Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m
Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann
Sa sala ng pamilya Alarcon ay nag usap ang mag iina sa kung ano ang mga plano nila sa mga susunod na araw. Nang mahagip ng paningin ni Digna si Dianna na dahan dahan na humahakbang gamit ang saklay nito patungo sa kwarto ata nito."Dianna, halika na muna rito samahan mo kami rito ng mga anak ko." aya sa kanya ng ginang.Napatingin naman siya sa mag iina napansin niyang sobrang seryoso ni Dave at pakiramdam niya ay iwas ito sa ibang tao kaya pinili niyang iwasan na lang din ang lalaki."Tita Digna, hindi na po. Bonding po ng pamilya ninyo ngayon, nakakahiya naman pong makihalubilo pa ako sa inyo. Hindi naman po ako parte ng pamilya." saad niya sa ginang."Dianna, hindi ka nga parte ng pamilya ko pero para sa akin kapamilya ka na rin namin lalo na at dito ka na sa amin titira habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo." nakangiting wika ni Mrs. Alarcon kaya nakaramdam na naman siya ng guilt para sa ginang."Bakit natahimik ka iha? nalulungkot ka ba dahil wala ka pa ring naaalala?" bigla n
Katok sa pintuan ng kwarto ni Leslie ang nagpagising sa kanya. "Dianna.., Dianna, gising ka na mag aalas otso na ng umaga. Dianna..?!" pagtawag- tawag na ni Grace sa kanya dahil inilock niya ang pinto ng kwarto niya bago siya natulog kaya binulahaw na lamang siya nito sa pagkatok sa pinto. Bumangon na muna siya at inabot ang saklay niya at naglakad patungong pintuan upang pagbuksan si Grace. "Pasensiya ka na Dianna, kung naistorbo ko ang pagtulog mo, si Senyora kase ay pinatatawag ka na. Hindi ka pa raw kase nag aagahan kaya pinagising ka na sa akin ni Senyora Digna." ani nito sa kanya na nginitian na niya muna atsaka binati. "Good morning, Grace. Okay lang, tanghali na rin pala. Napuyat ako, hindi kase ako makatulog kagabi at madaling araw na ay gising pa ako." pagpapaliwanag niya. "Ay, good morning din sayo Dianna. Baka kase namamahay ka kaya ganon. Pero mag asikaso ka na at ayusin ang sarili mo, hinihintay ka na kase ni Senyora sa sala kanina pa." wika ni Grace na pinagmamadali
Kasalukuyan pa ring nasa sala sina Digna at Dianna o Leslie ng iwan sila ni Dave. "Iha, pasensiya ka na talaga sa anak ko. Sana ay maintindihan mo na wala siyang balak na masama sayo ng pumasok siya ng kwarto mo. Akala lang niya talaga na may nangyare sayo sa loob ng kwarto mo ng sabihin ni Grace na may dugo ka. Iba ang pagkakaintindi niya kaya agad ka niyang pinuntahan." aning pagpapaunawa ng ginang ng sila na lamang dalawa ang nasa sala. "Mabuti at may extrang sanitary napkin si Jocelyn at may magagamit ka. Natakot ka ba iha kanina? ang sabi kase ni Grace, pagbalik niya sa kwarto mo para dalhin ang hiniram niyang napkin kay Jocelyn ay nakatulala ka raw. Masungit man minsan ang panganay ko ay mabait at magalang sa babae ang anak kong yon iha. Sana ay maunawaan mo na pagkakamali lang talaga niya ang pagkakakita ng hubad mong katawan." natatawang hinging paumanhin ng ginang sa kanya. Namula naman ang mukha ni Leslie sa ginawang panunudyo ni Mrs. Alarcon kaya napayuko siya."Tita Dign
Nang makarating sila sa mansion ay agad niyang nakausap si Grace pagkatapos nitong ayusin ang mga pinamili nila kanina sa supermarket na sakto namang umakyat sa itaas ang ginang upang magpahinga.Ikinapagpasalamat rin niya ang pananahimik ni Grace sa loob ng sasakyan hanggang sa makauwi na nga sila dahil kinakabahan talaga siya sa maaring mangyare kung isusumbong siya nito sa Senyora.Hindi naman siya nahirapan na kausapin si Grace ng sarilinan dahil ito na ang kusang lumapit sa kanya ng puntahan siya nito sa kanyang kwarto."Grace, thank you hindi mo ko sinumbong kanina kay Mrs. Alarcon!" wika niya ng isara na ni Grace ang pinto ng silid niya upang silang dalawa lamang ang makakarinig ng pag uusapan nila."Base sa reaction mo parang hindi ka talaga nagka amnesia." ang sabi ni Grace na ikinatahimik ni Leslie at tumango tango sa babae. "big mong sabihin, hindi ka talaga nawalan ng alaala at nagkukunware ka lang na nawalan ng memorya, Ganun ba Dianna?!" nanlalaki pa ang matang tanong n
Paulit-ulit na pagtunog ng phone ang maririnig sa loob ng kwarto na sinasabayan pa ng malakas na pag ungol ng babaeng nakatuwad sa ibabaw ng kama ni Maynard, habang ang lalaki naman ay inilalabas masok ng mabilis ang kanyang pagkalalaki sa lagusan ng babaeng kaniig niya.Hindi nila pinapansin pareho ang ingay at hinahayaan lamang nila ang pagtunog ng ring tone ng cellphone ni Maynard hanggang sa sabay na lumupaypay ang mga katawan nila sa kama dahil parehong pagod na pagod ang dalawa dahil sa kanilang ginawa.Tumayo na si Maynard at kinuha ang kanyang wallet at kumuha ng ilang libong pera at inihagis sa ibabaw ng kama kung saan nakahiga pa ang babaeng kaulayaw niya lang kanina."Paglabas ko ng banyo, dapat ay wala ka na bitch!" malamig niyang turan sa babae atsaka siya dumiretso ng pasok sa loob ng banyo at naligo.Habang ang babaeng iniwan niya sa ibabaw ng kama ay nagpupupuyos sa galit at dagli rin itong bumangon at kinatok ng kinatok ang pinto ng banyo na inilock ni Maynard kanina.
Nakapasok na ng kanyang room si Leslie at kasalukuyan na rin siyang nakahiga sa kanyang kama. Ala una na ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. Panay na rin ang pagbabaling- baling niya sa higaan dahil hindi niya alam kung paanong posisyon ba siya makakatulog. Sinubukan na rin niyang magbilang ng tupa sa kanyang isipan ngunit bigo pa rin siya.napapasabunot na siya sa kanyang buhok dahil naiinis na siya sa nangyayare sa kanya."May insomia na rin ba ako, kaya hindi ako makatulog? matulog ka na self parang awa mo na gusto ko ng ipahinga ang katawang lupa ko!. Bakit naman kase niyakap- yakap pa nya ko at pagkamalan pa ko ni sir Dave na ako yung Almira eh! Hindi tuloy ako makatulog dahil sa kanya. Hindi maganda itong nararamdaman ko, hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya." pagkausap ni Leslie sa kanyang sarili.Naisip ni Leslie na uminom ng gatas para siya makatulog kaya muli siyang tumayo at lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo ng kusina upang magtimpla ng gata