9 HE'S A DEVIL PARA akong napaso bigla nang rumeshistro sa utak ko ang posisyon naming dalawa ng lalaking ito. Napatalon ako paalis sa kandungan ng hudyo. Inayos ko ang sarili ko dahil tumaas nang kaunti ang mini skirt ko. Nakita ko siyang nakatitig sa legs ko. Aba, napakamanyak ng matandang ito. "Stop looking at me! Isang tingin, isang bayad!" sigaw ko sa kanya at hindi ko alam saan ko hinuhugot ang mga kalokohan kong makatotohanan kahit na problemado ako. Hindi na ako makaalis dito sa building samantalang mag-aalok lang naman ako ng mga gamit pampatay. Nagdilim na naman ang anyo niya at ang mga mata niya ay nagbabagang hindi maialis sa akin. Ano bang problema ng lalaking ito sa akin? Natural na ipagdamot ko ang anak ko. Hindi ba niya maintindihan iyon? Ano ba ang gusto niya, um-oo na lang ako at period na. Karugtong ng hininga ko ang batang pinag-uusapan namin, na hinugot ko sa kasuluk-sulukan ng baga ko, habang nasa loob ako ng delivery room. Kalbaryo ang inabot ko nang ip
10 NOT HIS TYPE Daig ko pa ang lantang gulay nang dumating ako sa eskwelahan ng anak ko. Naupo ako sa wooden bench doon. Nakalimutan ko na baka sabog pa rin ang buhok ko kaya sinuklay ko gamit ang mga daliri ko sa kamay, syempre sa kamay alangan namang sa paa. Haaay! Pinagsiklop ko ang mga braso ko. Mababaliw na ako at mas mababaliw ako sa offer ni Chairman sa akin na five hundred thousand na bayaran ko para mabawi ko ang anak ko sa poder niya. Di ako makakalaban. Kaya niyang baliktarin ang mundo sa yaman niya. Wala akong binatbat sa kanya. "Mommy!" tawag ni Blaze sa akin mula sa kung saan. Tumingin kaagad ako sa direksyon niya. Naglalakad siya kasabay ang mga kaibigan niya. Nakangiti siya sa akin at kumakaway. Kumaway ako pero parang tinusok ang puso ko sa kaisipan na sa isang araw ay di ko na siya maisasama sa pag-uwi ko. Doon na siya sa ama niyang damuho uuwi. Susunduin siya ng magarang kotse, matutulog sa malambot na kama at may aircon, pero wala ako sa tabi niya kapag kai
11Sharpen Him More"TAAS din ng bilib mo sa sarili mo. Akala mo lahat ng babae magkakagusto sa'yo porke at ganyan ka? Ewan ko na lang kapag nakilala ka na nila na masamang tao,” bwisit na sabi ko sa kanya dahil hindi ko matanggap ang kanyang mga linyahan.Kailangan ko siyang bawian lalo pa at nakita ko na nahuli niya kaagad ang loob ng anak ko. Naghahanap na kasi talaga si Blaze ng ama. Paulit-ulit ito sa bagay na iyon at inggit ang anak ko sa mga kaklase nitong sinusundo ng mga Papa. Parati itong nakahabol ng tingin sa mga ganun, na kahit hindi ito magsalita ay nahuhulaan ko na, na nangungulila ito at nalulungkot.“Hindi ako magkakagusto sa'yo, period! Mamatay ka man!”Pero dasal ko ay huwag sanang kumidlat dahil sigurado na tatamaan ako. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga babaeng sinasabi ko na may gusto sa kanya.Pero hindi. Kokontrahin ko yun kasi kahit na mamuti ang mga mata ko, alam ko na hindi siya magkakagusto sa isang katulad ko. Kung insultuhin niya ay ako ay para siyang Diyo
12 HATRED Para akong aso na bumubuntot sa isang amo. Paliku-liko ang nguso ko habang nag lalakad ang mag-ama ko sa harap ko. Pumasok kami sa Tagaytay Highlands and golf club pero ang diretso ay sa isang Villa. Daig ko pa ang may kadena sa leeg ko na hila niya, at kung saan siya pumunta ay dapat na doon din ako, nakasunod. Karga pa rin ni Bradenton ang bata habang naglalakad kami sa isang bakuran, papunta sa isang bahay na sobrang laki at gara pero wala akong pakialam kahit gaano ito kagara. Hindi ko pa rin gusto na maglagi lalo pa at alam ko naman na napaka self-centered ng hudyo na nakatira rito sa katauhan niya. Magkasiklop ang mga braso ko sa dibdib ko at patingin-tingin ako sa paligid. Sobrang linis ng paligid na akala mo ay may nagbabatay na taga MMDA, at oras na magtapon ka ng basura ni balat ng kendimay dadakipin ka. Puro pine trees ang gilid ng driveway, na parang feeling Baguio ang ambiance. Di ko napigil napasinghot ako, kasi parang ang sariwa ng hangin. Medyo malamig
13Where's the Deal GoingBraden opened the door. Nanlaki ang mga mata ko nang marahas niya ako na ipinasok sa loob at isinalya sa pagkalaki-laking kama. Para akong Palos na nagmamadaling sumiksik sa may ulunan at ibinaba ang skirt ko.Baka gahasain niya ako! Ah putis! Bakit yun ang nasa isip ko? Offer ba yun? W!"This will be our room. If you want to open the door and the light, utter my name," sabi niya sa akin.Wala siyang emosyon. Pwede siyang i-model sa aking mga kabaong.Wala sa utak ko ang sinabi niya. Nasa mga mata niyang tagusan sa laman kung makatingin ang aking titig.Nakapamulsa siya at bad trip pa rin siya. Parang gusto kong hilutin ang noo niya para mawala ang pagkasalubong ng mga sungay niya. Lagi kasi siyang ganun. Ibang iba siya dun sa cool na lalaki na nakilala kong ama ni Blaze, five years ago.Niyakap ko ang mga tuhod ko."Pati ba electric bill may charge sa akin? Pinakabitan mo ba ako ng sariling kuntador ha? Yung nanay ko ba pauubusin mo ng isang buong l
14 WISH THAT CAN'T BE GRANTED "MOMMY," kaagad na napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Blaze, kahit nagpapahid ako ng lipstick. Tapos na akong maligo at wala akong pakialam sa sinasabi ni Bradenton na abogado. Sila ang mag-tsismisan dun na dalawa at maghuthutan ng dila. Wa ako pakels sa mga rules and regulations nila. Basta kasama ko ang anak ko ay masaya ako.Bahala ang mga iyon na tumanda sa kahihintay sa akin.Saglit akong natigilan sa hitsura ni Blaze at umawang pa ang bibig ko. Bihis na siya at nakapostura. Hindi na niya suot ang kanyang uniporme.Ang pogi niya. Is he my son? Really? Nganga ako sa kapogihan ng anak ko. Sinong nag-asikaso sa kanya? Si Nanay ba? Bilyonaryo na rin siyang tingnan dahil sa bihis niya, hindi pa man lang. Ang kanyang mga damit ay halatang mga branded. Bakit parang alam na alam ni Kanton ang mga sukat ni Blaze? Totoo kayang nagpapamanman siya sa aming mag-ina? Saglit din na parang natigilan ang bata nang tingnan ang buhok ko. Hah
15AM I THAT STRONG?"I told you to hurry up. My lawyer is waiting downstairs." Braden's voice that sounded like thunder filled the room, kaya parehas kami ni Blaze na napatingin sa lalaki na ito na pumasok sa kwarto.Ang salubong niyang mga sungay ay biglang maghiwalay nang makita na umiiyak ang bata. Parang may nakita akong pait sa mukha niya pagkakita sa anak niya na umiiyak.Para siyang sinaksak ng kutsilyo.Kaagad siyang lumapit sa pagkabigla. Kaagad niyang kinarga at inalo."Don't cry,” hinalik-halikan niya si Blaze sa mukha at pinahid ang mga luha.Tila ba nakalimutan niya na naghihintay daw nga ang lawyer niya sa ibaba.Walang humpay ang pahid niya sa luha ng anak niya. In fairness naman sa kanya, malambot siya kay Blaze. Siguro ay ramdam niyang hindi na niya kailangan pa ng sinasabing DNA test."What's it all about, son?" malambing na tanong niya kay Blaze na umiling lang saka yumakap sa leeg ng Daddy nito.Ganoon kahulog ang loob nito sa ama dahil baka may similarit
16NOT SO HELLISHNapilitan na rin akong lumakad papunta sa pintuan ng kwarto, para sumunod kay Bradenton sa ibaba raw. Inayos ko ang sarili ko bago ko hawakan ang knob pero ayaw bumukas.Shit! Pangalan daw niya ang banggitin. Ano ba yan?I rolled my eyes."Kanton!" sabi ko. Hindi nga pala kanton. "Lucky me! Itlog! Itnok! Ho-mi! Nis…sin!" sabay tawa ko pa. Inaabot na naman ako ng pagkalukaret ko.Buti na ang ganito na natatanggal ang stress ko, hindi ako agad na tatanda. Hindi tulad ni Braden na parang madaling mangungulubot ang mukha sa stress. At dagdag na ako sa stress na yun. Ang sarap niyang asarin, asar talo kasi siya. Lagi siyang pikon at isinasalya ako sa kama.Wag lang niya akong sasapakin dahil sigurado ay baka humiwalay ang ngalangala ko sa bibig ko, o kaya ang ulo ko sa katawan ko at tumalsik sa kung saang lupalop ng mundo."Chairman!" sabi ko pa at napakamot ako sa ulo na hindi bumukas iyon.Shit! Ano ba?"Iz... Izquie..." napaisip ako. Ano nga bang apelyido niya