Nagpaalam si Dailyn kay Leslie na sasama na muna siya kay Edward at pupuntahan nila ang ate niya sa ospital.Nagpaiwan naman si Leslie sa mall at sinabing magkita na lang uli sila sa ibang araw.Pinuntahan nga nila Dailyn at Edward si Aileen sa ospital at kinausap."A-Ate.. Nagkausap na kami ni Edward. Okay na kaming dalawa, nagkaayos na kami. Ba-babalik na ko sa kanya, Ate.." nahihiyang saad ni Dailyn kay Aileen.Napabuntong hininga naman si Aileen."Napag isipan mo bang mabuti yan? sigurado ka bang hindi ka na paiiyakan ng lalaking yan?!" tanong ni Aileen sa kapatid na kay Edward ay seryosong nakatingin."Oh come on, Aileen. Alam ko namang nagkamali ako noon, pero pinagsisihan ko na yun at gusto kong bumawi sa kapatid mo lalo na ngayong magkakaanak na kami." angil ni Edward sa ate ni Dailyn.Sinamaan naman ng tingin ni Aileen si Edward. "Kapag sinaktan mo uli ang bunso namin Edward, tandaan mo hindi mo na siya uli makikita pa. Siraulo ka eh! katulad ka rin ng pinsan mong si Rodjun n
"Okay Class, isulat n'yo ito sa inyong math notebook at sagutan n'yo na lamang sa bahay, dahil malapit ng matapos ang oras natin para sa math subject. Pagkatapos ninyong kopyahin ang nasa black board ay pwede na kayong mag recess." aning utos ni Leslie sa kanyang mga estudyante na agad namang sumunod."Teacher Leslie, recess time na.., may gagawin ka pa ba?" tanong sa kanya ng kapwa guro na kaibigan din niya.Ngumiti si Leslie ng tignan niya kung sino ang nagsalita. "Teacher Melody.., katatapos lang ng mga estudyante ko. Bakit, may kailangan ka?" "Napag- utusan lang ako ng Principal na sabihan ka na mamaya raw ay dumaan ka sa opisina niya, kapag nagsiuwian na ang mga estudyante mo.""Bakit kaya? sige mamaya pupunta ako. Salamat Teacher Melody.." aniya na tinanguan pa ang kaibigan."Sige, balik na muna ako sa klase ko. Huwag mong kalimutan ha!" bilin pa ni Melody at naglakad na palayo ng classroom ni Leslie."Ano kaya yon? bakit kaya ako pinapatawag ng Principal?" tanong niya sa kanya
Lumipas ang isang linggong hininging palugit ng school kay Leslie at bago pa man siya magpaalam sa kanyang mga co- teacher at mga student ay dumating na ang kapalit niyang bagong teacher na magtuturo sa kanyang mga estudyante.Mahirap para sa kalooban niya na iiwanan na niya ang mga estudyante niyang napamahal na rin sa kanya sa loob ng ilang buwan, magmula ng magsimula ang kanilang klase ay kailangan niyang tanggapin na magkakahiwa- hiwalay na sila."Last day mo na today sa school, Teacher Leslie.Nakakalungkot naman na iiwan mo na talaga kami ng mga estudyante mo. Mag iingat ka Leslie ha, kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako okay, mamimiss kita ng sobra." naiiyak na sabi ni Teacher Melody sa kanya."Walang iyakan, parang tanga 'to, pati tuloy ako naiiyak na rin. Kainis ka, halika nga rito payakap ako." naiiyak na nga niyang sabi sa kaibigan nang di niya na rin maiwasan na hindi maging emosyonal sa pagpapaalam niya.Si Melody kase ang super close sa kanya sa mga co-teacher n
Warning Matured ContentThis chapter is not suitable for the young readers. It contains physical abuse, and crime scene...Read at your own risk....."Dave..., tama na yan..!! parang awa mo na iho, itigil mo na yan!. Nasasaktan ka lang sa ginagawa mo Dave.." pagmamakaawa ng ginang sa anak na si Dave dahil pinagsusuntok lang naman nito ang pader, na sa sobrang kalasingan ay naalala na naman nito ang kanyang asawa na si Almira. "Almira.....mahal ko ..asawa ko... " sigaw ni Dave na ramdam ang pighati at pangungulila nito sa asawa. "Almira... mga hayup sila, Mom... mga hayup sila... pinatay nila ang asawa't magiging anak ko. Mommy, bakit hindi na lang sila ang namatay? bakit kailangang idamay nila ang mag ina ko? bakit....!!? Aaaahhhh....!!. paghihinagpis na sigaw ni Dave.Umiiyak na ang Mama ni Dave dahil sa nakikita sa anak. Awang- awa na rin siya sa kanyang panganay hindi naman niya alam paano matutulungan ang anak na tanggapin na ang pagkawala ng yumao na nitong asawa.Anim na buwan
Nagkumustahan at nagkwentuhan sina Leslie ng lola niya at ng pinsan niya ng makapasok na siya ng bahay. Lumapit ang kasambahay ng kanyang lola na ikinatahimik bigla ni Leslie."Lola Esme, dumating na po sina Don Menandro at ang kanyang apo. Papasukin ko na po ba?" saad ng katulong nila. Tumingin muna sa kanya ang abuela at si Danilo bago sumagot ang abuela ng nakita siya nitong tumango."Sige papasukin mo na Lena sina Don Menandro. Inaasahan rin naman namin ang pagdating nila." wika naman ng matandang babae."Okay ka lang ba iha? gusto mo na ba silang harapin? maari namang huwag na muna, kami na ang bahala at doon ka na muna sa kwarto mo at magpahinga." ang sabi pa sa kanya ng kanyang lola."La, parehas lang naman ang mangyayare kung haharapin ko sila ngayon o sa ibang araw. Huwag po kayong mag-alala bago po ako bumalik ng Cebu ay inihanda ko na ho ang sarili ko para rito." seryosong sagot niya naman sa Abuela na inaalala siya. Tahimik lang ang lolo niyang nakaupo sa wheelchair nito
Abala ang lahat ng kawaksi ng Lolo' t lola ni Leslie sa koprahan ng umagang isinama siya ng kanyang pinsan na si Danilo. Inilibot siya nito sa buong koprahan at ipinakilala na rin sa mga tauhan nila."Magandang umaga ho." Ang bati niya sa lahat."Magandang umaga rin sa iyo Leslie, natatandaan mo pa ba kami? ako nga pala si Mang Isko ang namumuno sa mga manggagawa n'yo rito." bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mas matanda lang siguro sa kanyang Mama. “Pasensiya na ho mang isko kung hindi ko na po kayo makilala pero naaalala ko po ang pag babakasyon namin nila Mama at Papa rito nung bata pa ho ako.“ paumanhin niya sa mga taong nakakakilala sa kanya ngunit siya ay wala man lang matandaan sa mga ito.“Ayos lang iyon iha, dahil bata ka pa naman noong huli kang pumunta rito.“ wika naman ni Mang isko na nauunawaan siya.“Mawalang galang na Danilo maaari mo bang liwanagin sa amin ang napapabalitang ikakasal si Maam Leslie na iyong pinsan sa apo ni Don Menandro?" tanong ni Mang isko.
Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap."Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya."Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya."Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika
Alas Tres ng madaling araw ay naihatid na ni Danilo si Leslie sa airport ng Cebu."Kuya Danilo salamat. Nag chat na ko kay manang sinabi ko na sa kanya na darating kayo nila lola sa bahay anytime kaya pinaayos ko ng lahat sa kanya ang magiging kwarto ninyo. Ito pala kuya ang susi ng kwarto ko may pera akong naitabi sa cabinet ko magagamit nyo yon kapag kailangan.” pamamaalam niya sa pinsan ng maihatid na siya nito.“Mag iingat ka Leslie ha, tawagan mo ko para makabalita kami sayo at hindi masyado mag alala sayo ang mga matatanda natin!. Sige na pumasok ka na.” habilin pa sa kanya ng pinsan na alam niyang nag aalala rin sa kanya.“Bye kuya..” kumaway pa siya sa pinsan saka tuluyang pumasok na ng airport. Nakakuha siya ng ticket ng alas singko ng madaling araw ang flight kaya naman inabala niya ang sarili sa paglalaro na muna ng games sa cellphone dahil ayaw niyang matulog nag aalala kase siya na baka makarating agad kay Don Menandro na umalis siya kaya babawi na lamang siya ng tulog s