It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napai
"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany. "You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita. Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee." Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na
TAKBO at lakad lang ang ginawa ni Bethany. Wala na siyang pakialam kahit dise oras na ng gabi. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makaalis agad agad. Dapat ngayon din mismo. Patingin tingin siya sa likod niya dahil ramdam niya na may nakasunod sa kanya. Ewan niya ba kung paranoid lang siya o ano pero hindi siya mapakali. Tulog na ang lahat bago pa man siya gumising para layasan ang marangya niyang buhay. Malalim na ang gabi. Wala nang bumabyahe. May nagdaraan naman pero hindi naman bumabyahe ang mga ito ng probinsiya. Hanggang sa may isang matandang nagmamaneho ng truck ang huminto sa harap niya. May karga itong mga gulay na mukhang ide-deliver sa kung saan man. "Tatay! P-Pwede niyo ho ba akong mapasakay? Saan ho kayo papunta? I will pay! K-Kahit magkano." Hinihingal pa siya habang kinakausap ito. Napakamot ng ulo ang matanda. "Ineng, papunta akong probinsiya para mag-deliver ng gulay. Kung gusto mong sumakay, wala nang available na lugar kundi diyan sa likod kasama ng mg
Bethany Gayle Chavez-- Sweet, sassy, kikay. Balingkinitan din ang katawan niya at sa kutis niyang mestisa ay sino nga ba ang mag-aakala na papasukin niya ang ganitong trabaho? Isa lang naman siya sa mga magagandang mukha ng university na pinapasukan niya sa Manila. Graduating na nga sana siya ng kursong architecture kung hindi lang umepal ang mommy niya at nanguna sa mga desisyon niya sa buhay ay hindi naman sana siya lalayas at magpapakalayo-layo. Ikaw ba naman ang ipakasal sa isang matandang mayamang Chinese, matutuwa ka ba? E baka nga uugod-ugod na 'yon. Malayo sa pangarap niyang guwapo, mayaman, at syempre, kahit na hindi niya kasing edad basta hindi naman na magse-senior citizen. Sobrang tahimik ng mga lalaking kasama ni Bethany sa sasakyan. Mapapanis yata ang laway niya. Akala niya ay tatahimik lang ang mga ito hanggang sa makarating sila sa paroroonan nila pero biglang nagsalita ang lalaking katabi niya. "Ehem." Panimula pa nito kaya naagaw nito ang kanyang atensyon. "Dahil
She knocked the door three times pero walang sumasagot. Hmm, pipe ba itong boss nila? bakit naman hindi nagsasalita? Aniya sa isipan. Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano ay dahan-dahan na lang niyang binuksan ang pinto. Creepy pa nga ang tunog niyon na tila ba ilang taong hindi nabuksan. Napapikit siya ng marahan at dahan-dahang binuksan ang mga mata niya nang namalayan niyang nasa loob na siya ng kwarto. Kumurap-kurap pa siya nang makita ang napakalinis na kwarto. Parang walang taong nakatira. But one man caught her attention. Nakaupo ito sa isang wheeled chair. Nakatalikod sa kanya at nakaharap sa bintana at nakatingin lang sa labas. Loner ba ang taong to? Aniya sa isipan saka siya napa-ubo para kunin ang atensyon ng binata. "Hel--" Babati pa nga lang naman sana siya nang bigla siyang hindi patapusin ng binata. "Who told you to enter my room, woman?" tanong nito sa kalmadong boses pero mababakas mo sa tono ng pananalita nito ang pagkairita. "A-Ah, si Manang Lucile, Sir. Tinur
NANG maayos ni Bethany ang lahat ng mga kagamitan niya sa kanyang kwarto ay pinatawag agad siya ng mayordoma para sa hapunan. Syempre, nakahain na ang lahat. Kakain na lang siya. "Miss Bethany, Pinatatawag ka na ng mayordoma," tawag ng isa sa mga utusan din dito sa mansiyon. "Sige ho. I'll follow. Thanks!" Tiniklop niya na lang muna ang pamalit niya para mamaya para ready na ang isusuot niya matapos niyang maligo. Hanggang ngayon kasi ay ang suot niya pa ring damit kagabi ang suot suot niya. Pagdating niya sa kusina, nakahain na ang lahat. Para tuloy siyang prinsesa just for tonight dahil kakain na lang siya. "Uh, hindi niyo ho ako tinawag to help everyone cook dinner," wika ni Rebecca habang takam na takam sa mga pagkain. E sa magdamag ba naman siyang walang kain. "Ngayon lang 'yan. Kailangan mo ng lakas para sa training mo bukas, Miss English speaking." Tila sarkastiko namang sagot ni Manang Lucile. Hmm, bigla tuloy kinabahan si Bethany. Para namang hindi na siya sisikat
Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. "Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" "E malinis naman ho ang nakikita ko e." Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya. "May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?" Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko l
"PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. "Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. "Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin."Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang hinihipan ang kuko niya. "O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. "Fine, manong. I will go. Tara na." Sumuno