Share

Chapter 4

STEVE'S POV

I decided to fetch Sierra in her school. Wala lang I just felt the urge to fetch her.

"Salamat" sabi niya ng maihinto ko na ang sasakyan sa tapat ng condo niya.

Agad naman akong lumabas sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Seriously I'm not that gentleman to others but when it comes to her parang may sariling isip ang aking katawan na pagsilbihan siya geez!.

"Ay sus di mo na ako kailangan pag buksan ng pinto boyfie," sabi niya sa akin.Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.

Boyfie

Boyfie

Boyfie

It keeps on repeating inside my head and I somehow love it.

"Tsk," yan nalang ang nasabi ko at sinundan na siyang pumasok sa loob ng kanyang Condo.

"What's the password of your condo unit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya pabalik.

"If ever I went here and you are not here I will just simply went inside your condo." simpleng sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya sa sinabi ko. At first I thought that it will be hard for me to memorize her password but damn. I want to laugh my ass off.

"1111 lang ang pass code ng unit ko dahil madalas ko kasing makalimutan ang passcode nito kaya yan nalang ang pinili ko para madali," balewalang sabi niya sa akin.

Pagkapasok ko sa loob ng unit ay inilibot ko agad ang aking paningin. Nung nagpunta kasi ako dito ay hindi ko ito napagtuonan ng pansin.

Maroon red and white ang theme ng kanyang unit.

Pero agad ding napako ang paningin ko sa isang malaking litrato ng lalaki. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang marami pang litrato nito sa unit niya. Agad na nagsalubong ang aking kilay at kinompronta siya.

"Who is he?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang imahe ng lalaki.

"Huh?... Ahh asawa ko iyan," tila balewalang sabi niya sa akin na siyang ikinagalit ko nang husto.

"W-what? Di mo ba nabasa ang nakalagay sa contract??" tanong ko sa kanya.

"Binasa naman ngunit hindi mo naman inilagay doon ang bawal ang asawa, " sabi niya sa akin na siyang nagpalaglag ng panga ko.

"Y-you must be kidding me woman, aren't you?"

Ewan ko ba kung bakit ako nagagalit nang ganito pero gustong gusto ko talagang bugbugin ang mukha ng lalaking ito.

SIERRA'S POV

Ganun ba talaga kahirap paniwalaan na asawa ko si jungkook? Minsan na nga lang ako mangarap tapos ..... Hayyy.

"Joke lang boyfie to naman di mabiro, pero magiging asawa ko na din siya in the near future," sabi ko sa kanya habang nakataas baba ang aking mga kilay.

Naiimagine ko si Jungkook na naka tux ng white habang inaantay ako sa harap ng altar tapos sasabihin na namin iyong wedding vows namin then isusuot na namin iyong wedding ring namin tapos sasabihin na ng pari na you may kiss the bride, then hahawiin na niya ang bello at ayan na hahapitin na niya ang bewang ko tapos hahalikan na niya ako.Nakahanda na ang lips kong lumapat sa malambot niyang labi kung di lang sana ako inistorbo nitong si Steve.

"Tsk! Mas gwapo pa naman ako dun," bulong niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang sa kwarto ko para makapagbihis na.

"Mas gwapo naman ako doon diba?" tanong niya sa akin pagkalabas ko sa kwarto ko.

Tinignan ko naman siya pero ewan ko ba para akong matatawa sa mukha niyang parang nanghihingi ng candy.

"Mas gwapo siya," sabi ko at tinignan kung ano ang magiging reaksyon niya.

Umigting ang kanyang panga at umupo nalang sa couch habang nakataas pa ang kanyang mga paa.

Walang hiyang lalaki to kala mo kung sinong may ari ng condo.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Pasado alas 7 na kasi ng gabi tsaka nagugutom na din ako.Hindi niya ako kinibo.

Kaya nagtaka naman ako kung may nagawa ba akong kasalan sa kanya. Aha! Baka galit siya dahil sinabi kong may asawa ako, tapos pangiti ngiti lang siya kanina kasi ayaw niya lang sabihin sa akin.

Ehhhh baka nagiisip na siyang i-fired ako bilang girlfriend niya. Ayaw ko nun ...

Teka kailangan kong mag-isip.

"Boyfie, sorry na," sabi ko sa kanya habang sinusundot ang kanyang tagiliran. Walang epek.

"Babe sorry na wag mo nang pagisipan na i-fired ako oh" lambing ko pa. Napatingin naman siya sa akin ngunit hindi nagsalita bagkus ay mas lalo atang nagalit eh. Naku patay na ako nito.

"Sorry na baby," sabi ko.

Mayghaadd ang hirap suyuin ng higanteng ito.

"Sabihin mo muna na mas gwapo ako sa lalaking iyon," sabi niya sa akin ng nakapout. Laglag panga ako sa sinabi niya. Parang bata kung mag-inarte ang isang Steve Sebastian Montefalco.

Nag-isip naman ako nang mabuti. Hahaha ang totoo naman kasi mas gwapo talaga si Steve pero gwapo din naman si Jungkook.

"Ang gwapo mo, mas gwapo ka pa kay Jungkook baby," sabi ko sa kanya. Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"Magbihis ka dahil magdidinner tayo nina mama at papa," sabi niya sa akin

Napanganga naman ako. What? Kinakabahan akong makaharap ang Papa niya.

Patay na ako nito...

"Di ba pwedeng hindi nalang tayo makipagdinner sa parents mo?" tanong ko sa kanya.

Nangunot ang kanyang noo.

"At bakit naman?" tanong niya.

"Eh kasi.... ano...eh ...kinakabahan akong makaharap ang papa mo," nanginginig na sa nerbyos kong sabi sa kanya.

Humagalpak naman siya ng tawa.

"Ay Steve naman!!" pagmamaktol ko pa at para na nga rin akong maiiyak eh.

Tumingin naman siya sa akin ng magsimula na akong umiyak.

"S-sorry... eh kasi naman hindi nangangagat ang papa ko para matakot ka ng ganyan," sabi niya sa akin sa mahinahon na boses.

"Eh pinagtatawanan mo kasi ako... tsaka yun kaya ang nakikita ko sa mga teleserye no! Sobrang sasama ng ugali ng mga tatay nila," sabi ko sa kanya habang sumisinghot pa.

"Tss. ok ipapa-cancel ko nalang ang dinner at mag-oorder nalang tayo para dito na lang kumain," sabi niya sa akin.

Tumango naman ako at nakita ko naman siyang kinuha ang kanyang cellphone at nag dial. Mukhang tatawagan niya na ang kanyang magulang na hindi kami makakapunta sa dinner.

"What do you want to eat baby?" tanong niya.

Omggee kinilig naman ako sa tinawag niya sa akin.

"Ikaw nang bahala," sabi ko na lang at tumalikod na sa kanya dahil mukhang mapupunit na itong labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko eh.

"Cute," bulong niya pero di ko na narinig pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status