Nagkumustahan at nagkwentuhan sina Leslie ng lola niya at ng pinsan niya ng makapasok na siya ng bahay.
Lumapit ang kasambahay ng kanyang lola na ikinatahimik bigla ni Leslie."Lola Esme, dumating na po sina Don Menandro at ang kanyang apo. Papasukin ko na po ba?" saad ng katulong nila. Tumingin muna sa kanya ang abuela at si Danilo bago sumagot ang abuela ng nakita siya nitong tumango."Sige papasukin mo na Lena sina Don Menandro. Inaasahan rin naman namin ang pagdating nila." wika naman ng matandang babae."Okay ka lang ba iha? gusto mo na ba silang harapin? maari namang huwag na muna, kami na ang bahala at doon ka na muna sa kwarto mo at magpahinga." ang sabi pa sa kanya ng kanyang lola."La, parehas lang naman ang mangyayare kung haharapin ko sila ngayon o sa ibang araw. Huwag po kayong mag-alala bago po ako bumalik ng Cebu ay inihanda ko na ho ang sarili ko para rito." seryosong sagot niya naman sa Abuela na inaalala siya.Tahimik lang ang lolo niyang nakaupo sa wheelchair nito na hindi makatingin sa mga mata niya. Tuluyan ng naparalisa ang kalahating bahagi ng katawan ng kanyang abuelo at hindi na rin ito makapagsalita pa ng maayos dahil sa pagkaka stroke nito.Nasabi nang kanyang lola na sinisisi ng asawa nito ang pagkakasanla ng lupain nila kay Don Menandro dahil sa nalulong pala ito noon sa Casino kaya nalubog sa utang ang pamilya nila. Napilitan ito na maisanla ang koprahan nila na minana pa ng lolo niya sa mga magulang nito kaya ganoon na lamang kamahal nito ang lupain. Wala naman silang aasahan na iba na makakatulong pa sa kanila dahil ang mommy niya ay maagang nag retired na sa pagiging guro at umaasa na lang sa pensyon kada buwan. May mga kapatid siya sa ina na mga bata pa ng mag asawang muli ito ng mamatay ang kanyang ama sa sakit na brain cancer.Kasalukuyang nasa pampanga ang kanyang ina dahil tagaroon ang napangasawa nito na step dad na niya ngayon. Maayos naman na ang pakikitungo sa kanya ng bagong pamilya ng ina pero mas nais niyang mamuhay na lang mag isa. Hindi niya kase makasundo minsan ang asawa ng ina dahil ayaw rin niya ng pinakikialaman siya. Kaya hindi siya sumama sa ina niya ng manirahan ito sa lugar kung saan taga roon ang mga kamag anak ng napangasawa ng ina. kaya mag isa lang din siya sa buhay.Kumuha lamang siya ng kasambahay upang hindi siya mag isa sa bahay sa Manila na ipinamana na sa kanya ng ina, dahil pundar daw nila ito ng kanyang ama ng nabubuhay pa, kaya para sa kanya talaga ang bahay na iyon. Afford naman niya ang kumuha ng kasambahay dahil may sarili naman siyang trabaho. Ang mga magulang naman ng pinsan niyang si Danilo ay maagang namatay bata pa lang ng mapunta sa poder ito ng kanilang elder. May mga pinsan at kamag anak man sila sa side ng mga lolo at lola nila pero hindi naman din mayayaman katulad lang din nila ang pamumuhay simpleng mamamayan kumbaga."Maayong gabii." pagbati ni Don Menandro ng papalapit na ito sa kanila kasunod ang lalaking nakita pa lamang ni Leslie sa picture."Maayong gabii kanimo, Don Menandro." balik bati naman ng kanyang Abuela."Lingkod ka Don Menandro. bag-o lang miabot ang akong apo nga si Leslie. maayo ug ang balita nakaabot kanimo. Tawagan ka namo ugma sa buntag " ( kayo ay maupo Don Menandro. kadarating lang ng aking apo na si Leslie. mabuti at nakarating na sa inyo ang balita, ipapatawag pa lang sana namin kayo bukas ng umaga. )"Magandang gabi sayo iha. Mabuti at nakabalik ka na. Tamang-tama at sinama ko na ang aking apo para magkausap na rin kayo. Maynard, apo kilala mo na si Leslie di ba?" saad ng Don na tinanguan ng Apo ng sabihin nitong kilala na siya nito."Magandi gabi rin ho Don Menandro." pagbating balik ni Leslie at tumingin sa apo nito na seryoso lang din na nakatingin pala sa kanya."Ano bang sadya ninyo Don Menandro at gabi na ay napasugod pa kayo ng apo mo napaka- importante naman ata at hindi na ipinagpabukas pa?" ang sabi ng abuela ng dalaga."Ang totoo Esmeralda, gusto ko lang siguraduhin ang nakarating sa aking balita na nakabalik na ang apo nyo ni Arturo na mapapangasawa nitong apo kong si Maynard." diretsang paliwanag naman ng Don."Kung inyo pong mamarapatin ay hihingiin ko na ho ang kamay ng inyong apo at mamanhikan na ho kami bukas ng gabi para malaman na rin ng iba ang nalalapit naming kasal ng inyong apo na si Leslie?" litanya naman ni Maynard habang seryoso lang din nakatingin sa mukha ni Leslie na ikinailang naman ng dalaga.Gustong magprotesta ni Leslie sa kanyang narinig ngunit minabuti na lamang niya ang manahimik. hindi niya gusto na madaliin ang kasal nais sana niyang makilala pa muna ang lalaking pakakasalan niya."Leslie, iha ano sa palagay mo?" pagkuha ng pansin niya ng abuela dahil napaawang ang labi niya kanina ng magsalita si Maynard."Hindi po ba mas maganda kung magkakilanlan pa kami ng apo niyo Don Menandro bago kayo mamanhikan?" sagot niya naman."What's the point of getting to know each other if we're going to get married anyway. I already know you." saad naman ni Maynard na nakatitig pa rin sa dalaga na hindi naman kayang makipagtitigan ni Leslie sa binata."Ako kilala mo na pero ikaw hindi kita kilala. Ang alam ko lang apo ka ni Don Menandro na nais akong pakasalan. Bakit nga ba, ano bang dahilan mo at bakit ako? marami naman diyang iba.” ang sabi niyang naibulalas na ang mga tanong na matagal ng gumugulo sa isipan niya.“Because i want.. ” sagot nito sa kanya.”Dahil lang sa gusto mo? yun lamg yon?" sarkastikong tanong niya sa lalaking nagiging antipatiko na sa kanyang paningin.“What if umatras ako sa usapan, na ayoko ng makasal sa apo mo, Don Menandro?” seryoso niyang tanong sa Don."Paghandaan niyo na ang pag alis nyo sa bahay na ito at tuluyan ng mawawala sa inyo ang koprahan na mahalaga sa pamilya mo." wika naman ni Don Menandro at tumayo na sa pagkakaupo."Pag isipan mong mabuti iha, hindi ka ba naaawa sa lolo arturo mo? Nagbitaw ka ng pangako iha ipaalala ko lang sayo. Tara na Maynard, bumalik na lamang tayo kapag buo na ang desisyon ng apo ni Arturo." saad pa ni Don Menandro at ipinaalala pa talaga ang huling pag uusap nila bago siya bumalik ng Maynila."Sandali lang Lo, pwede ba tayong mag usap ng tayong dalawa lang Leslie?" baling ni Maynard sa kanya at tumango naman si Leslie, lumakad at nagtungo sa labas ng bahay na ikinasunod ni Maynard sa kanya."Nagdadalawang isip ka pa ba sa kasal? Agrabyado ka ba sa pagpapakasal sa akin Leslie?" Prangkang tanong sa kanya ni Maynard habang nakatayo sa harapan niya at nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nito."Wala akong nararamdaman para sayo Maynard. hindi ko pinangarap na maikasal sa taong hindi ko mahal at lalong hindi sa taong hindi ko pa kilala." ang sabi ng dalaga."Problema ba yon e di kilalanin mo ko, kapag mag asawa na tayo." wika naman ni Maynard na nginisian si Leslie."Bigyan mo ko ng rason kung bakit kailangan pa kitang pakasalan." pagdedemand niya sa kausap."Gusto ng lolo ko na makapag asawa na ako at magkaanak ng lalaki dahil nag iisa niya kong apo. Kailangan ko ng tagapagmana at magdadala ng apelyido ng angkan namin. Wag mong isipin na kaya ako magpapakasal sayo ay dahil mahal kita. Gagawin ko ito dahil iyon ang gusto ng lolo ko. kapag hindi ko siya sinunod ay aalisan niya ko ng mana at hindi ako makapapayag Leslie na mangyare yon." seryosong ani nito sa kanya na hinawakan at diniinan pa ang braso niya kaya napapiksi siya dahil bahagya siyang nasaktan."Sabihin mo sa akin, bakit ako ang napili mo?" muli niyang tanong."Simple lang malaki ang pagkakautang ng pamilya mo sa lolo ko at nalaman ko na may dalagang apo ang lolo Arturo mo, which is you. Hindi na rin masama kung ikaw ang pakakasalan ko at magiging ina ng anak ko dahil maganda ka at may pinag aralan." pag amin nito sa kanya."Kung ayaw kong pumayag na magpakasal sayo? anong gagawin mo?" lakas loob niyang tanong kay Maynard."Malalaman mo kapag sinubukan mong takasan ang kasal natin. Hindi ako tumatanggap ng pagkapahiya Ms. Hidalgo." pagbabanta ng binata sa kanya.Abala ang lahat ng kawaksi ng Lolo' t lola ni Leslie sa koprahan ng umagang isinama siya ng kanyang pinsan na si Danilo. Inilibot siya nito sa buong koprahan at ipinakilala na rin sa mga tauhan nila."Magandang umaga ho." Ang bati niya sa lahat."Magandang umaga rin sa iyo Leslie, natatandaan mo pa ba kami? ako nga pala si Mang Isko ang namumuno sa mga manggagawa n'yo rito." bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mas matanda lang siguro sa kanyang Mama. “Pasensiya na ho mang isko kung hindi ko na po kayo makilala pero naaalala ko po ang pag babakasyon namin nila Mama at Papa rito nung bata pa ho ako.“ paumanhin niya sa mga taong nakakakilala sa kanya ngunit siya ay wala man lang matandaan sa mga ito.“Ayos lang iyon iha, dahil bata ka pa naman noong huli kang pumunta rito.“ wika naman ni Mang isko na nauunawaan siya.“Mawalang galang na Danilo maaari mo bang liwanagin sa amin ang napapabalitang ikakasal si Maam Leslie na iyong pinsan sa apo ni Don Menandro?" tanong ni Mang isko.
Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap."Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya."Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya."Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika
Alas Tres ng madaling araw ay naihatid na ni Danilo si Leslie sa airport ng Cebu."Kuya Danilo salamat. Nag chat na ko kay manang sinabi ko na sa kanya na darating kayo nila lola sa bahay anytime kaya pinaayos ko ng lahat sa kanya ang magiging kwarto ninyo. Ito pala kuya ang susi ng kwarto ko may pera akong naitabi sa cabinet ko magagamit nyo yon kapag kailangan.” pamamaalam niya sa pinsan ng maihatid na siya nito.“Mag iingat ka Leslie ha, tawagan mo ko para makabalita kami sayo at hindi masyado mag alala sayo ang mga matatanda natin!. Sige na pumasok ka na.” habilin pa sa kanya ng pinsan na alam niyang nag aalala rin sa kanya.“Bye kuya..” kumaway pa siya sa pinsan saka tuluyang pumasok na ng airport. Nakakuha siya ng ticket ng alas singko ng madaling araw ang flight kaya naman inabala niya ang sarili sa paglalaro na muna ng games sa cellphone dahil ayaw niyang matulog nag aalala kase siya na baka makarating agad kay Don Menandro na umalis siya kaya babawi na lamang siya ng tulog s
Nang malaman ni Dave na nakaaksidente siya ay nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa kanyang kapabayaan ay muntik na siyang makapatay. Hindi niya man gusto ang nangyare pero alam niya sa sarili niya na may kasalanan din siya.At kaninang kausap niya ang mama niya ay nakaramdam siya ng awa para sa ina. Mahal niya ang mama niya at ayaw niyang makitang nalulungkot ito ng dahil sa kanya, pero nahihirapan siyang pakinggan at sundin ang sinasabi nito sa kanya palagi na mag move on na siya. Napapikit siya dahil naiisip na naman niya si Almira."May chance ng magkasama tayo pero binigyan pa rin ako ng pagkakataon na mabuhay ng nasa itaas Almira. Kailangan ko na ba talagang bumitaw at magsimula muling mamuhay ng wala ka? sign ba ito na dapat na pakawalan ko na ang mga alaala na kasama ka?" aniya na kinakausap sa isip ang namatay na asawa.Sa kabilang kwarto naman ay nagising na si Leslie. Masakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito ng maramdaman niyang may bendang nakabalot sa kanyang ulunan. I
Naglalakad si Dave sa isang magandang lugar na ang tanawin ay maraming puno at bulaklak at lumilipad na paru-paro. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa ganoong lugar ng marinig niyang may bumubungisngis na babae. Sinundan niya kung saan niya naririnig ang pagtawa hanggang sa makakita siya ng water falls. "Dave.." narinig niya ang pagbigkas sa pangalan niya ng isang boses babae na pamilyar sa kanya. "Dave.." muli siyang tinawag nito mula sa kanyang likuran, kaya humarap siya rito at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwalang makikita niya ang namayapa niyang asawa sa kanyang harapan na nakangiti sa kanya. Saglit siyang natigilan at naluha ng masiguradong asawa niya nga ang nasa harapan niya. "Almira.. Honey!!.. " sambit niya. Lalapit na sana siya upang yakapin ang babae ngunit pinigilan siya ni Almira. "Huwag Dave, diyan ka lang, wag kang lumapit may bangin sa pagitan natin hindi pa panahon para muli tayong magkasama. Nagpakita ako sayo dahil hindi ko na kayang n
Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m
Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann
Sa sala ng pamilya Alarcon ay nag usap ang mag iina sa kung ano ang mga plano nila sa mga susunod na araw. Nang mahagip ng paningin ni Digna si Dianna na dahan dahan na humahakbang gamit ang saklay nito patungo sa kwarto ata nito."Dianna, halika na muna rito samahan mo kami rito ng mga anak ko." aya sa kanya ng ginang.Napatingin naman siya sa mag iina napansin niyang sobrang seryoso ni Dave at pakiramdam niya ay iwas ito sa ibang tao kaya pinili niyang iwasan na lang din ang lalaki."Tita Digna, hindi na po. Bonding po ng pamilya ninyo ngayon, nakakahiya naman pong makihalubilo pa ako sa inyo. Hindi naman po ako parte ng pamilya." saad niya sa ginang."Dianna, hindi ka nga parte ng pamilya ko pero para sa akin kapamilya ka na rin namin lalo na at dito ka na sa amin titira habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo." nakangiting wika ni Mrs. Alarcon kaya nakaramdam na naman siya ng guilt para sa ginang."Bakit natahimik ka iha? nalulungkot ka ba dahil wala ka pa ring naaalala?" bigla n