Share

Unang Kabanata

Nagbabasag na naman siya ng mga gamit. Hindi niya talaga maiwasan o mapigilang gawin ang mapaminsalang habit na iyon kapag siya ay nagagalit.

She remembered having undergone on an intense theraphy with a psychiatrist before, to get rid of her destructive outbursts.

It was kept as a secret, dahil dito sa Pilipinas, ang psychiatrist ay doktor para sa mga baliw, which is, a very rude interpretation sa field na iyon.

Ang case ni Anna ay corrective therapy lang sa isang hindi kaaya-ayang habit niya, ang pagbabasag ng gamit. 

Para kasing bahagyang gumagaan ang pakiramdam niya kapag naririnig ang matinis at makalansing na tunog na nalilikha ng mga nababasag na kagamitan.

Madalas niyang mapagdiskitahan ay mga plorera, ashtray, at mga salamin, dagdag pa ang mga plato at baso. Subalit tila nawalan ng saysay ang lahat ng magastos at mabusising sessions na pinagdaanan niya.

“You cannot do this to me, Dad! Ayoko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Mommy. You can get another bitch if you want, huwag lang siya!”

“Anna siya ang gusto ko at ang magiging anak namin.”

“What?! Buntis agad? Kahapon lang daddy, pinagusapan pa natin ang tungkol sa nalalapit na death anniversary ni Mommy. How could you do this to Mom? Ni hindi mo na siya nirespeto, when all she did was spent her miserable life being faithful with you all this years!”

“Look, I'm very sorry! I know everything was my fault, pero anak, please try to understand. Everything happened for a reason. Patay na ang Mommy mo and I want to settle down. Ayokong mag-isa!”

Napahagulgol nalang ng iyak ang dalaga.

Nagulat at naghuhurumintado si Anna dahil nakita niyang iniuwi ng Daddy niya ang malanding babaeng dahilan ng pagkamatay ng kanyang Mommy, wala pang isang taon ang nakalilipas.

Kahapon lamang ay magkasama pa sila ng kanyang Daddy na nagtirik ng kandila sa harap ng puntod ng ina.

Maagang inatake ng highblood ang kanyang mommy dahil sa sakit sa pusong dulot ng pambababae at pagsusugal ng kanyang ama.

Okay lang sana kanya ang lahat. Matagal-tagal na kasi siyang nasanay sa Daddy niya. Mas madali siyang naka-cope up sa bohemyong lifestyle ng daddy niya kesa sa kanyang mommy.

Ang mahalaga kasi noon sa dalaga ay ibinibigay nito ang lahat ng luho niya.

Wala pa kasi siyang nahiling na kahit na anong bagay na hindi nito na ibibigay.

Kahit pa anong tutol ng kanyang ina sa kotseng ni regalo ng Daddy niya noong sixteen years old pa lamang siya two years ago ay walang nagawa ang butihing ina.

Ganun siya kamahal ng Daddy niya.

Kaya ngayon na siya na lamang at ang Daddy niya ang magkasamang haharap sa hamon ng buhay ay handa siyang patawarin ito.

Even if it may look like she betrayed her own mom, kapalit ng pangi-spoiled ng daddy niya sa kanya.

Subalit nagulantang siya nang bigla itong dumating at iniuwi ang kerida nito sa kanilang bahay.

Sinabi pa nitong magsasama na sila dahil buntis na ang babae. Bukod sa malanding madrasta ay magkakaroon pa siya ng bastardong kapatid na magiging kahati sa atensyon at pagmamahal ng Daddy niya.

“Never! Ayoko sila dito. Hindi ko sila kayang tanggapin. Throw them away Dad,please! Ako lang. Ako lang ang kailangan mo. Ako lang ang prinsesa mo. Hindi ba? You promised me! Nawala na nga si mommy dahil sa babaeng yan pati ba naman ikaw, daddy? Bakit siya pa? Hindi mo ba naisip na baka pera mo lang ang kailangan niya? Dad, wake up!”

Niyakap niya ang daddy niya at inalog-alog. She must be desperate to cling like a leech sa kanyang ama, pero wala na siyang ibang maisip na paraan para mabago ang isip nito.

Humikbi hikbi siya sa pagaakalang kahit paano ay maantig ang kalooban ng daddy niya.

“At anong malay natin, baka ginayuma ka lang ng babaeng iyan. She’s way too young for your age. Hindi ka ba nahihiya? Dad, no way. I will never accept her.”

Nagdadabog na siyang ipinadyak padyak ang mga paa na parang batang paslit na nagta-tantrums.

She wailed loudly. It used to have a magical effect on her daddy.

Napapasunod niya ito sa mga gusto niya kapag nagbe-behave na siya ng ganoon.

“Anna, Anna, please calm down anak, please.”

Napangiti pailalim si Anna. Niyakap na kasi siya ng mahigpit ng kanyang daddy habang pinapatahan siya.

She knew it! Her daddy loves her more than that bitch!

Saglit lang ang tuwang naramdaman ni Anna dahil naglaho ang natitirang pag-asa niya na parang bula sa narinig niyang sinabi ng kanyang daddy.

“Hindi ganung klase ng babae ang Tita Myra mo. Kilalanin mo lang siya at malalaman mong siya ang pinakamabait na tao sa mundo.”

At hinalikan pa siya nito sa kanyang forehead bilang panguuto.

“Noooo...”, umiiyak na sigaw ni Anna na biglang naitulak ang daddy niya, “kung mabait siya,then, then anghel ang mommy ko!”

Napapailing namang naglakad na lang palapit sa nakatulalang babae sa may pinto si Mr. Madera.

He already knew na hindi magugustuhan ng unica hija niya ang planong ibahay na roon si Myra, ang love of his life.

He had been patient with his daughter, kahit pa nga umarte itong parang four year old kid na inagawan ng candy.

Ngayon siya nagsisisi kung bakit niya ini-spoil ang anak. Palagi niya itong pinagbibigyan at lahat ng naisin ay pinagsusumikapan niyang ibigay, kahit pa magaway silang mag-asawa.

Now he realized, tama pala ang pagde-disiplina noon ng kanyang namayapang may-bahay sa kanilang anak. Now it seems na walang pinapakinggan ang bata at mukhang wala ring galang sa kanya at sa kanyang bisita.

“Dad, don’t be a fool. There's no way a bitch like her could ever be compared to my Mom.”

Napahumindik si Mr. Madera sa mga masasamang salitang lumabas sa bibig ng kanyang anak.

She has always been a sweetheart, kaya hindi niya inaasaahang magagawa nitong magsalita ng masasakit sa kanyang kapwa. Maybe, he just does not really know his daughter well.

“Now, you're being too much, young lady! Huwag mong babastusin ang Tita Myra mo!”

Bigla na lamang umigkas ang kamay ng kanyang Daddy at sinampal siya.

For the very first time ay na pagbuhatan siya ng kamay ng kanyang Daddy. Never in her whole life na nagawa siyang saktan nito.

It shocked them both, stood stupefied in front of each other.

Namintig ang mga panga ni Anna sa sakit nito.

“You- you...hurt me!”

Nangangatal ang boses na sambit niya.

Napasalampak naman ang kanyang daddy. He pleaded on bended knees.

“I'm so sorry,anak! Baby, hindi ko sinasadya. Forgive me, my princess. I'm so sorry!”

Tinangka ng kanyang Daddy na siya ay yakapin pero umiwas siya. Ayaw niya.

Now she hates him more than ever. Nagawa nitong saktan sya para lang maipagtanggol ang bruhang kabet.

Napakasakit ng sampal nito ngunit higit ang hapding nararamdaman niya sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay tuluyan ng nawala sa kanya ang kanyang Daddy.

Sarado na ang isip nito at matibay na ang pagpapasyang pagsamahin sila ng kanyang magiging madrasta sa bahay na ito.

Everything is falling apart.

Sa nanlalabo na niyang paningin ay isa lang ang naisip niyang takbuhan, ang kanyang boyfriend.

Naalimpungatan siya ng marinig ang pagsara ng pinto. Nakahiga na siya sa sariling kama.

Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid. Hindi niya maalala kung paanong napunta sa kanyang silid.

Ang huli niyang natatandaan ay nagdidilim ang kanyang paningin. Nahihilo siya at naramdamang nawalan ng lakas ang kanyang mga binti. Marahil ay nawalan siya ng malay sa sobrang stress na nararamdaman.

Sigurado siyang ang kanyang daddy ang lumabas ng pinto ilang saglit pa lamang ang nakakaraan. Naiwan pa kasi ang amoy ng perfume nito sa loob ng kanyang silid.

Muling pumatak ang mga luha niya sa mata.

Hindi niya inakalang magagawa siyang saktan ng sariling ama para lang ipagtanggol ang babaeng sumira sa kanilang pamilya.

She adored her father more than she loved her mom. Aminado siya roon.

Noong nabubuhay pa ang mommy niya ay palagi siya nitong kinokontra sa lahat ng bagay.

Magmula sa damit na isinusuot niya, which was too revealing and provocative according to her mother’s tacky and old-fashioned sense of fashion, up to her having a boyfriend at the age of sixteen.

She used to spend days of ignoring her mommy after their heated arguments for not behaving “ladylike” as her mom qouted.

Nasasakal siya noon sa mga pagbabawal ng mommy niya.

Pakiramdam niya ay gusto nitong manipulahin ang buhay niya to the extent na hindi siya binibigyan ng allowance at pinapagalitan sa tuwing lalabas ng bahay to mingle with her friends.

Lalo na ng magka-boyfriend siya. Tinakot pa siyang ililipat sa States para doon na mag-aral.

She remembered well how angry was her mother ng hindi niya siputin ang scheduled interview niya sa isang prestihiyosong university sa Amerika.

Ang daddy niya noon ang nagtakas sa kanya. Nagbakasyon sila sa South Korea without her mommy knowing.

After a month, bumili ang daddy niya ng resthouse sa Palawan for her.

She even stopped going to school by that time, all with the approval and support of her daddy.

At open pa ang daddy niya sa relationship niya with Glenn, her boyfriend of two years by now. Hinatid ito roon ng daddy niya after her stubborn complaints na bored na siya at gusto nang umuwi.

Thinking about it, ngayon niya lang napagtanto na ginawa iyon ng daddy niya, not because of her.

Ito ay para lamang mailayo siya at huwag masaksihan ang dumadalas na pag-aaway ng mommy at daddy niya.

She discovered it by accident, nang biglaan siyang umuwi. Iniwan kasi siya ng bf dahil pinauwi ng mommy nito. Ninais niya noon na ipakilala siya sa kakauwi pa lang na Amerikanong daddy nito, pero bigla na lang umiwas ang bf. Kung kaya napaaga siya ng uwi sa bahay nila.

Naabutan niya ang pagaalsa-balutan ng daddy niya, or rather ang pagtataboy dito ng mommy niya dahil nalaman nitong may kinahuhumalingang babae ang kanyang daddy.

Instead of staying behind with her mom, she pleaded her dad na isama siya.

Hindi niya pa makakalimutan ang hapding lumarawan noon sa mommy niya nang sabihin niya kasalanan namn nito ang lahat at mas pabor siya sa daddy niya.

They left her mom devastated and alone.

Isinama siya ng daddy niya sa Angeles, Pampanga. May condo pala ito roon.

Noong una ay napakasaya niya. She felt liberated from her mother’s grasp and enjoyed every moment of it. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.

Madalas na silang gumimik ng boyfriend niya at nagagawa pa nitong makitulog sa condo.

Palagi kasing wala ang daddy niya. Kapag naman umuuwi ay para bang palaging pagod na pagod.

Hindi siya bothered noong una, until that day na ipakilala siya sa Myra na iyon.

Nalaman niya mula mismo sa bibig ng babae ang lahat ng sikreto ng daddy niya. Adik pala ito sa sugal, suki sa casino, at may malaki ng utang sa bangko.

She confronted her dad na umamin naman.

That day ay nakatanggap siya ng tawag from a hospital in Manila.

Her mom was sick.

Bumalik siya noon sa mommy niya. Hindi niya inaasahang madatnan niya itong payat na payat na dahil sa hindi pagkain ng tamang oras at kalungkutan sa pag-iisa.

Hanggang sa tuluyan na ngang namaalam ang mommy niya on her eighteenth birthday pa mismo.

So, technically, dalawa sila ng daddy niya na nagkasala sa mommy niya.

She abandoned her for selfish reasons.

Akala niya ay matatauhan naang daddy niya. Nakita kasi niyang na-depress din ito sa pagkawala ng biglaan ng mommy niya.

She even witnessed how her dad cried over the picture of her mom, begging for her forgiveness. But it seems, front lang ang lahat para mapagtakpan ang mga kasalanan niya. Her dad never truly loved her mom.

Kaya aalis siya.

Pupunta siya kay Glen.

Doon siya magpa-palipas ng sama ng loob. Or maybe, mas mabuti kung yayain niya na itong magpakasal.

That way wala ng habol sa kanya ang daddy niya. He would not be her guardian anymore, which actually, ay hindi na kailangan.

She’s eighteen, so, nasa tamang edad na siya to be called an adult.

Nasabi niya lang iyon because she felt entitled and special.

Iyon lang at mabilisan na siyang bumangon. Nagbihis siya at tahimik na umalis sa mala-impiyernong bahay na iyon, to meet her boyfriend.

Alam niya ang address nito dahil two times na siyang nakarating doon in more than two years na relasyon nila ng nobyo.

Kaya confident siyang nagmaneho gamit ang kotseng niregalo pa ng daddy niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status