Share

Chapter 15

“ Napakaganda mo, Iha.” Nakangiting wika ni Rosario habang pinagmamasdan ang tila manikang imahe ni Zanella. Ang labis na nagustuhan niya sa dalaga ay ang luntian nitong mga mata, para siyang nahi-hipnotismo dito sa tuwing tinititigan niya ang mga mata nito.

“Salamat, iyan din ang sabi sa akin ng lola ko, na maganda raw ako, pati ang matandang Don ay lagi rin niyang sinasabi sa akin ‘yan. Kaya alam ko na maganda talaga ako.” Tapat na sagot ng inosenteng si Zanella, ang tinig nito ay hindi mo kariringgan ng tila nagyayabang. Napaka natural ng kanyang pagkakasabi, na para bang normal lang sa kanya ang mga salita na lumalabas sa kanyang bibig.

Hindi na napigilan ni Rosario ang sarili at natawa na siya ng malakas. Napangiti na lang si Zanella dahil maging siya ay nagigiliw sa kabaitan ng kanyang kausap. Ramdam niya mula sa Ginang ang magandang pagtanggap nito sa kanya. Ilang sandali pa, biglang natigil ang pag-uusap ng dalawa dahil sa pagdating ng pamilya ni Esmeralda. Nasa pintuan pa l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status