Share

The Accidental Girlfriend
The Accidental Girlfriend
Author: tamurokotafu16

Prologue

PROLOGUE

Third Person's Point of View

Sebastian Steve is not your typical guy that would go on his knees for the love of his life... because he never had a serious relationship before. Ever.

 

Girls for him is not something he should take seriously because for him, he's too young for love, and that love is not a race and so does marriage.

Nasa mall siya nang biglang nagring ang kanyang cellphone. He was supposed to stroll and meet some of his friends in a certain store and was planning not to answer any call but when he saw the caller I.D, he immediately answered the call.

"Mom..."

"Dalhin mo sa akin ang girlfriend mo kung ayaw mong makasal sa babaeng hindi mo kilala," bungad ng mama niya sa kabilang linya.

He was shocked kaya biglang umarko ang kanyang makapal na kilay.

 

"Ma! Sabi ko naman sa iyong wala akong serious girlfriend 'di ba? At saka masyado pa akong bata para sa kasal na iyan. I'm not even into in a serious relationsip and yet here you are, pushing me to find someone to marry with," aniya na may pagkainis sa tono ng boses.

Hindi niya talaga maintindihan ang kanyang ina kung bakit atat na atat itong ipakasal siya gayong hindi naman siya ganon katanda para magka-asawa na.

"Anong bata, ha? For God'sake, you're already 23 years old Steve and you are acting like a teen. Kung hindi mo madadala sa akin ang girlfriend mo in just 30 min., I'll announce to everyone that 2 weeks from now you will be having an engagement party and you will marry my friend's daughter," sabi ng mama niya at saka binabaan siya nito ng telepono.

Anong gagawin ko nito? Paano ako makakahanap ng girlfriend nito slash temporary gf kung nasa MALL ako? Saisip isip niya

Wala sa sariling napalakad lakad siya sa mall nang biglang may mabangga siya.

"Sorry kuya ha? Harang harang ka kasi sa daan eh!" sabi ng babaeng nakabanggaan niya.

Tiningnan naman niya ito mula ulo hangang paa.

"Hmmmnnn pwede na," sabi niya sa kanyang sarili.

Hindi naman ganito ang type niya ngunit dahil alanganin na siya sa oras, wala na siyang ibang maisip pa.

Agad niya namang hinablot ang braso ng babaeng nakabunggo sa kanya at hinatak ito papuntang parking lot.

"Get inside," sabi niya dito saka tinuro ang puting sasakyan na nakapark sa kanilang harapan.

"Hala kuya saan mo ako dadalhin? Nadumihan ba kita o nagasgasan ha? Wag mo naman akong ipakulong oh!" sabi ng babae at takot na nagmamakaawa sa kanya.

"I said get inside the car! My time is running," sabi niya naman at binuksan na ang passenger seat upang maupo na iyong babae.

Walang kibo namang sumunod sa kanya ang babae at nakatitig lamang sa mga bagay na gagawin niya.

Umikot naman siya at pumasok na sa loob ng kotse. Tiningnan niya muna ang kanyang relo bago pinatakbo ang sasakyan.

"Kuya dahan dahan naman sa pagmamaneho hindi ka naman halatang excited mamatay eh no?" dakdak pa ng babaeng kasama niya.

Hindi niya nalang ito pinansin at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho. Ilang minuto pa ay nakarating din sila sa bahay niya. Inihinto niya na ang kotse sa tapat ng kanilang bahay at pagkatapos ay pinagbuksan naman niya ng pinto ang babaeng kasama niya.

"WOW! Dito mo ba ako ikukulong?" sambit ng babae pagkababang pagkababa sa kotse. Inikot pa nito ang paningin sa kabuuan ng bahay na tila'y ginuguhit niya ito sa isipan upang hindi makalimutan ang kabuuan ng bahay niya.

Nangunot naman ang kanyang noo sa sinabi ng babaeng kasama pero napangiti din naman siya nang bahagya sa kaengotan nito.

Hinawakan niya ang kamay nito at hindi naman umalma ang babae na nagpatianod na lamang sa kanya. Hawak kamay silang pumasok sa loob ng bahay na siyang binungad ng limang kasambahay.

"Senora nandito na po ang anak niyo," rinig niyang sabi ng katulong nila na nasa hagdan papunta sa pangalawang palapag.

 

Kapansin-pansin ang mga bagong palit na bulaklak sa vase nila at konting palamuti na tila ba ay may pinaghahandaan.

"Oh ganoon ba? Sabihin mo sa kanya na mauna na sa dining room," sabi ng mama niya na hindi niya halos marinig.

"Sir, sa dining na lang daw muna kayo sabi ni Senora. Susunod lang daw siya mamaya."

Agad naman silang nagtungo sa dining room. Walang imik ang babaeng kasama niya kaya naman medyo nagtaka siya. Nilingon niya agad ito nang masiguro niyang wala na ang mga kasambahay nila sa paligid at tanging silang dalawa nalang ang makakarinig sa kung ano man ang maari nilang pag-usapan.

Tinitigan niya ang babaeng kasama niya at napansin niyang seryoso ang mukha nito. Kahit na walang kibo ay pansin parin niya ang hindi maipaiwanag na nararamdaman sa aura ng babae. Hindi niya sigurado kung natutuwa ba ito, natatakot o galit. Blangko ang ekspresyon sa mukha.

Nais niya sanang kausapin at mag-explain ngunit biglang dumating ang kanyang ina.

She was wearing a red dress. Nakashades rin ito na para bang nasa dagat at nasisilawan sa init ng araw. Pulang pula rin ang manipis nitong labi. Kung hindi niya lang ito nanay, iisipin niyang nasa trenta y singko pa ang edad nito.

"You are 5 minutes late so expect that I will never be considderate to you--" His mom was caught off guard when suddenly they both stood up.

Hindi niya alam pa ang gagawin basta bigla nalang lumabas sa kanyang bibig ang mga salitang kailan man ay hindi niya inakalang masasasbi niya sa harapan ng kanyang ina.

"Mom, meet my girlfriend."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status