Share

Chapter 13

Zanella’s Point of view

Hindi ko alam kung gaano na katagal kaming nakatitig sa isa’t-isa ng lalaking ito, at halos hindi na kumukurap ang mga mata ko. Gwapo sana ang lalaking ito pero kung makatingin ay parang gusto akong balatan ng buhay.

“Nay Asun, may galit ba sa akin si Alexander?” Pasimple kong bulong sa katabi kong matanda habang hindi ina-alis ang tingin sa mukha ng binata. Dahil sa sinabi ko ay bumunghalit ng tawa si nanay Asun na tila tuwang-tuwa sa kanyang narinig.

“Naku kang bata ka, kung ano-anong iniisip mo.” Natatawang sabi ni Nanay Asun bago lumingon kay Alexander. Kasalukuyan itong tahimik na nakaupo sa kabilang bahagi ng lamesa.

“Siya nga pala, anak, bakit nga pala biglaan ang pag-uwi mo dito?” Curious na tanong ni Nanay Asun na para bang kilala na nito ang binata.

“Ehem, Nay Asun, marahil ay hindi n’yo pa alam ang tungkol sa pagkamatay ng aking lolo na si Don Rafael.” Anya ng bruskong tinig nito, mabilis na lumayo ang aking likod mula sa sandalan ng bangko at gali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status