Share

Ikaapat na Kabanata

“Ah, boss Jan, pwede ko po ba kayong makausap?”

Si Remwel Pascual iyon, ang isa sa mga mekaniko ni Janus sa shop. Silang dalawa na lamang ang naiwan roon pagsapit ng alas-siyete ng gabi.

Naghahanda na noon si Janus na magsara upang makauwi na. Lumapit ang mahiyain niyang tauhan bago pa niya mai-lock ang pinto ng kanyang opisina.

“Hindi, Wel, sorry ha. Wrong timing ka. Nagmamadali kasi ako. May lakad ako ngayon.”

Agad niyang nakita ang paglugmok ng mga balikat ng tauhan. Halatang nalungkot ito sa mga sinabi niya. Tinapik niya ito sa balikat.

“Puwede bang mauna na ako sa iyo? Ikaw na magsara dito.”

“Ah-eh, sige bossing. Ako nang bahala rito.”

Inilahad nito ang mga palad upang makuha ang susi sa padlock ng pinto. Iniabot ito ni Janus kasabay ng isang puting sobre na may lamang isandaang-libong piso.

Gulat na napamulagat ang tauhan. Ang kaninang malungkot na aura ay mababakasan na ngayon ng pag-asa.

“Hindi mo na kailangan magkwento sa akin. Nanggaling kanina ang bunso mong kapatid dito hindi ba? Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kaya alam ko na ang tungkol sa problema mo. Basta bukas pumasok ka ng maaga at ikaw ang magbubukas ng shop ha.”

Mangiyak-ngiyak na tumango-tango si Remwel. Naantig siya sa ginawa ng amo.

Mag-iisang taon pa lamang siya sa pagtatrabaho sa shop ni Janus. Bago pa lang kung tutuusin pero nakita na niya agad ang kabutihan sa puso ng kanyang bossing.

“Sa-maraming salamat po, bossing. Hindi ko alam kung paano kayo mapapasalamatan.”

“Huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga mapaopera mo na kaagad ang nanay mo. Sabihan mo na lang ako kapag kulang pa.”

“Naku, talagang hulog po kau ng langit. Hindi ko inaasahan ito. At ang bayad ko po, paano po kaya?”

“Hay naku, saka na natin pag-usapan at gusto ko nang makaalis. Gagabihin na ako.”

Sinadya ni Janus na lakipan ng pagka-irita ang tono ng boses niya. Alam niya kasing mapapahaba lang ang pasalamatan nila ng tauhan kung hindi pa siya magpakitang nagmamadali.

Agad naman itong na pick-up ni Remwel kung kaya’t ibinulsa na nito ang sobre at nagtungo na sa may bukana ng shop upang mag-lock.

Pinadaan muna niya ang bossing niya bago ibinaba ang aluminum door.

“Ingat kayo, bossing.”

“Salamat.”

Dinig ni Janus ang maingay na pagsasara ni Remwel sa steel door. Mabilis na siyang naglakad upang makalayo.

Sa totoo lang, ang problemang pampamilya ang isa sa pinakamaselang usapan para kay Janus. Tumutulo talaga ang luha niya kapag nakakarinig ng mga kuwentong pampamilya.

Iyon ang dahilan ng pagmamadali niya. Ayaw niyang ipakita sa tauhan ang napakalambot na bahagi ng pagkatao niya.

Totoong matulungin siya. Noon pa man ay iyon na ang isa sa mga katangian niya na tumatatak sa bawat taong nakakasalamuha niya.

Ngunit ayaw rin naman niyang maabuso. Hindi naman maitatanggi na may mga taong halang ang kaluluwa na tinulungan mo na ay sasamantalahin pa ang kabaitan mo.

Naranasan na niya iyon noong naghirap sila ng ama dahil sa sakit nito. May mga natulungan ang kanilang pamilya noon na sa halip na bumawi sa utang na loob ay nagawa pa silang gipitin.

Nakarating na si Janus sa tapat ng pinto ng kanyang apartment. Nasa bandang likuran lamang iyon ng shop kaya madali lang siyang nakauwi at nakapagbihis muna bago sumakay ng kanyang kotse. Patungo na siya sa Puregold upang bumili ng alak at yelong dadalhin niya sa kaibigan.

Marami pa ring tao sa grocery ngunit hindi iyon nakasagabal kay Janus. Diretso kasi siya sa Liqour and Spirits section ng grocery kung saan ay mas kaunti ang namimili.

Kabisado na niya ang pasikot sikot roon kaya hindi na siya nahirapang hanapin ang brand na gusto niya. Agad naman siyang inasistehan ng isang salesboy roon. Ito na rin ang nanguha ng cube ice na ni request niya.

Sa counter ay nagbayad siya ng dalawang libo. Dinamihan na kasi niya ang biniling alak. Ang matitira mula sa inuman nila ay maiiwan sa kaibigan upang may maiinom ito kahit mag-isa lang sa baraks.

Pagkalagay ng mga pinamili sa loob ng kotse niya ay nagbigay siya ng isandaang pisong tip sa salesboy na tumulong pang maglagay ng kanyang pinamili sa loob ng sasakyan.

Magaan ang takbo ng trapiko going Makati ng gabing iyon. Bihira itong mangyari lalo na at Friday night, araw ng kalayaan ng mga empleyadong buong linggong nakasubsob ang ulo sa pagta trabaho.

Hind man niya alam ang dahilan sa mabilis na daloy ng mga sasakyan ay nagpatuloy na lang si Janus sa pagda-drive. It took him only half an hour bago nakarating sa bukana ng Sta. Monica Subdivision sa bahaging iyon ng Makati District.

Exclusive for the rich ang village at ang katabi namang subdivision ay for middle class family. Ilang metro lang ang layo mula sa gate ay naroon ang baraks na tinutuluyan ng kaibigan. Doon na siya nag parking.

Naroon na sa labas ang ‘punggok hulk’ niyang kaibigan. Si Ronaldo Pajo ay tubong Bulacan. Naging close sila ni Janus noon sa TrueTek, ang auto shop na pinagtrabahuan nila pareho.

Tapos na noon ng mechanical engineering si Ronaldo, may asawa’t isang anak na, at matatag na ang puwesto bilang top mechanic sa branch na iyon.

Nang matanggap at magtrabaho roon ang bagito at nag-aaral pa lamang na si Janus ay naging malapit sila sa isa’t isa. Siya ang tumayong training coach ng binata na itinuring na siyang kuya dahil sa agwat ng edad nila at estado sa kompanya.

Natuwa noon si Ronaldo kay Janus dahil bukod sa madaling turuan at masunurin ay napakasigasig pa nito. Masipag ito sa trabaho at kahit pa nga nag aaral ay nagagawang pumasok sa tamang oras.

Magaling din makisama si Janus sa mga katrabaho kaya naman ng makatapos ay doon pa rin ito nagtrabaho at naging permanente na.

Ganun pa man ay hindi talaga nawawala ang mga pagsubok sa buhay. Minsan ay isang working student din ang nagtrabaho roon.

Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito kasing galing at kasing sipag ni Janus. Palagi itong late at napakahirap matutunan maging ang mga simpleng instructions. Madalas itong mapagalitan.

Minsan ay ipinahiya ito ng manager at sinesante pa dahil sa pagkakamali. Nabalitaan na lang nilang nagpakamatay ito. Malaki pala ang naging problema nito sa pamilya at dumagdag pa ang gastusin sa pagaaral at pagkatanggal sa trabaho.

Nakaramdam noon si Ronaldo ng awa para sa kawawang bata ngunit malaki pala ang naging epekto noon kay Janus. Higit sa awa ay sinisisi nito ang sarili na hindi nagawang tulungan ang isang kasamahan sa trabaho.

Kaya naman lalo ng humanga si Ronaldo kay Janus ng mag desisyon na itong magtayo ng sariling autoshop. Ang dahilan nito- makapag hire ng mga mechanic wannabe. Iyong mga working student na aakayin nito sa pagtupad ng mga pangarap.

Maging si Ronaldo ay nag resign na rin sa trabaho. Hindi niya kasi nagustuhan ang maaanghang na salitang binitiwan ng dating boss kay Janus. Kesyo wala raw itong utang na loob.

Nakipagsagutan si Ronaldo noon upang ipagtanggol ang kaibigan, at ang resulta, pati siya ay tinanggal. Kaya dalawa silang nagtulungan sa pagtatayo ng auto shop na iyon.

Si Ronaldo bilang simpleng empleyado na walang ipong pera ay hindi nakasabay sa mabagal na pagunlad ng negosyo. Kung kaya nagpasya itong umiba ng landas at naging head security na nga ng Sta. Monica Subdivision.

Nagkalayo man ay hindi naputol ang komunikasyon at maging ang kanilang pagkakaibigan. At ngayon nga ay nagkita silang muli.

“Tol, meron pa sa loob, iyon ang iwan mo dito sa labas ng mainom. Ipapasok ko na lang muna itong dalawang kahon.”

“Hmm, bakit naman napakarami ata? Nag buy one take ba?”, tanong ni Ronaldo habang hinihila palapit sa kanya ng dalawang kahon pa ng beer sa loob ng backseat ni Janus.

Hindi sila palainom na magkaibigan. Isa iyon sa mga pinagkasunduan nila. Bihira silang magpakalasing, in fact, wala pa sa kanila ang umuwing susuray suray pagkatapos ng inuman.

They were both responsible drinkers. Ang isang kahon ng beer na ito ay naglalaman ng twenty-four piraso. Kadalasan ay hindi nila ito nauubos.

Takang-taka na ibinaba ni Ronaldo ang mga beer sa tabi ng maliit na lamesang inihanda niya upang pagtagayan nila sa labas ng baraks niya. Maliit at masikip kasi sa loob kaya dito sila sa tabing kalsada nag-iinuman minsan sa isang buwan.

“Hayaan mo lang. Hindi naman mapapanis iyan. He he he!”

Puno ng siglang sagot ni Janus mula sa loob ng baraks. Paglabas nito ay agad na naupo sa upuang nasa gilid ng pinto. Dumaklot ito ng isang beer mula sa loob ng cooler.

Binuksan niya ito at tinungga agad kahit hindi pa malamig. Kasalukuyan pa lang kasing inilalagay ni Ronaldo ang yelo. Walang ref sa baraks.

“Mukhang may problema ah! Bigat ba?”

“Tsk!”

Umiling muna si Janus. Muli siyang tumungga at tuluyan nang sinaid ang beer. Pagkababa ay muli siyang nagbukas ng isa pa na tila ba ay uhaw na uhaw sa alak.

“Hoy, hinay hinay naman. Mabilaukan ka pa niyan sa ginagawa mo eh. Chill lang.”

Bumuntung hininga ng napakalalim si Janus. Sa isip niya ay nagtataka rin siya sa sarili.

Para bang may napakabigat na bagay na nakadagan sa kanyang d****b. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ay nakaramdam siya ng napakatinding lungkot.

Ang huling beses na naramdaman niya ito ay ng mabalitaan ang trahedyang sinapit ng dati niyang kasamahan sa trabaho. Nagpakamatay ito.

Napakabata pa. Working student. Alam niyang nagsisikap ito para makapagtapos ng pag aaral kahit na nahihirapang makisama sa kanila noon.

Na guilty siya sa sinapit nito. Noon kasing nabubuhay pa ito ay hindi niya pinagtuunan man lang ng pansin. Inakala niyang magiging okay ang lahat at masasanay rin ito sa trabaho nilang mga mekaniko.

Subalit minsan aymukhang nasobrahan sa pagsesermon ang manager ng autoshop. Napahiya ng husto noon ang katrabaho at sinesante pa. Iyon naman pala ay kakamatay lang ng ina nitong na hit and run.

Wala silang alam noon sa pinagdadaanan ng kasamahan sa trabaho. Nagulantang na lang sila ng malamang nagpakamatay ang kaawa awang binata.

Parang may pumipiga sa puso ni Janus ngayon. Naaalala niya ang malungkot na mukha ni Remwel kanina ng marinig ang balitang nanghihingi ng downpayment na 30k pesos ang ospital bago operahan ang inatake sa pusong nanay nito.

Kaya naman agad siyang nag withdraw sa savings niya at ipinasyang ipahiram iyon sa tauhan. Marahil ay iyon ang dahilan ng nararamdaman niya ngayon.

“Tol, akala ko kasi mauulit na naman ang nangyari noon kay Bokyo. May isang tauhan ako sa shop na inatake sa puso ang nanay.Kinakailangan nila ng malaking halaga para sa operasyon. Pang down payment pa lang ang naibibigay ko.”

Iiling-iling ng ulo at napapbuntung hininga pa si Janus habang nagkukwento sa kaibigan. Sa hitsura nito ngayon ay aakalain ninumang makarinig na isang kapamilya nito ang dahilan ng pamomoroblema nito.

“Tsk! Pustahan tayo, daang libo ang halaga ng sinasabi mong down payment!”

Napatingala si Janus.

“Paano mo naman nalaman?”

“Tol, kilala kita. Kapag ganyang sitwasyon talaga ang pinaguusapan natutuliro ka. Kung milyonaryo ka nga lang, iisipin ko talaga na milyon agad ang itinulong mo eh.”

“Baka nga kulangin pa ang 100k pesos, tol. Alam mo naman ngayon. Sa gamot pa lang at ibang gastusing sa ospital ay masakit na talaga sa bulsa.”

“Naiintindihan naman kita. Alam ko gusto mo lang makatulong. Pero hindi naman tama na obligahin mo ang sarili mo sa problema ng ibang tao. Tulad niyan, napakalaking halaga na ang walang pagda dalawang isip na ibinigay mo, tama na iyon. Ipanatag mo na ang loob mo. Napakalaking tulong na iyon sa pamilya ng tauhan mo.”

“Alam kong kulang pa iyon.”, muli itong tumungga ng beer bago pabulong na nagsalita, “Hay, sana naman manalo na ako sa lotto.”

Biglang napahagalpak ng tawa si Ronaldo. Kakaiba talaga ang kaibigan niyang ito. May dugong bayani.

“Kung sakali mang manalo ka nga ng milyon sa lotto,naku tol please lang ha, unahin mo na akong balatuhan. Alam mo na, para makasigurado. Kasi palagay ko kapag nangyari iyon ay halos wala ka ring ititira sa sarili mo. Ipambabalato mo lang din sa lahat ng kakilala at kaibigan mo.”

“Syempre naman, di ba nga may kasabihan, share your blessings! Kaya tama lang naman na mamahagi sa mga nanganagilangan.”

“Ah basta unahin mo ako. Siguro pwede na forty percent. Yun kasing ten percent ay ipantatayo ko ng rebulto mo sa harap ng bantayog ni Rizal. Malaki dapat at gawa sa gold tapos may dalampung gwardiya araw at gabi. Ha ha ha ha!”

“Loko ka, ‘tol. Sasayangin mo lang ang pera sa ganun? Eh kung i-donate mo na lang sa charity nakatulong ka pa.”

“Ewan ko sayo! Gawin mo na lang kung anong gusto mo. Baka nga maging tiket mo yan sa langit!”

Naging masaya na ang usapan nilang magkaibigan pagkatapos ng kantiyawan. Maingay sila at punum puno ng kasiyahan sa pagbabalik tanaw sa mga kanya kanya nilang buhay.

Hindi nila namalayan sa isang madilim na sulok ang isang imaheng nagaatubiling lumapit sa kanila. Maya maya pa ay napaupo ito sa gilid ng kalsada na tila ba ay naghihintay ng oras o ng kung anu pa man.

Si Anna iyon, ang magandang dilag na parang sinakluban ng kamalasan sa araw na iyon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status