Sumapit ang oras ng pamamanhikan nila Don Menandro at Maynard kina Leslie na kahit labag sa kanyang kalooban ay sinakyan na lang niya ang mga nagaganap.
"Leslie, Iha ang nais sana namin nitong apo ko ay maikasal na kayo sa lalong madaling panahon. Alam nyo naman na matatanda na kami ng mga lola at lolo mo gusto na rin namin na magka-apo na sa tuhod habang kami ay nabubuhay pa. Hindi ba Arturo?!" wika ng Don na nagpatigil kay Leslie sa kanyang ginagawa at tumingin siya kay Maynard na seryoso naman din siyang tinitigan.Nagpabaling- baling ang tingin ni Leslie sa mga matatanda at sa pinsan niya na pasimple siyang tinanguan. Huminga siya ng malalim saka nagsalita."Kayo ho ang bahala, Don Menandro." sagot niya."Simpleng kasal lang po sana ang gusto ko Don Menandro." dugtong pa niya."Naku iha, malabong mangyare ang nais mo dahil nag iisa kong apo si Maynard at kilala ang pamilya namin rito sa Cebu. Minsan lang din kayo maikakasal kaya paghahandaan natin ang kasal ninyo ng apo ko." wika naman ng Don na nagpaawang ng kanyang labi dahil bonggang kasal pa ata ang magaganap sa kanila ni Maynard.Pasimple siyang tumingin sa mata ng lalaki upang magpasaklolo sana ngunit hindi naman siya pinansin nito. Kaya napabuntong hininga na lamang siya."Sa loob ng dalawang linggo na ang kasal nyo iha ni Maynard. Naka-ready na ang lahat, ibibili ka na lang ng wedding gown na ready to made na!" excited pang saad ng Don sa kanya.“Kasal din ng apo ko ang mangyayare Don Menandro, bakit hindi mo hayaan kung ano ang gusto niya!.“ ani ng abuela ni Leslie na hindi na makatiis na hindi makialam sa usapan.“Esmeralda, hindi naman kayo ang gagastos sa kasal kaya wala kang dapat na alalahanin.” ani naman ng Don na seryosong hinarap ang kanyang lola kaya nilapitan niya ang abuela upang pa kalmahin.Nang gustong magsalita ng kanyang lolo pero nahihirapan naman ito “ d- don M- men-an- dro.. h- hin- di a- ako.. " utal-utal na wika ni lolo Arturo, kaya pinatigil na ni lola Esmeralda ang asawa na magsalita pa. Napatingin na lang si lolo Arturo sa apo at nakita ni Leslie ang lungkot sa mata nito. Bahagya siyang ngumiti at pinisil niya ang isang kamay ng abuelo."Bakit pakiramdam ko ngayon palang ay magiging sunud sunuran lang din sayo ang apo ko Don Menandro, katulad ng apo mong si Maynard sayo." sarkastikong sabi ng matandang babae na pinaglipat-lipat ang tingin sa mag lolo.Umiling iling ang matandang Don. "Parang nahihimigan ko na gusto ninyong umatras pa sa napag usapan namin ng iyong esposo Esmeralda. Hindi na ko makakapayag na maudlot pa ito napagbigyan ko na kayo ng ilang buwan at naipaalam na rin sa buong bayan ang magaganap na kasal ng mga apo natin. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mapahiya ang angkan ng mga Atienza, kaya wag nyo ng tangkain na umatras pa." saad ng Don sa kanila na lihim na ikinag-ngalit ng kalooban ng pamilya Mercado.Natapos ang gabi ng pamamanhikan ng mag lolong Atienza na puro's ideya ni Don Menandro ang nasunod sa usapang kasalan.“Gabi na ah, nandito ka pa sa labas, hindi ka makatulog?” paggambala ng pinsan niyang si Danilo sa kanyang katahimikan dahil nasa beranda pa siya ng labas ng bahay at nagkakapeng mag isa.“Oo kuya Danilo, iniisip ko ang sinabi ni Don Menandro eh! bakit parang bigla akong nakaramdam ng takot sa matanda. Kuya Danilo ayokong makasal kay Maynard. Mamanipulahin lamang nila ang buhay ko kapag naging mag asawa na kami ng apo niya na gahaman sa kayamanan.” ani niya sa kanyang pinsan na seryoso naman nakikinig sa kanya."Sige, maghanda ka Leslie mag iisip tayo ng paraan para makaalis ka rito ng hindi agad makakarating kay Don Menandro. Napansin ko na pinababantayan tayo ni Don Menandro sa tauhan niya kaya maraming alam ang matanda na yun sa nangyayare dito sa bahay kaya pakiramdam ko may espiya siyang nagbibigay ng impormasyon sa kanya." ang sabi naman ng kuya Danilo niya. Napatingin naman siya sa paligid ng bakuran nila."Kung tutulungan mo ko kuya Danilo wag na nating patagalin pa. Doon na lang kayo nila lola sa bahay sa manila, iwan nyo na lang lahat ng narito. Kuya nakikiusap ako hayaan na lang natin mailit ang lahat ng tao. Pangako tutulungan kita magtutulungan tayo wag nyo lang sana akong hayaang mapakasal kay Maynard." pakiusap niya na sa pinsan na narinig pala ng kanyang abuela."Tama iha ngayon pa lang ay tumakas ka na. Kilala ko si Don Menandro na isang manipulista at hindi siya papayag na mapahiya lalo na kung sa mismong araw ng kasal ay hindi sisipot si Leslie. Kaya hangga't maaga ay tumakas ka na iha habang may panahon pa. Wag mo kaming alalahanin ng iyong lolo matanda na kami at siguro oras na rin para mamuhay si Danilo ng gusto niya, matagal na ring nakatali ang pinsan mo sa amin ng lolo mo. Basta mag iingat ka iha!. Kung saan ka man makarating wag na wag ka na munang magpapakita sa amin dahil baka balikan ka ni Don Menandro dahil sa ginawa mong pagpapaasa sa kanila ng kanyang apo." sabat ng kanyang lola na nasa pinto lang pala at naririnig ang kanilang usapan ng pinsan."Salamat lola Esmeralda, bukas din po ay aalis na ako. Kuya, ikaw na ang bahala kina lola ha, alam nyo naman na ang address ko sa Manila itatawag ko rin kay Manang ang pagpunta niyo roon nila lola hindi na ko tutuloy pa don may kaibigan ako na maaring lapitan kapag may pagkakataon tatawag ako sa inyo." habilin niya sa kanyang pinsan na tango lang ang isinagot."Ihanda mo na ang mga dadalhin mo iha at ipapahatid kita kay Danilo sa airport, mamayang madaling araw ka na lang umalis hindi pa naman siguro nila iisipin na tatakas ka agad." ani ng abuela at yinakap siya nito ng mahigpit."Patawarin mo kami apo ng iyong lolo Arturo, dahil naipasok ka namin sa ganitong sitwasyon. Nagsisisi ako na hindi ko nagawang pigilan noon ang lolo mo sa pakikipagkasundo sa manipulador na si Don Menandro. Mautak ang matanda na yon, ginamit niya ang kahinaan ni Arturo para mapasunod niya ito sa kanya. Pasalamat na lamang tayo iha dahil umpisa pa lang nakita na natin ang kagaspangan na ugali ng apo niya bago ka pa makasal sa kanya." saad na muli ng matandang babae sa kanyang apo.Sa kabilang dako naman ay nasa isang club si Dave kasama ang kaibigan nitong si Colton na inaalalayan siya dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagmove on si Dave sa nangyare kay Almira at sa kanyang magiging anak. Halos gabi- gabi pa rin kung maglasing si Dave kung hindi sa bar, sa bahay naman nito mismo. Bumalik na rin ang ina nito sa Batangas at pinakiusapan na lang sila nito bilang kaibigan ng anak na bantayan si Dave. Nangako naman ang ginang na ikukuha ng bantay ang kanyang panganay na si Dave at babalik rin ito sa bahay ni Dave maiayos lamang nito ang problema sa negosyo nito sa Batangas kung saan ang hometown nila Dave. Nagpapalit palitan na lang sila ni Edward sa pagbabantay sa kaibigan na alam nilang kailangan sila nito sa ganitong sitwasyon tulad na lang kanina na muntik pa itong mapaaway dahil sa pinansin ang pag iingay ni Dave ng isang costumer sa club na narinig naman nito kaya agad na susugurin ang lalaki na na awat lang niya ang kaibigan at siya na rin ang humingi ng dispensa sa nakaalitan ng kaibigan."Bitiwan mo ko hik.., pakialamero kang gago ka bitiwan mo ko sabi eh!! sha-sha-pakin ko lang sa mukha yung gago na yon." wala na sa tamang huwisyo na sabi ni Dave kay Colton dahil sa sobrang kalasingan."Tara na Dave, tama na yan! ihahatid na kita sa inyo. Hindi mo na kaya ang magdrive brod." awat na ni Colton sa lasing na niyang kaibigan ngunit tinabig siya nito kaya napasandig siya sa wall na harang ng kabilang lamesa. Alam niyang lasing si Dave kaya hindi na nito kontrolado ang utak pero napipikon na rin siya sa kaibigan kaya naman iniwan niya na muna ito para pakalmahin ang sarili dahil baka masapak niya lang din si Dave."Saan ka pupupunta? hoy, iiwan mo rin ako? tulad ng pag iwan sa akin ng mag ina ko hik... sige iwan nyo na kong la hat pati si Mommy iniwan din ako. Lahat kayo iwan nyo ko, hik... Wala ko pakialam..hik.. hik.. " salitang lasing ni Dave na hindi pinansin ni Colton dahil napipikon na siyang talaga.Nagising na lamang kinaumagahan si Dave na nasa sarili na nitong kwarto. Alam niyang si Colton ang naghatid sa kanya sa bahay. Napapailing na lang siya sa sarili dahil nagising na naman siya ng araw na yon.Nagpapakalasing siya dahil gusto niyang makalimot sa pagkawala ni Almira, gusto niyang mamatay na rin para makasama si Almira pero hindi naman niya magawang kitilin ang sariling buhay kaya nagpapaka-wasted na lamang siya. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ang nais niya ay makalimot sa lahat ng sakit na naidulot ng pagkawala ng kanyang mag ina.Alas Tres ng madaling araw ay naihatid na ni Danilo si Leslie sa airport ng Cebu."Kuya Danilo salamat. Nag chat na ko kay manang sinabi ko na sa kanya na darating kayo nila lola sa bahay anytime kaya pinaayos ko ng lahat sa kanya ang magiging kwarto ninyo. Ito pala kuya ang susi ng kwarto ko may pera akong naitabi sa cabinet ko magagamit nyo yon kapag kailangan.” pamamaalam niya sa pinsan ng maihatid na siya nito.“Mag iingat ka Leslie ha, tawagan mo ko para makabalita kami sayo at hindi masyado mag alala sayo ang mga matatanda natin!. Sige na pumasok ka na.” habilin pa sa kanya ng pinsan na alam niyang nag aalala rin sa kanya.“Bye kuya..” kumaway pa siya sa pinsan saka tuluyang pumasok na ng airport. Nakakuha siya ng ticket ng alas singko ng madaling araw ang flight kaya naman inabala niya ang sarili sa paglalaro na muna ng games sa cellphone dahil ayaw niyang matulog nag aalala kase siya na baka makarating agad kay Don Menandro na umalis siya kaya babawi na lamang siya ng tulog s
Nang malaman ni Dave na nakaaksidente siya ay nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa kanyang kapabayaan ay muntik na siyang makapatay. Hindi niya man gusto ang nangyare pero alam niya sa sarili niya na may kasalanan din siya.At kaninang kausap niya ang mama niya ay nakaramdam siya ng awa para sa ina. Mahal niya ang mama niya at ayaw niyang makitang nalulungkot ito ng dahil sa kanya, pero nahihirapan siyang pakinggan at sundin ang sinasabi nito sa kanya palagi na mag move on na siya. Napapikit siya dahil naiisip na naman niya si Almira."May chance ng magkasama tayo pero binigyan pa rin ako ng pagkakataon na mabuhay ng nasa itaas Almira. Kailangan ko na ba talagang bumitaw at magsimula muling mamuhay ng wala ka? sign ba ito na dapat na pakawalan ko na ang mga alaala na kasama ka?" aniya na kinakausap sa isip ang namatay na asawa.Sa kabilang kwarto naman ay nagising na si Leslie. Masakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito ng maramdaman niyang may bendang nakabalot sa kanyang ulunan. I
Naglalakad si Dave sa isang magandang lugar na ang tanawin ay maraming puno at bulaklak at lumilipad na paru-paro. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa ganoong lugar ng marinig niyang may bumubungisngis na babae. Sinundan niya kung saan niya naririnig ang pagtawa hanggang sa makakita siya ng water falls. "Dave.." narinig niya ang pagbigkas sa pangalan niya ng isang boses babae na pamilyar sa kanya. "Dave.." muli siyang tinawag nito mula sa kanyang likuran, kaya humarap siya rito at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwalang makikita niya ang namayapa niyang asawa sa kanyang harapan na nakangiti sa kanya. Saglit siyang natigilan at naluha ng masiguradong asawa niya nga ang nasa harapan niya. "Almira.. Honey!!.. " sambit niya. Lalapit na sana siya upang yakapin ang babae ngunit pinigilan siya ni Almira. "Huwag Dave, diyan ka lang, wag kang lumapit may bangin sa pagitan natin hindi pa panahon para muli tayong magkasama. Nagpakita ako sayo dahil hindi ko na kayang n
Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m
Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann
Sa sala ng pamilya Alarcon ay nag usap ang mag iina sa kung ano ang mga plano nila sa mga susunod na araw. Nang mahagip ng paningin ni Digna si Dianna na dahan dahan na humahakbang gamit ang saklay nito patungo sa kwarto ata nito."Dianna, halika na muna rito samahan mo kami rito ng mga anak ko." aya sa kanya ng ginang.Napatingin naman siya sa mag iina napansin niyang sobrang seryoso ni Dave at pakiramdam niya ay iwas ito sa ibang tao kaya pinili niyang iwasan na lang din ang lalaki."Tita Digna, hindi na po. Bonding po ng pamilya ninyo ngayon, nakakahiya naman pong makihalubilo pa ako sa inyo. Hindi naman po ako parte ng pamilya." saad niya sa ginang."Dianna, hindi ka nga parte ng pamilya ko pero para sa akin kapamilya ka na rin namin lalo na at dito ka na sa amin titira habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo." nakangiting wika ni Mrs. Alarcon kaya nakaramdam na naman siya ng guilt para sa ginang."Bakit natahimik ka iha? nalulungkot ka ba dahil wala ka pa ring naaalala?" bigla n
Katok sa pintuan ng kwarto ni Leslie ang nagpagising sa kanya. "Dianna.., Dianna, gising ka na mag aalas otso na ng umaga. Dianna..?!" pagtawag- tawag na ni Grace sa kanya dahil inilock niya ang pinto ng kwarto niya bago siya natulog kaya binulahaw na lamang siya nito sa pagkatok sa pinto. Bumangon na muna siya at inabot ang saklay niya at naglakad patungong pintuan upang pagbuksan si Grace. "Pasensiya ka na Dianna, kung naistorbo ko ang pagtulog mo, si Senyora kase ay pinatatawag ka na. Hindi ka pa raw kase nag aagahan kaya pinagising ka na sa akin ni Senyora Digna." ani nito sa kanya na nginitian na niya muna atsaka binati. "Good morning, Grace. Okay lang, tanghali na rin pala. Napuyat ako, hindi kase ako makatulog kagabi at madaling araw na ay gising pa ako." pagpapaliwanag niya. "Ay, good morning din sayo Dianna. Baka kase namamahay ka kaya ganon. Pero mag asikaso ka na at ayusin ang sarili mo, hinihintay ka na kase ni Senyora sa sala kanina pa." wika ni Grace na pinagmamadali
Kasalukuyan pa ring nasa sala sina Digna at Dianna o Leslie ng iwan sila ni Dave. "Iha, pasensiya ka na talaga sa anak ko. Sana ay maintindihan mo na wala siyang balak na masama sayo ng pumasok siya ng kwarto mo. Akala lang niya talaga na may nangyare sayo sa loob ng kwarto mo ng sabihin ni Grace na may dugo ka. Iba ang pagkakaintindi niya kaya agad ka niyang pinuntahan." aning pagpapaunawa ng ginang ng sila na lamang dalawa ang nasa sala. "Mabuti at may extrang sanitary napkin si Jocelyn at may magagamit ka. Natakot ka ba iha kanina? ang sabi kase ni Grace, pagbalik niya sa kwarto mo para dalhin ang hiniram niyang napkin kay Jocelyn ay nakatulala ka raw. Masungit man minsan ang panganay ko ay mabait at magalang sa babae ang anak kong yon iha. Sana ay maunawaan mo na pagkakamali lang talaga niya ang pagkakakita ng hubad mong katawan." natatawang hinging paumanhin ng ginang sa kanya. Namula naman ang mukha ni Leslie sa ginawang panunudyo ni Mrs. Alarcon kaya napayuko siya."Tita Dign