Share

Chapter 7

Third person point of view

Kinabukasan, maaga pa lang ay nakatambay na si Alisson sa labas ng condo unit ni Leslie. Maya't-maya ang pagtingin niya sa pambisig na relo niya dahil pakiramdam niya ay isang oras na siyang naghihintay at kanina pa siya inaatake ng gutom.

"Aisht!" Nagrereklamong aniya at itinaas ang kamay para sana kumatok pero binaba niya rin dahil nakaramdam siya ng hiya.

Sumandal siya sa tabing pinto at minsan pa'y tahimik na naghintay pero lumipas na ang halos kalahating oras ay wala pa rin.

Napipikon na hinarap niya ang pinto ng unit nito at padarag na kinalambag.

____

Abala si Lucing sa paglilinis ng mapatalon siya dahil sa gulat matapos marinig ang malakas na kalampag sa pintuan.

"N-Nanay L-Lucing, a-ano iyon?" Kinakabahang tanong ni Alliyah habang dahan-dahan na naglalakaad palapit sa kaniya.

"Titignan ko lang ha, dito ka lang," sambit niya at itinigil ang kaniyang trabaho.

Naglakad siya patungo sa front door at binuksan ang pinto.

Sa labas ay bumungad sa kaniya ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status