’Maya-maya ay biglang napangisi ang walang emosyon niyang mukha. Napakurak tuloy ako, nakakalaglag panga talaga kasi ang kagwapuhan niya. May aquiline nose eto, tapos nga mukhang abo pa ang mga mata, idagdag pa ang napakaperfect-shaped niyang labi, saying nga lang, napakaputla nito. ‘Pero dahil sa pagkaputla ay parang mas naging malambot pa ang itsu-‘“I need to take a bath.”“And?”“Bath me.”Nanigas a
Laglag ang panga ko ngayong nakatutok sa naliligong pinalayas na anghel. ‘Sinong mag-aakalang ganito pala ka-advance ang Russia?! Hangang ngayon, hindi parin talaga ako magaget-over. Nahati ang higaan niya at kusa itong pumagilid sabay bumuo ng parang bed-size na bathtub sa baba kung saan saktong nahulog ang pinalayas na anghel at doon na siya nang-umpisang basain ang katawan. Grabe! Parang napasok lang ako ng fantasy movie kung saan ako yung na-reincarnate sa ibang lugar na napaka-advance at automatic ang mga kagamitan. “Hey big frozen eyes,” Nabalik ako sa realidad nang magsalita siya. “Yes?” maikling tugon ko, hindi parin makapaniwalang naging bathtub ang mismo niyang higaan.“Are you just going to stay there and watch me or leave and cook?”Tinaasan ko siya ng kilay. “I thought I’ll help you take your bath?”“This water is already filled with lots of chemical that acts like soap to my body, do you still want to add that?” “Uhhh, well,…..” napasinghot ako. ‘Totoo nga, napakaba
Halos mabaliktad ang mga mata ko sa kakairap sa alaga kong pinalayas na anghel. Napakawalang-hiya niyang tinawanan ng todong-todo ng sinabi kong salad at sandwich lang ang ginawa ko, tapos ngayon todo subo naman siya. “Control your eyes miss Salad, I don’t have extra eyeballs.”Halos mabilaukan ako nang marinig ang sinabi niya. “ Who wants your extra eyeballs anyway.” Medyo pasigaw na sagot ko sabay agad na tumayo paalis. ‘Kainis, aside kasi sa itsura, totoong five-years old ang inaalagaan ko.’“And oh, miss salad, I want some Black tea.”“I already told you, I am not a chef so I don’t know how to make that. Go do it on your own since you are so lively as to laugh at my salad in your hysterics. “‘Hm! Take that you prideful an-‘“f*ck! What’s wrong with you!?”Agad akong napabalik sa lamesa nang marinig ang dabog niya. ‘Balak ko lang naman siyang turuan ng aral dahil sa sobrang pikon ko sa panunuya niya sa gawa ko, eh siya nga walang alam gawin kundi magyabang sa napakataas niyang p
Mala-pugad ng ibon ang buhok kong tumatakbo pababa ngayon ng hagdanan dahil sa paulit-ulit na pag-ring ng doorbell. ‘ Bwesit! Nakakainis! Wala na nga akong tulog buong gabi dahil sa sobrang lamig tapos guguluhin pa ng kay aga-aga ang araw ko! Hindi ako nag-sign-up na maging caregiver para lang magbukas ng pintuan sa madaling-araw ah! May pinag-aralan ako sa ibang dah-‘“Hi.”‘ Ah. Crap! Bumisita sa Russia ang isang Greek God!’Sa tingin ko ay muntik na akong magyelo sa harapan ng bisita ko-I mean bisita nila- hindi lang dahil sa napaka-lamig na sumalubong sa akin kundi dahil sa sobrang pagka-bigla, buti nalang at nakayanan ng utak kong labanan iyon at mabilis inutusan ang mga kamay kong ayusin ang sabog na buhok ko ,kahit alam na wala nang pag-asa dahil nakita na niya, sabay pinalabas ang ngiti ko. “Ah, may I know- I mean, what can I help you with?” Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kahit nanginginig ang katawan ko dahil sa pagka-utal ko. ‘Yan kasi, hindi nag-aayos ng maaga. Nak
Abot sahig ang panga kong nakanganga sa pagkabigla ngayong nakaharap na ako sa salamin. Kagagaling ko lang sa baba pagkatapos kong maghugas ng pinggan na pinagkainan ng alaga kong pinalayas na anghel tapos ganito pala ang itsura ko sa buong oras na iyon! 'Jusko, mukha akong na-raid na drug addict! Kaya pala inuutusan ako ng lalaking iyon na magtungo ako sa salamin kanina.' Napatigil aki sa pag-e-emote ng marinig ang selpon kong nagring. Walang nakalagay na pangalan kaya nagduda ako pero sinagot ko nalang. 'Malay mo, baka opprtunidad, diba?' "Yes hello?" "Carina?" ............ "Raya?" "Opo miss History. Buti at naalala mo pa ako. Sa itsura mo kasi kahapon nang kayo'y umalis eh paramg naka-jockpot ka." Napatawa ako sa pagka-akma ng hula niya. "Ako po ang babaeng bersyon ng History, kaya ate, Historina po." Pambibiro ko sabay nag-umpisang magpalit ng damit. "So ano, kamusta?" "Okay lang nam
"How many times have I reminded you to knock?! Are you trying to piss me off?!"Napa-akbang ako patikod dahil sa biglaang pagsigaw niya. Nananahimik lang ako ng ilang segundo sa gilid para hindi sana siya magulo sa pagpapalit niya ngunit ang lakas ng pang-amoy niya ng presensya kaya naamoy niya agad ako. Kagagaling pala niya ulit sa banyo kaya hindi ako sinasagot. "So-sorry, I thought you were gone since I knocked a hundred times and you weren't answering." Pagpapaumanhin ko sabay kapit sa pintuan. Baka kasi ma-highblood, sa itsura palang eh para nang manganga-"Sh*t that alibi! Have you ever heard the words patience and privacy?" 'Aba, nagsalita ang maraming pasensya.' "I already said I'm sorry." Pagmamatigas ko naman saka naupo sa upuang malapit padin sa pintuan. "Have you also heard the words worry and care? I care about your welfare so I was worried when you didn't answer my knocks. I thought you we-"Agad akong napatayo ng dinakot niya ang kanyang cane saka mabilis na umakbang