Share

4

THE CHAIRMAN

Ubos ang energy ko nang matapos ang discussion ko. Bwisit!

Haggard na naman ako.

Sa inaraw-araw kong paulit-ulit ng pagpapalinwanag tungkol sa mga bagay na inaalok ko ay memoryado ko ng tunay, at kahit yata tulog ako ay kaya itong i-recite na parang libro ng Science.

Sumandal ako sa upuan at tumitig sa berdeng dahon ng nakadisplay na halaman, para marelax ang mga mata at utak ko.

Nanunuyo na ang lalamunan ko. Kung oral exam ito, malamang ay sobra pa ako sa pasado. Narito ako sa may waiting area. Dito raw naghihintay ang mga aplikante. Nasa floor din ito ng chairman pero medyo malayo.

"Beautiful," tawag sa akin ng lalaki sa may likuran ko.

Agad akong lumingon. Naks! Feeling ko yata ay over ako sa self confidence.

"Naks!" anang lalaking CFO. Nakapamulsa ito at naglalakad palapit sa akin, “Lingon kaagad.”

Cool talaga ito at hindi matapobre.

Ang laki ng ngiti nito na parang nang-gu-goodtime pa, dahil sa paglingon ko sa pagtawag niyang beautiful sa akin.

Magkahiwalay na kami ni Chinita. Naroon siya sa kabilang parte ng napakalawak na floor ng building na ito, at sa sobrang lawak ay parang sinlaki na lang siya ng daga sa paningin ko.

"Ready ka na. I told my Tito about that plan. Actually, pinatatawag ka nga rin niya kahit hindi ko sinabi sa kanya," sabi niya sa akin.

Ako? Pinatatawag?

Namilog ang mga mata ko sa pagtataka. Magkakilala ba kami ng chairman? Hindi naman.

Baka excited kumuha ng plan dahil baka pakiramdam ay made-deadbol na. Aba. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito na makaharap ang isang bilyonaryo.

Hindi ito ang unang beses na nakaharap ko ang isang mayaman dahil ang ama ni Blaze ay ganito rin, pero iba naman iyon at iba rin ang Chairman ng Kings.

Pumormal ako kunwari, "Okay po, Sir. Salamat po, pilit akong tumayo kahit parang nalulula pa ako dahil sa walang katapusang pagpapaliwanag ko kanina sa loob ng isang hall.

Nakatipon doon ang mga gurang na kalalakihan, na walang ibang gawa kung hindi tumunganga sa legs ko.

Wala pa naman akong kain dahil sa puspusan kong trabaho. Ang sabi ay tatawag ang mga iyon kung kukuha. Mga kuripot. Naturingang mayayaman ay mga walang pera.

Pinuntirya kaagad ng mga mata ko ang pinto ng office ng Chairman. Kanina ko pa iyon sa totoo lang pasimpleng hinahanap kaya alam ko na kung nasaan.

"Ihatid na kita," alok ng CFO sa akin na ipinagkibit-balikat ko na lang.

Buti na nga rin yun na may endorser ako. Hindi masyadong awkward kapag humarap na ako kay tandang Chairman.

“Mawalang galang na po, sir. Ilang taon na po si Chairman, mga otsenta na po ba?” tanong niya sa lalaki na tunawa habang nakapamulsa.

“Why? Gusto mo na siyang mamatay? Hindi ko nga akalain na sa yaman ni Tito, wala pa siguro siyang memorial plan kaya gusto ka niyang makausap.”

“Susko, sana ay kumuha siya,” ani ko. Sinarili ko ang kaisipan na kapag um-oo ang isang tao at nag-down kaagad ng paunang 2,500 pesos, mayroon na ako doon 750. Komisyon ko iyon. May pambili na ako ng mga gamit ni Blaze sa eskwela kasi ang sapatos ng anak ko ay gutom na, nakanganga.

"What's your name again?" tanong niya sa akin.

Sinulyapan ko pa siya. Ang tangkad niya kahit naka-heels ako.

"Emmanuelle Vera… mukhang pera." sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya nang malakas.

Wala syang pakialam kung nakahatak sya ng maraming mga mata sa kabuuan ng department na yun.

Ako ang parang nahiya. Peste naman kasi ang bibig ko, laging may karugtong na kalokohan paminsan-minsan.

Sinulyapan ko ulit sya at nakatingin sya sa akin, "I like that. Tell that to the chairman, ihuhilog ka niya sa building." aniya sa akin.

Ngi.

Nanulis ang nguso ko, "Demonyo naman yata ang chairman niyo at hindi tao, sir," di napigil na sabi ko.

Paano? Sino namang tao ang maghuhulog ng pobreng babae sa building dahil lang sa isang biro?

Baka ulyanin na ang chairman kaya masyadong masungit.

"Just kidding, pero ‘wag mo syang bibiruin ha, warning. Mainitin ang ulo niya," warning niya kaagad sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

Saglit pa akong natilihan nang mapansin ko na nakatapat na pala kami sa pinto ng opisina ng lalaking pinag-uusapan namin.

My heart raced. Wow! Bakit may kaba factor? Sa tagal ko sa trabaho na ito, ngayon lang ako kinabahan.

E kasi ay Chairman ang papasukin ko.

We were suddenly interrupted by a woman's voice.

"Yes Nico? May kailangan ka sa Tito mo?" tanong nun na sabay namin na ikinapilig ng ulo.

Ngumiti si Nico sa babaeng nakasalamin at ang ginuhit na kilay ay parang abot na sa noo. Nangangamatis ang pisngi nun na parang binalatan na sibuyas ang kulay. Gumagamit yata ng iyon ng Maxipeel o baka naka-rejuvenating set. Sunog na ang mukha ng babae

Gusto kong matawa sa hitsura nun pero pinigil ko kasi mukha iyong principal na pinagkaitan ng tadhana. Yun tipong matandang dalaga ba, namamatay ng virgin.

"Yes, ate Maxi. Kausap ko na siya kanina. Ako na ang papasok." simpleng sagot ng lalaking katabi ko.

Dumako sa akin ang tingin ng babae. Sinuri nun ang kabuuan ko. Gusto kong sabihin sa kanya kasama ako ni Chinita. Bakit ang sungit ng tingin nito sa akin ay magkaibigan sila ng kumare ko?

Akala ko susungitan ako nito pero ngumiti rin. Ah, masungit lang pala ang mukha. Naisip ko.

Ginantihan ko iyon ng ngiti bago ako sumunod kay Nico papasok.

Nakabukas na ang pinto kaya agad akong kumilos bago pa ako abutan ng menopause.

Ang bango! A sweet manly fragrance greeted my nose. Hindi masangsang sa ilong and amoy na iyon.

"Tito, here she is,” imporma ni Nico sa lalaking di ko makita kung nasaan.

Multo? Nilinga ko ang paligid pero wala kong makita. Baka naman bulag na ako.

"Sir, nasaan po ang kausap niyo?" bulong ko sa lalaki pero bago pa ito makasagot ay may nagsalita na.

"Leave us alone,” pormal na pormal ang boses na yun. Baritono iyon at malambing naman pero puno ng awtoridad.

Parang narinig na ko na ang boses nito. Limot lang ako kung saan o kung kailan pero talagang pamilyar. Baka sa radyo ko iyon narinig o kaya ay sa telebisyon.

Nag-isip ako pero di ko maalala talaga at ayokong mangulubot ang balat ko sa pag-iisip. Bahala sya sa buhay niya. Boses naman niya iyon at wala akong pakialam.

Saka maraming may ganoong boses sa mundo.

I glanced at Nico while still embracing my portfolio.

"Okay, Tito," sagot ni Nico.

Bigla akong kinabahan nang maiwan akong mag-isa. Nilingon ko pa si Nico kahit nakalabas na siya, at nang tumingin ako sa harap ko ay nakita ko na ang isang bulto ng taong nakatalikod. Nakaharap siya sa ceiling to floor glass wall na kita ang buong syudad malamang.

Nakatalikod siya sa akin.

Lumunok ako. Hindi siya matanda tulad ng inaasahan ko. At ang laki laki niyang tao, kahit katawan niya ay sobrang laki rin. He's in a gray expensive business suit and his hair is in the shade of brown Mukhang natural iyon.

Susko! Kung gwapo si Nico, mukhang mas pogi itong Chairman. Likod pa lang, ulam na.

Napadako ang mga mata ko sa pwet niya.

Di ko yun sadya ha pero ang tambok. Parang ang sarap pisilin. Namimilya na naman ang utak ko.

At kailan pa ba ako nakatuto ng pagnanasa sa isang lalaki? Doon lang sa ama ng anak kong si Blaze ko iyon natutunan.

Di ko namalayan na hindi na pala ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

"Are you done scrutinizing my body, young lady?" tanong niya na nakatalikod pa rin.

Susmi! Nahulaan niya na tinitingnan ko ang bawat sulok ng katawan niya. Tumikhim ako para magpaka-pormal. Mauutal yata ako kapag nagsalita ako.

I calmed myself. I have to stay calm and shouldn't be nervous at all.

"Married or not?" tanong pa rin niya agad sa akin bago pa man lang ako makahanap ng sasabihin.

My brows arched.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa may mesa niya. I tiptoed.

Feeling ko kasi mabubuwal ako sa kaseryosohan ng ambience sa office niya. Makahawak man lang sana ako sa armrest ng silya sa harap ng mesa niya.

Saka mag-aahente lang ako, bakit ang tanong niya ay married or not?

"No, po. Single parent po,” sagot ko. I pressed my lips together.

Hindi siya kaagad sumagot. Inom lang siya nang inom ng pulang likido sa wine glass. Pilit ko siyang sinisilip para makita ang mukha niya.

Daig pa niya ang bampira na sumisimsim ng dugo sa wine glass.

“Single parent, huh?” aniya kaya napaismid ako.

Ano bang pakialam ng Chairman na ito sa takbo ng buhay ko?

Nakagat ko ang hintuturo ko. Lalabas na ba ako o ano? Parang gusto ko lumayas dahil hindi naman ako aplikante para interview-hin niya nang ganito. Pero gusto kong makita ang mukha niya.

Grabe ang interes ko na humarap siya. Parang di ako makakatulog ng isang taon kung palaisipan ang misteryosong mukha ng Chairman ng King's.

Sinilip ko sya ulit sa tagiliran pero wala, di ko halos makita ang kabuuan ng mukha niya. Baka siya ay duling o kaya ay pango. Pero mukha itong foreigner at hindi pwede na pango ito.

Please humarap ka... Pakiusap ko sa isip at muli ko siyang inararo ng tingin. Tall, fair and myterious. Iyon ang mga salitang maglalarawan sa lalaking ito na mas gustong nakatalikod habang nakikipag-usap.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Naty Esmabe Magbag
Jusko Ang kulit ......mukhang mapapdami ko tawa d2 ah salamat author Ang ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status