“Mula sa huling palapag ng gusali ng twin tower ay tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin ng lungsod sa aking harapan. Sinimsim ko muna ang matapang na alak mula sa aking baso bago ko ito nilagok. Ramdam ko ang pagguhit ng alcohol nito sa aking dibdib kaya isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Muli kong tiningnan ang oras at nakadama na ako ng inis ng makita ko na 8:30 na pala ng gabi. Tinalikuran ko na ang glass wall at pumihit paharap sa aking lamesa na may apat na hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan.
Nang makalapit dito ay muli kong sinalinan ng whiskey ang aking baso, naudlot ang akmang pagdampot ko dito ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Kasunod nito ay ang pagpasok ng pinakamamahal kong si Samantha. Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay dagling naglaho, lumamlam ang expression ng aking mukha ng masilayan ko ang maganda nitong mukh.Nakangiti na lumapit siya sa akin at tulad ng inaasahan ko ay isang mapusok na halik ang pasalubong niya sa akin. Pagkatapos ng isang mainit na halik ay hinihingal na ibinaon ko ang aking mukha sa pagitan ng kanyang makinis na leeg. Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang isang mahinhin na halinghing mula sa aking nobya.“Hm, I miss you, babe…” anya sa tila paos na tinig at nagsimula ng gumapang ang aking mga labi sa malagatas niyang balat. Bahagya niyang inangat ang kanyang mukha upang mabigyang laya ang mapusok kong mga labi. “Babe, kanina lang tayo naghiwalay ngunit kung makapaglambing ka ay tila isang linggo tayong hindi nagkita.” Natatawa na sagot ni Samantha.Ngunit maya-maya ang mga ngiti sa labi nito ay biglang naglaho, napalitan ito ng labis na pagkamangha ng tumambad sa kanyang paningin ang isang mamahaling singsing na nakalahad sa tapat ng kanyang mukha. Saglit na huminto ang aking mga labi at isang matamis na ngiti ang lumitaw sa aking bibig. Umangat ang aking mukha saka lumuhod sa harapan nito.“Samantha Lauren, will you marry me?” Madamdamin kong tanong na siyang nagpaluha sa kanyang mga mata ngunit isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito. Kaya batid ko na iyon ay luha ng kaligayahan. Magkasunod na tumango siya sa akin habang walang humpay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mata.“Y-Yes, I will marry you!” Ito ang kanyang naibulalas bago ako sinugod ng yakap, mabilis akong tumayo at mahigpit na niyakap ang aking nobya. Isang mariin na halik ang iginawad ko sa kanya bago inilayo ang sarili mula rito. Kinuha ko ang isang kamay nito at isinuot ang singsing sa kanyang daliri.Muling naghinang ang aming mga labi at sa pagkakataong ito ay puno ng pagsuyo ang bawat galaw nito. Naging mainit ang sumunod na tagpo dahil tuluyan ng nilamon ng matinding pagnanasa ang aming mga katawan. Ilang sandali lang ay nangibabaw sa loob ng aking opisina ang mga halinghing at ungol ni Samantha dahil tuluyan ko ng inangkin ito sa mismong opisina ko. Halos nagkalat na sa sahig ang lahat ng gamit na nasa ibabaw ng lamesa ng padapain ko dito ang aking nobya.Tila nawala na ako sa huwisyo ng mga oras na ito at halos wala na rin akong pakialam kahit na sumigaw na si Samantha. Hindi ko mawari king sumisigaw ba ito sa sakit o dahil sa labis na ligaya basta ang alam ko lang ay marating ang r***k na aking inaasam-asam. Halos inabot ng kalahating oras ang aming pagniniig bago ko tuluyang narating ang r***k ng matinding pagnanasa. Hinihingal na padapa akong bumagsak sa kanyang likuran bago ibinaon ang aking mukha sa pawisan nitong leeg.“My goodness, Alexander, hindi ka ba marunong mag dahan-dahan? Lagi ka na lang nagmamadali.” Naiinis na sermon nito sa akin, nakasimangot na ang mukha nito kaya natawa ako ng wala sa oras. Well hindi ko siya masisisi dahil masyadong mataas ang libido ko pagdating sa s** kaya madalas talaga itong magreklamo sa akin. Maya-may ay umangat ang kanyang katawan mula sa lamesa ngunit hindi ko ito hinayaang makaalis.“Sweetheart, we’re not yet done, hm?” Ani ko bago muling kumilos, “b-be careful…” halos umuungol nitong saad ngunit naudlot ang sanay magandang moment namin ng aking nobya ng biglang tumunog ang telepono. Hindi ko sana ito papansinin ngunit hindi na ito tumigil sa kakaring. Naiinis nandinampot ko ang handle nito. “Hello.” Ani ko sa matigas na tinig ngunit hindi ko inaasahan ang narinig kong tinig mula sa kabilang linya. Dahil isa pala itong overseas call.“Alexander the third! Kailan mo balak na magpakita sa akin? Pag patay na ako?” Galit na bungad ng aking Abuelo, si Don. Rafael.“Lolo, I’m sorry, you know that I am busy here in Europe, dahil sa bagong negosyo ko.” Malumanay kong sagot ng hindi pinapansin ang galit nito.“I need you here, right now, dahil may importante akong pupuntahan, you know na ikaw lang naman ang tanging mapagkakatiwalaan ko na humawak sa kumpanya. Kung hindi mo kayang pagbigyan ang kahilingan ko ay mas mabuti pang ipamigay ko na lang ang kumpanya sa ibang tao!” Pagkatapos iyong sabahin sa matigas na tinig ay pabagsak na ininaba nito ang telepono kaya nailayo ko ito sa aking tenga ng wala sa oras. Ramdam ko ang galit ng aking Abuelo at sa tingin ko ay seryoso siya sa kanyang sinabi.Naalala ko noon ng tanggihan kong hawakan ang isa sa mga negosyo nito at nagulat na lang ako ng idonate ng aking Abuelo sa charity ang negosyong ‘yun. Malaking halaga din ang nawala sa amin na halos iniyakan ng mga tita ko. Kaya ganun na lang ang galit nila sa akin. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Binunot ko mula sa pagkakabaôn ang aking alaga mula sa hiyas ng aking nobya. Dahil tuluyan na akong nawalan ng gana. Tumayo si Samantha at inayos ang kanyang damit.“Are you leaving?” Maya-maya ay malungkot niyang tanong sa akin. Pagkatapos kong i-zipper ang aking pantalon ay hinarap ko siya at masuyong niyakap.“I’m sorry, but it’s urgent, you know naman na ako lang ang inaasahan ni Lolo sa mga negosyo ng pamilya namin.” Malumanay kong saad. Nakakaunawa na ngumiti siya sa akin bago naglalambing na niyakap ako.“Don’t worry, after ng fashion show ko ay susunod ako sayo sa Pilipinas.” Mahinhin niyang wika, gumanti ako ng yakap sa kanya at buong pagsuyo na dinampian ng halik ang namumula nitong labi dahil sa red lipstick niyang gamit.“Sure, sumunod ka agad, ikaw baka mamaya iba ang mapag-initan ng junior ko.” Pahapyaw na biro ko sa kanya, natawa ako ng malakas na hinampas ni Samantha ang dibdib ko kasabay ang pagtalim ng tingin niya sa akin.“Huwag ko lang talaga malaman na niloloko mo ako Alexander, humanda ka sa akin.” Seryosong wika ni Samantha na idinaan ko na lang sa tawa.“Sweetheart, nagpropose na nga ako sayo di ba? it means handa na akong magpatali sayo, because I love you.” Malambing kong pahayag saka ito niyakap ng mahigpit upang mawala ang pag-aalinlangan sa puso nito.“Nangibabaw ang isang malakas na sipol sa katahimikan ng burôl at sinundan naman ito ng malakas na huni ng isang Agila na kay tayog ng lipad mula sa himpapawid. Kasing ganda ng mga ngiti ko ang kagandahan ng kalikasan na nakalatag sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng humaplos ang malamig at sariwang hangin sa balbon at malagatas kong balat. Ang lugar na aking kinaroroonan ay napapaligiran ng mga kabundukan at matataas na mga puno na hitik sa bunga. Ngunit higit na mataas kaysa sa lahat ang bundok na aking kinaroroonan. Ang nakamamanghang ganda ng kalikasan ang siyang pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ko. Nakangiti na pinagmasdan ko ang aking alagang agila na kasalukuyang nagpapa-ikot ikot sa kalangitan. Buong pagmamalaki nitong iniladlad at ibinuka ang kanyang malapad na mga pakpak at malayang lumipad ng pagka taas-taas na wari moy isang hari sa himpapawid. Maya-maya ay mabilis itong lumipad paibaba patungo sa aking direksyon. Mabilis naman akong tumakbo paaky
Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper. Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan. Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang
Zanella’s Point of view“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na
“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing. Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapa
“Simulan mo na kumpadre.” Ani ni Lolo sa isa pang lalaki na ipinakilala niya sa akin na Judge daw ang pangalan. Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari kaya ipinagkatiwala ko na lang ang lahat kay lolo. Mabait naman si Lolo kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at batid ko na hindi ako nito ipapahamak. Apat lang kami na nandito sa loob ng isang silid na halos mapuno ng libro, pati si nanay Asun na katiwala ni Lolo sa bahay nito ay nandito rin upang maging saksi daw sa magaganap na kasalan.“Sigurado ka ba sa nais mong mangyari kumpadre?” Anya ng lalaki bago ito tumingin sa aking mukha. Nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti din siya sa akin. Tulad ni lolo ay mukha din naman itong mabait. Hala sige kung hindi na talaga magbabago ang isip mo, simulan na natin.” Nakangiti niyang sagot bago sinimulang basahin ang hawak nitong libro.“Ikaw Zanella tinatanggap mo ba si Rafael bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?” Nakangiti niya
“Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kapal
“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa huling lamay niya.“Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.” Kapwa natawa silang dalawa sa tinuran ni Rafael. “Beuno, since na buhay ka pa naman ay kailangan mong b
Ang buong kabahayan ng mansion ay nababalot ng matinding kalungkutan dahil sa pagkakataong ito ay totoong pumanaw na si Don. Rafael. Nang mga oras na ito ang lahat ng miyembro ng pamilyang Aragon ay kasalukuyang nasa loob ng library. Hinihintay ng lahat kung kailan babasahin ng abogado ang last will testament ng yumaong si Don. Rafael.“Since kumpleto na ang lahat, makinig, dahil sisimulan ko ng basahin ang mga huling habilin ni Don. Rafael. Hindi lingid sa inyong kaalaman na bago lumitaw si Don Rafael mula sa isang aksidente ay pinabago niya ang lahat ng mga nakasulat sa kanyang last will. Halos ang lahat ay nagulat sa naging pahayag ng abogado, at ibayong kabâ ang lumukob sa puso ng bawat isa. Makapigil hininga ang bawat sandali para sa paghahayag ng yaman ng kanilang amahin. Habang si Alexander at ang kanyang ina na si Rosario ay tahimik lang sa kabilang bahagi. At mula sa kabilang panig ay kalmanteng naghihintay si Esmeralda ganun din ang kanyang mag-ama na si Lucio at Patricia.