Share

Kabanata Limampu't Anim

“Janus!”

“Anna!”

Bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi nila akalaing magtatagpo silang muli sa isang pambihirang pagkakataon. Nakatunghay lamang at nagmamasid din ang mag-inang Madera. Sila man ay nabigla rin sa mga pangyayari.

Wala sa sariling biglang nahimas ni Anna ang umbok ng kanyang tiyan. Hindi na niya maitatago ang pagdadalang-tao at itanggi man niya ay sigurado siyang malalaman din ni Janus ang totoo.

“Let me explain.” Iyon na lamang ang nasabi niya.

“No need. May tatawagan lang muna ako.” Nakaturo pa sa pintong sagot ni Janus. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumalikod. Mula sa pinto’y bumaling uli ito kay Anna. “I’ll just be right outside. Don’t you dare leave this room.”

Ikinabigla ni Anna ang may pagbabanta na tono ng pananalita ni Janus. It stirred something familiar yet unwelcoming inside of her. Ganun pa ma’y tumango na lamang siya. Pagkalabas ni Janus ay napahigit siya ng hiningang pinipigilan niya kanina pa.

“Sit down, Anna. Her
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status