Third person point of viewHinihingal na napahawak siya sa mga tuhod niya pagkarating niya sa kwarto ng pasyente niya. Nakasarado ang pinto pero kitang-kita sa hallway na kinatatayuan niya ang magulong paligid na animo'y dinaanan ito ng signal number three na bagyo.Pagkatapos magpahinga ng ilang segundo ay huminga muna siya ng malalim bago malakas na binuksan ang pinto.Sa pagbukas niya ng pinto ay parang nag-slow motion ang paligid niya, nagsimulang manginig ang katawan niya at bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay mabilis niyang sinugod ang nakita niyang lalaki na nakatalikod sa kaniya.Pagkalapit niya dito ay inundayan niya ito ng magkakasunod na suntok dahilan para mabitawan nito ang isang babae na halos kaedad lang ng bunso niyang kapatid."What the fvck!" Mura nung lalaking sinuntok niya.Galit itong humarap sa kaniya, pero pagtama ng mga mata nito sa kaniya ay nawala ang galit nito at napalitan iyon ng malaking ngisi."Maganda ka-" sambit nito na kaagad niyang pinutol sa p
Third person point of view"Hoy! Naistorbo ko ba kayo?" Nakangising tanong ni Alisson na siyang pumigil sa tangka nilang paghahalikan ni Ethan."Magpasalamat ka at pasyente ka dito at major benefactor ang pamilya mo rito dahil kung hindi ay masasaktan ka sa'kin," may halo ng pagbabanta na sambit ni Ethan.Napatapik siya sa noo dahil tuluyan ng nawalan ng pasensya ito."Oh talaga? Tss, tapang natin ah, hindi mo ba nakita yung nangyari kanina?" buong pagmamalaki namang sambit nito na talagang ipinamuka pa sa boyfriend niya ang nangyaring gulo kanina."Wala ka naman ginawa diba? Girlfriend ko yung gumawa non para sa iyo."Nag-iba ang timpla ni Alisson at nakita niya ang madilim nitong aura kaya naman hinila nalang niya si Ethan para maiwasan na ang malaking gulo."Ethan, go to your car now. Uuwi na ako," sambit niya dito.Hesitant pa ito dahil ayaw siyang iwanan pero kalaunan ay tumango ito at tumalikod pero bago tuluyang umalis ng parking lot ay isang nakamamatay ng tingin at nang-iinsul
Third person point of view Abala si Alisson sa pagtipa sa laptop niya ng maramdaman niya ang isang mahinang yabag at kasunod niyon ay may biglang nagsalita. "Young Master Alisson, nandito na po ang lahat ng mga kailangan ninyong malaman tungkol kay Doctora Leslie," sambit ng butler niya at ibinaba ang isang folder.Kanina pa siya nakauwi after niyang puntahan ang kaibigan niyang si Sheena, sa condo na niya siya dumiretso imbes na bumalik sa hospital kung saan dapat siya sanang mag-stay pero dahil hindi niya gusto ang ambiance sa hospital ay dumiretso na siya sa condo niya ng walang paalam sa Daddy niya."Ilapag mo nalang diyan ako na ang bahala," utos niya ng hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang laptop.Mayroon kasi siyang tinatapos na trabaho kaya naman hindi niya kailangan ng distraction. Narinig niya ang yabag nito kasunod ng pagbukas at sara nung pinto. Ilang segundo matapos lumabas ng butler niya ay tumunog ang cellphone niya.Tinignan niya iyon at kaaad na napaikot ang mg
Third person point of viewKinabukasan, maaga pa lang ay nakatambay na si Alisson sa labas ng condo unit ni Leslie. Maya't-maya ang pagtingin niya sa pambisig na relo niya dahil pakiramdam niya ay isang oras na siyang naghihintay at kanina pa siya inaatake ng gutom."Aisht!" Nagrereklamong aniya at itinaas ang kamay para sana kumatok pero binaba niya rin dahil nakaramdam siya ng hiya.Sumandal siya sa tabing pinto at minsan pa'y tahimik na naghintay pero lumipas na ang halos kalahating oras ay wala pa rin.Napipikon na hinarap niya ang pinto ng unit nito at padarag na kinalambag.____Abala si Lucing sa paglilinis ng mapatalon siya dahil sa gulat matapos marinig ang malakas na kalampag sa pintuan."N-Nanay L-Lucing, a-ano iyon?" Kinakabahang tanong ni Alliyah habang dahan-dahan na naglalakaad palapit sa kaniya."Titignan ko lang ha, dito ka lang," sambit niya at itinigil ang kaniyang trabaho.Naglakad siya patungo sa front door at binuksan ang pinto.Sa labas ay bumungad sa kaniya ang
Third person point of view"Doc Leslie!""Leslie!"Nagbalik siya sa katinuan ng makarinig siya ng isang malakas na sigaw at mga boses na tinatawag ang pangalan niya. Iginala niya ang paningin niya sa mga kasama niya at nagtaka siya dahil nagkakasiyahan ang mga ito, kaya naman dahan-dahan niyang tinignan ang pasyente nila at halos mapaluhod na siya ng marinig niya ang machine na hindi na isang straight ang tunog nagbi-beep na ito.Tahimik siyang nagpasalamat sa panginoon dahil hindi nito hinayaan na mamatay ang pasyente nila pero bakit hindi niya makuhang magsaya ng tuluyan."Well done Doc Leslie," papuri ng Director ng hospital na dinugtungan ng iba pa niyang mga kasamahan.Tipid siyang ngumiti, "it's on us," maikling tugon niya at sinimulan ng ayusin ang mga monitor na nakakabit sa katawan ng pasyente para mailipat na nila sa ICU.Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng operating room. Ramdam niya ang mga matang nakatunghay sa kaniya pero hindi niya nalang pinansin ang mga iyon.Nagpatul
Third person point of view"What the hell are you doing here!?" Singhal na tanong niya sa lalaking kasama ng anak niya. All of the excitement na naramdaman niya makita lang kaagad ang anak niya ay naglaho ng parang bula at napalitan ng hindi maitagong galit."L-Let me e-explain," nakataas ang kamay na sambit nito na animo'y sumusuko.Hindi niya ito pinansin, hinarap niya ang anak niya na natutulala habang nakatingin sa kaniya, "go to your room," utos niya dito."M-Mommy?" Naluluhang tanong nito.Tumalim ang tingin niya dito at bago pa niya mapigilan ang sarili ay nakagawa na siya ng isang bagay na pagsisisihan niya, "I said go to your room Alliyah Lauren!" Sigaw na utos niya dito.Tuluyang tumulo ang mga luha nito at nagtatakbo paakyat sa second floor pero bago ito tuluyang tumalikod ay nakita niya ang pagbalatay ng lungkot at sakit sa mga mata nito."What is your problem!?" Sigaw ni Alisson sa kaniya."Umalis ka na," iyon lang ang naging tugon niya sa sinabi nito.Masamang tingin ang
Third person point of view Galit na tinulak ni Leslie palayo sa kaniya si Alisson Luigi bago malakas na sinampal.PAK!Gulat na napatingin ito sa kaniya dahil sa malakas na pagkakasampal niya.Malalim ang paghinga niya habang nanginginig ang mga kamay na itinuro ito."G-Ganiyan k-ka ba kabastos pinalaki ng mga magulang mo!?" Nanginginig sa galit na tanong niya at bahagyang pumiyok."L-Leslie, s-sorry," paghingi nito ng paumanhin at tinangka siyang lapitan pero mabilis siyang lumayo.Masaman tingin ang ipinukol niya rito, "huwag na huwag ka ng lalapit sa akin lalong-lalo na sa anak ko!" pagbabanta niya bago niya ito tinalikuran at tuluyang iniwan.Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay hindi magkandatuto na kinandado niya ang pinto."M-Mom, are you okay?" Pinakalma niya muna ang sarili bago niya hinarap ang anak niya.Lumuhod siya sa harapan nito, "bakit gising pa ang unica hija ko alas ocho na ng gabi?" Tanong niya habang nakangiti kahit halata namang pilit lang.Tipid itong ngumiti sa
Third person point of viewPagkatapos magpasikatan ni Leslie at Sheena ay nagpatuloy sila sa kanilang meeting na parang walang nangyari."Since Doctor Sheena is a heart surgeon, she will join our heart department led by my wife Doctor Irish Chen," sambit ng director ng hospital.Bahagyang yumuko si Doctora Irish bilang respeto sa bagong doctor na mapapabilang sa grupo nito, "welcome to my team, maging masunurin ka lang at wala kang magiging problema sa amin," mahinahon na sambit nito pero mababanaag ang pagbabanta doon.Kitang-kita niya ang palihim na pag-irap ng bagong dating na doctor, wari'y hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Doctor Chen.Pagkatapos nitong umirap ay siya naman ang binalingan. "What about her?" Maarteng tanong nito at tahasan siyang itinuro."She's a general surgeon and a lead on her team," sagot ni Doctor Dante Chen.Nagtaas siya ng kilay dito bago ito nang-aasar na nginisihan."Shouldn't I supposed to be a leader too?"Nagsinghapan ang mga nakarinig sa ibinulalas