Third person point of view"Mommy, you are so beautiful po."Nakatayo si Leslie sa harapan ng nakasaradong pinto bg simbahan kung saan mangyayari ang kasal niya ngayong araw.Puno ng kasiyahan ang puso niya habang katabi niya ang anak niya pero ramdam niya na parang may kulang. Isa sa mga naging tradisyon ng filipino na kasama ang magulang sa paglalakad sa altar pero ngayon ay iba dahil anak niya ang kasama niya."You are crying Mommy," komento ng anak niya.Pinalis niya ang luha niya at nakangiting tinignan niya ang anak niya, "huwag mong intindihin si Mommy anak miss lang niya yung mga Lolo's and Lola's mo," sagot niya dito.Malawak na ngumiti ang anak niya sa kaniya, "let's go na po Mommy!" Excited na sambit nito at inakay siya.Napapantastikuhan na tinitigan niya ito pero kalaunan ay ngumiti nalang siya at nagpatangay sa ginagawa nitong pag-akay sa kaniya.Nagsimula silang maglakad papunta sa nakasaradong pinto ng simbahan."Mommy wait lang po," anito na pinatigil siya sa paglala
Third person point of viewFive months later..."Alisson!!!" Sigaw ni Leslie ang pumuno sa buong delivery room. "Fvck! Fvck! My wife," malulutong na napamura si Alisson habang kinakabahan na nagpapabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng delivery room. Kasalukuyang nasa loob ng delivery room si Leslie dahil manganganak na ito sa bunso nila. Hindi niya alam ang gagawin, kanina pa niya tinawagan ang parents nila pero ang sabi ng mga ito ay nasa cavite pa dahil sa isang business trip. Na-stuck daw ang mga ito sa traffic."Calm down bro," pagpapakalma ni Arisson sa kaniya.Napatingin siya dito at sa asawa nito na kalmado lang na nakaupo sa isang mahabang metal na upuan."Paano ninyo nagagawang maging kalmado? Nasa bingit ng kapahamakan ang asawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito.Pinagtaasan siya ng kilay ni Joana Mei bago inirapan, "napagdaanan na ni Leslie iyan sa una ninyong anak kaya pwede ba kumalma ka dahil baka sipain kita palabas!" Singhal nito sa kaniya.Nanghihin
Third person point of view"Doc Leslie! Doc Leslie!"Napaigtad si Leslie mula sa pagkakadukdok sa lamesa niya ng makarinig siya ng malakas na sigaw na may halong pagmamadali.Kaagad na sumama ang timpla niya ng makita niya ang isang babaeng nurse na para bang nakipag-wrestling dahil sa sobrang gulo ng buhok at damit. Sa isip-isip niya ay sobrang hapo na nga siya sa magkasunod na operasyong ginawa niya ay dadagdag pa ang mga tao na mukhang hindi naturuan na mag-ayos."Hindi ba uso ang suklay at plantsa sa inyo?" May katalimang tanong niya.Kaagad na namula dahil sa pagkapahiya ang nurse at pasimpleng inayos ang gusot na damit at buhok."Pasensya na po Doc, nagmamadali k-""Ano ang kailangan mo sa akin?" Pamumutol niya sa mukhang mahabang sasabihin nito."P-Pinapatawag po k-kayo s-sa opisina ni D-Doctor C-Chen," kabado at putlang sagot nito.Napangiwi siya at nakaramdam ng kagustuhan itong saktan pero pinigilan niya ang sarili niya. Sa halip ay itinuro niya dito ang nakabukas na pinto.D
Third person point of viewGulat na napatingin sa gawi nila ang lalaking tinawag na Alisson. Mabilis nitong itinulak ang nurse na nasa ibabaw nito.BLAG!Lumikha ng malakas na tunog ang pagbagsak ng nurse sa sahig."Nurse Constantino, I want to see you in my office, now!" Director Chen's voice boomed into the four corners of this hospital room.Nakita niya ang pamumutla ng nurse bago tumayo at tumakbo palabas ng hindi manlang sila tinatapunan ng tingin."Nakita mo ba yung ginawa mo!?" Singhal ni Mr. Aballe habang tinuturo ang pintuan na nilabasan nung babaeng Nurse.Nagkibit balikat ito na para bang hindi importante ang galit ng sariling ama.Iginala nito ang paningin sa kabuuan ng room hanggang sa bumagsak ang kulay itim nitong mga mata sa kaniya.Ngumisi ito at tinitigan siya ng malagkit kasabay ng pagpasada ng dila sa pang-ibabang labi.Tinitigan niya ito na parang isa lamang itong pader. May angking kagwapuhan ang binata, mula sa matangos nitong ilong, makinis na mukha na animo ay
Third person point of viewNaglalakad palabas ng hospital si Leslie. Kakatapos lang ng duty niya at ngayon ang oras ng pagkikita nila ni Ethan.Pagdating niya sa garden kung saan sinabi nito na magkikita sila ay nakita niya ito nakaupo sa bench habang abala sa pagtanaw sa malayo habang naka-dekwatro.Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran, "kanina ka pa?" tanong niya dito.Umiling ito, "nope, kakarating ko lang din, mas nauna lang ako sa iyo ng ilang minuto," paliwanag nito.Naglakad siya at naupo sa tabi nito, "how's your day?" Tanong niya."Dull, I miss you," naka-pout na sagot nito.Napangiti siya at kinurot ang bibig nito, "mine is really tiring."Nag-aalalang tumingin ito sa kaniya, "I heard about your new patient, is he nice?" Kaagad na sumama ang timpla niya pagkarinig sa tanong nito. Muli na naman kasi niyang naalala ang babaero na iyon."Tch!" Ingos niya dahil sa inis na bumabalot ngayon sa sistema niya."Something wrong, you know you can tell me everything," mahinang
Third person point of viewHinihingal na napahawak siya sa mga tuhod niya pagkarating niya sa kwarto ng pasyente niya. Nakasarado ang pinto pero kitang-kita sa hallway na kinatatayuan niya ang magulong paligid na animo'y dinaanan ito ng signal number three na bagyo.Pagkatapos magpahinga ng ilang segundo ay huminga muna siya ng malalim bago malakas na binuksan ang pinto.Sa pagbukas niya ng pinto ay parang nag-slow motion ang paligid niya, nagsimulang manginig ang katawan niya at bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay mabilis niyang sinugod ang nakita niyang lalaki na nakatalikod sa kaniya.Pagkalapit niya dito ay inundayan niya ito ng magkakasunod na suntok dahilan para mabitawan nito ang isang babae na halos kaedad lang ng bunso niyang kapatid."What the fvck!" Mura nung lalaking sinuntok niya.Galit itong humarap sa kaniya, pero pagtama ng mga mata nito sa kaniya ay nawala ang galit nito at napalitan iyon ng malaking ngisi."Maganda ka-" sambit nito na kaagad niyang pinutol sa p
Third person point of view"Hoy! Naistorbo ko ba kayo?" Nakangising tanong ni Alisson na siyang pumigil sa tangka nilang paghahalikan ni Ethan."Magpasalamat ka at pasyente ka dito at major benefactor ang pamilya mo rito dahil kung hindi ay masasaktan ka sa'kin," may halo ng pagbabanta na sambit ni Ethan.Napatapik siya sa noo dahil tuluyan ng nawalan ng pasensya ito."Oh talaga? Tss, tapang natin ah, hindi mo ba nakita yung nangyari kanina?" buong pagmamalaki namang sambit nito na talagang ipinamuka pa sa boyfriend niya ang nangyaring gulo kanina."Wala ka naman ginawa diba? Girlfriend ko yung gumawa non para sa iyo."Nag-iba ang timpla ni Alisson at nakita niya ang madilim nitong aura kaya naman hinila nalang niya si Ethan para maiwasan na ang malaking gulo."Ethan, go to your car now. Uuwi na ako," sambit niya dito.Hesitant pa ito dahil ayaw siyang iwanan pero kalaunan ay tumango ito at tumalikod pero bago tuluyang umalis ng parking lot ay isang nakamamatay ng tingin at nang-iinsul
Third person point of view Abala si Alisson sa pagtipa sa laptop niya ng maramdaman niya ang isang mahinang yabag at kasunod niyon ay may biglang nagsalita. "Young Master Alisson, nandito na po ang lahat ng mga kailangan ninyong malaman tungkol kay Doctora Leslie," sambit ng butler niya at ibinaba ang isang folder.Kanina pa siya nakauwi after niyang puntahan ang kaibigan niyang si Sheena, sa condo na niya siya dumiretso imbes na bumalik sa hospital kung saan dapat siya sanang mag-stay pero dahil hindi niya gusto ang ambiance sa hospital ay dumiretso na siya sa condo niya ng walang paalam sa Daddy niya."Ilapag mo nalang diyan ako na ang bahala," utos niya ng hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang laptop.Mayroon kasi siyang tinatapos na trabaho kaya naman hindi niya kailangan ng distraction. Narinig niya ang yabag nito kasunod ng pagbukas at sara nung pinto. Ilang segundo matapos lumabas ng butler niya ay tumunog ang cellphone niya.Tinignan niya iyon at kaaad na napaikot ang mg