Share

CHAPTER 4

Nakatakas si Lilith sa Crimson household. Aaminin niya, mas marami na ang nagbabantay sa paligid pero wala pa rin itong mga nilagay na guards sa mga puno kaya doon pa rin naka-daan si Lilith palayo. Ang pinaka-tricky sa pag-alis niya ay kung paano siya lalabas ng kwarto ng walang nakakakita sa kaniya or nakakakilala.

Nang may dumating na maid para kunin ang pinagkainan niya, pinatulog niya ito at kinuha ang maid uniform para suotin at magbalat-kayo. Pinalitan niya ang damit ng maid at ginapos ang walang malay na maid sa kwarto. Sa puntong iyan, nakalakad si Lilith sa hallway ng walang nakakabunyag kung sino siya at pagkatapos, dumaan na siya sa mga puno paalis.

Sa madaling salita, naka-uwi si Lilith sa bahay niya.

Pagkapasok niya sa bahay, agad siyang humiga sa kaniyang higaan at nagpakawala nang malalim na buntong hininga.

“Thank goodness, I got out,” wika niya. Para siyang nabunutan ng tinik nang maka-alis na siya sa lugar ng mafia. Para kasi sa kaniya, parang siyang nilalason a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status