Share

Chapter 4 Don't Mess With The Short-tempered doctor

Third person point of view

Hinihingal na napahawak siya sa mga tuhod niya pagkarating niya sa kwarto ng pasyente niya.

Nakasarado ang pinto pero kitang-kita sa hallway na kinatatayuan niya ang magulong paligid na animo'y dinaanan ito ng signal number three na bagyo.

Pagkatapos magpahinga ng ilang segundo ay huminga muna siya ng malalim bago malakas na binuksan ang pinto.

Sa pagbukas niya ng pinto ay parang nag-slow motion ang paligid niya, nagsimulang manginig ang katawan niya at bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay mabilis niyang sinugod ang nakita niyang lalaki na nakatalikod sa kaniya.

Pagkalapit niya dito ay inundayan niya ito ng magkakasunod na suntok dahilan para mabitawan nito ang isang babae na halos kaedad lang ng bunso niyang kapatid.

"What the fvck!" Mura nung lalaking sinuntok niya.

Galit itong humarap sa kaniya, pero pagtama ng mga mata nito sa kaniya ay nawala ang galit nito at napalitan iyon ng malaking ngisi.

"Maganda ka-" sambit nito na kaagad niyang pinutol sa pamamagitan ng pagpapasalamat dito.

"Why thank you."

Sumama ang timpla ng mukha nito at napipikon na sinugod siya.

"Pero, hindi ko gusto ang pagigingn pakialamera mo!" Sigaw nito kasabay ng pagpapakawala ng malakas na suntok.

Hindi siya kaagad nakaiwas dahil sa bilis nito. Mariin siyang napapikit pero walang kamao ang tumama sa kaniya.

"Sa susunod ay huwag kang basta-basta nalang sumusugod," playful na sambit nito pero may halong diin sa bawat kataga.

"Nandito na pala ang hinihintay natin eh?"

Kung playful na ang pagkakasambit ng sumalo ng suntok para sa kaniya ay doble non ang way ng pagsasalita ng lalaking sinuntok niya.

"Tsk! You did great messing this place up, Calvin," sagot nito na bahagya pang iginala ang paningin sa magulong paligid.

"Hindi lang iyan ang kaya kong guluhin Alisson. I can also mess up that brat over there," nakangising sagot nito habang nakatingin sa kaniya na puno ng pagnanasa.

Nangilabot siya pero napaikom ang mga kamay niya at parang may sariling buhay ang mga paa niya na kusa nalang umigkas para sipain ito.

"Gago, bastos ka!" Sigaw niya habang tinititigan ng masama ang lalaki na ngayon ay namimilipit na sa sakit dahil tinamaan ng sipa niya ang mukha nito.

Kaagad na sumugod papunta sa kaniya ang mga tauhan nito pero isang titig lang ni Alisson ay nagsitigil na ang mga ito at parang maamong tupa na pinuntahan ang boss nila at inakay palabas ng kwarto.

Pero bago tuluyang lumabas ay itinuro siya ng pinakapinuno nito, "hindi pa ako tapos sa iyo, gagantihan kita!" Pagbabanta nito bago paika-ikang umalis.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila pagkatapos nilang maiwan sa kwarto.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Alisson sa kaniya.

"Ye-"

"Leslie, are you okay!?" Papasagot pa lang sana siya sa tanong ni Alisson ng maputol iyon dahil sa malakas na boses ni Ethan.

Imbes na sumagot pa sa tanong ni Alisson ay hinarap nalang niya si Ethan na puno ng pag-aalalang nakatingin sa kaniya.

Tumango siya sa tanong nito.

Napahinga ito ng maluwag at saka siya dinamba ng yakap, "hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa iyo," sambit nito habang mahigpit na nakayakap sa kaniya.

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin.

"Ehem!"

Natigilan siya ng makarinig siya ng malakas na pagtikhim pero si Ethan ay parang wala lang para dito ang tikhim na iyon.

"Huwag mo na ulit gagawin iyon, dahil sigurado na itatali na kita sa bahay huwag ka lang mapahamak."

Nakaramdam siya ng saya dahil sa pagiging protective nito.

Tumango siya, "promise hindi ko na uulitin," sagot niya.

"Tss, hindi naman bagay.

Napakunot ang noo niya at tuluyan ng bumitaw mula sa pagkakayakap sa boyfriend niya ng marinig niya ang tahasan na pagsasalita nitong si Alisson.

"Anong sinabi mo?" May halong paninita na tanong niya.

Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya.

Bigla naman siyang na-conscious at pakiramdam niya ay ibig ng lumabas ng puso niya sa kaniyang dibdib.

Pinakalma niya ang sarili habang hinihintay ang isasagot nito, maging si Ethan ay natuon na rin ang atensyon dito.

"Ang sabi ko ay hindi kayo bagay," tahasang sagot nito

Napanganga siya habang ang kasintahan niya ay kumuyom ang mga kamay at parang gusto ng sugurin si Alisson.

Mariin niyang hinawakan ang kamay ng boyfriend niya.

Tumingin ito sa kaniya, nanghihingi ng pahintulot pero umiling lang siya.

Kaagad na bumakas ang pagtutol at disappointment sa mga mata nito, pero naging matigas siya sa desisyon niya kaya naman kahit tutol ay wala itong naagawa kung hindi ang tumango.

Palabas na sana sila ng hospital room ng biglang bumukas ang pinto dahilan para mapatigil silang dalawa.

"Son, where have you been? Nalibot na namin ang buong hospital pero hindi ka namin mahanap. Hindi mo ba naisip na nag-aalala kami ng Mommy mo!?" Hinihingal na ito pagkatapos nitong magsalita.

"I'm good old man so no need to fret about it," matalim na sagot nito.

kaagad na nagpantig ang tenga niya. Galit na hinarap niya ito at dinuro, "hoy lalake!" Bulyaw niya rito.

Kaagad naman bumaling ang nayayamot na tingin nito sa kaniya.

Kumulo ang dugo niya at nakaramdam siya ng kagustuhan na saktan ito.

Mariin niyang ikinuyom ang mga kamay para mapigilan ang sarili.

"May sasabihin ka ba?" Tanong nito habang yamot na yamot.

"Huwag kang bastos sa magulang mo! Hindi mo alam na dahil diyan sa pagiging basagulero mo ay inilagay mo sa kapahamakan ang buhay ng mga nandito sa hospital!

Natahimik ito at tinitigan siya ng ubod ng talim.

"Ganiyan nga manahimik ka dahil bata ka lang!" Muli ay aniya dito na may halong pang-iinsulto.

Tinignan lang muna niya ang ama nito at tinanguan bago niya hinila ang boyfriend niya palabas.

Pagkalabas nila ng kwarto ay muli siyang hiarap ni Ethan. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito kaya naman para mabawasan na ang alalahanin nito ay mabilis niyang dinampian ng halik ang mga labi nito. Bagay na hindi niya madalas ginagawa.

"Huwag ka ng mag-alala, okay lang ako," sagot niya habang hindi makatingin dito ng diretso. Pihado niya kasi na kasing pula na ng kamatis ang mga pisngi niya.

"I love you babe, hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa iyo," sambit nito.

Hindi niya alam kung bakit sa halip na kilig ay hiya ang naramdaman niya, siguro ay dahil wala naman nagsasabi ng I love you sa kaniya since she was a kid at hindi din naman showy si Ethan. Magsabi man ito ng I love you ay kapag sila lang dalawa.

"Ayieh!"

Mabilis na bumaling ang ulo niya pakaliwa at doon lang niya napansin na sobrang dami na pala ang nakatingin sa kanila at isa na doon ang director nitong hospital na sobrang laki ng pagkaka-ngisi.

Mas lalo siyang namula dahil sa kahihiyan.

Napailing nalang siya, "magsibalik na kayo sa trabaho ninyo!" Sigaw niya.

Parang mga daga na nagpulasan ang mga staff na nakakakita sa kanila tanging ang natira nalang ay si Doctor Chen.

Umirap siya rito at tinalikuran na ito, pero bago siya tuluyang umalis ay hinila niya ang boyfriend niya.

"Let's go home, I'm pretty tired," suhestyon niya na kaagad naman nitong tinanguan.

___

Pagkarating sa parking lot ng hospital kung saan nakalagak ang sarili niyang kotse ay pinagbuksan siya ni Ethan ng pinto.

"Anong oras ang duty mo bukas?" Tanong ni Ethan sa kaniya.

"Graveyard," sagot niya at pasakay na sana sa kotse ng pigilan siya ni Ethan.

Dahan-dahan itong yumuko habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

Kinabahan siya pero hindi siya umalis hinintay lang niya kung ano ang gagawin nito.

Sa bawat paglapit ng mukha nila sa isa't-isa ay mas tumitindi ang pagpipigil niya ng hininga at nung halos kalahating dangkal nalang ang layo ng mga labi nila sa isa't-isa ay tuluyan na siyang pumikit at hinintay na magdaop ang kanilang mga labi.

"Hoy, bawal ang sex dito sa parking lot!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status