Share

Chapter 3

SIERRA'S POV

Naalimpungatan ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Tss 'yan ang ayaw ko eh, ang gumising nang maaga upang pumasok sa paaralan.

Kahit naman siguro hindi ako mag-aral hindi din naman ako maghihirap at saka feeling ko nagsasayang lang naman ako ng pera dito sa pag-aaral eh.

Haistt pero kahit na gustong gusto kong hindi mag aral ay hindi pa rin pwede dahil baka mapatay ako ng magulang ko.

Although kahit na umalis ako sa kanilang poder at dito tumuloy sa Condo na nabili ko noon hindi din naman ibig sabihin nun na wala na akong pakialam sa kanila.

Kauuwi ko lang noon galing paaralan ng tawagin ako ni dad at mom. Sinabihan akong pumunta daw ako sa office ni dad sa loob ng bahay namin pagkatapos kong magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ng damit dumiretso agad ako doon. Pagkapasok ko sa loob ng office ni dad agad nila akong pinaupo at kinausap.

"Sasha my daughter," paunang salita ni dad.

Tiningnan ko naman siya at si mommy ng may nagtatakang mukha. Sobrang seryoso kasi ni daddy eh and I find it so unusual.

"Please try to understand.... You know me and your mother together with our closest friend have a promise na pagnagkaanak kami ng babae at sila naman ay lalaki o di kaya ay ang sa amin ay lalaki tapos sa kanila ay babae, ay ipapakasal namin para magpatuloy sa mga pangarap at mga narating namin sa buhay," dad said while looking at me.

Hindi ko alam ang aking sasabihin o anong ere-react ko that time kaya sagad sagad ang naging desisyon ko.

"Why dad? Hindi niyo ba pwedeng baliin ang pangakong iyan? For Pete's sake I have my own life and I have my own dream."

"We can't do that Sasha," mom replied.

"Then I'll do it on my own," sabi ko sa kanila at umalis na doon.

At 'yun din ang araw na umalis ako sa poder nila. Buti nalang talaga at hindi nila alam na may binili akong condo dahil akala nilang sa kaibigan ko ito.

Hinayaan nila ako dahil daw para makapag isip ako kaya binigyan nila ako ng oras. Tse ! Orasin nila mukha nila no ayaw ko ngang matali sa arrange marriage na iyan. Nasa 20th century na tayo hindi na iyan uso.

Matapos kong maligo ay nag ayos na ako. Lumipat na din ako ng paaralan at inayos ko lahat. Pinalitan ko ang pangalan ko with the help of my friend na may tatay na abogado upang hindi ako mahanap ng magulang ko kung saka-sakali, pati ayos ko pinalitan ko narin.

Naglagay ako ng cream na siyang nagpapaitim ng aking balat actually hindi naman ganoon ka itim sadyang sakto lang. Pinakulot ko na din ang sobrang straight kong buhok and tsada tapos na din ako.

***

Pagkarating ko sa paaralan ko as usual nakatingin sa akin lahat well hindi ko naman sila masisi sobrang ganda ko kaya hihi.

Pumasok na ako sa unang klase ko. Pagkapasok ko palang sari saring reaksyon ang nakita ko. May nagulat, may nagtataka at higit sa lahat may hindi nakakakilala sa akin at sobrang nagandahan sa akin.

"Wohooo himala Sasha buhay ka pa" nakangising wika sa akin ni Sarah.

Umirap lang ako sa kanya.

She's Sarah Rivas unang nakaibigan ko dito. She doesn't know who is the real me ang alam niya lang isa akong transferee at tamad pumasok sa paaralan. Ang kaibigan ko namang si Juri Leigh Montecort yung may ari ng condo na binili ko is nasa paaralan ko noon parin pumapasok ngunit paminsan minsan rin dinadalaw niya rin ako. Marione Climente naman ang kaibigan kong tomboy. Siya ang dakilang bungangera sa amin tsaka kaklase ko siya ngayon dito at kasalukuyang siya ang aming top 1, akalin mo nga naman eh no? Aubrey Grace Perez ang mataray kong amiga, masasanay ka na lang tuwing magkikita kayo dahil mukhang nakipagkompetinsya sa mt. Everest sa sobrang taas ng kilay.

"Saan mo ba nakalap ang balitang patay na ako?" Tanong ko sa kanya habang umuupo sa upuang katabi ni Marione

"Edi saan pa ...kay Venice," si Aubrey na 'di mawala wala ang signatured eyebrows niya.

Napatingin naman ako kay Venice na prenteng nakaupo sa unahan namin.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nakinig nalang ako sa mga dinidiscuss ng prof namin. Sakto kasing dumating ito nang sinabi iyon ni Aubrey.

Matapos ang mahaba habang discussan ay dinismiss na rin kami.

"Mauuna na ako Ione, Aubrey, Sarrah!" sabi ko sa kanila habang kumakaway pa.

"Sige!" sigaw na pabalik nila sa akin

Nagsimula naman akong maglakad papalabas sa paaralan nang may naaninag akong lalaking papunta sa kinatatayuan ko?

"Miss me?" nakangising wika nito sa akin.

Tumingin naman ako sa paligid at baka hindi ako ang kausap nito. Nakita ko naman sa gilid ko sina Sarah, Aubrey, Ione na nakatulala. Nakita ko rin sa likod ko si Venice na halos mamatay sa kilig.

Ahh si Venice pala ang kausap nito.

Nagpatuloy ako sa paghakbang ko dahil hindi naman pala ako ang kausap nito pero agad din naman akong napahinto nang higitin niya ako payakap sa kanya.

"Don't act that way babe... your hurting me," ani nito matapos akong yakapin. Tinuturo niya pa ang kanyang dibdib na tila ba ay totoong nasasaktan.

Nagtataka ako sa kinikilos ng mokong na ito. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Nakabusiness suit pa ito at may suot na shades.

Pak ang hot ng loko.

"Bruha boyfriend mo?" tanong ni Aubrey.

Akala ko umuwi na sila?

"Kaya pala ayaw mong pumasok ha!" si Sarah naman.

Tumingin naman ako kay Ione at baka makakuha pa ako ng matinong tanong.

"Sht. Sasha diba sabi ko sayo aral muna?"

Napamakeface naman ako sa sinabi niya. Hayy kahit kailan hindi talaga mawawala ang aral sa kanya.

"To answer your question, miss, yes, I'm her boyfriend and please don't call my girlfriend bruha," sabi ni Steve.

Napanganga naman ang mga kaibigan. The way he delivered his words fck it's so sexy that I think I might fall.

"Honey ako ba ang hanap mo?"

Napalingon naman ako sa likod ko nang magsalita si ...Venice?

Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. Anu daw? Nagpapatawa ba siya?

Tumingin naman si Steve kay Venice nang nakakunot ang noo.

"Excuse me?" blankong turan sa kanya ni Steve.

"I said, hinahanap mo ba ako?" Venice replied seductively. Para akong masusuka sa pinagsasabi niya, napakalandi.

"Why would I?" pabalang na sabi ni Steve kay Venice before shifting his gaze on me.

Hahaha serves her right.

"Babe let's go."

Umangkla naman ako sa braso ni Steve at binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko.

"Guys I'll talk to you tomorrow," sabi ko sa kanila.

Tumango naman sila kaya naglakad na kami papuntang parking lot dito sa paaralan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umupo sa driver's seat.

"Bakit ka nga pala pumunta dito?" tanong ko nang makaupo na siya sa driver's seat.

"Sinusundo ko ang girlfriend ko," kaswal na sagot niya.

Kumunot ang aking noo.

"Eh ano pang ginagawa mo? Sunduin mo na ang girlfriend mo."

"Ginagawa ko na. Sinundo ko na ang girlfriend ko, katunayan nakaupo na nga siya sa passenger's seat eh," sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa kinauupuan ko. Sht naupuan ko ba ang girlfriend niya? Pero wala naman akong nakitang nakaupo dito kanina.

"Silly. Ikaw.ang.girlfriend.ko," sabi niya habang dinidiinan ang salitang 'ikaw ang girlfriend ko'.

Doon ko lang naalala na ako nga pala ang girlfriend niya.

Correction, hired temporary girlfriend.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status