Share

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )
Author: Anne Lars

Chapter 1 - Meeting the goodgirl

SABIK na gustong makita ni Snow ang kan'yang nobyo lalo na't mag-iisang linggo silang hindi nagkasama. Naging abala s'ya sa isang taping ng movie na ipapalabas sa susunod na dalawang buwan. Panghuling taping nila 'yon kaya nakahinga s'ya ng maluwag at sa wakas ay makakapagpahinga na s'ya kahit mga ilang araw lamang.

Baguhan lamang s'ya sa showbiz ngunit hindi naman s'ya nanghihinayang na isuko ang kan'yang nagsisimulang career para sa isang relasyon. Ang gusto n'ya lamang talaga ay maging isang professional writer ng mga nobelang p'wedeng i-adapt at ipalabas sa television. Wala sa ideya n'ya ang pumasok sa pagiging artista ngunit napasubo s'ya noong nag-request ang kan'yang ina sa kaibigang director nito na isali s'ya bilang ekstrang tauhan sa isang teleserye. Labis na ikinatuwa ng kan'yang ina ang pagpayag n'ya dahil matagal na nitong pinapangarap na magkaroon ng isang anak na artista.

Hindi naman maipagkakaila na may talento s'yang tinatago kagaya ng pagkanta at mahilig sa musical instruments. Ika nga ng kan'yang ina, anong silbi ng kan'yang talento kung hindi n'ya naman gagamitin? Pero kagaya ng ibang babae, simple lamang ang kan'yang pangarap, ang makatuluyan si Markus na limang taon n'ya nang kasintahan.

Maganda ang naging usad ng kanilang relasyon lalo na't first love nila ang isa't isa. Oo, napakabata n'ya para magpakasal pero nasa tamang edad na sila pareho. Limang taon ang agwat ni Marcus sa kan'ya kaya sakto lamang kung ito ang mapapangasawa n'ya. Bukod sa g'wapo at mayaman, ma-respeto pa at masipag sa trabaho. Sino namang babae ang makakatanggi sa gano'ng klaseng lalaki kung bigla na lamang magp-propose sa'yo? Syempre, hindi na s'ya tumanggi pa.

Pagkarating n'ya sa mansiyon ng mga Sylvestre, kaagad s'yang nag-doorbell. Binuksan 'yon ng guard at pinapasok s'ya. Hindi n'ya akalain na nakaabang na pala sa pintuan si Marcus. Patakbo itong naglakad pababa at niyakap s'ya ng mahigpit.

“ I miss you ” saad nito habang yakap-yakap s'ya.

" I miss you too " matamis na tugon n'ya pagkahiwalay.

" Sayang hindi mo naabutan ang kapatid ko. Ipapakilala sana kita sa kan'ya. ” Nanghihinayang na wika nito.

" Next time nalang siguro, love. Hindi pa naman siguro s'ya aalis pabalik ng Sicily 'di ba? "

" Oo, mananatili muna s'ya rito sa Pilipinas. Bumisita lamang s'ya para kamustahin si dad. ”

" By the way, pinadala na noong unang linggo sa bahay ninyo ang bridal gown na susuotin mo para sa kasal natin next month. ” Hindi n'ya namang mapigilan na mapangiti.

" You seem so excited. Excited ka sa first night? " Pang-aasar nito sa kan'ya. Napalo n'ya naman ito sa braso. Inakbayan naman s'ya ng kan'yang nobyo.

" Sa totoo lang, excited rin ako " wika nito sabay kindat sa kan'ya.

" Mabuti nalang talaga, good boy ka. Baka, kanina pa kita nasipa " natatawang mungkahi n'ya.

" By the way, nag-set ako ng romantic date para sa'tin. Siguro naman, wala ka nang iba pang pupuntahan? "

" Oo naman, pupunta ako. Ikaw pa " tiyak na saad n'ya bago sila tuluyang pumasok ng mansiyon.

SAMANTALA, sa kabilang dako. Pagkatapos na bumisita ni Demetri sa kalagayan ng kan'yang ama ay dumiretso na s'yang nagtungo sa babaeng makikipagkita sa kan'ya. Deritso s'yang nagtungo sa hotel kung saan naroroon ang babaeng nakilala n'ya lamang kahapon sa sinakyang eroplano.

Pagkapindot n'ya ng doorbell ay kaagad na sumilip ang babae sa peephole. Noong makita s'ya sa labas ay kaagad nitong binuksan ang pintuan. Walang alinlangan s'ya nitong sinunggaban ng halik. Hindi n'ya naman ito pinigilan bagkus ay gumanti rin s'ya ng isang mapusok na halik.

Binuhat n'ya ito noong nasa sala na sila.

" Saan mo gusto? Sa sala o sa bedroom?" Bulong n'ya rito na mas lalong nagpainit sa kanilang eksena.

" Kahit saan ” kagat-labing dugtong nito.

Naisipan n'yang sa kwarto na lamang. Pabagsak n'yang ibinaba sa kama ang babae. Napaupo ito sa kama noong hinila n'ya palapit sa kan'ya ang katawan nito. Maiksing pulang palda lamang ang suot nito kaya lumuhod s'ya sa pagitan ng mga hita nito. Mas lalo naman s'yang napangisi noong wala itong suot na underwear.

" Instant ready for eating? " Pilyong komento n'ya at sinumulan nang sambahin ang pagkababae nito. Napatirik ang mga mata nito sa sarap. Walang alinlangan n'yang nilamutak ang kaselanan nito.

" Oh fuck! Yes there, Demetri! " Wala sa huwisyong saad nito. Mas lalo n'yang binilisan ang galaw ng kan'yang dila para mas lalo itong mabaliw sa kan'yang ginagawa.

Nang matapos s'ya, ito naman ang nagsimulang magpaligaya sa kan'ya. Kaharap nito ang umiigting n'yang pagkalalaki. Napaungol s'ya noong tuluyan nitong ipasok sa bibig ang kan'yang k*****a. Unti-unti n'yang ginalaw ang kan'yang baywang para salubungin ang mainit nitong bibig.

Sunod naman, hinubad n'ya ang kan'yang suot na long sleeves at itinapon 'yon sa kung saan. Pinatayo n'ya ito at muling hinalikan sa labi. Pinasampa n'ya muli ito sa kama at pinakulob, bago pinatuwad. Pum'westo s'ya sa likuran at isinuot ang hinanda n'yang condom. Marahan n'yang ipasok ang kan'yang pagkakalaki sa maselang bahagi nito. Sa una, ay marahan s'yang umulos bago n'ya naisipang bayuhin ito ng malakas. Hindi lamang 'yon ang nagawa nilang posisyon.

" A-Ahh! Faster! " utos nito sa kan'ya noong malapit na ito sa climax.

Mas lalo n'yang binilisan ang kan'yang kilos habang naka-spooning position sila. Kaagad n'yang hinugot ang kan'yang kaselanan at tinanggal ang suot n'yang condom. Hindi n'ya naman napigilang mapaungol noong marating n'ya ang kasukdulan.

Humarap ito sa kan'ya at kinintilan s'ya nito ng halik sa labi.

" Can you stay here for a night? " malambing na sabi nito habang hinahaplos ang kan'yang pisngi.

" Maybe next time " tugon niya. Pero, wala ng next time.

Inayos n'ya muna ang kan'yang suot habang nakaharap sa full length mirror. Kailangan n'ya nang umalis dahil may lakad pa s'ya. Malambing namang yumakap mula sa likuran ang babaeng nakasiping n'ya kanina.

" Aalis ka na? " Tanong nito.

" May pupuntahan pa ako " wika n'ya bago ito hinarap.

" Tawagan mo ako " ani nito sabay hawak sa kan'yang kamay. Napangiti naman s'ya.

" Sige, walang problema sa'kin 'yon " tugon niya naman bago hinalikan ang labi nito.

Lumabas na s'ya at iniwan ang babaeng hindi n'ya naman maalala ang pangalan. Hindi n'ya na ito tatawagan dahil hindi uso sa kan'ya ang umulit ng babaeng naikama n'ya na.

Kumbaga, literal na hanggang one night stand lang talaga.

Hinugot n'ya mula sa bulsa ng kan'yang coat ang isinuksok nitong calling card sa kan'ya. Hindi n'ya na binasa ang pangalan na nakasulat dahil hindi naman s'ya interesado pang malaman. Walang alinlangan n'yang pinunit 'yon at itinapon sa trash bin.

Pagkalabas n'ya ng hotel kaagad s'yang sinalubong ng kan'yang personal driver bitbit ang dalang payong. Malakas kasi ang ulan sa labas. Pinayungan s'ya nito patungong kotse.

“ Saan po tayo, boss? " Tanong nito pagkapasok n'ya sa loob.

" Sa ibang hotel " sagot n'ya.

" Mukhang mapapalaban na naman po kayo " natatawang saad ng kan'yang driver.

Napailing naman s'ya sa sinabi nito. Alam nito ang kan'yang favorite hobby kahit ilang araw pa lamang sila nagkasama. Tila sanay at alam na nito ang kan'yang hobby sa tuwing umaalis siya ng mansiyon.

Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe, biglang nagkaroon ng mabigat na traffic. Mukhang may nagbanggaan sa may unahan at sabayan pa ng mabigat na ulan. Maayos s'yang sumandal sa sandalan at napalingon sa labas ng bintana. Biglang natuon ang kan'yang mga mata sa isang babaeng nakasilong sa isang shed. Mag-isa itong nakatayo sa waiting shed area habang nakataas ang kamay na tila sinasalo ang malakas na agos ng ulan galing sa bubong ng shed.

Maigi n'yang tinitigan ang babae habang pinaglalaruan nito ang tubig ulan.

" Igilid mo muna ang sasakyan " utos niya kay Sed.

Agaran naman itong tumalima. Pinagmasdan n'ya ang magandang babae. Napakaamo ng mukha nito at parang kumikislap ang kinang ng angking ganda nito.

" Parang si Miss Snow yata 'yan " pansin ni Sed. Napalingon naman s'ya rito.

" Kilala mo s'ya? " Interesadong tanong n'ya.

" Oo, boss. 'Yan ang fiancee ni sir Marcus " agarang tugon nito.

Hindi naman s'ya makapaniwala. Napakabata pa ng mukha nito. Hindi n'ya inakala na magandang dilag pala ang papakasalan ng kan'yang kapatid. Naku-kwento na ito ng kan'yang kapatid sa kan'ya pero hindi s'ya nagka-interes na makita ito kahit manlang sa litrato.

" Pasakayin mo " utos niya. Pinaandar naman nito ang makina at doon pum'westo kung saan nag-aantay ng masasakyan si Snow.

Binuksan ni Sed ang bintana at kinausap ito.

" Miss Snow, saan po ang punta ninyo? " tanong nito sa dalaga.

Napayuko naman ito kaya mas lalo n'yang naklaro ang mala-anghel na mukha nito. Nakatulala s'yang nakatitig rito.

" Sa Marienet Hotel, mang Sed! " pasigaw na tugon naman nito. Malakas pa rin kasi ang ulan kaya hindi makakarinigan kung mahina lamang ang boses.

" Doon rin ang punta namin. Sumabay ka na sa'min " saad ni Sed.

Kaagad na lumabas si Sed bitbit ang payong. Lumapit ito sa dalaga at pinayongan ito para hindi tuluyang mabasa. Binuksan ni Sed ang pintuan. Sandali naman itong napasilip sa loob at nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang malamig na titig ang iginawad n'ya rito. Naiilang naman itong napangiti bago tuluyang pumasok ng kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status