Share

2

The Billionaire's Son

Ngumiti ako nang makita ko si Blaze na naglalaro sa salas habang naglalakad ako palapit sa aming maliit na bahay.

Natanggal na kaagad ang pagod ko pagkasulyap ko pa lang sa kanya.

Apat taon na ngayon ang anak ko simula nang gabi na yun na binili ang puri ko, at kayod marino ako para mabuhay siya.

Lahat na nga pinapasok ko na. Wala akong inaatrasan basta maibigay ko lang ang magandang kinabukasan niya.

Tulong naman kami ni Nanay. Naipaopera ko ang kanyang gallbladder. Oo, buhay siya. Salamat sa Diyos! Salamat sa bilyonaryo na Tatay ng anak ko, na pagkatapos ng mangyari sa aming dalawa at mabayaran ako ay hindi na nagpakita sa akin kahit dulo ng anino man.

Lumipas na ang limang taon ay hindi man lang nakaalala ang lalaking nakabuntis sa akin, o kahit na tumawag sa Agency na pinasukan ko.

Nagtapat ako kay Inay ng nagawa ko at naunawaan niya ako. Hiyang-hiya iyon sa akin pero totoong ina ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko siya pinabayaan. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong maging muling ulilang lubos.

Naglakad ako palapit sa anak ko para halikan ko siya at saglit pang tinitigan pero sa totoo, ilang bwan akong hindi pinatulog ng pagyayaring yun sa buhay ko. Hinahanap-hanap ko ang lalaking yun at kapag naaalala ko lahat ng pinaranas niya sa akin, nanginginit ang katawan ko at hindi ko alam kung paano ko papayapain.

Tinitiis ko na lang. Ayoko naman na humanap ng lalaki na gagawa sa akin ng ginawa ng ama ni Blaze.

Kahit naibenta ko ang sarili ko, may katinuan pa rin naman ako kahit na paano.

Pero wala eh. Wala na ni dulo ng anino ng matandang mayamang hukluban na yun.

Hindi naman siya katandaan nun. Eighteen ako at siya naman ay twenty-nine yata o thirty.

Pero Wala na. Noong nalaman ko na buntis na ako, pabalik-balik na ako roon sa agency para tanungin kung may naghahanap ba sa akin na Brade Wierdo, pero wala. Ni hindi ko nga alam kung iyon ang totoo niyang pangalan.

Parang sintu-sinto ako hanggang sa napagod na lang ako at kinalimutan ko na. Bwisit kasi, nakakahiya na. Para akong aso na naghahanap ng ama ng anak ko.

Para akong shunga na hahabul-habol sa isang multo.

"Mommy!" napakurap na lang ako nang tawagin ako ng anak ko. Kanina pa pala ako nakanganga sa kanya.

Nawala na naman pala ako sa katinuan dahil sa ama niya.

Paano ko makakalimutan iyon habang sa tuwing makikita ko ang anak ko ay mukha ng lalaking yun ang nakikita ko. Hindi mukha, mata. Asul ang mga mata ni Blaze kaya hindi maitatatwa na ang ama nito ay isang foreigner.

Kamukhang kamukha ni Blaze ang hukluban na yun kahit na de maskara iyon nang gabing iyon. Wala man lang itong nakuha sa akin, ni katiting. Gwapo ang anak ko kaya alam kong napakagwapo ng bilyonaryong bumili sa akin.

I mentally rolled my eyes. Hinalikan ko na lang si Blaze at nag-lakad ako palapit sa upuan. Lumalagatak ang takong ng sapatos ko sa sahig.

Saan ba ako galing? Haay! Sa buwis buhay na pag-aahente. Ang dami na ngang kalyo ng paa ko dahil sa kakasuot ng mga pesteng takong na sobrang taas para lang maging presentable ako.

Nagmomodel kasi ako ng kabaong.

Oo! Ahente ako ng kabaong, ng lupa sa simenteryo, make up ng patay at kung anu-ano pa. Pati na nga karo ng patay ay iminomodel ko na, kaya lang, sadyang kulang pa rin ang pera kong kinikita. Tinutulangan ko rin kasi yung orphanage na pinanggalingan ko dahil naaawa ako sa mga mata bata na naroon na iniwan ng mga magulang.

Tulad ko.

Haaay!

Naupo ako sa upuang bamboo ng pabagsak. Hinilot ko ang batok ko sa pagod. Kung mayaman lang sana ako, hindi na kami naghihirap ni Nanay ng ganito.

Tumayo naman si Blaze at tumakbo palapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalik-halikan bago kinuha ang pasalubong kong pagkain sa kanya galing ko paborito niyang fast food na Jollibee, na siguro ay noon lang napansin ng bata na may bitbit pala ako.

Nakalimutan ko rin.

Ngumiti ako nang makita ko na tuwang-tuwa siya. Ang pogi niya talaga.

"Thank you, Mommy. You're the best Mommy." tuwang- tuwa ng anak kong may pagka inglisero.

Hindi iyon ang kanyang nakamulatan pero mabilis siyang makaintindi ng Ingles. Mana yata kasi sa tatay niyang foreigner.

"Sige na anak, kainin mo na ‘yan." utos ko sa kanya, "D’yan ka mesa,baby." sabi ko pa sa kanya.

Sumunod naman kaagad sa akin si Blaze. Pumunta siya sa mesa at walang kakimi-kimi na ni binuksan ang dala ko.

Tuwang-tuwa na ako basta makita ko siya na nakakain ng masarap. Hindi ko naman kasi yun naranasan dati kaya ngayon ay ginagawa ko ang lahat para maibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya sa abot ng makakaya ko.

"O, nandyan ka na pala anak. Halika ka kain ka na,” alok ni Nanay nang lumas sya mula sa lutuan namin sa likod bahay.

Sinundan ito ng mga mata ko. Ang nanay ko na kahit di ko kadugo ay sobra ang pagmamahal sa amin ng anak ko kaya mahal na mahal ko rin ito.

Dati itong nasa munisipyo nang ampunin daw ako pero siniraan at pinagbintangan na nangupit ng mga gamot sa opisina ng Mayor kaya natanggal.

Hindi pa raw noon uso ang CCTVZ kaya wala itong nagawa. Ang masama pa ay ipinalathala ito sa diyaryo para hindi na makakuha pa ng ibang trabaho. Pero naniniwala ako na wala itong kasalanan.

"Sige, Nanay. Nagpapahinga lang akong konti. Ang pagod dumaldal ng husto sa mga kostumer na ang daming tanong." ani ko, “Tapos ay hindi naman pala kukuha.”

Haay. Totoo naman yun. Minsan kasi ay madalas na makukulit ang mga kausap ko at ang hirap paliwanagan tungkol sa plan ng lupa at kabaong.

Malamang kasi matatanda na at nag-uulyanin tapos ay wala man lang nagustuhan ma plan pagkatapos kong magsayang ng laway.

"Eh, maanong humanap ka na ng ibang trabaho anak kesa riyan. Puro na lang tungkol sa patay ang inilalako mo,” anang Nanay sa akin habang busy sya sa pagsalansan ng mga kung anu-ano sa platera.

Natawa ako.

"Malay mo Nay, makatiba ako. Makakuha ako ng bilyonaryo o di aalukin ko ng plan malaki ang komisyon ko. Wag lang katulad ng tatay ng anak ko ang masumpungan ko at baka mamaya ay maunsyami na naman ang kabuhayan at mabuntis na naman ako ng wala sa panahon," napangiwi ako.

Naunsyami nga ang kabuhayan ko pero di ko na pinagsisisihan na naiwanan ako ng bilyonaryong yun ng anak, saka ang katotohanan na nabuhay si Nanay dahil doon.

Pero quits na kami dahil tinalikuran niya ang anak ko na dapat ay successor niya.

Baka bumuntis na iyon ng iba.

Buti naman.

Kahit pa nagpakahirap ako na mabuhay si Blaze sa loob ng limang taon, di ko kahit kailan panghihinyangan yun.

I love my son. And if I have to chose, I'll repeat the history over and over again. Di baleng di sya binalikan ng Tatay niyang iyon, basta nasa akin siya at may anak ako.

"Bitter ka pa rin anak, move on na ha." cool na paalala sa akin ni Nanay na nakamasid pala sa umasim kong pagmumukha.

Paano nga ba niya natanggap ang totoo? Syempre noong una ay hindi ko sinabi, hanggang sa nakalabas na siya ng ospital at naglihi na ako, noon ko lang inamin sa kanya ang lahat at sobra ang pasasalamat niya sa akin dahil sa ginawa ko.

Kaya raw pagsusumikapan naming dalawa na buhayin ang bata kahit na hindi na nga pinanindigan ng ama.

At eto na nga ngayon, malaki na si Blaze at preschooler na siya. Napakatalino kaya sayang kung matutulad lang sa akin na hindi na nakapagtapos ng kolehiyo.

Tumingin ako kay Nanay nang ma-realized ko yung sinabi niya.

Ano raw? Bitter daw ako? Paanong bitter ay hindi naman kami mag syota ng mayaman na lalaking yun. Wala naman ibang namagitan sa aming dalawa kundi ang isang gabi na yun na paggawa ng bata.

Utuin mo ang sarili mo. Ani ko sa akin.

Alam ko na hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan at kapag naaalala ko ay parang kagabi lang nangyari at parang gusto ko na maulit pa sa kanya ulit.

Sa kanya lang ulit.

Manyak na yata ako. Drugs yata ang lalaki na yun, naakakaadik.

“Nakailan ka bang ahente ngayon, anak?” pag-iiba ni Nanay sa topic.

“Susko, sa maghapon, Nay naka-isa lang. Sabi na nga ni bossing ang hina ko raw mag-ahente. Kasalanan ko bang ayaw pa ng mga taong mamatay kaya ayaw kumuha ng memorial plan?” Sabi ko kaya natawa si Inay sa akin.

“Kahit naman ako ayoko ng ganyan na plan.”

“Ewan ko kay bossing. Dinamay pa ang ganda ko sa hindi ko pagkakakuha ng mga buyer. Yung kapangitan nga niya di ko pinakikialaman kahit na mukha siyang baradong inidoro.”

Lalong lumakas ang tawa ni Nanay saka niya ako hinainan ng pagkain, “Hamo at titingin-tingin ako ng ibang pwede mong pag-aplayan kapag namalengke ako. Huwag lang ang kasambahay at baka ikaw at mapagtangkaan na naman. Susko. Baka makasaksak na ako.”

Ako naman ang natawa at nailing. Trauma na kami ni Nanay sa pagiging kasambahay dahil wala akong swerte roon. Dalawang beses na akong muntik magahasa nang pumasok akong katulong. Mas mabuti na itong ahente ako at hindi pa ako kamuntikan na magahasa ng amo. Kahit na mabalatan ang mga paa ko sa kalalakad, mas safe naman ako.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wanderer lone
nice one...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status