Share

Chapter 3 - Begrudge his brother affluence

NAGKAROON ng isang simpleng party sa mansiyon ng mga Sylvestre. Dumalo ang mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ni Marcus at iilang kaibigan naman ni Snow ay dumalo rin. Habang nasa gilid siya, tahimik na nakaupo kasama ang ibang kakilala ng kan'yang ama, hindi n'ya naman maiwasang mapatitig sa kinaroroonan ng magkasintahan. Abala ang mga 'to sa pakikisalamuha sa mga bisita.

" Kailan ka? " tanong ni Wrent habang hawak ang basong may alak. Hindi n'ya napansin ang pagsulpot nito sa kan'yang likuran.

" Tingnan mo ang kapatid mo. Kailan lang ay uhugin pa 'yang nakikipaglaro sa alaga ninyong aso, ngayon ay magpapakasal na " dugtong nito bago uminom ng alak. Hindi naman s'ya umimik at abala lamang na nakatitig sa likuran ni Snow.

Hindi n'ya talaga magawang iwaksi paalis sa kan'yang isipan ang babaeng 'yan. Bakit masyado nitong naaagaw ang kan'yang atensiyon kahit wala naman itong ginagawa?

" Amigo, h'wag mong nanaisin ang pagmamay-are na ng iba " komento naman nito noong mapansin s'yang nakatitig kay Snow.

Napalingon s'ya sa kan'yang kaibigan.

" Masyado s'yang mabait, sapalagay ko " unang impresyon n'ya tungkol kay Snow.

" Oo, nga pala. Mahinig ka nga pala sa bitches " nakangiting ani nito.

" Bitches who love one-night stand " dagdag pa nito.

He agrees. But how come Snow could be an exception? She's indeed not a bitch. She is like an angel who loves showing off her cute dimples while smiling at you.

Biglang tumawag sa kanya si Pluto. Nagpaalam muna siya kay Wrent at nagtungo sa loob ng bahay.

[ Boss, patungo na po kami sa lokasyon ni Mr. Torres. Hindi po ba kayo sasama? ]

" Gusto ko sana pero humiling sa'kin si Papa na h'wag akong umalis ngayong gabi. Mag-ingat nalang kayo sa transaksiyon " habilin n'ya.

[ Opo, boss ] tugon nito bago ibinaba ang tawag. Napalingon naman s'ya noong pumasok si Feurene. Mukhang kararating lamang nito.

" Where's ninong? " tanong nito bago nakipagbeso sa kan'ya.

" He's upstairs. Nag-aayos pa siguro. "

" Bakit ngayon ka lang dumalaw? " tanong sa dalaga. Mag-iisang linggo na s'ya sa Pilipinas pero ngayon lamang ito nagpakita sa kan'ya.

" Abala sa taping. Magkasabay lang kami ni Snow na umuwi kahapon. Co-stars sa panibagong palabas na pinagbidahan ko " paliwanag naman nito.

" Artista pala s'ya pero mag-isa s'yang nagpunta sa hotel kagabi? " Wala kasing ibang kasama si Snow noong nagkasabay sila patungo sa hotel kagabi.

" Baguhan lang s'ya sa showbiz industry kaya medyo hindi pa s'ya kilala ng mga tao. Kawawa nga eh, dahil ganda lang ang mayroon siya pero wala s'yang talent " paninira nito kay Snow.

" By the way, balita ko successful raw ang business mo sa Sicily " pang-iiba nito ng topiko.

" Yup. Wala nga sana akong balak na umuwi sa Pilipinas kung hindi lang dahil kay Papa " saad n'ya naman.

Mahina na kasi ang katawan ng kan'yang amang si Demetruis. Dalawa lamang sila ni Marcus ang magkapatid na lalaki. May tatlo silang kapatid na babae. Ang panganay ay nasa Morocco, doon na ito namuhay kasama ang sariling pamilya nito. Siya naman ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Ang dalawa namang babae ay naroroon sa America, doon ang mga ito pansamantalang nagta-trabaho.

" Kailan ang balik ni Demetria? Na-miss ko na ang babaeng 'yon? "

" Hindi ko alam " tanging sagot niya.

Pareho silang napalingon sa itaas ng hagdan. Nakaayos na ang kan'yang ama at handa na ito sa party. Nakasunod naman ang dalawang tauhan nito pababa ng hagdan. Kaagad namang bumati si Feurene at nakipagbeso sa ninong nito.

" Narinig ko ang usapan ninyo kanina tungkol sa business. Anong business naman ang maipagmamalaki ni Demetri? " Malamig na pahayag ng matanda.

" Illegal business, such as illegal gambling, trading drugs and human trafficking? 'Yon ba ang maipapamalaki mo sa lahi natin, Demetri? " Panimula na naman nito sa pang-aalaska sa kan'yang napiling negosyo.

Palihim n'yang naitikom ang kan'yang kamao.

" Bars and restaurants ang pinapalago ko sa Palermo at mga legal 'yon " tugon n'ya naman sa matanda.

" Talagang legal ng mga 'yon dahil kami mismo ng iyong mama ang nagpatayo ng mga 'yon. Kahit hindi mo sabihin sakin ang totoo, alam ko pa rin na may ilegal kang negosyo sa Italy. Bakit hindi ka nalang mamuhay dito sa Pilipinas ng simple at ipahawak mo nalang kay Dina ang mga naitayong restaurant at bar doon sa Sicily? " suhesyon nito.

" Tularan mo nalang ang kapatid mong si Marcus na isang matinong negosyante. Napalago n'ya ang ating negosyo ng maayos at kailan man hindi s'ya nasangkot sa isyu " pagkokompara nito sa kanya at sa kan'yang ' Good boy ' image na bunsong kapatid.

Napabuga naman s'ya ng hangin at hindi na lamang umimik. Parati naman si Marcus ang bukambibig nito. Parati si Marcus ang mabait, masipag, matino at siya naman ang masama. Kabaliktaran s'ya ni Marcus kaya hindi s'ya nito pinapaboran.

" Tara na, baka magsisimula na ang party " aya naman ni Feurene sa ninong nito para maiba at maputol ang seryosong usapan.

" Ang gusto ko lang naman ay matutong maging matino itong si Demetri. Ayaw kong mamatay na problemado dahil hangging ngayon ay nasa maling landas pa rin ang panganay kong lalaki " dugtong nito. Lumapit ito ay tinapik ang kan'yang balikat.

" Hihintayin ko ang pagbabago mo. Umaasa ako sa mga panahong magkakasundo na ang ugali ninyo ni Marcus " muling dagdag ng matanda bago naglakad palabas kasabay si Feurene.

Inis n'yang sinuntok ang pader sa loob. Hindi n'ya ininda ang sakit noong tumama ang kaniyang kamao sa pader. Naiinis siya, bakit palagi na lamang s'ya ang mali sa mga mata ng kan'yang ama? Kahit anong gawin n'ya ay palaging si Marcus ang tama sa mga mata nito. Pero kahit hindi s'ya nito pinapaboran ay mahal niya pa rin ito. Hindi n'ya naranasan na kinampihan s'ya nito kahit isang beses lang pero nananatili pa rin ang kan'yang pagmamahal sa kan'yang ama.

Napansin naman s'ya ni Snow pagkapasok nito sa loob. Kaagad n'yang inaatras ang kan'yang kamao. Napatitig ito sa kan'yang kamaong dumudugo. Sinundan n'ya ito ng tingin noong lumapit ito sa sofa at inabot ang iniwang bag sa loob.

Naglakad naman s'ya patungong kusina para hugasan ang sugat ng kan'yang kamao. Pagkabalik n'ya sa sala, kaagad n'yang napansin ang first aid kit na nakalapag sa mesa. Nagtaka siya at napaisip.

Posible kayang si Snow ang naglagay nito?

NAGBIGAY ng speech si Don Demetruis. Nagpasalamat ito sa mga dumalong bisita sa party ng kan'yang anak. Pinasalamatan rin nito si Marcus sa matagumpay na paghawak ng negosyong ipinatayo nito sa bansa. Hindi naman inaasahan ni Demetri noong nabanggit nito ang kan'yang pangalan.

" At nagpapasalamat rin ako sa isa ko pang anak na si Demetri na s'yang nagpatuloy ng negosyo na ipanatayo ng kan'yang ina sa Sicily " wika nito.

Malimit naman s'yang ngumiti sa mga bisita. Napalingon rin sa kan'ya si Snow bago ito ngumiti kaya kitang-kita niya na naman ang malalim na dimple nito.

" At bago ko makalimutan, binabati ko nga pala ang malapit ko nang maging daughter-in-law na si Snow. " Malugod naman itong nagpalasamat kay Don Demetruis sa pag-anunsiyo nito sa kan'ya sa mga bisita.

Pagkatapos kumain ng lahat, nag-announce na ang emcee na magkakaroon ng sayawan. Kung sinong gustong sumayaw ay magtungo lamang sa gitna para makisabay sa romantikong tugtog.

Umuna nang tumayo ang ikakasal at kaagad na pumagitna. Sinabayan ng dalawa ang malambing na kanta. Sumunod naman ang ibang mag-partner. Tumayo rin ang katabi n'yang si Wrent para puntahan ang babaeng natitipuhang isayaw. Kapwa silang naiwan ng kan'yang ama sa mahabang mesa.

" Wala ka bang gustong isayaw? " Interesadong tanong ng kan'yang ama sa kan'ya.

Inilibot n'ya naman ang kan'yang tingin sa paligid. May iilang babaeng nakatitig sa kan'ya. Hindi naman kasi maiwasan na mapahanga ang mga 'to sa isang good-looking son ni Don Sylvestre. Napadako ang kan'yang titig kina Marcus at Snow. Masyadong sweet ang dalawa sa isa't-isa. Kitang-kita n'ya ang pagkislap ng mga mata nito habang kasayaw ang kasintahan.

Ayaw n'yang makakita ng masayang couple. Isang sumpa para sa kan'ya ang bagay na 'yan. Mahigpit n'yang hinawakan ang gamit na kopita. Walang alinlangan n'yang ininom ang alak at muling nagsalin.

" Bakit hindi na lang kaya si Feurene ang ligawan mo? Bagay naman kayong dalawa " rito nito kay Feurene sa kan'ya.

Narinig naman 'yon ni Feurene dahil katatapos lamang nitong magtungo sa banyo.

" Ninong, hindi namin type ang isa't-isa " kontra nito kay Don Demetruis pagkabalik sa upuan nito kanina.

" At bakit hindi? G'wapo naman ang anak ko " wika nito na ikinatango naman ni Feurene.

" Oo, g'wapo siya. Hindi naman 'yon maipagkakaila ni Demetri. Pero, gusto ko 'yong lalaking hindi chickboy kagaya kay Marcus " natatawang tugon nito. Nairolyo naman ni Demetri ang kan'yang mga mata sa sinabi nito.

Marcus na naman.

" Mahirap magpalaki ng isang butihing anak " saad naman ng matanda.

" Kaya pala, hirap din akong makahanap ng mapapangasawa " pakahulugan naman ni Feurene bago sumimsim ng wine at napatingin sa daku nina Snow at Marcus.

Kaagad namang nabasa ni Demetri ang kahulugan ng titig nito sa dalawa. Hindi naman kaya ay hindi pa rin nawawala ang lihim na pagtingin nito kay Marcus? Biglang may pumasok na masamang ideya sa kan'yang utak. Ito na ang pagkakataon n'yang paghiwalayin ang dalawa. Kailan n'yang magmadali lalo na't dalawang linggo nalang ay ikakasal na ang dalawa.

Ayaw n'yang malagay sa tahimik ang kapatid n'yang si Marcus. Gagawa s'ya ng paraan para hindi nito maranasan ang katiwasayan na hinahangad nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status