Share

CHAPTER 1.2

“P-Pwede bang m-maaya ka kumain?”

“BES!” Biglang may babaeng tumatakbo at puno nang buhay ang dumating na nagdahilan para ma-udlot ang usapan nila. Agad nito niyakap ang braso ni Lilith, nagpapakita na close sila.

Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Ashley Flores, ang nag-iisang kaibigan ni Lilith.

“Sorry bes ngayon lang ako. Ngayon lang kasi natapos klase namin,” pahayag ni Ashley. “So ano? Sabay na tayo mag-lunch?”

“Wait,” maikling sagot ni Lilith pagkatapos ay humarap siya kay Nathan kaya napalingon din si Ashley sa binata. “What are you going to say again?”

Nagpanic naman si Nathan at agad umiling. “Wala! S-Sige kain na kayo!” At agad siya umalis sa harap nila.

“Anong problema non?” Takang takang tanong ni Ashley.

***

Natapos ang klase, habang nag-uuwian ang iba, si Lilith naman ay nasa kaniyang desk at kinakalikot ang kaniyang cellphone. Seryoso niyang tinitignan ang nasa screen tila ba mayroong seryosong bagay siyang binabasa pero nang lumapit ang kaniyang kaibigang si Ashley ay agad niya pinatay ang cellphone niya at tinago.

“Uy ano iyan? Bakit mo tinago?” curious na tanong ni Ashley at sinubukan sulyapan ang screen pero nakatago na ito.

“It’s nothing,” walang tonong sagot ni Lilith.

Napa-pout naman ang kaniyang kaibigan. “KJ naman nito. Patingin lang eh.”

“Ashley,” pagbabawal ni Lilith kaya sumuko na lang ang kaibigan.

“Fine! Nga pala, gagala ako sa plaza kasama ng ibang girls, sama ka?” tanong ni Ashley.

“No, I have something to do at home,” sagot ni Lilith at sinakbit ang bag niya sa kaniyang balikat.

“Lagi ka namang busy. Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang yan? Sabado naman bukas.”

“Sorry, but I really need to do this today. Babawi na lang ako next time.”

Nag-pout si Ashley at nag-crossed arms para ipakitang hindi siya masaya sa desisyon ng kaniyang kaibigan pero pagkalipas ng ilang segundo ay napa-buntong hininga siya.

“Sige na nga. Next time na lang. Basta next time sasama ka na ha?”

“Yeah.”

Dumiretso si Lilith ng uwi. Binuksan niya ang pinto ng bahay at agad bumungad sa kaniya ang madilim na loob. Tahimik, walang tao.

As always, walang tao. Mula noong anim na taong gulang siya, wala ng sumasalubong sa kaniyang magulang. Wala na sila. Patay na. Pinatay na.

Naalala muli ni Lilith ang malagim na nangyari sa magulang niya noong bata siya. Walang awang pinatay, walang awang binaril. Tuwing naalala niya iyon, nanginginig ang kaniyang laman sa galit. Para bang hinihingi ng laman niya na paslangin din ang taong nasa likod ng pagkamatay nila.

Huminga nang malalim si Lilith. Pinilit niya ang kaniyang utak na alisin muna ang memorya sa kaniyang isip para kumalma at bumalik sa reyalidad. Nang magawa niya, agad-agad siyang pumasok ng bahay. Ni-lock ang mga pinto at dumiretso sa kaniyang computer.

Dumiretso siya sa isang folder na tagong tago sa loob pa ng maraming folders. Pagkabukas niya, bumungad agad ang mga dokumento tungkol sa iba’t ibang mafia organizations. Tinignan niya isa-isa at pinindot ang file na may pangalang Crimson Organization. Napa-ngisi na lang siya habang binabasa ang mga business na hawak nito. Ang kinangisi niya ay nang mabasa niya na may hawak din itong charity at orphanage.

‘Pakitang tao,” naisip niya.  

Walang masyadong detalye tungkol sa pinakaboss pero may floor plan na nakadikit sa file. Pinag-aralan niya ito at nagplano kung paano papasukin ang Crimson Household tulad ng ginawa niya sa ibang organization bilang Anemone.

Oo, siya ang popular na si Anemone. Ang incognitong humihuli sa mga mafia members at palihim silang sinusuko. Hindi siya pulis, hindi siya naniniwala sa mga pulis. Hindi naman ito nakatulong sa pagbibigay hustisya sa kaniyang mga magulang kaya siya na lang ang gagawa bilang Anemone. Tatapusin niya ang organisasyong tinatawag na Mafia.

Pagkatapos ng kaniyang pagpaplano, pinatay niya na ang computer at nagbihis nang itim na combat suit, tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha, tinali ang kaniyang mahabang buhok, naglagay ng baril at kutsilyo sa kaniyang bewang at binti.

Bago siya umalis, hinawakan niya ang suot niyang hikaw sa kanang tenga. Ang hikaw na binigay sa kaniya ng kaniyang nasirang ina.

“For mommy and daddy…” bulong niya habang nakapikit na parang dinadasalan ang hikaw.

Pagkatapos, umalis na siya.

***

Umakyat sa pinakataas ng puno si Lilith, tinakpan niya ang kaniyang sarili ng mga dahon at nagmatyag sa mansyon ng Crimson household. Nakita niya ang mga bodyguards na nakatayo at nagbabantay sa bawat sulok.

Hindi siya makakadaan sa lupa kaya ang ginawa niya ay ginawa niyang daan ang mga puno. Pagkatapos ay agad siya pumasok sa bukas na bintana. Lumingon lingon siya sa loob bago bumaba.

Pagkababa niya, dumikit siya sa pader at kinuha niya ang hand mirror niya at nakita niyang may mga armadong lalaki na nag-uusap sa hallway sa direksyon kung saan dapat siya pupunta.

Lumingon lingon siya sa kaniyang paligid at may nakita siyang nakasabit na kandila kaya kinuha niya ito. Nagbilang siya hanggang tatlo at binato ito sa kabilang direksyon kung saan hindi siya pupunta.

Bumagsak ang kandila sa carpet at nagsimula itong masunog.

“Naamoy niyo ba iyon?”

"Ang alin?" 

"Parang amoy usok."

“Nasusunog iyong carpet!”

Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lilith, agad na siyang tumakbo paalis habang occupied pa ang mga ito.

Tumakbo siya nang tumakbo pero huminto siya nang makita niya ang malaking pinto. Ito na iyon. Ang kwarto ng mafia boss.

Kinuha niya ang kaniyang baril at dahan dahan binuksan. Nakapatay ang ilaw nito pagpasok niya, walang ingay, walang presensya ng tao.

Sinara niya ang pinto at nilibot ang mga mata niya. Wala siyang maaninag na kahit anong hugis ng katawan.

“He is not here,” mahinang wika ni Lilith. “Where could he be?”

Naglakad lakad siya sa kwarto hanggang mapunta siya sa lamesang may bukas na lamp at may nakakalat na mga libro at mga papel na may litrato ng iba’t ibang babae. Kinuha niya ang mga litrato.

“What are these for?” tanong ni Lilith sa sarili.

“Sino ka?”

Tumaas lahat ng balahibo ni Lilith sa gulat at agad napalingon sa taong nagsalita. Hindi niya ito maaninag pero mukhang lalaki ito.

‘I didn’t sense him!’ gulat na wika ni Lilith. Sigurado siyang walang pumasok na tao, ibig sabihin kanina pa ito sa loob pero ang pinagtataka ng dalaga ay bakit hindi niya naramdaman ang taong iyon. Malakas ang pakiramdam ni Lilith kaya imposibleng hindi niya ito napansin.

“Bakit mo hawak iyan? Magnanakaw ka ba?” Naglakad palapit ang anino kaya napa-atras si Lilith at tumama siya sa isang pindutan sa lamesa kaya biglang may malakas na tunog na umalingangaw sa buong mansyon.

“May trespasser!”

“Pumunta kayo sa taas dali!”

Narinig ni Lilith ang mga sigaw na iyon kaya agad niyang kinuha ang taong kasama niya, pumwesto siya sa likuran nito, kinulong niya ang leeg nito sa braso niya tsaka tinutukan ng baril.

“Ack!”

“If you don’t want to die, help me get out of here,” pagbabanta ni Lilith.

Noong una ay sinusubukan pa ng lalaking alisin ang braso ng dalaga pero pagkatapos magsalita ni Lilith ay huminto ito at napalingon sa gawi ng mukha ng dalaga.

“Lilith? Lilith Martina Isolde?” punong puno nang pagtatakang tanong ng lalaki.

Kumunot naman ang noo ni Lilith nang marinig niyang bigkasin ng lalaki ang pangalan niya. Agad siyang lumakad patalikod habang dala dala ang lalaki tsaka binuksan ang ilaw. Tinignan niya ang mukha nito at nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya ito.

“Nathaniel?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status