Share

Chapter 5

SIERRA'S POV

Palipat lipat lang ako ng channel dahil wala talaga akong matipuhan na palabas ngayon.

Total sabado naman ngayon at walang pasok okay lang na humilata ako buong araw.

Nagpatuloy lang ako sa paglipat ng channel ng maagaw ang atensyon ko sa news nakastop kasi ako dito sa channel na ito which is about news.

"Ako po si Leon Suarez nag-uulat sainyo patungkol sa nawawalang anak ng ating kilalang business man na si Mr. Alonso Samaniego. Ang sabi po nito ay bigla nalang nawala ang kanilang anak ni Mrs. Samaniego dakong alas diyes ng gabi. Pinapasabi rin nito na kung sino man ang makakakita ng kanilang nag-iisang anak ay bibigyan ng isang milyong pabuya."

Agad na ipinakita sa Tv screen ang mukha ng anak ng mga Samaniego. Tuwid na tuwid ang itim at mahaba nitong buhok, matangos ang maliit niyang ilong, kulay pinagsalong asul at berde ang kanyang mata, sobrang puti, at sobrang pula pa ng maliit niyang labi.

Sobrang ganda nito kahit hindi ito nakangiti sa picture. Maria Hannah Samaniego ang pangalan nito base sa nakasulat sa tv screen.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sa tagal ng panahon ngayon lang nila ulit ako pinahanap. Oo ako si Maria Hannah Samaniego, ang nagiisang anak at tagapagmana ng mga Samaniego.

Tumakas ako sa poder ng aking mga magulang upang iwasan ang plano nilang pagpapakasal sa akin sa di ko kilalang tao pero kahit na nagpalayo layo ako at binago ko lahat ang ugali't anyo ko ay hindi ko naman ganun kabinago ang aking pangalan.

Magkasing tunog parin ng pangalan ko ang pangalan ko ngayon.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Isang milyon lang pala ang halaga ko eh sa sobrang yaman namin hindi iyan aabot sa kalingkingngan ng yaman namin. Inabot ko ang tissue at nagpunta na lang sa banyo.

Naligo ako at nag ayos pagkatapos. Ayokong magmukmuk nalang dito.

Napagdesisyonan kong pumunta nalang sa mall para makapagwindow shopping. Besides mayroon naman akong isang milyon sa atm ko na pinag iponan ko noon.

Dumiretso agad ako sa isang botique dito sa mall and namili ng mga damit. While I was busy finding a beautifull dress I accidentally bumped into a pretty lady , not to mention that I am way prettier than her.

I gave my sorry to her and so she is.

"May napili ka na?" A baritoned voice asked the pretty lady.

Unconsciously I looked at the man at the back who called the pretty girl and was shocked on what I saw I mean who I saw.

"Yes Babe, lets go I'm starving," the lady said and held his hand.

I am still in the state of shock when he didn't tried to talk to me nor glance at me.

The nerve of that guy. Steve I'm going to wreck your neck, jerk.

I was about to cry when I realized that I am not wearing my disguise. I am not wearing my Sierra look. Agad akong napatampal sa noo ko. Ay shunga din naman pala ako.

Buti nalang talaga at naka contact lens ako at kulot itong buhok ko. Kung hindi nako baka nareport na ako ng mga tao dito sa pulis at naging milyonaryo na ito.

Kaya pala tingin ng tingin ang taong mga nadadaanan ko. Akala ko pa na naman napapatulala sila dahil sa sobrang kagandahan ko eh yun pala natutulala sila dahil namumukhaan nila ako at sa isang milyong pabuya.

Maglalakad na sana ako ng makita kong bumalik si Steve at yung babae.

"I forgot to bring this with me," she said then stole the dress I was holding.

Napalingon ako sa kanya.

"Ahm, excuse me?" I asked

"Thanks, akala ko talaga may kumuha na nitong dress na natipuhan ko buti nalang at hawak mo lang," nakangiting sabi niya sa akin.

Bastos pala itong babaeng to. Nang-agaw ng bagay na hindi naman sa kanya. Oo, double meaning ito.

"You don't need to thank me-"

"No!, Thank you talaga kasi walang kumuha nito," sabi niya.

Naiinis na ako sa babaeng ito ha. Tama bang hindi ako patapusin sa pagsasalita?

I cleared my throat dahil baka kung ano ng lalabas dito sa bibig ko. I stand still and remain my poise.

"First you don't need to thank me because I am not giving this to you. Second you already left so this dress already belongs to me because if you didn't interrupt me kanina ko na yata nabayaran to. And lastly don't cut me off when I am talking, its like your not into school with that kind of manner. Anyway that's all I can only say and if you wouldn't mind, can you get out of my way cause your blocking it." I said to her then ngumiti ng pagkatamis tamis.

Nakita ko namang nakatutok sa akin si Steve na para bang inaalala kung nakita niya na ba ako. Tss mamaya magtutuos tayong dalawang babaero ka.

Dumaan ako sa gitna nila ng nagbigay na ng daan iyong babae. She's still speechless on what I've said. Nung ilang hakbang na ang nalakad ko ay bigla nalang may humablot sa braso ko.

Akala ko iyong babae kaya hinanda ko na ang sarili ko kung sakali mang sampalin niya ako pero hindi pala siya ang humablot sa akin kundi ang walang hiyang Steve pala.

"Have we met before or by any chance do I know you?" He then asked me.

Agad na may pumasok na kapilyohan sa utak ko.

"Yes we've met before, actually I'm your wife..." I said.

"From your dreams " at ibinulong ko sa kanya ang kadugtong.

Naiwan naman siyang tulala katulad ng kanyang girlfriend sa loob ng botique while ako nakangising naglalakad na papuntang parking lot matapos kung bayaran iyong dress.

Pakauwing pagkauwi ko ay agad kong inilagay sa closet ang dress at naglagay na ng cream sa katawan ko para umitim ito.

Pagkatapos ay sumalampak agd ako sa sofa at nanood ng palabas sa tv. Sarap na sarap ako sa kinakain kong Greenwich pizza. Aktong isusubo ko na sana ang huling piraso ng pizza ng biglang may kumuha nito at kinain.

Inis na hinarap ko si Steve na prenteng umupo sa sofa habang nakataas pa ang dalawang paa.

"Anong ginagawa mo dito?!" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

Humalukipkip ito at umayos ng upo sa sofa.

"Manonood ng tv kasama ang girlfriend ko. Bakit may problema ka ba doon girlfriend?" tanong niya sa akin.

Kung maka girlfriend tong kumag na ito akala mo hindi ko nakitang may kasamang kalandian kanina sa mall.

"Oo may problema ako doon," sabi ko sa kanya at tinuon na ang atensyon sa tv.

Gusto ko pa sanang idugtong ito 'sana hindi kana lang nagpunta dito at nagpatuloy ka na lang sana sa pag landi doon sa babaeng nasa mall kanina' ngunit pinigilan ko ang aking bibig dahil ayaw kong masabotahe ang plano ko.

"Bakit naman?" Balewalang tanong nito sa akin.

"Tss, pahiram nga ng cellphone mo" sabi ko sa kanya.

Tinignan niya muna ako bago kinuha ang cellphone niya.

Iniabot ko naman ito at himala walang password. Pagka-unlock ko bumungad agad sa akin ang wallpaper niya sa cp niya. Akala ko kung sino eh ako pala, yung sinundo niya ako sa school ko yun yung wallpaper niya.

Nag punta agad ako sa gallery niya at nakita ko ang maraming stolen shots ko doon. Napangiti naman ako nang palihim sa nakita ko. Aha! inlove pala sa akin itong mokong na ito ah.

"Di mo naman sinabi na may pagnanasa ka sa akin," sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa cp niya.

"Anong password nito?" tanong niya habang winawagayway ang cellphone ko.

Tss, gaya gaya.

"Kookie" maikling sabi ko.

Nangunot ang kanyang noo kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" tanong niya.

Naguluhan naman ako sa inasal niya.

"What?" I asked.

"Hindi naman tama ang password na binigay mo. Sabi mo Cookie eh yun pala hindi," naka pout na maktol niya sa akin.

Gusto kong matawa sa itsura niya dahil ang cute niya kaso pass muna kasi naiinis pa rin ako sa kanya.

"Eh hindi naman Cookie yun eh. Kookie as in letter K yung sa cookie," sabi ko.

Nagpatuloy lang ako sa pag titingin sa mga picture niya dito sa gallery niya ng biglang makita ko ang picture nilang dalawa nung babae kanina sa mall.

Ngiting ngiti ang dalawa habang kumakain at nagwiwindow shopping? Eh mukhang date iyon eh.

Napatingin ako sa kanya at ipinakita sa kanya ang picture nilang dalawa.

"Sino to?!"

"Who's this man?!"

Sabay naming sabi habang ipinapakita sa isa't isa ang cellphone namin. Ipinakita niya sa akin ang picture ni Jungkook while ipinakita ko naman ang picture nila sa babae kanina sa mall.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status