Mula sa mahabang hapag kainan ay tahimik na nakaupo ang may nasa limang tao. Si Gracia, ang bunso sa magkapatid na Aragon. Makikita sa maganda niyang awra ang pagiging elegante, walang kasing hinhin ang bawat kilos niya kaya nagmukha siyang high class sa paningin ng lahat. Ang kanyang balat ay wari moy kailanma’y hindi nasayaran ng pekeng ginto. Patunay ang kumikislap na malaking dyamante mula sa mamahaling kwintas na nakasabit sa kanyang leeg.
Sa tapat ng inuupuan ni Gracia ay si Esmeralda, siya ang pangalawa sa magkapatid na Aragon. Mula sa tabi nito, sa kanang bahagi, ay ang kanyang asawa, si Lucio na may seryosong mukha. Tahimik man silang tingnan ngunit kay bigat ng kanilang mga awra. Mula sa tuwid na pagkakaupo at matapang na expression ng kanilang mga mukha ay mahahalata mo na may ugaling arogante ang mga ito.Sa kaliwang bahagi ni Esmeralda ay ang anak na si Patricia. Mula sa kilay nito na tila perpektong iginuhit ay hindi maikakaila ang pagiging mataray ng dalaga. Ang bawat kilos nito ay wari moy inaral, hindi nalalayo ang malahigh class nitong dating na maihahalintulad sa kanyang ina. At hindi rin maikakaila ng expression sa kanyang mukha ang mataas na tingin niya sa sarili. Nag-iisa siyang anak nina Esmeralda at Lucio. Ang dalaga ay may mataas na pinag-aralan kaya inaasahan ng mag-asawa na ang anak nila ang isa sa magmamana ng kumpanya ng mga Aragon.Mula sa kabilang bahagi ng lamesa ay tahimik na nakaupo si Rosario Aragon. Siya ang asawa ng yumaong si Ismael Aragon, ang nakatatandang kapatid nina Esmeralda at Gracia. Mula sa pagiging simple nito ay makikita mo ang malaking pagkakaiba niya sa lahat. Maihahalintulad siya mula sa panahon ni Maria Clara dahil masyadong conservative ang klase ng pananamit nito.Kapansin-pansin ang matalim na sulyap ng magkapatid sa kanyang direksyon, ngunit nanatiling patay malisya si Rosario na wari mo’y sanay na sa presensya ng mga taong nasa paligid niya.“Gracia, nakapagtataka na hindi mo ngayon kasama ang iyong asawa na si Manuel?” Ang tanong ni Esmeralda sa kanyang bunsong kapatid bago dinampot ng namimilantik nitong mga daliri ang isang mamahaling tasa na may nakaukit na isang magandang disenyo ng floral. Normal mang matatawag ang tanong na ito ngunit para sa lahat ng naroroon ay ramdam nila ang sarkastikong tono sa pananalita nito. Ito ang katanungan na siyang bumasag sa katahimikan nilang lahat.Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Gracia, kasunod nito ay ang pag-angat ng kaliwang kilay niya na wari mo’y nagtataray.“Salamat at naalala mo ang aking asawa, Ate, kasalukuyang abala ngayon si Manuel ko sa aming mga negosyo. At wala na siyang oras pa para dumalaw dito.” Mahinhing sagot ni Gracia ngunit sa huli ay isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa namumula nitong mga labi.Napalis ang ngiti sa mga labi ni Esmeralda at naging seryoso ang expression ng mukha nito.At muli, katahimikan…Ilang sandali ay pumailanlang sa buong paligid ang tunog ng isang bagay na tila tumutoktok sa sahig na may kasamang ilang mga yabag. Nang marinig ito ng lahat ay inihanda nila ang pinakamaganda nilang ngiti at tila nasasabik na makita ang nagmamay-ari ng ingay na ‘yun.Maya-maya mula sa pintuan ng dining room ay lumitaw ang isang matandang lalaki na may dalang itim na tungkod. Halos sabay-sabay na tumayo ang lahat at hinintay na makalapit ang matandang lalaki sa pinaka sentro ng lamesa.Siya si Don Rafael Aragon ang nagmamay-ari ng pinakamalaking Aragon real estate & Development company sa bansa. Sa lawak ng lupain nito at sa dami ng mga ari-arian ay labis siyang tinitingala ng lahat. Ngunit sa kabila ng yaman nito, ang buhay niya ay nababalot ng kalungkutan. Dahil isa siyang biyudo na tanging sa mga negosyo lang umiikot ang kanyang buhay. At ngayon, ang isa sa kanyang problema ay kung kanino ipapamana ang kanyang maiiwang ari-arian. Ang lahat ay pawang nakayuko ang mga ulo, bilang pagbibigay respeto sa haligi ng kanilang tahanan. Nanatiling seryoso ang mukha ni Don Rafael, dahil higit siya ang nakakakilala sa mga tao na nasa kanyang harapan. Imbes na magdiwang ang kalooban dahil kumpleto ang kanyang pamilya ay tila bumigat lang ang loob ng matanda. Batid niya ang dahilan kung bakit laging nandito ang kanyang mga anak kasama ang mga pamilya nito.Ilang buwan na lang ang natitira niyang panahon dito sa mundo dahil may taning na ang kanyang buhay. Ngunit alam niya na hindi iyon ang dahilan kung bakit nagkukumahog ang mga ito na makuha ang kanyang atensyon. Iyon ay walang iba kundi ang kanilang mga mana. Pinuno ni Don Rafael ng hangin ang kanyang dibdib at ilang segundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan.Labis siyang nalulungkot kung bakit ang mga ito ay tila nagsaulian na ng kandila, nang dahil lang sa pera. Kinalimutan na nila ang salitang pamilya na labis na paghihinagpis ng kanyang kalooban.Nang makalapit siya sa lamesa ay kaagad na hinila palayo ng personal maid nito ang silya upang siya ay makaupo. Nang makaupo na ang Don ay saka naman nagsi-upo ang lahat sa kani-kanilang upuan.Maingat na kinuha ni Don Rafael ang news paper na nasa kanyang tagiliran at saka binuklat ito. Binasa ang nilalaman nito gamit ang kanyang mga mata.“Papa, may pasalubong para sayo ang apo mong si Brian, isa itong mamahaling tsaâ na nagmula pa sa Wuyi Mountain, ang Da hong pao tea.” Si Gracia na kasalukuyang inilalabas mula sa magandang paper bag ang isang may kalakihang kahon na naglalaman ng sinasabi nitong tsaâ. Halos nagkakahalaga ito ng klahating milyon. Nakangiti na inabot ito ni Gracia sa katulong na kaagad naman itong tinanggap at inilapag sa harapan ng Don.Tanging buntong hininga lang ang naging tugon ni Don Rafael habang ang kanyang mukha ay nanatiling seryoso. “Hmp! s****p.” Anya ng isip ni Esmeralda bago palihim na inismiran ang kanyang kapatid. Maya-maya ay isang magandang ngiti ang lumitaw sa bibig nito bago humarap sa kanilang Ama.“You know, Papa, I have a good news, Patricia is Valedictorian sa kanilang klase, and she want you there sa araw ng kanilang graduation.” Ani nito na may pagka sophisticated ang pananalita. Dahil sa sinabi ni Esmeralda ay isang ngiti ang lumitaw sa bibig ng kanilang Ama na tila ba ikinatuwa nito ang kanyang narinig.“That’s good news, Iha, I am so proud of you, ipagpatuloy mo lang at siguradong malayo ang mararating mo.” Nakangiting pahayag ni Don. Rafael. Biglang nagliwanag ang mukha ng mag-asawa at lalo pang tumaas ang mga noo nito na tila malaking achievement ang kanilang narinig. Matamis na ngumiti si Patricia at masayang hinarap ang kanyang Abuelo.“You know naman, Grandpa na nagmana ako sayo, and I see myself becoming a successful business woman like you in the future.” Tila proud na pahayag ni Patricia na siyang ikinatawa ni Don. Rafael. Kapwa natawa din ang mag-asawa na halatang tuwang-tuwa sa kanilang anak.“It's great that you see yourself becoming a successful entrepreneur one day. Keep working towards your goals, and stay determined, Iha.” Nakangiting sabi ni Don. Rafael sa kanyang Apo. Habang sa kabilang bahagi ng lamesa ay nakapaskil ang pekeng ngiti sa mga labi ni Gracia. Mula sa kanyang dibdib ay matinding inis ang nararamdaman nito. Samantalang si Rosario ay nakangiti na tila natutuwa din sa usapan ng maglolo, ang reaksyon nito ay walang halong pagkukunwari.“Ehem, by the way, Rosario, nasaan si Alexander?” Seryosong tanong ni Don. Rafael sa kanyang manugang. Napalis ang ngiti sa mga labi ng lahat at inabala ang kanilang mga sarili sa pagkain ng kanilang hapunan.“Ahm, pasensya na Papa, ngunit hindi ko rin alam kung nasaan ang batang iyon.” Nahihiya na sagot ni Rosario. Naudlot ang sanay paghigop ni Don. Rafael sa kanyang mainit na kape at bahagya pa itong umiling. Disappointment, ito ang makikita sa mukha nito, lihim na napangiti si Esmeralda sa nakikita niyang reaksyon ng kanilang Ama.Si Alexander kasi ang napupusuan ng matanda ngunit ang binata ay abala sa sarili nitong buhay.“Kailan niya balak na magpakita sa akin? Kapag patay na ako?” May halong hinanakit na tanong ni Don. Rafael na siyang ikinatahimik ng lahat…“Mula sa huling palapag ng gusali ng twin tower ay tahimik kong pinagmamasdan ang magandang tanawin ng lungsod sa aking harapan. Sinimsim ko muna ang matapang na alak mula sa aking baso bago ko ito nilagok. Ramdam ko ang pagguhit ng alcohol nito sa aking dibdib kaya isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Muli kong tiningnan ang oras at nakadama na ako ng inis ng makita ko na 8:30 na pala ng gabi. Tinalikuran ko na ang glass wall at pumihit paharap sa aking lamesa na may apat na hakbang ang layo mula sa aking kinatatayuan. Nang makalapit dito ay muli kong sinalinan ng whiskey ang aking baso, naudlot ang akmang pagdampot ko dito ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Kasunod nito ay ang pagpasok ng pinakamamahal kong si Samantha. Ang kaninang inis na nararamdaman ko ay dagling naglaho, lumamlam ang expression ng aking mukha ng masilayan ko ang maganda nitong mukh. Nakangiti na lumapit siya sa akin at tulad ng inaasahan ko ay isang mapusok na halik ang pasal
“Nangibabaw ang isang malakas na sipol sa katahimikan ng burôl at sinundan naman ito ng malakas na huni ng isang Agila na kay tayog ng lipad mula sa himpapawid. Kasing ganda ng mga ngiti ko ang kagandahan ng kalikasan na nakalatag sa aking harapan. Ipinikit ko ang aking mga mata ng humaplos ang malamig at sariwang hangin sa balbon at malagatas kong balat. Ang lugar na aking kinaroroonan ay napapaligiran ng mga kabundukan at matataas na mga puno na hitik sa bunga. Ngunit higit na mataas kaysa sa lahat ang bundok na aking kinaroroonan. Ang nakamamanghang ganda ng kalikasan ang siyang pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ko. Nakangiti na pinagmasdan ko ang aking alagang agila na kasalukuyang nagpapa-ikot ikot sa kalangitan. Buong pagmamalaki nitong iniladlad at ibinuka ang kanyang malapad na mga pakpak at malayang lumipad ng pagka taas-taas na wari moy isang hari sa himpapawid. Maya-maya ay mabilis itong lumipad paibaba patungo sa aking direksyon. Mabilis naman akong tumakbo paaky
Saglit na natigilan si Don. Rafael ng matitigan ang mga mata ng dalaga na nasa kanyang harapan. Biglang sumikdo ang dibdib ng matanda na wari mo ay kilala ito ng kanyang puso. Nahigit niya ang kanyang hininga at mahigpit na ipinikit ang mga mata ng biglang gumalaw ang kinalululanan niyang chopper. Halos pigil na niya ang hininga habang tinitiis ang sakit mula sa pagkakaipit ng kanyang mga paa sa napiping bahagi ng chopper. Ang bawat segundo ay sadyang makapigil hininga dahil kasalukuyang nasa bingit ng kamatayan ang buhay ni Don. Rafael. Saka pa lang nakahinga ng maluwag ang matanda ng hindi tuluyang nahulog ang chopper sa bangin dahil sumabit ito sa isang puno. Maya-maya ay napalingon siya sa bintana ng chopper ng makarinig siya ng ingay mula roon. Maingat na kumilos ang matanda, kinalas niya ang seatbelt at puno ng pag-iingat na binuksan ang pintuan. Muli siyang napasinghap ng muling gumalaw ang chopper at halos hindi na siya humihinga. Iniisip na lang ni don. Rafael na hanggang
Zanella’s Point of view“Lola…” halos mamaos na ako dahil sa labis na pag-iyak, habang nakaluhod sa harap ng puntod nang aking lola. Nang mamatay siya kahapon ay kaagad namin itong inilibing sa likod ng bahay. Wala namang ibang pamilya si Lola maliban sa akin, at malaki ang pasasalamat ko sa matandang si Don dahil tinulungan niya akong mailibing ng maayos ang aking abuela. Kung ako lang mag-isa, marahil ay hindi ko kakayanin, O baka, mas gugustuhin ko pang sumama na lang din sa libingan nito. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay? Ang mamuhay na mag-isa sa bundok at hintayin kung kailan ako mamamatay? Mula sa himpapawid ay naririnig ko ang malakas na huni ni Sky, batid ko na maging siya ay nagluluksa rin na tulad ko. “Lola, ang daya mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang pamilya namin ni Sky. Pero bakit mo kami iniwan?” Humihikbi kong sabi habang inaayos ang lupa sa ibabaw ng kanyang puntod. Patuloy lang ako sa pagtatanim ng mga rosas habang kinakausap ko ang aking abuela. Gusto ko na
“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing. Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapa
“Simulan mo na kumpadre.” Ani ni Lolo sa isa pang lalaki na ipinakilala niya sa akin na Judge daw ang pangalan. Halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga nangyayari kaya ipinagkatiwala ko na lang ang lahat kay lolo. Mabait naman si Lolo kaya malaki ang tiwala ko sa kanya at batid ko na hindi ako nito ipapahamak. Apat lang kami na nandito sa loob ng isang silid na halos mapuno ng libro, pati si nanay Asun na katiwala ni Lolo sa bahay nito ay nandito rin upang maging saksi daw sa magaganap na kasalan.“Sigurado ka ba sa nais mong mangyari kumpadre?” Anya ng lalaki bago ito tumingin sa aking mukha. Nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti din siya sa akin. Tulad ni lolo ay mukha din naman itong mabait. Hala sige kung hindi na talaga magbabago ang isip mo, simulan na natin.” Nakangiti niyang sagot bago sinimulang basahin ang hawak nitong libro.“Ikaw Zanella tinatanggap mo ba si Rafael bilang asawa mo sa hirap at ginhawa?” Nakangiti niya
“Iha, tandaan mo ang bilin ko, huwag na huwag kang lalabas ng gate. Natatakot ako na baka mamaya ay maligâw ka sa labas at mapahamak.” Ito ang mahigpit na bilin ni Don Rafael kay Zanella habang sinusuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Sasama na lang kami ni Sky.” Nakasimangot na tanong ng dalaga kaya naman napangiti si Don Rafael dahil pakiramdam niya ay para siyang may maliit na anak. “Pangako babalik ako kaagad, basta huwag mong susuwayin ang bilin ko, ha. Malawak ang bakuran at malaya kang gawin ang lahat ng gustuhin mo dito..” Ani ni Don Rafael na akala mo ay bata ang kausap kaya hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito. “Mangako ka na babalikan mo ako dito, hindi kasi ako kumportable kapag hindi kita nakikita sa bahay na ‘to. Ikaw lang kasi ang kaibigan namin dito ni Sky.” Malungkot na pahayag ni Zanell, nakadama ng awa ang matanda at wala sa loob na niyakap niya ito. Iniisip niya ngayon kung ano ang magiging kapal
“Ganito pala ang magiging ayos ng lamay ko sa oras na mamatay ako, hm, pero sa susunod maaari bang bawasan ninyo ang mga bulaklak? At ayoko rin ng larawan na ito, mas mainam kung gagamitin n’yo ang larawan ko sa aking silid.” Natatawa na bilin ni Don Rafael habang sinisipat ang lahat ng mga tao na umatend para sana sa huling lamay niya.“Akalain mo nga naman na nandito ka rin pala Mr. Romero? Sa kabila ng mahigpit na kompetensya ng ating mga kumpanya ay hindi mo pa rin ako natiis. Sadya talagang ang kapatawaran ay pinagkakaloob kung kailan patay na ang isang tao.” Matalinhaga na pahayag ng matanda ng makita niya ang mahigpit niyang kalaban sa negosyo. “Ngayon ako naniniwala Aragon na isa ka talagang masamang damo dahil nagawa mo pa ring makaligtas kay kamatayan.” Natatawa na sabi ni Mr. Romero habang naglalakad ito palapit kay Don. Rafael. “Ngayon ka lang tumama sa iyong sinabi.” Kapwa natawa silang dalawa sa tinuran ni Rafael. “Beuno, since na buhay ka pa naman ay kailangan mong b