Share

Chapter 5 - Dreaded and jealousy

MAG-ISANG sinukat ni Snow ang wedding gown sa loob ng kan'yang kwarto. Nakangiti s'yang nakatitig sa kan'yang repleksiyon mula sa kaharap n'yang salamin. Sakto ang damit sa kan'ya lalo na't kuhang-kuha nito ang kurba ng kan'yang balingkinitang katawan. Habang nasa galak ang kan'yang puso sa imahinasyong tumatakbo sa kan'yang isip ay s'ya namang pagsulpot ni Ice sa kan'yang likuran.

" Hala ka! Bakit mo sinukat? " Gulat na wika ng kan'yang nakababatang kapatid. Namulagat s'ya ng mata at napalingon rito.

" Bawal ba? Ang ganda 'di ba? Bagay na bagay sa'kin " masayang aniya sa kapatid.

" Ate, baka hindi matuloy ang kasal ninyo ni kuya Marcus " nag-aalalang ika nito.

Mahina naman s'yang natawa.

" Pamahiin lang 'yan. Paano ko malalaman kung kasya sa'kin kung hindi ko naman isusukat? " Kontra niya naman rito.

" O, sige na. Bahala ka " tanging sagot nito bago humiga sa kama.

" Dalawa nalang pala kami ni mama ang maiiwan dito sa bahay. Nakakalungkot naman " panimula nito at mukhang magd-drama na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status