Share

CHAPTER 3

Sa loob ng malaking kwarto, mahimbing na natutulog si Lilith pero dahil sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mata galing bintana, siya’y nagising. Dinilat niya ang kaniyang mga mata pero dahil na rin sa antok, naka-ilang pikit pa siya bago tuluyang magising.

Ang unang pumasok sa paningin niya ay ang hindi pamilyar na kisame. Ngayon lang niya nakita ang kisameng iyon at sigurado siyang hindi gano’n ang kisame niya sa kwarto. Nakalipas ang ilang segundo bago niya na-isip na hindi niya ito kwarto.

Agad siya napa-upo sa higaan at lumingon lingon sa paligid.

‘Where am I?’ tanong niya sa isip niya.

Dahil sa tanong niya, lahat ng nangyari kahapon ay bumalik sa kaniya. Ang mga pangyayari nang sinugod siya, nang malaman niyang Mafia boss ang kaklase niyang si Nathaniel, muntik niyang kamatayan at ang declaration ng kaklase niya na siya ang magiging bride nito. Pagkatapos ng declaration, hindi na pinagtangkaan ang buhay niya pero hindi naman siya pina-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status