Share

Chapter 2

SIERRA's POV

Nakatingin sa akin ang mga tao dito sa loob ng mall habang ako ay naglalakad. Feeling ko, inggit sa beauty ko itong mga babaeng nang-iirap sa akin.

"Sierra?" tanong ng aking manager na si manager Bob.

Nasa loob na kasi ako ng opisina niya dito sa loob ng mall at ang mokong di ako nakilala agad.

"Yes, the one and only beautiful, Sierra Satianah Alvarez," sabi ko sa kanya at napatingin na din ang ibang mga ka office mate niya.

The hell I care with them.

"You're so beautiful Sasha," bulalas niya matapos akong suriin at talagang tinawag pa ako sa aking palayaw.

"Yeah, I know."

"Anyway, what brought you here?" nakangiting wika nito sa akin.

Agad naman akong ngumiti ng napakatamis-tamis.

"I just want to say thank you kasi finired mo ako kahapon."

Nangunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Kasi kung hindi mo ako finired kahapon hindi ako magkakaroon ng magandang trabaho," sagot ko sa kanya nang nakangiti pa rin.

"Anong klaseng trabaho naman ang nakuha mo?" he asked again, but this time, with an amusement written all over his face.

Hah!! Anong akala niya sa akin walang makikitang trabaho dahil natutulog lang ako palagi? Tse ang sabihin niya inggit siya sa beauty ko.

"Nah! Secret," sabi ko.

Nagpaalam na din ako sa kanila matapos ko silang palamunin ng sobrang daming pagkain.

Napadaan pa ako sa isang salamin dito sa loob ng mall. May nakita akong isang babaeng nakasuot ng white blouse na mayroong kulay black na design and a high waist short. Sobrang ganda ng babaeng nakikita ko, bagay na bagay sa kanya ang kulay brown na buhok na wavy.

Hindi siya kaputian pero may taglay siyang ganda na inyong kaiinggitan. Pinisil ko ang aking pisngi dahil mukhang nananaginip ako eh.

"Aww!" Hiyaw ko. Letse ako pala iyong magandang babae sa salamin? Kaya pala ang ganda hehehe.

I decided to go back sa condo ko. Gusto kong magpahinga dahil for sure bukas na bukas tadtad na naman ako sa assignments at sermon ng aking mga profs.

The moment I stepped out from the elevator ng condo unit ko, I saw a gorgeous man standing in front of my unit's door. I gulped when I saw his jaw move up and down. Damn he's hot as hell. Char, kung makakumpara naman ako parang nakapunta na sa impyerno.

I stared at him for almost five minutes. God he has perfect features. Red lips, matangos ang ilong and most of all he has a well built body. Jusko dai mamamatay tayo sa kakatingin sa kanya.

"Will you just stare at me?" masungit na sabi nito.

Hmmp kung di ka lang gwapo.

Umirap na lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng condo ko.

"How can you afford an expensive condo unit like this?" tanong nito sa akin.

Agad na naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Anudaw di ko maafford ang ganito ka ganda na condo? Minamaliit niya ba ako?

"Amh.... You know di ka naman ganyan ka yaman" sabi nito atsaka napakamot sa ulo.

Ang cute naman niya sa gesture na iyan pero hindi niya ako madadala sa pakyut niya. Masiyado niya akong ina-underestimate!

"Hindi nga ako mayaman ngunit mayaman ang nanay at tatay ko," sabi ko sa kanya habang nagwawalis.

Tumango naman siya at hindi na nagtanong ulit.

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko matapos kong magwalis.

Dinampot ko naman yung towel sa gilid ng sofa at pinunasan ang aking noo.

"Don't you remember?" tanong nito.

Heh! Tama bang sagutin ang tanong ko ng isang tanong din?

"Huh? Wala naman akong maalala," nagmamaangang sabi ko. Heh manigas siya diyan.

"Really?" tanong niya ulit.

Ayy ang kulit din ng lahi nito eh no?

"Sabi ko nga diba hindi!! Paulit ulit?"

Nakita ko naman siyang nagpipigil sa pagngiti. Anong nginingiti nitong kumag na ito?

"Okay if you really don't remember it then I'm going to tell you this again."

Pabitin epek pa.

"So I am here to discuss the rules of our contract okay," sabi nito sa seryosong tinig.

"I know." sabi ko sakanya.

Laglag panga naman siya ng marinig iyon.

"Akala ko ba di mo maalala?" kunot noong tanong niya.

Agad naman akong naghanap ng magandang alibi.

"Ngayon ko lang naalala nung sinabi mo" sabi ko.

Tumango siya ngunit di parin mawala sa mukha niya ang hindi pagpaniniwala sa aking sinabi.

"Okay, here basahin mo na lang tinatamad ako eh," nakangising sabi niya saka tumihaya sa mahabang sofa ko sa sala.

Teka gumaganti ba itong mokong na ito?.

Naniningkit ang aking mata na kinuha ang papel na may nakasulat na mga rules at binasa iyon.

'Rule no. 1 You should always be here by my side.

Rule no. 2 You are not allowed to have flings/boyfriend when you are still committed to me.

Rule no. 3 You should text me every hour or seconds if needed.

Rule no. 4 You should always attend the family dinner.

And lastly

Rule no. 5 You should not fall in love with me'

I Sebastian Steve Montefalco, will be the only one who has the right to change this rule, and if ever you violated one of this rule, this contract will be no longer enforceable.

Signed by: Sebastian Steve Montefalco

Signed by: Sierra Satianah Alvarez

Pagkatapos kong basahin humarap agad ako sa mokong na ito na sobrang laki ng ngisi.

"What? don't you like the rules?" tanong nito sa akin nang hindi mawala wala ang ngisi sa kanyang labi.

"Wag mo akong whatwhat-tin ha! Porket pabor sa iyo lahat ng rules kung makangisi ka eh parang wala ng bukas!" galit na sumbat ko sa kanya.

"Oh easy there Babe," sabi nito sa akin sabay kindat.

Umirap nalang ako sa kanya at pinirmahan ko nalang ang kontrata dahil wala din naman na akong choice.

"Oh tapos na! Makakaalis ka na!" sabi ko sa kanya at pinagtutulakan na palabas sa condo ko.

"Hahaha ang sadista naman nitong girlfriend ko pakiss nga," sabi nito sa akin sabay nguso ng kanyang labi at akmang hahalikan ako.

Ngunit agad kong sinara ang pinto ng aking condo kaya ayun naghalikan sila ng pinto ko.

STEVE'S POV

I can't believe her. First time na nareject ang kiss ko sa isang babae kung ibang babae siguro ang nasa katayuan niya kanina siguro naglupasay na iyon sa kilig but damn she's so unbelievable.

First time na hindi umepekto ang karisma ko.

First time na tinaboy ako ng isang babae.

First time na senermonan ako ng isang babae (except my mom).

And lastly  first time kong ngumiti nang dahil lang sa isang babae.

My phone rang and I immediately answered the call.

"Sir, you have an appointment with Mr. Chan at 2pm," my secretary said as soon as i answered the call.

"Okay, I'm heading back to the office," I replied before ending the call.

I took a glance once on her unit's door before leaving.

Damn, this girl is really unbelievable.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status