Share

CHAPTER 4

Napanguso si Bethany ng kanyang mga labi nang una siyang dalhin ni Manang Lucile sa banyo. Napalunok agad siya ng laway. Kahit na malinis naman ang banyo, hindi pa rin siya ganoon kakomportable dahil ni sa bahay nila ay hindi nga siya humahawak kahit ng pangkuskos niyon. 

"Ito ang pinakamahalagang parte sa lahat. Nakikita mo ba 'yang bowl na yan? Ang toilet bowl na 'yan ay kailangang puting-puti at makintab sa linis. Dapat lagi rin iyang tuyo. Naiintindihan mo?" 

"E malinis naman ho ang nakikita ko e." 

Napailing-iling ang matanda. "Oo nga, malinis. Pero araw-araw ay kailangan mo pa rin iyang linisan para mapanatili ang linis nitong comfort room. Yung tipong pwede ka ditong mahiga at matulog. Ganoon kalinis." 

Napangiwi agad si Bethany saka napaatras. "That's so gross, Manang Lucile." Bulong niya.

"May sinasabi ka pa ba dyan? Ineng, nandito ka para magtrabaho. Ipapaalala ko lang sa 'yo, okay?"

Bethany cleared her throat. "Yes po. Hindi ko naman ho nakakalimutan 'yon. Madalas ko lang hindi mapigilang mag-side comment pero hindi po ibig sabihin non ay hindi na ako susunod. Hehe, katulong lang naman ho ako rito." 

"Mabuti naman kung ganon. Dahil mamaya ay kailangan pa kitang makausap. Nagdududa ako sa 'yong bata ka."

Napakuyom si Bethany ng kanyang palad. Kinakabahan tuloy siya. Hindi pwedeng malaman ng mga ito kung sa anong pamilya siya galing. Panigurado, mabubuko na wala siyang alam sa pagkakasambahay! Goodness, baka mapalayas pa siya ng di oras. E ni hindi nga niya alam kung saan siyang pupunta. 

"Huwag niyo ho akong patatalsikin, Manang Lucile. Gagawin ko naman ho ang best ko, e. Madali ho akong matuto, I swear!" Sabay lagay pa nito ng kanyang kamay sa dibdib para ipakita na gagawin niya talaga ang lahat para matuto. 

"Hindi ko naman sinabing patatalsikin kita, hija. Hindi ako ang may karapatang gumawa non kundi ang boss natin na si Mr. Simon Clarke. Isang hamak lang din akong katulong dito. Pero. . ." Huminto pa ito saglit. "Kaya kong gumawa ng mga bagay na maaring maging dahilan ng pagkapatalsik sa 'yo kung hindi ka magtatrabaho ng maayos. Nauunawaan mo ba?" 

Imbes mawala ang kaba ni Bethany ay lalo lang tuloy tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso niya. 

"Maliwanag na ba ang lahat tungkol sa banyo? Doon naman tayo sa kusina." 

Inilibot naman siya ni Manang Lucile sa kusina kung saan busy masyado ang iba pang mga kasambahay sa mga ginagawa nilang pagluluto. Kanya-kanyang ginagawa ang mga ito. May mga naghihiwa ng mga sangkap. Mayroon namang nakabantay ng nakasalang doon sa stove. Meron din naman na naghahanda ng mga table napkin sa lamesa at mga luto nang putahe. Medyo safe pa siya ngayon sa gawain dahil unang araw niya kaya mag-o-observe pa siya. 

Matapos nila sa loob ng bahay ay dinala siya ni Manang Lucile sa likod ng mansiyon. May malawak kasing farm sa likod ng mansiyon medyo may kalayuan kaya kailangan nilang sumakay sa traktora. Malaki iyon at magara. Hindi halatang pang farm lang. Pinagmaneho naman sila nung driver niyon. Inilibot siya ni Manang Lucile sa mga pananim nila sa hacienda. Maraming mga punong kahoy na nakahilera. Mayroon din naman na mga fruit bearing trees tulad ng mangga, avocado, lansones, atis, grapes, halos lahat nang prutas ay mayroon dito. Tuwang-tuwa at amaze na amaze pa nga si Bethany sa nakikita niya. This is the first time na makakakita siya ng ganito. Sa teleserye lang kasi siya nakakakita ng mga ganito kalawak na lupain. Saka, sa bahay nila ay kulang na lang din ay ikulong niya ang sarili niya dahil ayaw niyang maarawan sa labas. Lumalabas lang siya kapag nagsa-shopping siya, o di kaya ay kapag lalabas sila ng mommy niya to eat at a fancy restaurant. 

"Woah, this is a big land. Si Mr. Silvestre lang ang may-ari nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Bethany. 

Tumango lang si Manang Lucile habang patingin-tingin rin ito sa paligid para batiin ang mga manggagawang naroon at nagtatrabaho. "Oo. Originally, ang mga magulang niya ang may-ari nito pero ipinamana na sa kanya ang lahat bago pa man mamatay sa aksidente ang mga magulang niya. Ulila na 'yan si Clarke. 

"I see. Nakakalungkot naman pala," mahinang tugon ng dalaga. Bahagya siyang nalungkot dahil sa narinig niya. Paano ba naman, mag-isa na nga lang ito, tapos naaksidente pa. Sana naman hindi nito iniisip na mawala na lang sa mundo. Sayang ang lahi e.

"E sino na lang po ang kasama niya ngayon bukod sa inyo?"

"Ang Tito at Tita niya pati na rin ang mga spoiled niyang pinsan. Madalas dumalaw dito buwan-buwan para bisitahin siya. 

Nakahinga naman ng maluwag si Bethany. Maayos na iyon. Ang mahalaga ay naaalala pa rin siyang bisitahin ng mga kaanak niya. Medyo gumaan naman ang pakiramdam niya nang malaman ito. 

"Ah, masaya naman ho pala," sagot naman niya at hindi na nagtanong pa ulit dahil busy na ang malilikot niyang mga mata kakatingin sa mga puno ng prutas na madaanan nila. 

"May mga araw na kailangan mong magtrabaho dito para tulungan ang mga magsasaka na pumitas ng mga bunga. Kailangan mo ring ipasyal si Clarke kahit isang beses sa isang linggo nang makalanghap naman ang batang iyon ng sariwang hangin. Matagal na niyang kinukulong ang sarili niya sa mansiyon."

Napalunok naman ng laway niya ang dalaga dahil bigla na naman siyang kinabahan. "H-Ho? Bakit ho ako? E hindi pa nga ho ako nakakapasa sa training e. Parang sigurado naman na agad kayo na maipapasyal ko rito si Mr. Silvestre?" 

"Makakapasa ka sa ayaw mo at sa hindi." 

Napangiwi si Bethany habang nakakunot ang noo niya. Ano bang ibig sabihin nitong si Manang? Sa ayaw ko at sa hindi? Ibig sabihin ba kahit pumalpak siya ay siya pa rin ang magiging tagapangalaga ni Simon?

"P-Po?" tila nabibingi niyang tanong. 

"Bingi ka? Hindi mo narinig? Bahala ka nga. Kaganda-gandang babae, hindi marunong makinig." Bulong pa ng matanda habang umiiling-iling.

"Ito namang si Manang, nagtatanong lang e. Tell me, Manang Lucile, please? Matatanggap ba ako dito no matter what happens?"

Mariing napapikit ang matanda at napahugot ng mahabang pasensya. "Oo nga. Hindi naman kita mamadaliin sa training kung hindi. Isa pa, ikaw lang ang nagkasambahay na medyo bata kaya sa tingin ko ay magkakasundo kayo ni Clarke."

"Bakit ho Clarke ang tawag niyo sa kanya? Ayaw niyo ho ba ng Simon?"

Napahilamos na lang sa mukha niya ang matanda. "Pati mga walang kwentang bagay ay kailangan mo pa talagang alamin ano? Mga malalapit na tao lang sa kanya ang tumatawag na Clarke. Kaya kung ayaw mong mapagalitan, matuto kang lumugar." Paalala pa ni Manang Lucile. 

Zenshine

Hmmmm, ano nga kaya ang buhay na naghihintay kay Bethany sa puder ng mga Silvestre? Comment if you want more. Hehe

| 1

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status