Share

Chapter 6

“Papa!” Ang malakas na palahaw ni Gracia habang patuloy na hinahagod ng asawa nito ang kanyang likod. Maging si Esmeralda ay tahimik na umiiyak dahil sa masaklap na aksidenteng sinapit ng kanilang ama. Ngayong araw ng Lunes ay kumpleto ang buong pamilya sa loob ng mansion. Nagluluksa sila sa pagkamatay ni Don. Rafael. Iniisip nila na malabong makaligtas pa ito mula sa aksidente dahil matanda na ito kaya kahit hindi pa nakikita ang katawan ni don Rafael ay ipinagluluksa na ito ng lahat.

Nagulat ang buong bansa ng kumalat ang balita tungkol sa isang chopper na nag crash sa bahagi ng kabundukan ng Sierra madre. Tanging ang walang buhay na tauhan ni Don. Rafael ang nakita ng mga rescue operation mula sa sumabog na chopper. Nabigo sila na makita ang katawan ni Don. Rafael at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang bangkay nito upang mabigyan ng maayos na libing.

Malungkot na nakaupo si Alexander mula sa pang-isahang upuan habang nakatitig sa malaking larawan ng kanyang Abuelo na napapaligiran ng mga puting bulaklak. Ang puso niya ay puno ng pagsisisi dahil muling nanariwa sa kanyang isipan kung paano na makiusap ang abuelo para lang hawakan niya ang kumpanya ng kanilang pamilya. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga pambabalewala niya sa kahilingan ng matanda. Masyado siyang naging kampante at ipinagkatiwala ang lahat sa kanyang abuelo.

“Hindi ba’t masyadong maaga pa Attorney para basahin ang last will ni Papa?” Naluluha na tanong ni Gracia kaya halos sabay na napalingon sa kanyang direksyon ang tingin ng lahat.

“Ehem, pasensya na Ms. Gracia, ngunit naparito ako hindi para basahin ang habilin ng iyong Ama, narito ako para makiramay.” Anya ng abogado bago seryosong humarap sa malaking larawan ni Don. Rafael na nasa unahan at nagbigay galang. Natameme bigla si Gracia. Napahiya siya sa tinuran ng abogado dahil sa kanyang maling akala. Mula sa kabilang panig naman ng salas ay matalim ang ipinupukol na tingin ni Esmeralda sa kanyang kapatid.

“Hindi halata na sabik ka ng malaman kung magkano ang mamanahin mo mula sa ating ama, hmp.” Nang-uuyam na pahayag ni Esmeralda para sa kanyang kapatid. Tumaas ang kaliwang kilay ni Gracia at isang nang-uusig na tingin ang ibinigay sa nakatatandang kapatid.

“Really? And how about you? Hindi ba’t kahit buhay pa si Papa ay pinag planuhan na ninyo kung paano makukuha ang kumpanya?” Sarkastikong sagot ni Gracia na siyang ikinadilim ng mukha ni Esmeralda, habang sa pagitan ng mga ito ay tahimik lang na nakamasid si Rosario. Nais niyang pumagitna sa dalawa at awatin ang mga ito ngunit hindi niya magawa dahil mainit ang dugo sa kanya ng magkapatid.

“Enough! Kahit man lang sa huling pagkakataon ay bigyan n’yo ng respeto si Lolo.” Galit na singit ni Alexander na siyang nagpatigil sa dalawa. Biglang nalipat mula sa pintuan ang atensyon ng lahat dahil sa pagdating ng ilang mga pulis.

“Chief, anong balita? Seryosong tanong ni Alexander ng makalapit ang mga ito sa kanila.

“Negative, Sir, ayon sa mga tao ko ay sinuyod na nila ang buong lugar ng pinag bagsakan ng chopper ngunit wala silang nakita na anumang bakas ni Don. Rafael. Maaaring tinangay ng mabangis na hayop ang katawan ng iyong Lolo.” Malungkot na pahayag ni Chief, ang mukha niya ay kakikitaan mo ng pakiki-simpatya para sa mga naulila ng biktima. “Papa…” Ang malakas na sambit ni Gracia bagot ito humagulgol ng iyak. Mahigpit naman siyang niyakap ng kanyang asawa na si Manuel. “Mahabaging langit!” Ang tanging nasambit ni Esmeralda, hindi sila makapaniwala kung bakit sa kabila ng kabaitan ng kanilang ama ay sinapit pa niya ang ganitong klaseng kamatayan.

Niyakap ni Alexander ang kanyang ina dahil walang humpay ang pag-iyak nito. Nangibabaw ang pagtangis ng lahat sa buong kabahayan ng mansion. Maging ang mga katulong ay hindi na napigilan ang kanilang mga emosyon at napahagulgol din sila ng iyak. Saksi sila sa kabaitan ng matanda kaya labis ang kapighatian na kanilang nararamdaman.

Samantala…

“Lolo, d’yan ba tayo sa-sakay?” Namamangha na tanong ni Zanella habang sinisipat ang maganda at makintab kong sasakyan. Napangiti ako dahil sa kainosentihan nito, marahil ay nagustuhan niya ang puting kotse na nasa kanyang harapan. Pasalamat na lang kami at nakahanap kami ng taong maaaring mahiraman ng telepono kaya nakatawag ako sa bahay.

“Oo, anak, iyan ang magiging service natin tungo sa aking ancestral house.” Nakangiti kong sagot na siyang ikinamilog ng kanyang mga mata, sabay lingon sa akin.

“Seryoso ba talaga kayo diyan?” Nagugulumihanan na muling tanong niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang aking saliri at natawa na ako sa kanyang reaksyon.

“Bakit ayaw mo bang sumakay sa kotse na ‘yan?” Magiliw kong tanong, kaagad naman siyang umiling ng paulit-ulit bago alanganing ngumiti sa akin.

“H-hindi naman sa ganun, pero, kung sasakay tayo dyan ay siguradong mauubos ang pera ko at wala tayong kakainin sa mga susunod na araw. Pasensya na pero mahirap lang ako at walang kakayahan na ibigay kung ano ang gusto mo.” Anya sabay kamot sa kanyang ulo. Tuluyan na akong humalakhak ng tawa dahil sa nakakatuwang pagkatao nito. Maging ang mga tauhan ko ay natawa sa kanyang tinuran.

“Talagang nakaka-tuwa kang bata ka, Iha, hindi mo kailangan na magbayad dahil pag-aari natin ang sasakyan na ‘yan.” Nakangiting paliwanag ko sa kanya kaya nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga po?” Masaya niyang tanong, pagkatapos sabihin iyon ay inipit niya ang dalawang daliri sa pagitan ng kanyang bibig. Isang malakas na sipol ang ginawa nito na sinundan naman ng isang huni ng ibon mula sa masungit na alaga niyang agila.

Hanggang ngayon ay labis pa rin akong namamangha sa relasyon ng dalawang ito, talagang hindi kapani-paniwala para lang akong nasa isang fairytale. Namangha ang aking mga tauhan ng biglang dumaan ang isang malaking agila sa kanilang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay humapon ito sa balikat ni Zanell.

“Saan ka ba nagpupunta, Sky? Gusto mo bang maiwan?” Sermon ng dalaga sa kanyang ibon na wari mo’y tao ang kanyang kausap. Akmang lalapit sana ang aking mga tauhan upang kunin ang ibon ngunit mabilis na humakbang paatras si Zanella at matapang na tumitig sa aking tauhan. Maging ang agila ay tila hindi nagustuhan ang ginawa ng mga ito kaya mabilis kong itinaas ang aking kamay na siyang nag patigil sa kanilang paghakbang.

“Tandaan ninyo, walang sinuman ang maaaring lumapit o humawak sa kanila.” Mahigpit kong bilin na siyang kinatungo ng aking mga tauhan at kaagad na humingi ng tawad sa dalaga.

“Sumakay na tayo, anak.” Ani ko kay Zanella na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa aking mga tauhan. Halos ilang segundo ang lumipas bago ito nagdesisyon na pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang lulan kami ng sasakyan ay mataman kong pinagpaplanuhan ang lahat para sa kinabukasan ng batang ito. Naisipan kong sa ancestral house muna kami tumuloy at ilihim sa lahat na buhay pa ako. Kailangan kong masigurado ang kaligtasan ni Zanella bago ko siya iharap sa aking pamilya. At isa lang ang naiisip kong paraan para masiguro ang kaligtasan nito bago ko siya iharap sa totoong mundo na kung saan siya nararapat.

Kailangan na maikasal kami ng batang ito, kapag nangyari ‘yun ay magkakaroon siya ng karaptan sa lahat bg bagay at walang maglalakas loob na mang-api kay Zanella.”

Ito ang tumatakbo sa isip ni Don Rafael habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng natutulog na dalaga. Dahil batid niya na ang kainosentihan ni Zanella ang magpapahamak sa sarili nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status