Abala ang lahat ng kawaksi ng Lolo' t lola ni Leslie sa koprahan ng umagang isinama siya ng kanyang pinsan na si Danilo. Inilibot siya nito sa buong koprahan at ipinakilala na rin sa mga tauhan nila.
"Magandang umaga ho." Ang bati niya sa lahat."Magandang umaga rin sa iyo Leslie, natatandaan mo pa ba kami? ako nga pala si Mang Isko ang namumuno sa mga manggagawa n'yo rito." bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mas matanda lang siguro sa kanyang Mama.“Pasensiya na ho mang isko kung hindi ko na po kayo makilala pero naaalala ko po ang pag babakasyon namin nila Mama at Papa rito nung bata pa ho ako.“ paumanhin niya sa mga taong nakakakilala sa kanya ngunit siya ay wala man lang matandaan sa mga ito.“Ayos lang iyon iha, dahil bata ka pa naman noong huli kang pumunta rito.“ wika naman ni Mang isko na nauunawaan siya.“Mawalang galang na Danilo maaari mo bang liwanagin sa amin ang napapabalitang ikakasal si Maam Leslie na iyong pinsan sa apo ni Don Menandro?" tanong ni Mang isko."Oo nga naman Danilo, usap- usapan na sa buong bayan ang nalalapit na kasal ng pinsan mong si Maam Leslie at ng apo ni Don Menandro na si Maynard." sabat naman ng isang babae na nagpaawang ng labi ni Leslie at tingin sa pinsan dahil sa kanyang mga naririnig."Wala naman ho ako sa tamang posisyon upang pangunahan ang pinsan ko Mang isko." saad ni Danilo na ikinatango ng lahat."E di si Ma'am na lang ang sasagot sa tanong namin. Nandito ka na rin naman Ma'am Leslie di ba!." wika naman ng isa pa sa mga trabahador."Pasensiya na ho, ang masasabi ko lang ay wala pa naman pong opisyal na usapan sa nababalitaan ninyo." saad niya at nagbulungan na ang mga tao sa paligid niya kaya naman inaya na niya ang kuya Danilo niya na bumalik na ng bahay dahil na stress lamang sya sa lugar na yon.Nakasakay na sa owner type jeep ni Danilo si Leslie at hinintay na lang ang pinsan na sundan siya dahil ayaw niyang manatili pa sa koprahan."Ayos ka lang Leslie?" tanong sa kanya ng pinsan ng makalapit na at makasakay na ng sasakyan dahil halata sa expression ng mukha niya ang pagkainis."Sorry.., kuya Danilo. Hindi ko napigilan ang sarili ko, alam kong kabastusan ang naging reaksyon ko sa harap ng mga tao sa koprahan kanina pero naiinis ako sa aking narinig na buong bayan ay alam na ang tungkol sa kasal."Kuya Danilo, magagalit ka ba sa akin kung hindi ako magpapakasal kay Maynard? may bahay naman ako sa manila, may ipon naman ako kahit konti, may trabaho naman ako pwede pa naman kayo magsimula nila lola sa manila na kasama ako." wika niya sa kanyang pinsan na seryoso namang nakikinig sa kanya."Leslie, naiintindihan ka namin nila lolo kung ayaw mo talagang makasal kay Maynard. Kilala ko ang lalaking yon na ganid sa pera parang maamong tupa sa harap ng lolo niya kay Don Menandro pero gago din yon kaya mag iingat ka sa kanya. Nakita at narinig ko rin ang pag uusap niyo kagabi." saad ni Danilo na nauunawaan siya at nahihimigan niya rin ng pag aalala para sa kanya."Mahina na si Lolo Arturo at hindi ko rin naman kaya pang ibangon ang koprahan. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon pinsan gusto kong mag abroad. Tapos naman ako ng kursong Agriculture. Hndi ko lang maiwan iwan ang mga matatanda dahil malaki ang utang na loob ko kina lolo at lola. Kaya isinantabi ko na lamang ang pangarap ko. Alam mo namang bata pa lang ako ng maulila sa magulang at sila na ang tumayong mga magulang ko Leslie." dugtong pang wika ng kanyang pinsang si Danilo.Nakaramdam siya ng awa para sa pinsan hindi man sila close alam niyang mabuting tao si Danilo."Paano pa ako makakatakas sa sitwasyon na ito kuya Danilo kung ipinamamalita na nila ang kasalang magaganap sa pagitan namin ni Maynard?" nag aalala niyang tanong rito."Sakyan mo na lang muna. Sigurado akong pinababantayan ka na ng apo ni Don Menandro dahil iisipin nun na baka nga tumakas ka pa." suhestiyon naman ng pinsan."Mamayang gabi na rin ang pamamanhikan nila sa bahay, pakitunguhan mo na muna ng maayos sina Don Menandro. Magtiwala ka sakin Leslie, tutulungan kita makatakas bago ang kasal hindi ko rin hahayaan na mapasakamay ka ng ganid na Maynard na yon! Ako na ang bahala kina lolo at lola kapag nailit na ang lupa at bahay pupwede naman na kami sa bahay mo sa Manila di ba? pero hindi ka pwede na magpakita agad kay Maynard kapag nakatakas ka. Alam nila ang tinitirahan mo don at hindi ka rin pwede sa Mama mo tumuloy dahil siguradong matutunton ka agad."Wika pa ng kuya Danilo niya at naisip niyang tama ang pinsan dahil kung mananatili siya sa bahay niya at makikitira siya sa bahay ng mama niya ay madali nga siyang matutunton talaga."Sige kuya, alam ko na ang gagawin ko. Salamat kuya Danilo." nakangiti niyang sabi rito at ginulo ang buhok niya.Samantalang sa Mansyon ng mga Alarcon ay ipinatawag ni Don Menandro si Maynard sa katulong."Senyorito, ipinapatawag ho kayo ni Don Menandro, saluhan nyo raw po siyang mag almusal sa garden." ang sabi ng katulong na hindi makatingin sa amo dahil nakatapis lang ito ng tuwalya sa bandang ibaba ng katawan na halatang bagong paligo nang buksan nito ang pintuan ng kanyang kwarto."Sige, susunod ako." tanging sagot ni Maynard at umalis na ang katulong.Nagsuot siya ng damit at pinuntahan na ang Don sa garden."Ipinapatawag mo raw ako, anong pag uusapan natin Lo?" tanong ni Maynard paglapit pa lamang kay Don Menandro."Maupo ka at saluhan akong mag almusal iho." utos ng Don sa apo na agad namang tumalima." Tungkol sa pagpapakasal nyo ng apo ni Arturo. Gusto ko ang batang yon. may strong personality at mapagmahal na apo. Maynard gusto ko sanang maikasal kayo sa lalong madaling panahon, gusto ko ng magkaapo sa iyo. Bago ako mawala alam kong may magdadala pa rin ng apelyidong Atienza sa mga susunod na henerasyon." saad ng matandang Don."Lo, kung apo lang ang gusto mo pwede kitang bigyan ng hindi ko naman kailangang maikasal pa sa apo ni lolo Arturo. Oo maganda siya at kaakit- akit pero ramdam ko ang hindi niya pagkagusto sa akin." wika naman ni Maynard sa abuelo."Pinag-usapan na natin ito apo, ayokong magkaroon ka ng anak na bastardo. Lahat ng pwede kong ipamana sayo ay ibibigay ko na lamang sa charity at sa mga tauhan ko kung ganon lang din ang mangyayare at gagawin mo. Kung bakit kase wala kang maipakilala sa aking matinong babae." ani pa ni Don Menandro."Kung ang apo ni Arturo ang iyong mapapangasawa at magiging ina ng mga apo ko sayo ay mapapanatag ako at makakasiguro na hindi pera ang magiging habol sayo. Hindi katulad ng iba na idini- date mo wala akong tiwala sa mga babae mo." ani pang muli ng lolo niya sa kanya."Kayo ang bahala, Lo." sunud- sunuran niyang sagot kay Don Menandro pero lihim siyang napapamura sa sinasabi ng matanda dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nitong babae.Si Elena ang kanyang kasintahan na nakilala niya sa beer house sa bayan alam niyang ipinabackground check ito ng kanyang lolo kaya inayawan at dahil dun ay gumagawa ng paraan ang matanda upang maikasal siya sa ibang babae na magugustuhan nito para sa kanya. At dahil ayaw niya mawalan ng mana ay naisip niyang bakit hindi na lang ang apo ni lolo Arturo ang pakasalan niya.Alam niyang hindi makakatanggi ang mga itong maipakasal sa kanya ang apo nito dahil mahalaga sa matanda ang koprahan. Minsan na niyang nakita ang picture ng dalaga ng utusan siyang puntahan ang bahay ng mga Mercado kaya naisip niyang magagamit niya ang apo ni lolo Arturo sa pinaplano niya at alam niyang magugustuhan ni Don Menandro ang babae para sa kanya kapag sinabi niya sa lolo niya na ang apo ni lolo Arturo ang gusto niyang pakasalan. Dahil kilala niya ang lolo niya ay susundin na muna niya ang mga gusto ng Don at kapag naibigay na sa kanya ang mana ay hihiwalayan niya si Leslie at pakakasalan si Elena ang babaeng mahal niya.Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap."Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya."Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya."Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika
Alas Tres ng madaling araw ay naihatid na ni Danilo si Leslie sa airport ng Cebu."Kuya Danilo salamat. Nag chat na ko kay manang sinabi ko na sa kanya na darating kayo nila lola sa bahay anytime kaya pinaayos ko ng lahat sa kanya ang magiging kwarto ninyo. Ito pala kuya ang susi ng kwarto ko may pera akong naitabi sa cabinet ko magagamit nyo yon kapag kailangan.” pamamaalam niya sa pinsan ng maihatid na siya nito.“Mag iingat ka Leslie ha, tawagan mo ko para makabalita kami sayo at hindi masyado mag alala sayo ang mga matatanda natin!. Sige na pumasok ka na.” habilin pa sa kanya ng pinsan na alam niyang nag aalala rin sa kanya.“Bye kuya..” kumaway pa siya sa pinsan saka tuluyang pumasok na ng airport. Nakakuha siya ng ticket ng alas singko ng madaling araw ang flight kaya naman inabala niya ang sarili sa paglalaro na muna ng games sa cellphone dahil ayaw niyang matulog nag aalala kase siya na baka makarating agad kay Don Menandro na umalis siya kaya babawi na lamang siya ng tulog s
Nang malaman ni Dave na nakaaksidente siya ay nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa kanyang kapabayaan ay muntik na siyang makapatay. Hindi niya man gusto ang nangyare pero alam niya sa sarili niya na may kasalanan din siya.At kaninang kausap niya ang mama niya ay nakaramdam siya ng awa para sa ina. Mahal niya ang mama niya at ayaw niyang makitang nalulungkot ito ng dahil sa kanya, pero nahihirapan siyang pakinggan at sundin ang sinasabi nito sa kanya palagi na mag move on na siya. Napapikit siya dahil naiisip na naman niya si Almira."May chance ng magkasama tayo pero binigyan pa rin ako ng pagkakataon na mabuhay ng nasa itaas Almira. Kailangan ko na ba talagang bumitaw at magsimula muling mamuhay ng wala ka? sign ba ito na dapat na pakawalan ko na ang mga alaala na kasama ka?" aniya na kinakausap sa isip ang namatay na asawa.Sa kabilang kwarto naman ay nagising na si Leslie. Masakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito ng maramdaman niyang may bendang nakabalot sa kanyang ulunan. I
Naglalakad si Dave sa isang magandang lugar na ang tanawin ay maraming puno at bulaklak at lumilipad na paru-paro. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa ganoong lugar ng marinig niyang may bumubungisngis na babae. Sinundan niya kung saan niya naririnig ang pagtawa hanggang sa makakita siya ng water falls. "Dave.." narinig niya ang pagbigkas sa pangalan niya ng isang boses babae na pamilyar sa kanya. "Dave.." muli siyang tinawag nito mula sa kanyang likuran, kaya humarap siya rito at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwalang makikita niya ang namayapa niyang asawa sa kanyang harapan na nakangiti sa kanya. Saglit siyang natigilan at naluha ng masiguradong asawa niya nga ang nasa harapan niya. "Almira.. Honey!!.. " sambit niya. Lalapit na sana siya upang yakapin ang babae ngunit pinigilan siya ni Almira. "Huwag Dave, diyan ka lang, wag kang lumapit may bangin sa pagitan natin hindi pa panahon para muli tayong magkasama. Nagpakita ako sayo dahil hindi ko na kayang n
Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m
Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann
Sa sala ng pamilya Alarcon ay nag usap ang mag iina sa kung ano ang mga plano nila sa mga susunod na araw. Nang mahagip ng paningin ni Digna si Dianna na dahan dahan na humahakbang gamit ang saklay nito patungo sa kwarto ata nito."Dianna, halika na muna rito samahan mo kami rito ng mga anak ko." aya sa kanya ng ginang.Napatingin naman siya sa mag iina napansin niyang sobrang seryoso ni Dave at pakiramdam niya ay iwas ito sa ibang tao kaya pinili niyang iwasan na lang din ang lalaki."Tita Digna, hindi na po. Bonding po ng pamilya ninyo ngayon, nakakahiya naman pong makihalubilo pa ako sa inyo. Hindi naman po ako parte ng pamilya." saad niya sa ginang."Dianna, hindi ka nga parte ng pamilya ko pero para sa akin kapamilya ka na rin namin lalo na at dito ka na sa amin titira habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo." nakangiting wika ni Mrs. Alarcon kaya nakaramdam na naman siya ng guilt para sa ginang."Bakit natahimik ka iha? nalulungkot ka ba dahil wala ka pa ring naaalala?" bigla n
Katok sa pintuan ng kwarto ni Leslie ang nagpagising sa kanya. "Dianna.., Dianna, gising ka na mag aalas otso na ng umaga. Dianna..?!" pagtawag- tawag na ni Grace sa kanya dahil inilock niya ang pinto ng kwarto niya bago siya natulog kaya binulahaw na lamang siya nito sa pagkatok sa pinto. Bumangon na muna siya at inabot ang saklay niya at naglakad patungong pintuan upang pagbuksan si Grace. "Pasensiya ka na Dianna, kung naistorbo ko ang pagtulog mo, si Senyora kase ay pinatatawag ka na. Hindi ka pa raw kase nag aagahan kaya pinagising ka na sa akin ni Senyora Digna." ani nito sa kanya na nginitian na niya muna atsaka binati. "Good morning, Grace. Okay lang, tanghali na rin pala. Napuyat ako, hindi kase ako makatulog kagabi at madaling araw na ay gising pa ako." pagpapaliwanag niya. "Ay, good morning din sayo Dianna. Baka kase namamahay ka kaya ganon. Pero mag asikaso ka na at ayusin ang sarili mo, hinihintay ka na kase ni Senyora sa sala kanina pa." wika ni Grace na pinagmamadali