Share

III

Nanginginig ang mga binti ko ngayong nakaupo sa hindi ko maintindihang  kulay itim na upuan, sapagkat may disenyo itong parang mga bungo sa magkabilang gilid, habang nakaharap sa gwapong lalaki na ginawang napakalaking big deal ang pagpasok ko sa kwarto niya. Mukhang umatake na nga ang kanyang sakit dahil napansin ko itong humigpit ang kapit niya sa kanyang mala-ahas na cane, tapos pinili padin niyang ilaban ang kanyang pride at hindi nalang tinapos ang tension naming dalawa sa pagpapaalis nalang sana niya saakin. Kung ang pinuproblema niya ay ang mga nakita kong kababalaghang kalat at disenyo ng kanyang kwarto, alam ko naman ang salitang sikreto. Palibhasa ay napakadami naman kasi niyang posters ng mga malalaman at makikisig na katawan ng mga nagkakagwapuhang lalaki sa halos lahat ng sulok ng wall niya, maliban nalang sa wall,kaya siguro puno na ito ng hiya ngayun. Kapapansin ko lang ito kanina dahil saw akas ay sinidian na niya ang ilaw ng kwarto niya. Akala ko talaga ay wala nang normal sa kawartong ito,kaya nangangamba ko nang pinagpaplanuhan kung paano ako makakapagg-adjust dito kung sakali mang mapagpasyahan kong manatili, buti nalang at meron pa pala. Sayang naman kasi,muntik nang mag-back out ang utak ko e-.

“Ugghhh! Fine!” Inis na sigaw niya out of the blue habang parang matandang pinasayaw ang kanyang cane. “You can go away!” 

Hindi ko alam kung anong insekto ang pumasok sa utak ko pero hindi ko namalayang napangisi. Na ikinatalim pa lalo ng kanyang mala-abong mga mata. Napatingin ako sa mga posters niyang malalaking katawan, saka ko siya binalingan ng tingin. Kunti lang naman ang pinagkaibahan niya sa mga posters niyang ito, at iyon ay napakaputla niya kahit malaki ang katawan niya. Pero napatayo nalang ako ng napatawa dahil sa nakakamatay nitong irap. 

‘Hindi ko naman ipagkakalat kong bakla ka ano ba.’ 

Litong-lito ang isip kong sumusunod ngayon kay ma’am Tatyana,sa dami ba naman kasi ng mga lugar at gamit sa napakalaking bahay na ito na ipinakita niya saakin,siguradong kanina pa ito tinulugan ng utak ko. Deretsang tinanong ko kanina kung bakit niya ako sinadyang pinapasok sa kwarto ng pasyente ko eh mainitin naman pala ulo nito. Grabe pa makatitig,akala mo naman ay sobrang-sama ng kasalanan ko, eh napilitan nga lang din akong pumasok. Pero dahil ang dahilan naman niya ay gusto daw niyang makilala ko ng tunay ang aalagaan ko, tumango nalang ako. Dahil baka ang ibig niyang ipaalam ay ang pagiging isang bakla nito. Ayaw lang niyang banggitin dahil baka mapagalitan siya, lalo na kay sir Sergeibev dahil sigurado akong hindi niya ito alam at pag nalaman ay baka mahimatay. 

Ang pagkakaalam ko kasi ay bawal ata o medyo hindi sinusuportahan ng Russia ang mga LGBTQ dahil may law na ginawa upang patahimikin sila. Wala naman akong masasabi pero, paano na kaya ang aalagaan kong iyun? 

“So miss Carina,this is your room.” 

Napatingin ako sa loob ng kwartong kakabukas lang ni ma’am Tatyana. Para sa isang bahay ng businessman,siguro appropriate na din ito. Para kasing nasa malacanang lang ako,kaso dark version of malacanang nga lang.

“Thank you ma’am Tanyana,the room is really huge.” Tapat kong komento saka mabanayad na pumasok. “But of course I love it.” Agad kong idinagdag nang mapansing parang loumabas na negative comment ang sinabi ko.

“I’m glad.” Napangiti namang tugon ni ma’am Tatyana. “Then I shall leave you. Please feel at ease and take your time to adjust. I’m certain Arkady is just doing fine.” Pagkasabi non ay napayuko na ito ng bahagya saka umalis. 

Pagkatapos kong nailabas at naiayos lahat ng gamit ko na dadalawang maleta lang, dumeretso ako sa napakalambot na higaang parang ginawa sa balahibo ng pusa. Saka pilit na nagbasa tungkol sa sakit ng alaga ko, ang Huntington’s disease.  Grabe,alam ko ang basic information tungkol sa sakit na ito. Kaya naman nagulat talaga ako ng sinabi ni sir Sergeibev na may ganoong sakit ang anak niya. Isa itong uri ng napakapambihirang sakit na kahit pa masasanayan mong mabuhay kasama ito ay mahihirapan ka paring sumaya o di kaya’y imposible na sayo ang maging masaya dahil nga alam mo na kung anong katutunguhan mo sa mga nalalapit na taon. Bukod pa doon,  ang utak mo talaga ang direktang inaapektuhan kaya lahat na siguro ng sakit at malfunction ay nararamdaman ng isang taong may sakit nito. Kaya siguro naging ganoon ang aalagaan ko dahil hindi na niya maintindihan ang sariling katawan at pag-iisip niya kung minsan.

 Napatayo agad ako nang may marinig akong katok sa pintuan. “Ye-“ Dahil sa pagkabigla,hindi ko naituloy ang pagsasalita ko. 

Nasa harapan ko ngayon ang aalagaan kong kanina lang ay parang inabuso at pinagmalupitan ko! Nanliit ang mga mata niya nang mapansin ang hindi ko pagtapos sa salita ko dahil sa pagkabigla at pagtataka. Napatingin ako sa katawan niya. Nakasuot siya ng simpleng white t-shirt na akala mo naman ay tama lang ang lamig ng panahon, kaya kitang-kita ko ang mga nagpapalakasang muscles niya. Sa totoo lang, para talagang pang model ng underwear ang katawan niya, siguro dahil sa wala siyang masyadong ginagawa kaya sakto lang ang laki ng katawan niya. Kaso lang, mapapansin mo talagang parang hindi siya straight na lalaki dahil napakaputla niya! Isipin niyo, lalaking napakaganda ng katawan, sakto ang laman ng mga braso at dibdib tapos napakaputla! Ngayon lang ako nakakita ng ganto promise, buti nalang at hindi din puti ang mga bohok at pilik mata niya. Baka mapagkakamalan ko pang naligaw na anghel. Hawak parin nito sa kaliwang kamay ang parang nanigas na ahas niyang cane. 

‘Hindi pala naligaw na anghel,kundi pinalayas na ang-‘

“Stop ogling me.”

“What?”

Napakurap ako sa sinabi niya,ogling daw?! Aba’y kita mo nga naman ang mga expensive baklas. Mahilig din pala mag-assume ng sobra-sobra.

Automatiko ulit na napahakbang palikod ang paa ko nang siya’y matipunong humakbang palapit saakin. ‘Anong uri ba ng bakla ito!? Bakit ba siya madaling magalit?! Hindi naman ata kasali sa epekto ng Huntington’s disease ang pagiging mapagmalupit! ‘ 

“Show me.” 

“Ha?” napapantastikohang tanong ko ulit. 

‘Anong bang kalukuhan ang pinag-uutos nito? Kakadating ko palang tapos pinapaalis na niya ako?’

“Ha?” Pag-uulit naman niya na parang natatawa sa reaksyon ko.

‘Eh mabuti naman at masaya pala siya, para kahit papaano ay ma-enjoy niya ang mga huling taon ng buhay niya.’

Actually, may nabasa ako kakina lang na may posibilidad daw na gumaling ang isang taong may sakit ng Huntington’s disease kapag nasa stage 1 palang ito,lalo na kapag ang taong may sakit ay positibo ang pamumuhay. Nasabi na saakin ni sir Sergeibev na nakuha ng alaga kong ito ang sakit niya sa ina niyang pumanaw na. Nang tignan ko ang ekpresyon ni sir Sergeibev habang ikinukwento niya iyun ay napakalayo at may halong parang sanay na sanay na sa sakit na pinapaalala ng ikinukwento niya kaya naman ay napa-sorry nalang ako saka sinabing kahit sa ibang hindi na niya ituloy. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status