Share

3

3

How Hard Life is?

Bilis bilis akong tumakbo papalayo sa anak kong si Blaze nang hinatid ko sa school niya. Nagmamadali na kasi ako dahil mahuhuli na ako sa aking date.

Date sa aking best friend na si Chinita. Kasama ko iyon sa trabaho bilang ahente, at ngayon ay may target kaming pasukin sa Makati.

Kailangan namin mag-doble kayod at magsipag sa paghahanap ng mga tao dahil napakahirap na sa mga normal na tao lang kami mag-aalok.

Mga yayamin na sobra ngayon ang target namin. Sana ay pagpalain kami ng Diyos para makakuha ng mga pag-a-ahentehan.

"Bye, Mommy!" sigaw niya pa sa akin kaya napilitan akong lingunin siya para tapunan ng ngiti.

Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Buti na lang ay nakabalanse pa ako. Hindi ko kasi pwedeng hindi pansinin ang anak ko kahit na gaano pa ako nagmamadali.

Mabilis akong sumakay ng tricycle at sinabi sa driver ang punta ko nang makarating ako sa labasan. Mabuti na lamang at may tumigil kaagad na pampasaherong sasakyan sa may harapan ko.

Sino ba naman ang hindi titigil sa akin? Daig ko pa ang naunsyaming Mayora sa postura ko. Naka-mini skirt ako at naka blazer pa.

"Biyahe po papuntang Makati, kuya." sabi ko sa tricycle driver nang silipin ako nito.

Late na late na kasi ako sa trabaho ko. Maghapon na namang tawaran at paliwanagan tungkol sa kabaong at pagkamatay.

Ano ba naman kasing buhay 'to? Bakit ba ganito ang kinabagsakan kong trahabaho? Sayang ang blonde hair dye ko kung mauubos lang sa stress na dala ng kakapaliwanag ng tungkol sa tsugian factor ng mga matatandang walang nemorial plan.

Ngayon ay may aakyatin akong bagong building. Iyon ang iniisip ko pa kagabi habang tumitingin ako sa internet ng mga building sa Makati, kaya lang ay hindi ko natapos dahil naubos ang 100mb kong data.

Baka makarami kami ngayon ng aking matalik na si Chinita.

Target ko na ito para tumiba ako ng marami. Papasukin na kasi namin ang bagong tayo raw dito ng building, ang King's Luxury Cars and Automobiles. Nakaswerte kaming magkaibigan dahil kilala niya ang secretary ng President ng kumpaniyang yun, na bilyonaryong gwapo raw.

Yun lang wala iyong identity sa madla. Pinakabagong bukas na malaking kumpaniya ng mga kotse sa Pilipinas ang King's. Baka pwede na rin akong makapag-apply. Dagdag trabaho ko sana para makaalis na rin ako sa mga kaba-kabaong dahil pakiramdam ko ay nangangamoy na akong patay.

Ang anak ko nga ay ayaw nakikita ang mga dala kong portfolio dahil may mga litrato ng nga ataol.

Sana may job vacancy sa King's.

Mas maganda dun malamang para yumaman na ako at titigil na si Nanay sa pagtitinda ng mga gulay sa gilid ng palengke, na kapag nariyan ang mga pesteng pulis ay nagiging runner ng marathon ang nanay ko, habang bitbit ang bilao para hindi mahuli. Buti na lang operada na sa gallbladder si Nanay, kaya laban to the max na siya sa takbuhan kahit medyo gurangers na siya.

Bawal kasi ang mga sidewalk vendors, nalulugi raw yung mga nasa loob ng palengke na totoong nagbabayad ng butaw araw- araw at kumuha ng pwesto sa munisipyo.

Wala kaming magawa dahil wala naman kaming milyong halaga ng salapi para kumuha ng rights sa munisipyo.

HUMAHANGOS na bumaba ako sa jeepney. Nasa tapat na ng building si Chinita at hindi lang mahaba ang leeg niya na parang giraffe sa paghihintay sa akin, kulubot na rin ang mukha niya sa inis. Kasi malamang ay huling - huli na ako sa usapan. Kung nag-taxi ako ay narito na ako kanina pa dahil mabilis iyon pero mabilis din ang metro. Poorita ako kaya wala akong pang-taxi.

"Hoy," nagawa ko pang paskilan ng ngiti ang mukha ko nang kalabitin ko si Chinita.

Chinita suits my friends name. Ito ang Pucca doll na nagkatawang tao dahil ang mga mata ay pareho.

She glared at me, "wow! Ang aga mo para bukas!" bulalas kaagad niya sa akin.

She embraced her portfolio. Parang gusto niya iyong isapak sa akin dahil sobrang inis yata sa akin.

"Sorry naman. Inihatid ko pa kasi si Blaze sa school. Wag ka ng magalit. Pasok na tayo,” lambing ko sa kanya.

Kabisado ko naman ang ugali ng best friend ko, ganito naman talaga ito na daig pa ang Nanay ko kung makapag salita sa akin. Mahal niya lang ako kaya naiintindihan ko siya at hindi ko pinapansin kung minsan kahit pa ang litaniya niya sa akin ay singhaba ng libro ng pasyon tuwing mahal na araw, na kapag ipinagdugtung-dugtong ay baka makarating na sa Taiwan.

Pumasok kami at napatigil ako.

My jaws literally dropped seeing the most expensive cars in the world. Nakadisplay ang hindi mabilang na kotse at mga SUV sa ground floor ng napakalawak na building na napapalibutan ng glass walls. Tinted sa labas ang mga salamin kaya di makita ng mga dumaraan pero langya naman, luluwa ang mga mata ng makakakita sa loob.

Parang di ko na gugustuhing himasin ang mga kotse dahil baka magkandagasgas ang mga kumikinang na kotse.

Nayakap ko rin ang bitbit kong portfolio. Sana magkaroon ako ng ganito sa mga susunod na panahon. Piping dasal ko na kahit alam kong napaka imposible ay hinihiling ko pa rin.

Power of manifestation.

Lumunok ako. Grabeng gaganda talaga. Di ko namalayan na ang layo na pala ni Chinita sa akin. Nasa may elevator na siya, ako ay nakanganga pa rin sa gray na Porsche 911.

"Hoooy! Di ka makakapera riyan, Emmanuelle!" sigaw na sakin ni Chinita kaya kumurap-kurap na ako at nagmamadaling sumunod sa kaniya, pero papasara na ang pinto at di ko na naabot pa kaya sumingit ako sa kabilang elevator.

Nabangga ko pa ang isang malabakal na katawan ng isang lalaki.

"Sorry po." tumungo ako ay hiyang - hiya. Ang careless ko kasi.

Kainis!

Narinig kong tumawa lang nang mahina ang lalaking naka Amerikana kaya tiningala ko ito.

Wow! ang pogi niya! Kulang na lang ay lumaki ang mga mata ko nang literal sa harap nito.

"Be thankful it's not the Chairman you bumped with, Miss, kung hindi ay kaladkad ka palabas ng building," anang lalaki sa akin.

Sungit naman pala ng may-ari. Mabangga lang, kaladkad kaagad? Timang! Ano, ginto? Bawal madikitan man lang?

Sabagay. Chairman iyon at bilyonaryo. Mas pa malamang iyon sa ginto.

"Kaya ko pong i-handle ang mga ganoong nilalang, sir." I cheerfully said.

Sinabayan ko pa yun ng magandang ngiti na parang saglit na ikinatitig ng lalaki sa akin.

"Saan ka, Miss?" tanong niya ulit.

"Sa ano po, executive department." sabi ko at itinaas ko pa ang hintuturo ko sa may tapat ng mukha ko.

Kumunot ang noo niya, "Anong gagawin mo roon? Naroon ang Chairman,” anang lalaki, “Next time, don’t butt in here, executive elevator ito.

Napanganga ako. Ibig sabihin ay executive rin ito. Lumunok na lang ako at kumurap.

Mabuti nga na naroon ang Chairman. Baka pwede kong alukan iyon ng plan. Isip ko.

"Mag-aahente po ako," ani ko na lang.

"Estate broker ka?" tanong niya.

Anong estate broker? Ahente nga, pinaganda pa.

"Ahente po ako ng lupa…lupa ng mga patay, kabaong, make-up, morgue, funeraria for rent…" sabi ko na ikinatawa niya ng mahina.

Muntik pa akong matulala nang makita ko ang ngiti niya. Buti tumunog ang elevator.

Gwapo itong talaga at mukhang mataas ang posisyon niya rito sa kumpaniya. Ano kaya siya?

Habol tingin ko siya nang lumabas siya sa elevator. Nilingon niya ako at kinindatan.

"Talk to me after your deals. Ilalakad ko kay Tito ang death plan mo," aniya sa akin.

Tito? Tito niya ang Chairman? Yayyy! Gurang na ang Chairman! Kailangan ng funeral plan at burial?

Baka ang lalaking ito ang susunod na may-ari. Pogi kasi. Mukhang ito na nga. Mabait siguro ito kumpara sa matandang may-ari.

Nagmamadali akong lumabas sa elevator habang habol ko pa rin ang lalaki ng tingin.

"Sir, ano hong office kayo? If you don't mind po?" habol tanong ko.

"Office of the CFO, beautiful." sabi niya.

Beautiful daw ako. Naku! Di naman masyado, baka mahubad ang panty ko at majuntis na naman ako.

Office of the Financial Officer daw ito. Ito pala ang treasurer ng kumpaniya. Ang bata pa nito na sobra. Parang mga mid twenties pa lang ito o baka nga kaedad ko.

Pero wala akong panahon sa pogi. Gusto ko ay makadilehensya ng pera. Mukha na kasi akong pera. Kapag ako yumaman ay magpapa-imprenta ako ng sarili kong pera at mukha ko ang nakalagay, naka wacky pose ako para bongga!

Syempre naman, sa mundong ito na sakdal ng lupit bagsik, di mabubuhay ang walang pera. Buti noong panahon sa Bible, kumakain lahat kahit walang trabaho at walang pera, ngayon hindi na. Sobra na ang trabaho ng tao, kinakapos pa rin ang pamilya.

Halos linggo-linggo na tumataas ang bilihin. Ang bigas, ginto na ang halaga.

“Don’t offer me a plan. I’m still young but I can recommend you to some people I know.”

“Ay opo! Salamat po, Mister Pogi.” masaya kong sabi dahil mukhang ito na ang umpisa ng pagyaman ko. Nakakilala ako ng mabait na UFO.

Huh?

CFO pala, tanga!

MM16

hello. sana po ay support niyo rin si Lady Makulit. Comments din po kayo para pang motivate ko lang po sa pagsusulat. salamat po.

| 1
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
hello Miss A. thanks kay Heart at Lux natapos ko na sobrang ganda happy ending talaga salamat ulit at may bago na naman akong bbasahin nakakatuwa ang bdang babae ha ha makulit nga ha ha
goodnovel comment avatar
Estrella Montenegro
ang kaabang abang na storya...
goodnovel comment avatar
Asjaymitern Tan
baka si chairman ang naka juntis sa kanya
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status