Share

CHAPTER 5

"PINATATAWAG ka ni Mr. Silvestre." 

Iyon ang mga katagang bumungad kay Bethany sa kalagitnaan niya ng pagkain ng tanghalian kaya agad na nagsitinginan ang iba pang mga kasambahay. Nagtaka naman si Bethany kaya agad siyang naapturo sa kanyang sarili. 

"Ako? Ako talaga? Are you sure about that, Manong?" tanong niya pa doon sa matandang lalaking katiwala sa mansiyon. 

"Oo. Ikaw si Betty 'di ba?" 

Agad na nalaglag ang panga ng dalaga. "Betty? Excuse me? Sabi ko na nga ba hindi ako e."

Napaisip naman ang matanda para alalahanin kung sino nga ba ang pinatatawag ni Simon. "Ikaw iyong bago 'di ba?" tanong pa nito para kumpirmahin.

"Yes, ako nga." Confident pang sagot ng dalaga habang  hinihipan ang kuko niya. 

"O e 'di ikaw nga ang pinatatawag niya. Tara na, Miss Betty. Baka mainip iyon at mabugahan tayo ng apoy." 

Bahagyang nakaramdam ng pagkairita si Bethany pero may respeto pa rin naman siya sa matatanda kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. 

"Fine, manong. I will go. Tara na." 

Sumunod naman ito sa matanda dahil nauna na itong nagmartsa papunta sa kwarto ni Simon. Pagdating nga sila sa tapat ng pintuan ay saka ito nagsalita. "Sir, nandito na ho siya. Papapasukin ko ho ba?" magalang na tanong nito. 

"Let her in," sigaw naman ng binata mula sa loob ng kwarto nito. 

Tumingin naman ang matanda kay Bethany saka nagsalita. "Pasok na raw ho kayo, ma'am." 

"Thanks, manong," tanging sagot niya lang bago siya pumasok sa loob nito. 

Hindi ganon kaaliwalas ang kwarto ni Simon Clarke. Pangalawang beses niya pa lang pumasok dito pero malinis naman. Sobrang linis nga e. Saka, parang kakaunti lang ang gamit. Siguro ay nakatago talaga ang mga gamit nito. Well, kung siya nga ang daming walk in closet sa kwarto niyang pagkalaki-laki e. Mga babae nga naman.

"H-Hi, Sir." Bati ni Bethany pagpasok na pagpasok niya pa lang. Hindi nya pa rin lubos akalain na noon ay prinsesa siya sa bahay nila tapos dito ay gagawin lang siyang muchacha! 

"You've got an accent. Quit that kung nag-iinarte ka lang, Miss Betty. Kahit na medyo bagay naman sa 'yo." 

Agad na nagpantig ang tenga ni Bethany. "Betty? Gross. Sir, hindi Betty ang pangalan ko kundi Bethany Gayle Chavez--" Napahinto siya sa pagsasalita at na-realize niya kung gaano siya kabobo sa part na yon na sinabi niya ang complete name niya. 

Napa-smirk si Simon. "Tama nga ang kasabihan ng mga matatanda. Karamihan sa isda, nahuhuli sa bunganga. So, Bethany Gayle Chavez," wika pa ng binata habang tina-type ang pangalan nito sa computer. 

Lumabas ang lahat ng impormasyon tungkol kay Bethany. Mula sa pangalan nito, hanggang sa mga kanuno-nunuan nito. Sa isang iglap ay nalaman ni Simon ang mga pag-aari ng pamilya niya. 

"You're the run away heiress." Pahayag pa ng binata habang nakatingin sa mga mata nito.

Napakagat ng labi niya si Bethany. Tila nanlambot agad ang mga tuhod niya. Para siyang iiyak any moment from now. "Please, help me keep it a secret," aniya sa mahinang boses na tila nakikiusap na. Mahirap na kapag nagmaldita pa siya, baka mamaya ay isauli siya nito sa mga magulang niya.

Pilyong napangiti si Simon. Oh no. His naughty side again. Ilang buwan na rin siyang hindi nakapaglaro. Kaya nga walang kasambahay at sariling tagapangalaga na nagtatagal sa kanya. Because of his naughtiness.  

"Kaya pala ayaw mong magbigay ng documents. Dahil malalaman ng lahat ang family background mo. Hmm, that's why I found you interesting from the start. Ang tapang mo rin para mag-apply bilang maid ano? Ni hindi ka nga siguro makahawak ng sandok sa bahay niyo." Pagtatapat sa kanya ng binata. 

Napa-cross arms si Bethany. "I know, I know. It's just that, I don't have any other choices. I need to hide." 

"What if they find you here?"

"Let's just pretend that you know nothing about me! F-Fine, c-call me Betty from now on. Although that name stinks, I don't care anymore. I'll be B-Betty for now and not Bethany." 

Nanunuyot na ang lalamunan  ng dalaga sa kaba. Hindi niya alam kung paano niyang ipapaliwanag kay Simon ang lahat sa paraang matatanggap pa rin siya rito. 

"Alright. But who's this old Chinese business tycoon?" Pag-uusisa pa ni Simon. 

Parang masusuka si Bethany nang marinig niya iyon. "Ew? Saka, parang nagiging tsimoso na yata kayo ngayon, Sir? Kailangan ko pa ho bang ipaliwanag ang lahat?" 

Umiwas ng tingin niya si Simon. "Fine then, kung ayaw mong sagutin isang tawag ko lang naman sa mga magulang m--"

"N-No! P-Please don't, Sir." Pagmamakaawa ni Bethany. 

"Sit down. I need to hear everything." Utos pa ni Simon sa kanya.

Nag-aalangan pa si Bethany. Gusto niya pa naman sana na magpa-mysterious effect pero paano na niya gagawin iyon ngayon? E mukhang aalamin na nitong si Simon ang buong pagkatao niya mula ulo hanggang paa. 

"Sir, promise niyo kapag sinabi ko lahat, you won't tell anything to anyone? It will only be between us, pwede ba 'yon?" Naka-pout na pakiusap ni Bethany. 

She's pretty pero uubra ba ang kagandahan niya kay Simon? Hmm. 

"Depende iyon sa maririnig kong paliwanag mula sa 'yo. Siguro naman, karapatan kong malaman ang mga bagay na tungkol sa 'yo bilang boss mo. Am I right, Miss Betty?" 

Napasimangot agad ang dalaga nang marinig na naman ang pangalang Betty. Ewan niya ba pero nababantutan siya sa pangalang iyan. On the other hand, mas okay na rin iyon nang hndi siya mabuko. Kinakabahan pa nga siya dito sa mga kasamahan niya at baka ito pa ang magpahamak sa kanya. What if i-wanted siya ng magulang niya? What will happen to her?

"W-Well, t-the thing is. . .I runaway from my supposed to be wedding." Panimula ni Bethany. "Ipapakasal niila ako sa isang matandang Chinese right after I graduate for what? For power? For money? Para mapalawak ang negosyo? Ayaw ko. I-Isa pa, I-I have a boyfriend." 

Sa dami ng nangyari sa buhay niya, sobrangg guilty niya ngayon dahil ni hindi niya man lang nasabihan ang boyfriend niya. She never mentioned about him to anyone. She never talked to him mula nang maglayas siya. She is now wondering how's he now? Nag-aalala rin kaya ito sa kanya? Iniisip rin kaya niya si Bethany? She feels sorry for him but it's better na wala itong alam nang hindi na ito pa maistorbo ng pamilya niya. Ayaw niya itong idamay sa gulo.

"So that's the story why you ran away." Komento naman ni Simon habang himas-himas pa ang baba niya. 

"Yes, so please. Let me stay here and keep my secret. I'll do my best, Sir. K-Kahit na hindi ito ang buhay na kinagisnan ko." 

"Well, kargo na kita ngayon dahil sa akin ka nagtatrabaho. But right after your training, you will be obliged to take care of me alone. In that way, I can keep you safe. Only my by side." 

Napalunok ng laway niya si Bethany. Bakit parang ang sweet naman yata pakinggan ng mga katagang iyon? Pakiramdam niya ay nasa pelikula siya at nasa panganib ang buhay niya. 

"O-Okay. T-That's n-noted. P-Pero, pwede ba akong humingi ng favor?" aniya pa. Kinapalan na niya ang mukha niya. It's now or never habang maganda pa ang mood ng binata.

"What is it?" nagtatakang tanong ni Simon. 

"I need to buy my personal things. P-Pwede ba akong mag-mall to buy my stuffs? I can't live without those." 

Napailing-iling na lang ang binata. Mga babae nga naman. Aniya sa isipan. 

"Pasasamahan kita kay Juancho." Sagot na lamang nito sa kanya. 

"What? That pervert? Ayaw ko, Sir. Pwede bang ikaw na lang?" nakanguso niyang tanong. 

"Are you out of your mind, Miss Betty? Nakikita mo ba ang sitwasyon ko?"

Oo nga pala. Napabuntong hininga na lang ang dalaga. Fine. She'll go with Juancho then kahit na kumukulo ang dugo niya rito. As if may iba pa siyang choice?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ruthchloe Tornito
magnda ang story Sana me upadate agad
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status