Nang malaman ni Dave na nakaaksidente siya ay nakaramdam siya ng guilt. Dahil sa kanyang kapabayaan ay muntik na siyang makapatay. Hindi niya man gusto ang nangyare pero alam niya sa sarili niya na may kasalanan din siya.At kaninang kausap niya ang mama niya ay nakaramdam siya ng awa para sa ina. Mahal niya ang mama niya at ayaw niyang makitang nalulungkot ito ng dahil sa kanya, pero nahihirapan siyang pakinggan at sundin ang sinasabi nito sa kanya palagi na mag move on na siya. Napapikit siya dahil naiisip na naman niya si Almira."May chance ng magkasama tayo pero binigyan pa rin ako ng pagkakataon na mabuhay ng nasa itaas Almira. Kailangan ko na ba talagang bumitaw at magsimula muling mamuhay ng wala ka? sign ba ito na dapat na pakawalan ko na ang mga alaala na kasama ka?" aniya na kinakausap sa isip ang namatay na asawa.Sa kabilang kwarto naman ay nagising na si Leslie. Masakit ang ulo niya kaya napahawak siya rito ng maramdaman niyang may bendang nakabalot sa kanyang ulunan. I
Naglalakad si Dave sa isang magandang lugar na ang tanawin ay maraming puno at bulaklak at lumilipad na paru-paro. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa ganoong lugar ng marinig niyang may bumubungisngis na babae. Sinundan niya kung saan niya naririnig ang pagtawa hanggang sa makakita siya ng water falls. "Dave.." narinig niya ang pagbigkas sa pangalan niya ng isang boses babae na pamilyar sa kanya. "Dave.." muli siyang tinawag nito mula sa kanyang likuran, kaya humarap siya rito at nanlaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwalang makikita niya ang namayapa niyang asawa sa kanyang harapan na nakangiti sa kanya. Saglit siyang natigilan at naluha ng masiguradong asawa niya nga ang nasa harapan niya. "Almira.. Honey!!.. " sambit niya. Lalapit na sana siya upang yakapin ang babae ngunit pinigilan siya ni Almira. "Huwag Dave, diyan ka lang, wag kang lumapit may bangin sa pagitan natin hindi pa panahon para muli tayong magkasama. Nagpakita ako sayo dahil hindi ko na kayang n
Nakauwi na ng bahay niya si Dave dahil wala naman malaking injury na nangyare sa kanya kaya naidischarge agad siya ng ospital."Good morning iho, tamang-tama ipapatawag na sana kita kay Jocelyn para magbreakfast. Maupo ka na at sabayan mo na ko." pagbati ni Digna sa anak."Morning mommy.." balik bati niya. Nilapitan ang ina at humalik sa pisngi nito at umupo na rin sa hapagkainan upang sabayang mag almusal ang kanyang ina." Aalis ka Ma? " tanong ni Dave sa ina dahil nakabihis ang ina ng panglakad."Yes iho, pupunta ako ng ospital. Ngayon ang araw ng paglabas ni Dianna sa ospital eh! pinayagan na siya ng doctor nya kahapon." imporma nito sa kanya."Napag usapan na natin Dave na kukupkopin ko na muna si Dianna hangga't wala pa siyang maalala di ba? I hope na walang magiging problema sa pananatili ni Dianna rito sa atin lalo na sayo Dave." seryosong ani ng kanyang mama na nakatingin sa kanya."There is no problem with me if you let her stay here. As long as she doesn't interfere with m
Nasa Opisina pa si Dave ng tumawag ang kanyang mommy na saktong kakatapos lang din ng urgent meeting nila. Ipinaalam lang niya sa board members na starting tomorrow ay siya na uli ang uupong CEO ng kumpanya at tapos na ang pagiging acting CEO ni Dion na ikinacongratulate sa kanya ng mga kaopisina.Masaya naman ang kapatid niya sa kanyang naging desisyon na kanina ay nasurprise pa ito ng pumasok siya ng opisina nito dahil sinadya niyang hindi ipaalam sa kapatid ang pagpunta niya.(Hello Mom.) pagsagot ni Dave sa ina.(Nasa opisina ka ba with Dion?) tanong ng kanyang mommy..(Yes Mom, actually he is here, in front of me, nakikinig sa usapan natin.) ang sabi niya sa ina habang nakatitig sa bunsong kapatid at ini-loud speaker ang kanyang phone.(Hi Mom, i miss you.. love you Mom..) singit na paglalambing na wika ni Dion sa ina.(Love you too, son.. and since na magkasama naman na kayong mag kuya i want you to come home early to have dinner with me at ipapakilala ko na rin sa inyo si Diann
Sa sala ng pamilya Alarcon ay nag usap ang mag iina sa kung ano ang mga plano nila sa mga susunod na araw. Nang mahagip ng paningin ni Digna si Dianna na dahan dahan na humahakbang gamit ang saklay nito patungo sa kwarto ata nito."Dianna, halika na muna rito samahan mo kami rito ng mga anak ko." aya sa kanya ng ginang.Napatingin naman siya sa mag iina napansin niyang sobrang seryoso ni Dave at pakiramdam niya ay iwas ito sa ibang tao kaya pinili niyang iwasan na lang din ang lalaki."Tita Digna, hindi na po. Bonding po ng pamilya ninyo ngayon, nakakahiya naman pong makihalubilo pa ako sa inyo. Hindi naman po ako parte ng pamilya." saad niya sa ginang."Dianna, hindi ka nga parte ng pamilya ko pero para sa akin kapamilya ka na rin namin lalo na at dito ka na sa amin titira habang hindi pa bumabalik ang ala ala mo." nakangiting wika ni Mrs. Alarcon kaya nakaramdam na naman siya ng guilt para sa ginang."Bakit natahimik ka iha? nalulungkot ka ba dahil wala ka pa ring naaalala?" bigla n
Katok sa pintuan ng kwarto ni Leslie ang nagpagising sa kanya. "Dianna.., Dianna, gising ka na mag aalas otso na ng umaga. Dianna..?!" pagtawag- tawag na ni Grace sa kanya dahil inilock niya ang pinto ng kwarto niya bago siya natulog kaya binulahaw na lamang siya nito sa pagkatok sa pinto. Bumangon na muna siya at inabot ang saklay niya at naglakad patungong pintuan upang pagbuksan si Grace. "Pasensiya ka na Dianna, kung naistorbo ko ang pagtulog mo, si Senyora kase ay pinatatawag ka na. Hindi ka pa raw kase nag aagahan kaya pinagising ka na sa akin ni Senyora Digna." ani nito sa kanya na nginitian na niya muna atsaka binati. "Good morning, Grace. Okay lang, tanghali na rin pala. Napuyat ako, hindi kase ako makatulog kagabi at madaling araw na ay gising pa ako." pagpapaliwanag niya. "Ay, good morning din sayo Dianna. Baka kase namamahay ka kaya ganon. Pero mag asikaso ka na at ayusin ang sarili mo, hinihintay ka na kase ni Senyora sa sala kanina pa." wika ni Grace na pinagmamadali
Kasalukuyan pa ring nasa sala sina Digna at Dianna o Leslie ng iwan sila ni Dave. "Iha, pasensiya ka na talaga sa anak ko. Sana ay maintindihan mo na wala siyang balak na masama sayo ng pumasok siya ng kwarto mo. Akala lang niya talaga na may nangyare sayo sa loob ng kwarto mo ng sabihin ni Grace na may dugo ka. Iba ang pagkakaintindi niya kaya agad ka niyang pinuntahan." aning pagpapaunawa ng ginang ng sila na lamang dalawa ang nasa sala. "Mabuti at may extrang sanitary napkin si Jocelyn at may magagamit ka. Natakot ka ba iha kanina? ang sabi kase ni Grace, pagbalik niya sa kwarto mo para dalhin ang hiniram niyang napkin kay Jocelyn ay nakatulala ka raw. Masungit man minsan ang panganay ko ay mabait at magalang sa babae ang anak kong yon iha. Sana ay maunawaan mo na pagkakamali lang talaga niya ang pagkakakita ng hubad mong katawan." natatawang hinging paumanhin ng ginang sa kanya. Namula naman ang mukha ni Leslie sa ginawang panunudyo ni Mrs. Alarcon kaya napayuko siya."Tita Dign
Nang makarating sila sa mansion ay agad niyang nakausap si Grace pagkatapos nitong ayusin ang mga pinamili nila kanina sa supermarket na sakto namang umakyat sa itaas ang ginang upang magpahinga.Ikinapagpasalamat rin niya ang pananahimik ni Grace sa loob ng sasakyan hanggang sa makauwi na nga sila dahil kinakabahan talaga siya sa maaring mangyare kung isusumbong siya nito sa Senyora.Hindi naman siya nahirapan na kausapin si Grace ng sarilinan dahil ito na ang kusang lumapit sa kanya ng puntahan siya nito sa kanyang kwarto."Grace, thank you hindi mo ko sinumbong kanina kay Mrs. Alarcon!" wika niya ng isara na ni Grace ang pinto ng silid niya upang silang dalawa lamang ang makakarinig ng pag uusapan nila."Base sa reaction mo parang hindi ka talaga nagka amnesia." ang sabi ni Grace na ikinatahimik ni Leslie at tumango tango sa babae. "big mong sabihin, hindi ka talaga nawalan ng alaala at nagkukunware ka lang na nawalan ng memorya, Ganun ba Dianna?!" nanlalaki pa ang matang tanong n