Share

Chapter 4 - Evil scheme

" HINDI ka ba pupunta sa bayan?" tanong ni manang Lucelle sa kan'ya. Tahamik s'yang nagkakape sa balconahe.

" Habilin pa naman sa'kin ng iyong ama na dumalo ka sa fiesta. Marami s'yang palaro sa mga kabataan doon at may pa-raffle pa. Alam mo naman na muling tatakbo bilang Gobernador ang iyong papa. Gusto n'ya lamang makasigurado kung may mga tao pa bang gustong sumuporta sa kan'ya doon sa susunod na eleksiyon " dagdag pa ng mayordoma.

" Naroroon din ba si Marcus? "

" Palagi s'yang kasama ng iyong papa sa mga lakad n'ya. May balak rin kasing tumakbo bilang Mayor si Marcus sa mga susunod na eleksiyon " tugon naman nito. Maikli s'yang napangiti bago sumimsim ng kape.

" Siguro naroroon rin ang fiancee n'ya " hinuha n'ya.

" Syempre, bayan ni Snow ang may fiesta kaya nararapat lang na naroon s'ya. Lalo na't Kapitan ang kan'yang tiyuhin sa bayan na 'yon. "

Agaran naman s'yang napatayo. Pupunta s'ya roon dahil naroroon si Snow. Gusto n'ya itong makita lalo na't laman ito ng kan'yang panaginip kagabi.

" Nariyan pa ba si Mang Sed? " Napatango naman ang matanda.

Magkatapos n'yang maghanda, naglagay muna s'ya ng pabango sa kan'yang damit. Maayos n'yang sinuklay ang medyo kulot n'yang buhok. Diretso na siyang bumaba noong maayos na ang lahat. Kaagad siyang pinagbuksan ni Sed at pumasok siya sa loob ng limousine.

Nakarating s'ya sa medyo may kalayuang bayan ng San Diego Paz. Marami silang nadaanang tao sa kalsada. At kitang-kita ang bandiritas na naka-display sa naturang bayan. Bumaba s'ya malapit sa may malawak na field kung saan may patimpalak sa mga bata.

Naglakad s'ya patungo sa kinaroroonan ng kan'yang ama at kapatid. Nakasunod naman si Sed sa kan'ya. Napalingon sa kan'ya ang tatlo noong dumating s'ya. Umupo s'ya sa tabi ng kan'yang ama. Pasimple naman s'yang sumulyap kay Snow na tuwang-tuwa sa mga kalahok ng nakakaaliw na palaro.

" Magbuti naman ay nagpunta ka."

" Matatagalan pa ba tayo rito? " bulong n'ya sa kan'yang papa. Mahina itong natawa sa kan'ya.

" Kararating mo lang tapos gusto mo nang umalis kaagad? " saad nito. Napasandal naman s'ya sa sandalan ng plastik na upuan.

Walang imik s'yang nanunuod sa mga batang tuwang-tuwa sa pagpila para sa palayok na hahatawin ng baseball bat. Kumuha naman ng tubig si Marcus sa likuran bago ito inaabot kay Snow. Nakangiti nitong tinanggap ang tumbler at uminom. Sunod naman na uminom si Marcus gamit rin ang tumbler na pinag-imnan ni Snow kanina.

Palihim n'yang pinagmasdan ang kamay ni Marcus na nakalapag sa makinis at maputing balikat ni Snow. Nakasuot lamang ito ng puting sando at maong pants. Napaka-simple pero napaka-ganda nito. Kahit nakaupo lamang sa isang plastik na upuan ay para itong prinsesang nakaupo sa trono.

Sino namang lalaking hindi nanaisin ang ganyang kagandang prinsesa?

Mahigpit n'yang naikuyom ang kan'yang mga palad noong bumulong si Marcus rito na ikinatawa ng dalaga. Bakit tila nakakaramdam siya ng selos sa dalawa? Malambing naman nitong hinalikan ang balikat ng nobya bago itinutok ang mga mata sa mga manglalaro.

Halos isang oras s'yang walang ganang nanonood sa mga palaro. Hindi n'ya talaga maghahanap ang saya sa ganitong event. Hindi ka s'ya maka-relate.

" Ba't hindi n'yo subukan ang sumali sa laro? " suhesyon naman ni Snow sa kanilang dalawa.

" Oo nga naman, Demetri at Marcus. Total noong mga bata pa kayo ay mahinig rin naman kayong magkasamang maglaro " saad naman ni Don Demetruis sa dalawang anak.

Bigla namang naalala ni Demetri noong aksidente n'yang napalo ng kahoy si Marcus. Naalala n'ya ang matinding parusa ng ginawa sa kan'ya ng kan'yang step mother na si Mauie. Magkapatid lamang sila ni Marcus sa ama dahil anak ito ng kan'yang papa sa pangalawa nitong asawa na si Mauie.

Naging malupit talaga sa kan'ya ang nanay ni Marcus. Hindi lamang pisikal na pananakit ang traumang nakuha n'ya pati na rin ang sexual abuse noong nag-binata na s'ya.

" Subukan natin, bro " aya ni Marcus sa kan'ya. Napalingon naman s'ya kay Snow. Sumenyas ito na sana pumayag s'ya. Wala s'yang pagpipilian kundi ang makisali sa pagpalo ng palayok.

Sabay silang piniringan ni Marcus at limang beses na pina-ikot. Gamit ang bat ay nagsimula na silang maglakad habang nakikinig sa direksiyon na sinasambit ng mga manonood. Akmang papaluin n'ya na sana ang palayok noong may tumama sa kan'yang ulo.

Napatayo naman sa gulat si Snow noong makitang malakas na nataman ng pamalo sa ulo si Demetri. Kaagad na tinanggal ni Marcus ang kan'yang piring at humingi ng sorry sa kan'yang kuya. Lumapit naman kaagad si Snow sa kinaroroonan nilang dalawa.

" Ayos ka lang ba, Demetri? " tanong nito.

" Ayos lang " tanging saad ni Demetri. Aksidente lang naman ang nangyare.

" Siguradong ayos ka lang? " Muling nag-aalalang tanong ni Snow sa kan'ya. Napatango naman s'ya.

Nasa loob s'ya ng banyo at maigting na tinitigan ang repleksiyon n'ya sa kaharap na salamin. Sinuri n'ya ang latay na bumakat sa kan'yang sentido. Malakas ang pagkakahataw ni Marcus kanina kaya bumakat talaga at medyo bumukol ang kan'yang anit sa ulo.

Isang katok naman ang napatigil sa kan'ya.

" Demetri " tawag ni Snow mula sa labas.

Inayos n'ya ang kan'yang suot bago ito pinagbuksan. May dala itong yelo at puting maliit na tuwalya.

" Yelo para hindi masyadong mamaga ang bukol mo sa ulo " wika nito bago ibinigay sa kan'ya ang dala. Kaagad n'ya namang tinanggap iyon.

Sadyang maaalahanin pala talaga ito. Totoo nga sinabi ni manang Lucelle, mayroon itong kabaitan na tinatago. Mukhang whole package nga ang babaeng ito.

" Salamat. Hindi naman na masakit " aniya.

Kung ikukumpara sa mga natamo n'yang sugat at bugbog galing sa mga kalaban n'ya noon sa mga illegal na negosyo ay wala lamang ito sa kan'yang kalingkingan.

" Pasensya ka na. Kasalanan ko " muling paumanhin naman nito. Napailing naman s'ya.

" Aksidente lang ang nangyare kaya hindi mo kasalanan " tugon n'ya naman. Napatango naman si Snow.

HABANG nasa ibabaw ng kama si Demetri, nakatitig siya sa kawalan. Mas lalong nababaliw ang kan'yang isipan kay Snow. Mas lalong tumatagal ay lalong nasasabik ang kan'yang kaloob-looban kapag naiisip n'ya ito.

Anong mayroon sa babaeng 'yon? Bakit hindi n'ya maialis sa kan'yang isipan ang mukha at kilos nito?

Ang pinong kilos nito at malambing na boses ay nakaka-engganyo. Hindi naman s'ya mahilig sa babaeng pormal kung kumilos pero bakit ganito ang epekto sa kan'ya ni Snow? Sobrang nakakabaliw ang pagkatao nito.

Inis s'yang napaupo sa kama. Naninikip na naman ang kan'yang patalon at gustong kumawala ng kan'yang pagkalalaki. Gusto n'ya ng babaeng makakasiping ngayong gabi. Nagmamadali s'yang nag-suot ng damit at nag-ayos.

Inutusan niya si Sed na ipagmaneho s'ya patungong bar. Agad namang tumalima ang kan'yang driver. Noong nakapasok s'ya sa bar ay kaagad s'yang naghanap ng pwesto. Doon niya piniling tumabi sa babaeng nag-iisang imiinom sa counter.

Naggulat siya noong makilala ito.

" Feurene? " untag n'ya nang makita ito

" Demetre, you're here " medyo may amats na sagot nito sa kan'ya

Sinaluhan n'ya itong uminom sa counter.

" Ba't ka naglalasing? " tanong n'ya rito.

" Dahil sawi ako " tugon naman nito bago napahalakhak na parang baliw.

" Akala ko ba wala kang boyfriend? "

" Wala naman talaga. Kasi 'yong gusto kong lalaki ay ikakasal na sa susunod na buwan " natatawang saad nito pero mapait ang ngiti nito sa labi.

" 'Yong kapatid ko ba ang tinutukoy mo?"

" Tumpak ka d'yan, Demetri. Bakit ba kasi hindi nalang ako? " Napapailing na tanong nito.

" Simula noong bata pa kami ay makakilala na kami ni Marcus tapos noong nakilala n'ya ang Snow na 'yan bigla na lamang s'yang lumayo sa'kin. Nakakainis talaga. Bakit sa kan'ya pa ako nagkagusto? " Nagsimula na itong humikbi.

" Gusto mo ba silang maghiwalay? " Napatawa n'ya naman ito.

" Ikakasal na nga silang dalawa. Sapalagay mo ba, may pag-asa pa silang hindi magkatuluyan? " Natatawang tanong nito sa kan'ya.

" Ika nga, if there's a will...there's a way " makahulugang tugon niya rito.

" Paano naman? " Interesadong tanong nito.

" Mag-usap tayo bukas. ' Yong hindi ka nakainom " bulong n'ya rito bago ito iniwan.

May napansin na kasi siyang babae na panay ang sulyap sa kan'ya. Maganda ito at seksi kaya ito muna ang uulamin n'ya ngayong gabi.

Lumapit s'ya sa kinaroroonan nito. Napangisi naman ang babae. Inilahad n'ya ang kanyang palad para yayain itong tumayo. Inilapit n'ya ang kan'yang bibig sa taenga nito.

" Ready ka ba for sex? " walang prenong katanungan n'ya.

" Of course " agarang sagot nito bago ito kumapit sa kan'yang matipunong braso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status