Share

CHAPTER 1 .1

3rd Person’s P.O.V

“At ito po ang nagbabagang balita! May sinuko na namang Mafia Boss si Anemone sa pulisya. Ito na po ang pangatlong pagsuko sa loob ng isang buwan mula ng magpakita ang misteryosong taong nangangalang Anemone.” Nakatitig ang lahat ng estudyante sa telebisyon na naka-install sa kanilang classroom. Taimtim na pinapakinggan ang balitang hinahayag tungkol kay Anemone.

Anemone, ang pangalang usong uso ngayon. Walang nakakaalam sa itsura nito pati ang kasarian. Bigla na lamang isang araw ay may mafia boss na bugbog sarado, bali ang mga braso at binti ang iniwan sa presinto at may nakadikit na mga ebidensya ng mga krimen ng boss kasama ang isang card na nakalagay “ANEMONE”. Mula noon, lagi ng may mafia members na iniiwan sa harap ng presinto sa iba’t ibang lugar at may kasamang ebidensya at card.

"Sa pagpapakita ni Anemone, ito na ba ang katapusan ng grupong Mafia?" Pagtatapos ng balita, saktong sakto dumating ang professor ng klase.

“Oh tama na iyan, pinagbigyan ko na kayo para mapanood iyang Anemone na iyan,” wika ng professor at pinatay ang telebisyon. Umangal naman ang mga estudyante pero wala rin naman sila nagawa.

“Nasa akin na ang results ng midterm niyo.” Pinakita ng professor ang mga hawak niyang papel.

“So here’s the result of our midterm exams.” Tinignan niya ang kaniyang hawak at kinuha ang papel na nasa ibabaw. “And as always, ang highest natin ay si—” Tumingin ang professor sa dalagang naka-upo sa harapan at nginitian.

“—Lilith Martina Isolde with the score of 100 out of 100! Give her a round of applause, class!” utos ng guro kaya nagpalakpakan ang mga estudyante.

“Kunin mo na itong papel mo, Ms. Isolde,” nakangiting utos ng professor na pinaunlakan naman ni Lilith.

Walang emosyon tumayo ang dalaga mula sa kaniyang upuan at naglakad papunta sa pwesto ng kaniyang guro.

“Highest na naman siya.”

"“Hindi lang highest, na-perfect niya pa.” 

“Shocks, ang ganda niya talaga. Nakaka-inlove pre!” 

“Tapakan mo ako please!"

“Highest na sa lahat ng subjects, maganda pa. Tao pa ba iyan?”

Naririnig ni Lilith ang mga komento nila pero hindi niya pinapansin. Sanay na siya. Araw araw siyang pinagbubulungan ng mga ito, sino ba naman ang hindi masasanay? Pero hindi naman masisisi ang mga kaklase niya dahil sa totoo lang parang nasa ibang level nga si Lilith.

Napakagandang dalaga ni Lilith. Kahit sinong mapatingin sa kaniya, mamamangha. Para siyang naglalakad na manika sa ganda. Makinis at maputi ang balat. Para bang hindi uso sa kaniya ang tigyawat at break out sa kinis. Ang mahaba at itim niyang buhok ay akala mo inaalagaan lagi sa salon dahil sa lambot at bango. Matangkad pa siya. May ilang beses na rin siya ini-iscout ng mga representatives para mag-artista o magmodel pero hindi siya interesado.

Hindi lang iyon ang bala niya. Hindi lang siya maganda, ubod pa nang talino. Mula ng elementary hanggang senior highschool ay lagi siyang valedictorian, walang nakaka-agaw ng trono sa kaniya. Pati sa P.E. highest siya. Kahit anong challenge at obstacles na pinapagawa sa kaniya tulad ng karate, taekwando at arnis, napagtatagumpayan niya.

Hindi na kataka taka kung iniisip nila kung tao pa ba si Lilith. Perfect na siya kung tutuusin kaya nga kilala siya ng buong school nila at marami rin may gusto at humahanga sa kaniya kaya pati tindig niya habang naglalakad papunta sa kaniyang guro ay hinahangaan na agad.

“Congrats again Ms. Isolde. Keep up your good work.” Nakangiting binigay ng professor ang papel kay Lilith habang ang dalaga ay tumango lamang tsaka bumalik sa kaniyang upuan.

Ang sumunod naman ay tinawag ng professor ang iba pang estudyante isa-isa at binigay ang kanilang resulta hanggang maipamigay niya na lahat ng papel.

“So iyon lang for today, pwede na kayong lumabas,” wika ng professor at umalis na ito.

Tumayo mula sa pwesto si Lilith. Naglakad siya paalis ng room at may nakasabay siyang kaklaseng lalaking nakasalamin. Mas maliit kaysa sa kaniya at mas nagmumukha pangmaliit dahil nakayuko ito na para bang ayaw makilala.

‘Nathaniel Gavin Robles,’ wika sa isip ni Lilith. Naalala niya ito dahil ito lagi ang pinagti-trip-an ng mga kaklase niya sa subject na pinapasukan nila.

“Ahh!” Biglang nadapa ang kasabay ni Lilith sa lapag at nahulog ang suot nitong salamin. Nagtawanan ang mga lalaking naka-upo sa magkabilang gilid ng dinadaanan nila.

“Oops sorry, ang liit mo kasi, hindi ka namin tuloy nakita.”

Nagso-sorry man sila pero hindi ito ang nilalabas ng kanilang mukha. Halatang sinadya nila ito.

“A-Ayos lang…” Pinulot agad ng binata ang salamin niya at sinuot. Tumayo naman ang isang lalaki at inakbayan si Nathan.

“Sorry talaga. Friends naman tayo diba? Gusto mo ba sabay ka saamin kumain?”

“T-Talaga? Gusto niyo ako makasabay?” gulat na tanong ni Nathan.

“Oo ba! Pero bili mo muna kaming lunch sa canteen,” nakangising wika nito.

“Tapsilog saakin ha!” 

“Longsilog saakin!” 

“Pwede bang fastfood? Nagke-crave ako sa chicken fillet eh.” 

“Ha? Pero…”

Gustong magsalita ni Nathan pero hindi na siya naka-singit dahil sa mga request nila. Tatango na lang sana siya pero na-udlot dahil kay Lilith.

“Don’t give in. Wala kang ililibre ni isa sa kanila,” malamig na wika ni Lilith kaya napa-tingin sa kaniya si Nathan at ang mga lalaki.

“Bakit nakikisawsaw ka?” inis na tanong ng lalaking naka-akbay kay Nathan.

“You’re bullying him.”

“Hala. Binubully ka raw namin? Nagpapalibre lang kami. Normal lang kaya iyon sa magkaibigan,” hirit nito.

“Magkaibigan?” May maliit na ngising lumabas sa bibig ni Lilith.

“Magkaibigan na pala ngayon kapag tinitisod,” pang-unang saad ni Lilith.

Nagroll eyes naman ang lalaki. “Hindi ba pwedeng naglolokohan lang?”

“Loko? Lokohan na lang pala ang pagkukulong sa kaniya sa banyo, o ‘di kaya pagtatapon sa kaniya ng balde ng tubig na ginamit pangmop, pagtatago ng PE uniform niya, pagsira ng salamin niya last week at pagkuha ng pitaka niya kahapon.” Inisa-isa ni Lilith ang mga ginawa ng mga kaklase kay Nathan kaya natahimik ang mga ito.

“I have evidences of what you did. If I see you bullying him again, diretsong office na kayo,” pagbabanta niya. Napayuko ang mga lalaki at agad nagsorry kay Lilith at kay Nathan.

Hindi sila pinansin ni Lilith at naglakad paalis habang si Nathan ay sumunod sa kaniya.

“Ahh sandali!”

Huminto si Lilith sa bandang pinto at hinarap si Nathan. “What is it?”

“S-Salamat sa pagtulong,” Nahihiyang pasasalamat ni Nathan sa dalaga.

“No need to thank me. I’m the class Mayor, it is my responsibility to keep the class at peace.”

Awkward na natawa si Nathan at napahawak sa kaniyang batok. “Ay oo nga sabagay…”

“Okay, I need to go.” Tumalikod si Lilith at binalak lumakad paalis pero pinigilan siya ni Nathan.

“T-Teka! Sandali!”

Humarap ulit si Lilith sa kaniya. Namula ang mukha ni Nathan at may pinipilit na sabihin. Nakailang beses pa siyang lumunok at humigop ng hangin bago magsalita. Tila ba nag-iipon ng lakas ng loob. 

“P-Pwede bang m-maaya ka kumain?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status